• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2026

Dengue ngayong taon bumaba ng 56 percent – DOHBUMABA ng 56% ang mga kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, kumpara sa naitalang mga kaso sa parehong panahon noong 2025, ayon sa Department of Health (DOH).

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Naitala ang 50,727 kaso ng dengue sa unang limang buwan ng taon na mahigit sa kalahati ang ibinaba mula sa 114,308 na naitala sa kaparehong mga buwan noong nakalipas na taon.

Naniniwala ang DOH na malaking tulong sa pagbaba ng mga kaso ang paglilinis ng mga komunidad na “4Ts” o “Taob, Taktak, Tuyo, at Takip,” para mawalan ng pinamumugaran at pinangingitlogan ang mga lamok.

Kabilang din ang pagsusuot ng pantalon, long sleeves, medyas at sapatos, at paggamit ng kulambo at mosquito repellent para makaiwas na makagat ng lamok.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad na magpakonsulta sakaling makaramdam ng mga sintomas na mataas na lagnat, rash, nausea, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pananakit ng katawan at mata, at pagdurugo ng ilong.

Una nang nagpaalala ang DOH ngayong tag-ulan na ingatan ang sarili laban sa “W.I.L.D” diseases o waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptos­pirosis, at dengue.

Unang Ginang Liza nagpahatid ng Father’s Day tribute kay PBBM sa pamamagitan ng executive order

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINATI ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Father’s Day sa pamamagitan ng isang “Official Presidential Father’s Day Executive Order.”

Sa kanyang social media post, sinabi nito na bilang isang Ama, dapat ay nagpapahinga ngayon si Pangulong Marcos at “no stressful meetings.”

“The President tirelessly attends to the affairs of the nation while also fulfilling the responsibilities of fatherhood; therefore, a period of well-deserved rest shall be observed on Father’s Day,” ayon sa Unang Ginang.

“Father’s Day is a special occasion dedicated to family, gratitude, and quality time with loved ones; therefore, all non-essential meetings and stressful discussions shall be deferred for the day,” ang sinabi pa rin ng Unang Ginang.

Aniya pa, “dessert is a must,” lalo pa’t “every celebration worthy of the Office of the President deserves a sweet ending.

Ang “executive order” ay pinirmahan ng Unang Ginang at kanilang tatlong anak na sina Sandro, Simon, and Vincent. 

(DARIS JOSE)

NDRRMC: Halos 1.6 milyon apektado ng magnitude 7.8 lindol sa Mindanao

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT na sa humigit-kumulang 1.59 milyong indibidwal ang apektado ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Minadanao noong Hunyo 8, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, apektado ang 1,599,350 katao o 375,664 pamilya mula sa 580 barangay sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Sa naturang bilang, 22,109 katao ang nananatili sa mga evacuation center habang 63,351 naman ang nabigyan ng tulong sa labas ng mga evacuation site.

Kabilang rito ang isang kaso sa Glan, Sarangani na dating nakalista bilang parehong patay at nawawala ngunit kalaunan ay nakumpirmang pumanaw at tinanggal na sa listahan ng missing persons.

Nananatili namang 31 ang nawawala habang 1,339 ang sugatan batay sa pinakahuling datos.

Samantala, patuloy pa rin na mino-monitor ang pinsala sa imprastraktura kabilang ang 130 kalsada at 47 tulay na naapektuhan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, habang 47 lugar ang nakaranas ng power interruption na bahagi ay naibalik na ang suplay ng kuryente.

Tinatayang 68,511 bahay ang bahagyang nasira at 14,234 ang tuluyang nawasak sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro region.

Umabot naman sa ₱1.356 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang nasa ₱318.66 milyon na ang naipamahaging ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD) at mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa sa NDRRMC, mahigit 456,000 family food packs na ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon.

Habang iniulat naman ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang mga landslide sa ilang bahagi ng Sarangani at Davao Occidental batay sa satellite images, na may tinatayang 137.87 ektaryang apektadong lugar dulot ng pagguho ng lupa matapos ang lindol.

Ping: Cayetano kawawa, malapit nang bumigay

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUWELTAHAN ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pagtawag sa kanya ni Sen. Alan Peter Cayetano na isang “sunud -sunurang aso”.

“Kawawa naman. Kung anu-ano na ang sinasabi. Parang malapit nang bumigay. Sana hindi matuluyang mag-meltdown,” ani Lacson sa isang post sa X.

“ASO? HINDI KO KAILANMAN AAMIN ‘YAN. Pero siya — Kuya Ping ang tawag niya sa akin — matagal na… SELF-ADMISSION yata ang tawag dun,” dagdag pa ni Lacson.

Ang reaksyon ni Lacson ay kaugnay sa pahayag ni Cayetano na si Senate President Pro Tempore Tito Sotto III at Sen. Raffy Tulfo ay tuta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tinawag din nitong tuta ni Lacson si Sen. Erwin Tulfo.

Samantala sa isang mensahe naman sa mamamahayag, sinabi ni Sotto na hindi na dapat patulan ang mala telenovelang mga ingay ni Cayetano na wala namang mararating.

Giit ni Sotto, isa lang itong pag-aaksya ng oras at dapat nang sumulong para sa ikabubuti ng bansa.

“It’s about time na huwag n’yo nang patulan ang mala telenovelang mga ingay na wala namang mararating. Waste of airtime. Lets move on for the good of the country,” pahayag ni Sotto. ( DARIS JOSE)