• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 3rd, 2026

Quezon City, host ng Palarong Pambansa 2027

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang host ng 67th Palarong Pambansa 2027 ang Quezon City makaraang tanggapin ni Mayor Joy Belmonte ang hosting responsibilities mula kay Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. sa ginanap na ceremonial turnover sa pagtatapos ng 2026 Palarong Pambansa.

Ayon kay ­Belmonte, makasaysayan ito sa lungsod para sa muling pagho-host ng Palarong Pambansa, na aniya’y sumasalamin sa mahabang kasaysayan ng Que­zon City sa larangan ng palakasan.

Kasabay aniya ito ng pagbubukas ng Amoranto Stadium. Naging host ang lungsod noong 1966.

Sinabi ng alkalde na layunin ng lungsod na mabigyan ang bawat student-athlete ng isang “champion’s experience” na karapat-dapat sa pa­ngunahing pambansang sporting event ng ­bansa at nagpapakita ng kultura ng kahusayan ng lungsod.

Nanawagan naman ang alkalde sa QCitizens na makiisa sa paghahanda at pagsalubong sa libu-libong atleta, coach, at delegado na inaasahang dadalo sa Palarong Pambansa sa Mayo 2027.

Dumalo rin sa turnover ceremony sina Department of Education Secretary Sonny Angara at Undersecretary Malcolm Garma.

Bilang hudyat ng pagi­ging susunod na host city, pinailawan ng LGU ang pylon ng Que­zon Memorial Circle ng kulay pula at inilawan din ang harapan ng Exe­cutive Building ng City Hall ng mensaheng “Pa­larong Pambansa 2027.”

House prosecutors handa na sa VP Sara trial, naghihintay na lamang ng official notice sa pre-trial, trial schedule

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NIHAYAG ng pinuno ng House prosecution panel na handa na ang mga prosecutors sa paghahain ng kanilang sagot at mga hakbang sa susunod na kabanata ng impeachment case laban kay Vice President Sara Z. Duterte.

“For the 11 prosecutors, rest assured that we are ready to fulfill our mandate under the Constitution,” pahayag ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, lead prosecutor at chair ng House Committee on Justice sa isang press conference.

Ayon kay Luistro, mahigpit na mino-monitor ng mga prosecutors at inaasahan ang pagsusumite ng sagot ni Duterte at handa na rin silang sagutin ito base na rin sa itinalagang panahon ng impeachment court.

“As soon as we receive the answer from the Vice President, we will be starting to prepare our reply, which is supposed to be filed within the non-extendable period of five days. So sana matapos namin within the week para lahat ng responsive pleadings filed now with the impeachment court,” anang mambabatas.

Naghahanda na rin aniya ang prosecution panel para sa pre-trial conference, kung saan inaasahan na ihahayag ng magkabilang kampo ang kanilang mga saksi, facts at mark documentary evidence bago magsimula ang pormal na presentation ng ebidensiya.

“This is supposed to simplify the presentation of evidence and witnesses which will happen during the trial,” pahayag pa nito.

Ang Articles of Impeachment ay kinabibilangan ng akusasyon laban kay Duterte kaugnay sa maling paggamit ng confidential funds, amassing unexplained wealth, bribing Department of Education officials, at pagbabanta kina Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos ay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sa kabila nang ulat na ang pre-trial conference ay maaaring ganapin sa Hunyo 15 habang ang trial proper ay magsisimula naman sa Hulyo 6, sinabi ni Luistro na wala pang natatanggap ang prosekusyon ng anumang formal notice mula sa impeachment court.

“Actually wala po tayong official notice about the schedule of pre-trial conference. We have no official information, as a matter of fact, whether papayagan ba o hindi itong pre-trial conference na ito. And even the first schedule of the trial, wala pa rin po tayong official na notice from the impeachment court.”

Gayunman, nagpahayag nang kumpiyansa si Luistro na magpapatuloy ang pagdinig.

“But we look forward that since the Senate already convened the impeachment court, we are positive na magtutuloy-tuloy ito. And in as far as the 11 prosecutors is concerned, kami po ay ready, ready to appear before the impeachment court,” pahayag nito.

 (Vina de Guzman)

Transport NewsLasacmar

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Manifesto inihain ng mga publishers sa LTFRB

NAGHAIN ng isang manifesto ang mga hanay ng publishers sa ilalim ng United Print and Multimedia Group (UPMG Phils) sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa pagpapahinto ng paggamit ng mga pahayagan na may general circulation upang ilathala ang mga aplikasyon at abiso ng pagdinig kaugnay sa certificate of public convenience (CPC).
Tinanggap ng LTFRB ang nasabing manifesto noong May 29, 2026 kung saan nasasaad ang mga kahilingan at concerns ng mga publishers sa gagawin pagpapatupad ng Memorandum Circular Number 2026-35 o ang tinatawag na “Dispensing with the Newspaper Publication Requirement in Application for Certificate of Public Convenience.”
Nilagdaan ang nasabing circular memorandum noong May 12, 2026. Hindi naman tutol ang mga publishers sa nasabing circular kung ang layunin ay makakabuti sa publiko subalit dapat man lamang ay binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng isang audience ang mga samahan ng hanay ng mga publishers upang dinggin at pakinggan ang kanilang opinyon. Nabigla na lamang ang kanilang samahan ng lumabas ang nasabing press release na hindi na kailangan ang paglathala ng mga notices at aplikasyon sa pahayagan.
“We were caught unaware of the forthcoming Memorandum Circular Number 2026-35. We have not received any information that the LTFRB had a plan to implement such rule. The LTFRB should have came up with a win-win solution where the public will benefit and at the same time we, the publishers, will remain in business. They have forgotten that employees of our publication will be affected,” saad ni president UPMG Vivienne Motomal.
Ayon kay Motomal hindi naman sila ang nagiging dahilan kung bakit minsan ay nababalam ng pagbibigay ng affidavit ng publication. Ito ay dahil na rin sa 7 days minsan binibigay ng LTFRB o ng operator ang notice na dapat ay 5 days bago ang hearing. Subalit kung nakuha agad ng publication sa tamang araw ay madali at agad itong may aksyon. Dagdag ni Motomal na minimal lamang naman ang binabayad ng mga operator kung sila ay magpapalathala sa kanilang mga pahayagan. Subalit kung babayad din ang isang operator sa paggamit ng mga portals o website sa paglathala ng mga notices ay mawawalang saysay din ang hangad ng pamahalaan na mabigyan ng libre at walang gastos ang publiko.
Sinabi ng LTFRB na maglalagay sila ng isang technology systems at iba pang digital platform upang magkaroon ng real-time, searchable, at accessible na impormasyon ang publiko. Dahil sa nasabing usapin ay humihingi pa rin ng audience ang mga publishers kay LTFRB chairman Vigor Mendoza II kahit lumabas na ang nasabing memorandum circular. Sa pagkakataong ito ay nais nilang maglabas ng mga saloobin at suhestyon kung mamarapatin ng pamunuan ng LTFRB sa pangunguna ni Mendoza. Nakalagay at nakasaad sa nasabing memorandum ay lahat ng aplikasyon na inihain sa Central Office at Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) ay saklaw ang mga bagong CPCs, Extension of Validity of CPCs, Transfer of CPC, Modification/Amendments of CPC, Consolidation of CPC, Change of Name, Change of Party Applicant, at iba pang CPC na aplikasyon. (LASACMAR)

Ads June 3, 2026

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments