• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2026

No work, no pay sa mga matataas na opisyal ng gobyerno isinusulong sa Senado

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ngayon sa Senado ang panukalang batas na naglalayong hindi pagkalooban ng sahod ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa mga araw ito ay absent nang walang malinaw na paliwanag.

Saklaw sa panukala ang Pangulo, bise-Presidente, senador, congressman, mga halal na opisyal, cabinet secretaries at mga department heads.

Nakasaad din rito ang hindi pagbibigay ng mga allowances sa mga opisyal na absent na walang maayos na abiso sa pagliban. 

Ayon kay Senator Erwin Tulfo na sponsor ng panukalang batas, nakasanayan na umano ng mga matataas na opisyal na walang sumisita na sumasahod kahit absent. Nakakahiya aniya na mga ordinaryong manggagawa ng gobyerno na walang sahod pag absent. 

Binigyang-diin ng Senador na dapat pantay-pantay umano ang polisya sa no work, no pay. Ordinaryong manggagawa o maging matataas na opsiyal man. 

Kasunod nito, kinilala ni Tulfo ang boluntaryong pagpapatigil ni Sen. Jinggoy Estrada sa kaniyang sahod noong arestuhin ito. 

Samantala, matatandaan na naging sentro ng usapin ang no work, no pay dahil sa matahal na pagliban ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngunit patuloy na tumagtanggap ng kaniyang sahod. ( DARIS JOSE)

Alex Eala bigong makapasok sa finals ng Berlin Open

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Berlin Open.

Ito ay matapos na talunin siya ni Linda Nosková ng Czech Republic sa semifinal round sa score na 2-6, 4-6.

Naging agresibo sa unang set pa lamang si Noskova kung saan nakuha nito ang kalamanagan na 3-1.

Sa ikalawang set ay sinubukan pa ni Eala na talunin ang ranked 13 player subalit ito ay mailap.

Ang nasabing laro ay bahagyang naantala ang pagsisimul dahil sa pagbuhos ng malakas na pag-ulan.

Makakaharap naman ni Noskova sa finals si Jessica Pegula.

Germany, tinalo ang Ivory Coast sa isang comeback game

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMAWALA mula sa mabigat na first half ang Germany at umiskor ng late comeback upang talunin ang Ivory Coast, 2-1, sa nagpapatuloy na World Cup competition

Matagal na na-outplay ang Germany sa unang bahagi ng laban at naiwan pa sa iskor matapos ang goal ni Franck Kessie sa ika-10 minuto ng laro paara sa Ivory Coast.

Sa kabila ng kontrol ng kalaban sa possession at tempo, nanatiling buhay ang Germany hanggang sa second half kung saan nagsimulang gumalaw ang bench strength ni coach Julian Nagelsmann. Pinasok ang ilang fresh players, kabilang si Deniz Undav, at dito unti-unting nagbago ang direksyon ng laro.

Nagpakita ng agarang epekto si Undav nang makapantay sa ika-68 minuto matapos ang long pass ni Nadiem Amiri, bago tuluyang tapusin ang comeback sa stoppage time sa isang clinical finish mula sa assist ni Felix Nmecha.

Dahil sa dalawang goals ni Undav, nakuha ng Germany ang mahalagang panalo at kinumpirma ang kanilang puwesto sa knockout stage.

Aminado ang German camp na hindi naging madali ang laban, ngunit binigyang-diin ang character at depth ng squad na nagbigay ng panalo kahit galing sa bench ang naging game-changer.

Ang resulta ay nagpalawig pa sa impressive run ng Germany, na patuloy na nagpapakita ng consistency sa kanilang kampanya matapos ang mga nakaraang World Cup disappointments.

Para sa Ivory Coast, nauwi sa sayang na pagkakataon ang maagang kalamangan habang bigo pa rin silang makuha ang unang knockout stage qualification sa kasaysayan ng kanilang kampanya.

Ads June 22, 2026

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads June 20, 2026

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Sa sama ng loob nabanggit na nakitira sa kanila ang kapatid…LOTLOT, aware na si IAN ang bukod tanging tagapagmana ni NORA (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGAL nang namayapa ang Superstar na si Nora Aunor.

Subali’t hanggang sa kasalukuyan di pa rin matapus-tapos ang sinasabing alitan sa pagitan ng mga anak na naiwan nito.

Kamakailan lamang ay nag-guest si Ian de Leon sa Fast Talk With Boy Abunda.

Base sa mga tanong ni Kuya Boy, mahinahon itong sinagot ni Ian.

Deretso. Pero mukhang planado. Bagama’t seryoso, hindi namin narinig sa mga katanungan ang diretsong kasagutan.

Ang tanging natatandaan namin sa interview ay yung ibibigay niya ng ang dapat mapunta sa kanyang mga kapatid.

At ipinagdiinan nito na “time heals all wounds”. Ibig sabihin ang sugat na nalikha ng kanilang sinasabing alitan ay gagalling din sa tamang panahon.

Wala siyang ibinigay na detalye sa mga nangyari. Maging sa mga properties na naiwan ng kanilang ina.

