MATAPOS ang highly publicized break up ni Cristine Reyes sa kanyang dating asawang si Ali Khatibi na isang MMA fighter, muling tumibok ang puso niya sa katauhan ng aktor na si Marco Gumabao.
Sa kasamaang palad di rin ito nagtagal.
Sa kasalukuyan, muling pinaligaya ang paligid ni Cristine sa piling ng kanyang bagong pag-ibig – si Gio Tingson.
Sa mundong ating ginagalawan, hindi natin puwedeng makuha ang lahat. Siguradong merong matutuwa, meron din namang sabihin na nating naiinggit o kaya naman ay mga taong wala lang magawa – gusto lang makisawsaw.
Ayon kay Cristine maligaya raw siya sa piling ni Gio. Dati niya itong kaklase nung elementary days nila.
Pero bakit marami ang kumukuwestiyon sa pagkatao ni Gio?
May mga nagsasabi kasi na wala naman daw itong regular job na masasabi.
Dahil diyan, inalam namin ang Linkedin Profile ni Gio.
Nagtapos si Gio AB Philosophy, minor in Development Management sa Ateneo De Manila University. Since 2004, head siya ng Grab’s Public Affairs Relations.
Nung 2014-2016 naging chairperson naman siya ng National Youth Commission
At nung 2018-2022 hinawakan naman niya ang Akbayan Citizen’s Action Party.
Bukod dito, siya rin ang Chief Political Officer ni Senator Bam Aquino mula nuong 2016-2018.
Naranasan din niyang maging associate lawyer sa isang law firm sa loob ng mahigit dalawang taon.
Hindi lamang daw smart si Gio pero artistic din.
Pinasok din niya ang arts and crafts, mula sa mural painting hanggang sa paggawa ng mga handmade soaps.
Mahilig din daw mag-travel itong si Gio.
So, ibig sabihin talagang wala nga siyang naging regular job.
Paano niya nagagawang mag-travel?
Baka naman marami na siyang naipon nung mga panahong konektado siya sa gobyerno.
Well… sa amin naman ay puro haka-haka lang. Hindi rin kami nakasisiguro.
At dahil may balitang engage na sina Cristine at Gio, wala naman sigurong masama kung mas gumastos itong si Cristine.
After all mahal naman niya si Gio.
Hindi ba?
***
SINO ang tinutukoy ng pambansang maritess na si Xian Gaza sa kanyang current upload sa Facebook?
Bukod kay Alex Ginzaga na talaga namang inilalantad at ipinagmamalaki ang kanyang baby bumps.
May isa pa raw buntis!
Isang young star daw na napababalita rin na buntis at 9 weeks na.
Bigla raw itong lumipad papuntang ibang bansa.
After ilang weeks, bumalik daw ito at flat na ulit ang tiyan.
Sino nga ba ang natsitsismis na buntis?
Ayaw naming maniwala sa mga bali-balita.
Gusto namin talagang may konkretong ebidensiya.
Pero may mga humuhula na mahilig daw ang youngstar sa mga sports enthusiasts!
Well, kung totoo man ang balita. Ayaw lang siguro niyang masira ang kanyang promising career.
Sana nga lang konting ingat. Marami namang paraan para makaiwas!