• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2026

Abante naghain ng cyber libel, libel vs. Baligod, ex-Marines kaugnay ‘maleta’

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHAIN si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng reklamong cyber libel at libel sa Department of Justice laban kina Atty. Levito Baligod, 18 dating Marines, at media outlet DWSI 864 kaugnay sa alegasyon na nagsasangkot sa mambabatas sa umano’y distribusyon ng male-maletang pera.

Sa kanyang complaint-affidavit, mariing itinanggi ni Abante ang akusasyon na lumabas sa isang press conference noong February 24 at ipinakalat sa social media.

“For the record, I vehemently deny the incorrect, baseless, and/or misleading allegations made by the complainants in the Libelous Salaysay distributed and made known to the media and public during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page through the Libelous Post,” ani Abante.

Sinabi ng mambabatas pinalalabas sa naturang alegasyon na tumanggap ng pondo na ibinigay sa pamamagitan ng maleta.

“Simply put, the unsigned and unnotarized Libelous Salaysay alleges that I, a public servant, was one of the recipients of ‘kickbacks. Such allegation is completely false and untrue. I vehemently deny and refute the incorrect, baseless, and misleading libelous statements in the Libelous Salaysay distributed and broadcast to the media during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Abante na sinadya umano ng mga respondents na isapubliko ang akusasyon sa halip na dalhin sa kaukulang otoridad para i-evaluate ito, na nagresulta sa trial by publicity.

“To make matters worse, the Libelous Press Conference brazenly paraded the Libelous Salaysay—then still unsigned by the 18 Marine Respondents and unnotarized, thus not under oath—before the public eye. Instead of elevating these matters to the proper forum, respondent Atty. Baligod and the 18 Marine Respondents deliberately chose a public tirade over proper processes and channels,” nakassad sa reklamo.

Kinuwestiyon din ng chairman ng House human rights ang kredibilidad ng alegasyon dahil hindi niya nakausap o nakaharap ang mga respondents at wala siyang kinalaman sa anumang cash deliveries.

“For the record, I have never dealt with or ever seen any of the 18 Marine Respondents. I have no dealings with regard to deliveries of money from former representative Zaldy Co,” giit ni Abante.

Dagdag pa niya, “significantly, the allegations lack any specific date or circumstance of the claimed delivery and receipt, while photographs show only cash, luggage, and strangers, establishing nothing. Coupled with their groundless tale, this amounts to nothing more than smoke and mirrors slander.”

Tinukoy pa niya ang mga inconsistencies o hindi pagkakatugma sa mga sa pagitan ng walang lagdang dokumentong ipinakalat noong press conference at notarized affidavit na isinumite sa Office of the Ombudsman, at statements na ginawa ni Baligod kaugnay sa dating senador at ngayon ay party-list Rep. Leila de Lima.

(Vina de Guzman)

Mga Pinoy na walang trabaho, dumami noong Abril

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAS maraming Pilipino ang walang trabaho nitong Abril ng kasalukuyang taon kumpara noong 2025 sa parehong buwan, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority.

Batay sa tala ng ahensya, tinatayang nasa 2.41 milyong indibidwal ang walang trabaho nitong Abril 2026, mas mataas kumpara sa bilang na 2.06 milyong mga unemployed noong Abril 2025.

Sa esensya, 47 sa bawat 1,000 tao ng kabuang labor force o lakas paggawa ng Pilipinas ang maituturing na unemployed o walang trabaho at pinagkakakitaan.

Tumutukoy ang labor force o lakas paggawa sa bahagi ng populasyon na edad 15 pataas na may kakayahang maghanap ng trabaho at maging isang manggagawa.

Ayon sa PSA, nasa 51.30 milyong Pilipino ang kalahok sa lakas paggawa ng bansa nitong Abril.

Bagama’t dumami ang mga unemployed, tumaas din naman ang bilang ng mga Pilipinong manggagawa. Mula sa 48.67 milyong indibidwal na may trabaho noong Abril 2025, naging 48.89 milyon na ito nitong kaparehong buwan ng kasalukuyang taon.

Pinakamaraming manggagawa ang naitala sa sektor ng paglilingkod o serbisyo na bumubuo sa 62.3% ng kabuuang bilang may trabaho, o nasa mahigit 30 milyong indibidwal.

Sinundan ito ng sektor ng agrikultura na may 19.4% o mahigit siyam na milyong bilang, at sektor ng industriya na kinabibilangan ng pagmamanupaktura, pagmimina, konstruksyon, at pampublikong serbisyo na may 18.3% o mahigit walong milyon. 