Sa kabilang banda, napanood din namin ang pahayag ni Lotlot de Leon, at ang reaksyon nito tungkol sa nasabing guesting ni Ian. 

Sa mahabang pahayag ni Lotlot, naantig ang aming puso at damdamin. Sa kanya namin naramdaman ang tila katotohanan at sinseridad.

Nakapagbigay linaw ito at ipinagdiinan niyang wala silang hinahabol na mana, sampu ng kanyang mga kapatid na sina Matet, Kiko at Kenneth.

Binanggit din nito na binanggit niya kay Ian kung payag ba itong magbigay kung anuman ang naiwan ng kanilang ina. Hindi ito para sa pansarili niyang kapakanan. Kundi para sa kanyang mga kapatid.

Di naman kaila sa lahat na ilang taon din  na nawala si Ate Guy at nanirahan sa Amerika. Lahat ng kapatid ni Lotlot ay naiwan sa kanyang pangangalaga sa habilin na rin ng kanilan ina.

Sa sama siguro ng loob ni Lotlot, nabanggit na rin nito na kung ilang taon din tumira sa kanyang bahay si Ian. Yon yung panahon na asawa pa niya si Monching Gutierrez.

Hindi naman ito kaila sa mga fans ni Ate Guy. Naging isang huwarang ate si Lotlot sa kanyang mga kapatid.

Aware naman si Lotlot na si Ian ang bukod tanging tagapagmana ni Ate Guy. 

Kung nakapagtanong man si Lotlot ng ganun kay Ian tungkol sa mana, natural lang siguro bilang panganay siya at kapatid niya ang kanyang pinagtanungan. 

Higit sa lahat, alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang tumayo sa sarili niya mga paa. May career siya. Hindi rin naman matatawaran ang abilidad niya kung pag-arte din lang ang pag-uusapan.

Malamang na ang gustong bigyang pansin ni Lotlot ay ang kapakanan ng tatlo niyang kapatid. Ang kinabukasan ng mga ito. 

Kung totoong gusto ni Ian na ibigay ang sa pakiramdam niya ay nararapat para sa kanyang mga kapatid, kailangan ba ang legalities?

Aminado naman ang mga kapatid nitong siya ang solong tagapagmana. Hindi kaya maganda kung siya na mismo ang magdesisyon na kusang loob na ibigay kung ano ang gusto niyang ibigay para sa mga ito? 

At kung totoong wala siyang intensyong angkinin ang lahat ng pag-aari ng kanilang ina, hindi ba dapat hindi na ito dumaan sa legalidad. 

HIndi ba sapat na puso ang magdikta sa kanya para tuluyan niyang maiparamdam na itinuturing niya silang mga kapatid!

Well, marami tuloy ang nagsasabing totoo nga… pera ang nagpapabago sa maraming tao.

Marami ang natutuwa sa mga uploaded photos at videos… KATRINA at KRIS, hinuhulaan na posibleng magkabalikan (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARAMI ang natutuwa sa mga uploaded photos at videos nina Katrina Halili at Kris Lawrence sa kani-kanilang social media account.

Hinuhulaang maaring magkabalikan ang dalawa.

Naghiwalay nang landas sina Katrina at Kris nuong 2014. 

Matagal na panahon bago sila muling nagkausap.

At dahil dalaga na nga namabn ang anak ng mga itong si Katie, napagdesisyunan ng dalawa ang tinatawag na co-parenting.

Kumbaga, pareho silang magbubuhos ng atensyon at pagmamahal sa kanilang anak.

Marami nga ang natuwa.

Meron din namang nagdalawang isip kung may katotohanan ba ang kanilang mga uploaded videos at photos?

Hindi kaya ito isang publicity o media slant para ipakita na civil ang kanilang relasyon

Totoo man ito o hindi, sana lang huwag madamay ang kanilang anak.

Kasi kung hindi totoo, malaking sugat ang puwedeng iwan nito sa kanilang anak.

Ngayon kung totoo naman, sana kung magkakabalikan man sila hindi lamang para sa kanilang anak. Kundi opara na rin sa kanilang mga sarili dahil mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Tandaan sana nila na unfair din ito para sa kanila. Yung tipong magkakabalikan sila para mabuo ang kanilang pamilya para sa kapakanan ng kanilang anak. 

Kung magkakabalikan sila, sana para ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan at hindi dahil gusto lang nilang maging masaya ang kanilang anak.

Tinuring na kapatid at tatawagin pa ring ‘Ate’…IAN, diretsahang sinagot ang mga paratang ni LOTLOT (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DIRETSAHANG sinagot ni Ian de Leon ang mga pahayag laban sa kanya ni Lotlot de Leon na kung saan tinawag siyang ’sinungaling’.

Sa pamamagitan ng Facebook stories, sunud-sunod na sinagot ng aktor ang isyu kaugnay ng mana mula sa yumaong isang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using Mom’s name?” say ni Ian.

Dagdag pa niya, “That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan. I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it. 

“Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up.

“The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao. Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems.”

Pagpapatuloy pa niya, “Gusto nyo akong i-entrap during one event to sign something without telling right away what our dinner is all about. 

“That’s why pala you have your lawyers with you. Thankfully, this person asked us for dinner that I can’t decline.”

“The projects/plans for the legacy came before fixing any legalities and were still a concept at that time.

“Now there are issues, but the planning is still ongoing.

“I cannot just stop what I’m doing because of the issues.

“And why am I going to include a person who refuses to cooperate?

“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting na dalawang beses sila umattend? Wala na rin yung 40 days na nag-decline ka?

“At sinungaling din ba si Tita T. na tinawagan ka to join us, pero sabi mo no kasi may work ka pa naman at inuna kasi akong kausapin?

“Why? Is it because it was me? Why?”

Litanya pa ni Ian, “Who put down the siblings?

“Did you even watch the whole show before reacting?

“Kayo lang ba puwedeng magpa-interview?

“I don’t go out just like that. It’s for a Father’s Day episode.”

Panghuli mariing sinabi ng aktor na, “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad. 

“Tinuring mo kong kapatid. Tinuring din kitang parang totoong kapatid!“And I still call you Ate.”

Matatandaang naging emosyonal at si Lotlot sa presscon ng “40 Days” at binasag na ang katahimikan after na lumabas ang interview ni Ian sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan napag-usapan nga ang isyu sa kanilang magkakapatid.

2 drug suspects, kulong sa higit P.4M droga sa Caloocan

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa selda ang isang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) at kasabwat nito matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga nadakip na sina alyas “Prince”, 24, (HVI) at alyas “Aljon”, 34, kapwa ng residente ng Brgy., 36.

Batay sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcenent Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon kay alyas Prince. 

Isinagawa umano ang transaksyon sa bahay ni alyas Prince sa C. Name St. Brgy., 36, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at sa kasabwat na si ‘Aljon’ dakong alas-5:13 ng hapon nang bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Bukod sa 64.97 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P441,796.00 na nakumpiska sa dalawa, nakuhanan pa sila ng isang plastic sachet na naglalaman ng 14.76 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P20,664.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at anim na P1,000 boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A.916 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act sa Caloocan City Prosecuto’s Office.

Ayon kay Gen. Capili, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pangako ng NPD na paigtingin ang laban sa ilegal na droga upang matiyak ang mas ligtas na mga komunidad at protektahan ang publiko mula sa mga mapaminsalang epekto ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

NHA, NAMAHAGI NG ₱49.2-M AYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinaiigting ng National Housing Authority (NHA) ang mga hakbang nito upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol na tumama kamakailan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) noong Hunyo 18, 2026. 

Personal na pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang pamamahagi ng EHAP sa Oval Plaza, General Santos City, upang mapakinabangan ng nasa 1,340 pamilya. Ang bawat pamilya ay tumanggap ng tig-₱30,000 na umaabot sa ₱40,200,000. 

Pinangasiwaan din ni GM Tai ang EHAP payout sa Glan Central Integrated SPED Center, Brgy. Poblacion, Glan, Sarangani Province, kung saan 300 apektadong pamilya ang nakatanggap ng ₱30,000 bawat isa, na sumuma sa ₱9,000,000.

“Sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NHA po ay may nakalaang pondo para sa EHAP upang makapaghandog kami ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng sakuna at kalamidad. Ito po ay para makatulong kami sa kanilang pagbangong muli at mabigyan sila ng pag-asa sa buhay,” wika ni GM Tai. 

Ang nasabing proyekto, na bahagi ng NHA Resettlement Assistance Program for Local Government Unit (RAP-LGU), ay binubuo ng 80 housing units para sa mga dating Informal Settler Families (ISFs) na naninirahan sa mga mapanganib na lugar.

“With this groundwork na ginawa namin, we are continuously doing our best to work hand in hand with our local governments, most especially with the mayors of the affected cities. These collaborations aim to intensify yung kagustuhan namin to provide the immediate needs ng mga biktima ng lindol, pati na rin ang tulong para sa kanilang mga kabahayan,” dagdag ni GM Tai. 

Bago ito, nagpatupad din ang NHA ng isang buwang moratorium sa amortization at lease payments para sa mga existing account holders mula sa Regions 9,10,11,12, at 13 mula Hunyo 1-30, 2026, kasunod ng direktiba ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling. 

Nakasama ni GM Tai sa mga aktibidad na ito sina NHA XII Regional Manager Engr. Zenaida M. Cabiles, General Santos City/Koronadal/South Cotabato/Sarangani District Manager Engr. Fritzie M. Punzalan, General Santos City Mayor Lorelie G. Pacquiao, General Santos City, Sarangani Governor Rogelio D. Pacquiao na kinatawan ni Atty. Kareen Joy Solaria, Glan Mayor Victor James B. Yap, Sr., DHSUD XII OIC Regional Director Benleo T. Jarangue, OCD XII Regional Director na kinatawan ni G. Jerome Barranco, at iba pang lokal na opisyal.

Muling pinagtitibay ng NHA ang pangako nito sa pagtiyak ng napapanahon at mabilis na paghahatid ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya at pinakamalalayong komunidad tungo sa kanilang pagsisimulang muli.

 (PAUL JOHN REYES)