Mayorya sa mga manggagawa ang kabilang sa sahuran at swelduhang paggawa (64.4%), sinusundan ng mga self-employed (27.8%), mga trabahador sa kani-kanilang sariling pamilya na hindi binabayaran (5.8%), at mga trabahador sa mga sakahan o negosyong pag-aari ng sarili nilang pamilya (2.0%).

Ang mga sahurang manggagawa ay tumutukoy sa mga trabahador na binabayaran ayon sa kanilang araw-araw na trabaho tulad ng mga pabrikante, samantalang ang mga swelduhang manggagawa naman ay mga trabahador na binabayaran kada buwan ayon sa kanilang propesyon. 

Bukod dito, inilantad din sa datos ng PSA na dumami rin ang mga Pilipinong underemployed. Batay sa tala, 7.41 milyon sa bilang ng mga manggagawa ang nagsabing naghahangad sila ng mas mahabang oras ng pagtatrabaho, dagdag na pagkakakitaan, o hindi naman kaya’y bagong trabaho na may mas mahabang oras.

Nagbigay naman ng pahayag ang Malacañang ukol sa dumaming bilang ng mga Pilipinong may trabaho.

“Naging maganda po ang resulta pero hindi po ito pababayaan. Kahit medyo nag-increase po ang employment rate, patuloy pa rin po ang ating gobyerno sa paglikha ng dekalidad na trabaho at pagbibigay ng mga livelihood project sa ating mga kababayan,” saad ni Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing noong Hunyo 8, Martes.

NHA, SINURI ANG PINSALA NG LINDOL SA MGA PROYEKTONG PABAHAY SA MINDANAO; HINAHANDA NA ANG TULONG PARA SA MGA APEKTADONG PAMILYA

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AGAD na ipinag-utos ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai ang isang rapid assessment sa mga project sites ng ahensya na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa baybayin ng Saranggani nitong Hunyo 8, 2026. 

Mabilisang inatasan ni GM Tai ang mga tanggapan ng NHA sa Regions 9, 11, 12 at 13 na masusi at maingat na magsagawa ng site inspections at masuri ang kalagayan ng mga housing units at community facilities ng ahensya, upang matiyak ang kaligtasan ng mga buhay at istruktura sa mga resettlement sites. 

“Kasulukuyan po ang aming koordinasyon sa aming mga regional offices sa Mindanao, at sa mga local government units ng mga apektadong lugar upang masiguro ang angkop at mabilis na pagtulong sa aming mga benepisyaryo [ng pabahay] at sa iba pang pamilyang lubos na naapektuhan ng lindol,” GM Tai said.

Sa panahon ng kalamidad, nagpapatupad ang NHA ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) kung saan nagpapaabot ang ahensya ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol, pagbaha, sunog at iba pang sakuna. Bilang paghahanda rito, ang mga regional offices katuwang ang mga LGU ay masusing nagmo-monitor ng mga housing project at data verification ng mga benepisyaryo ng pabahay at iba pang naapektuhan. Ito ay para mabuo ang masterlist ng mga benepisyaryo ng EHAP. Ang mga makakasama sa listahan ay makakatanggap ng tulong pinansyal na maaaring gamitin ng pamilya upang pambili ng kagamitan sa pagkukumpuni at pagtatayo ng mga bahagya o tuluyang nasira na mga tahanan.

Bukod sa tulong pinansyal, pinag aaralan din ng NHA ang pagpapatayo ng bagong mga tahanan para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan. Ang pangmatagalang solusyon na ito ay susuriin sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV) ng ahensya.

Ang NHA ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa national at local response agencies upang masuri ang kalagayan ng mga nasabing lugar. Pinagtitibay ng ahensya ang kanyang pangako na uunahin ang kapakanan at pangangailangan ng lahat ng mga apektadong benepisyaryo sa Mindanao.

Ayon sa ulat, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 7.8-magnitude na lindol na naramdaman sa mga lalawigan sa loob ng Mindanao Island, lalo na sa General Santos City.

Naapektuhan din ng matinding lindol ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Makaasa po ang bawat isa na handa ang NHA na maghatid ng mga programang tutugon sa mga apektado ng kalamidad na kagaya nito upang sila’y matulungang makabangong muli,” binigyang-diin ni GM Tai. (PAUL JOHN REYES)

Ads June 10, 2026

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Over forty years old na ang very special gift…SHARON, ipinamana na kay KC ang kauna-unahang luxury watch  (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang isang special gift para para sa panganay na si KC Concepcion.Ipinamana na ni Sharon kay KC ang kauna-unahang luxury watch na nabili niya para sa sarili more than forty years ago.Panimula ni Mega sa kanyang post, “when KC visited me recently, I gave her a very special gift.”

“Notice the watch she is wearing in the picture. It is the very first expensive watch I bought for myself when I was sixteen or seventeen, so it is over forty years old.” 

Isa itong gold-and-steel Cartier watch na may mahalagang bahagi sa kanyang buhay.

Pagpapatuloy pa ni Sharon, “in the next pic you’ll see me wearing it, in the movie SA HIRAP AT GINHAWA – the first movie I and her Papa made after our wedding in 1984.”Dagdag kuwento pa ni Sharon, “KC was in my tummy! Now she is wearing my precious watch.

“I love you, Tina!”

Naka-tag siyempre ang IG account ni KC at kasama ang #cartierSantossteelandgold.Tuwang-tuwa naman ang netizens na ginawang ito ni Sharon, bagay na dapat talagang ingatan ni KC ang naturang precious gift. Ilan sa naging komento nila…

“That is so precious. This kind of story is so heartwarming. That watch is a treasure for lifetime, not only because it expensive but most importantly, it was pass down from a precious memory.”

“So much personal history with the watch…and that makes it extra special.” 

“Grabeng sinop ni Mega, naitago pa ung watch at naipamana pa sa anak.”

“No one else deserves the timeless collection but the eldest @kristinaconcepcion 

“Maingat sya sa watch collections nya, million ang price each an heirloom for her daughters syempre meron silang lahat.”   

Libreng tiket sa ‘Puregold OPM Con Genarations’, alamin ang pagkuha… SB19, Ben&Ben, Alamat at iba pang OPM talents, pinaghahandaan na ng mga tagahanga (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!

Habang naghahanda ang mga tagahanga sa gabing pangungunahan ng ilan sa pinakamahuhusay na talento sa Original Pinoy Music, ilulunsad ng Puregold ang kakaibang paraan ng pagkuha ng tiket, na magsisimula sa Hunyo 12, at magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na magkaroon ng libreng tiket sa pamamagitan ng kanilang pinamiling groseri. 

Nakatakda sa ika-11 ng Hulyo sa Araneta Coliseum, pagsasama-samahin ng Con Generations ang SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara para sa isang hindi malilimutang gabi ng retailtainment, ang ikatlong iterasyon ng Puregold ng nasabing selebrasyon ng musika.

Mula Hunyo 12, maaaring makakuha ng libreng tiket ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks, sa pamamagitan ng kwalipikadong iisang-resibong napamili sa mga kalahok na tindahan ng Puregold. 

“Every year, we look forward to seeing the excitement that OPM Con brings to our customers,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club. Inc. 

“We know that OPM is more than just music for many Filipinos—it is part of our identity, woven into our memories, milestones, and everyday lives.”

Sabi ni Hayagan-Piedad, espesyal ang karanasang ito dahil nagsisimula ito bago pa man ang gabi ng concert.   

“Through our ticket redemption program, even a regular grocery trip can become the beginning of a memorable fan journey, bringing friends and families closer to the artists, songs, and communities that mean so much to them.”

Upang makakuha ng tiket, kinakailangang makakuha muna ng queueing number para sa kanilang ninanais na ticket tier ang mga kustomer na may aktibong membership sa Aling Puring o Perks. Kinukumpirma ng queueing number na ito kung mayroon pang puwang o slot sa napiling seksyon o kategorya ng tiket. 

Sa oras na makompleto ang pamimili, maaari nang tumungo ang mga miyembro sa ticket redemption booth at ipakita ang kanilang Aling Puring o Perks card, queueing number, at opisyal na resibo upang makuha ang kanilang concert ticket.

Narito ang mga halaga para sa mga single-receipt purchase at ang karampatang ticket category ng bawat isa:

VIP Standing – ₱8,500 minimum purchase 

Patron – ₱7,000 minimum purchase

Lower Box – ₱5,500 minimum purchase

Upper Box – ₱4,000 minimum purchase

General Admission – ₱2,500 minimum purchase

Obstructed Upper Box – ₱1,500 minimum purchase

Obstructed General Admission – ₱1,500 minimum purchase 

Ang bawat isang kwalipikadong transaksyon ay nagbibigay sa bawat miyembro ng isang concet ticket, at mayroong maximum na dalawang tiket lamang na maaaring makuha ang bawat miyembro sa durasyon ng ticketing period. Kung mayroong miyembro na makagagawa ng higit sa dalawang kwalipikadong transaksyon, ang mga transaksyon na may pinakamataas na halaga lamang ang magagamit sa pagbili ng tiket. Para naman sa VIP Standing at Patron na tiket, maaaring magsagawa ng cash-in papuntang P-Wallet account upang makakuha ng tiket. 

Hindi maaaring ilipat, ibigay, o ipamili sa ibang tao ang mga concert tiket. May karapatan ang Puregold na ikansela ang tiket o hindi payagan ang sinuman na pumasok sa concert venue oras na mapatunayang hindi lehitimo ang pagkuha ng tiket.

Para sa mga menor de edad, kinakailangang may kasamang may-ari ng tiket na edad 18 pataas. Hinihingi rin ang pagpirma ng isang waiver pagpasok sa venue. 

Maaaring makakuha ng tiket para sa OPM Con Generations sa mga sumusunod na tindahan ng Puregold sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Manila; Parañaque; Kalentong, San Andres, Manila; Q. Plaza, Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Para sa mga kustomer sa probinsya, mayroong ilalaan na Regional Fan Pass ang Puregold, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila at ng Pilipinas na makakuha ng tiket habang mayroon pang suplay.

Dahil inaasahang mabilis na mauubos ang mga tiket, hinihikayat ang mga mamimili na bumisita nang maaga sa mga kalahok na tindahan upang makuha ang ninanais na seksyon sa concert.

Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow @puregold_ph sa Instagram at X, at sa @puregoldph sa TikTok.

Natatawang sinabi na nagkatotoo ang propesiya…ELLEN, pinayuhan ng ama na mag-anak lang at ‘wag magpakasal (ni: ROSE GARCIA)

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGING guest si Ellen Adarna sa ‘Kuan on One’ ni Melai Cantiveros, parehong mga Bisaya.

Ikinuwento ni Ellen ang naging relasyon niya sa kanyang Papa noong nabubuhay pa ito at kung paano siya naapektuhan nang pumanaw ito, ilang araw bago siya nanganak.

Ang Papa niya pala, may bilin sa kanya na ‘wag siyang magpakasal.

“No man is worth your tears. Hindi ka madaling makuha kaya ‘wag kang magpaloko. No man is worth your tears.”

Naikuwento rin ni Ellen na noong High School, may boyfriend daw siya na iniyakan niya. Parang feeling niya, gusto niya na mamatay. Three months daw siya na gano’n kaya parang hindi na nakatiis ang Papa niya at kinausap siya.

Sinabi rin daw ng Papa niya sa kanya na ‘wag na siyang magpakasal, mag-anak lang.

“Hindi mo kailangan ng asawa, anak lang ang kailangan mo. Iba ang Papa ko. Manganak lang, kahit hindi mag-asawa.”

Natatawa na lang na sinabi ni Ellen na, “nagkatotoo ang propesiya niya.”

Inamin niyang napakasal siya kay Derek Ramsay dahil in-love naman daw siya noon, kahit na sumagi sa isip niya ang payo ng Papa niya dati. Though, as a woman, it was never in her bucketlist. 

“At least I can say, been there, done that.”

Sa ngayon, halatang masaya si Ellen, nasa aura naman niya at lalo na dahil mas solid ngayon ang friendship nila ng ex-boyfriend at ama ng anak na si Elias na si John Lloyd Cruz at sobrang grateful din ni Ellen sa boyfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos bilang napakabait daw na stepmom.

As for Derek, obviously, malalim ang naging dahilan kaya gano’n na lang ang tila galit ni Ellen dito.

***

RALPH, umani ng papuri at respeto sa matapang na pahayag

UMANI ng papuri at respeto ang dating PBB housemate na si Ralph de Leon. Matapos ang matapang niyang pahayag sa “Y Speak.”

May direktang mensahe si Ralph sa ngayo’y pinaghahanap o nagtatagong Senator na si Bato dela Rosa. 

Ayon kay Ralph, “Ito ‘yung pinakamahirap na episode para sa akin not only sa debate. But again, listening to the stories na shine-share ni Fr. Flavie.

“Grabe, ang dream ko lang talaga, ang wish ko lang ay mabigyan ng hustisya ang lahat. 

“Managot lahat ng kriminal whether it’s Duterte sa ICC or si Bato na nagtatago. Na kung ikaw talaga ay inosente, kung sinasabi mong inosente ka, bakit ka pa tumatakbo?

“Bakit ka pa nagtatago? Binabalahura mo pa ‘yong Senado. So, please never again.” 

Bukod sa magagandang comments, may nag-comment din na sana raw ma-impluwensiyahan din ni Ralph ang girlfriend na si AZ Martinez at ang co-housemate niya na may girlfriend na tinatawag na nepo baby.