• June 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2026

Sen Jinggoy Estrada sumuko sa CIDG sa kasong plunder sa flood control

Posted on: June 2nd, 2026 by Randle Cruz No Comments

TUMANGGI si Sen. Jinggoy Estrada na humiling ng Senate custody matapos maglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng non-bailable plunder case na may kinalaman sa umano’y kickbacks mula sa flood control projects.

Sa isang press conference sa Senado, sinabi rin ni Estrada na isusuko niya ang kanyang suweldo bilang senador habang dinidinig ang kaso.

Ayon sa kanya, nais niyang mapanatili ang kanyang independensya at ipakitang wala siyang nakukuhang pakinabang mula sa pondo ng bayan habang nililinis niya ang kanyang pangalan.

Ang warrant ay kaugnay ng umano’y P573-milyong flood control projects na may bahid ng umano’y kickback schemes.

Ito na ang ikalawang warrant na inilabas laban kay Estrada sa loob lamang ng apat na araw.

Nauna nang nagbayad siya ng piyansa para sa kasong graft, ngunit ang bagong kasong plunder ay hindi pinapayagan ng batas na piyansahan.

Matapos ang briefing, nagtungo si Estrada sa police headquarters na Camp Crame para sa processing ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Estrada na hindi niya gagamitin ang Senado bilang panangga laban sa mga alegasyon.

Aniya, karapatan niyang maghain ng motion for reconsideration dahil kamakailan lamang niya natanggap ang Ombudsman Resolution.

Dagdag pa ng senador, umaasa siya sa patas na pagtrato, due process, at pagiging walang kinikilingan sa pagdinig ng kaso.

Ito na ang ikatlong beses na nahaharap si Estrada sa kasong plunder.

Una noong jueteng case kasama ang kanyang ama, dating Pangulong Joseph Estrada, kung saan siya ay na-acquit noong 2007.

Ikalawa noong PDAF case kung saan siya ay naabsuwelto noong 2024.

Sa kasalukuyan, nakataya ang kalayaan ng Senado laban sa tinatawag ni Estrada na “political coercion.”

Samantala, ang muling pagsuko ng senador ay nagdadagdag sa kontrobersiya sa imahe ng mga mambabatas na nasasangkot sa malalaking kaso ng katiwalian. 

(DARIS JOSE)

Ads June 2, 2026

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Valenzuela, sinimulan na ang pamamahagi ng libreng school kit

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng libreng school kit sa mga mag-aaral ng Marulas Central School at Malinta Elementary School, bilang bahagi ng paghahanda sa darating na pasukan.

Nasa 78,453 Kabataang Valenzuelano mula Kinder hanggang Grade 6, kabilang ang mga mag-aaral sa Special Needs Education, ang makatatanggap ng de-kalidad na school supplies na naglalaman ito ng mga pangunahing school supply gaya ng lapis, ballpen, notebook, ruler, at textbook, na may kasamang lunch box, tumbler, at backpack. (Richard Mesa)

Kapalit ng pagbasura sa kanyang mga kaso…Malakanyang, pinalagan ang pahayag ni Sen. Jinggoy na inalok siyang lumipat sa minority block 

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang pinalutang ni Senador Jinggoy Estrada na ilang beses siyang inalok na lumipat sa minority block kapalit ng pagbabasura sa kaniyang mga kaso gaya ng kasong graft o katiwalian, na isinampa laban sa kaniya dahil sa pagkakasangkot di umano sa anomalya sa flood control projects.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sa kanyang pagkakaalam ay noong nakaraang taon pa nagkaroon ng imbestigasyon sa mga kasong kinasasangkutan ni Estrada kung saan ang pangalan ng senador ay nababanggit, hindi lamang sa pag-imbestiga sa Senado kundi maging sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bukod dito ay pinatawag din aniya si Estrada sa Commission for Infrastructure (ICI) at ang pangalan din aniya ni Estrada ay nabanggit sa partial report ni Senador Panfilo Lacson.

“Kaya hindi po masasabi na ito ay may patungkol sa pag-form ng majority na binubuo ng 13. So, hindi naman po masasabi na ang kaso ay dapat na ma-dismiss lang dahil lang sa pagpunta niya o paglipat niya sa minority,” anito.

“So, it would be unfair to all Filipino people kung ganyan ang magiging dahilan para hindi i-pursue yung kaso kung saan di umano siya ay involved sa flood control mess,” dagdag na wika ni Castro. ( DARIS JOSE)

NEWS 1

Boluntaryong pagsuko sa CIDG, magandang ginawa ni Sen.Jinggoy – Malakanyang 

PARA sa Malakanyang maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy Estrada na boluntaryong pagsuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng flood control projects.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy na boluntaryong pagsuko dahil hindi na nya pinahirapan pa ang mga tagapagpatupad ng batas.

“Maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy na siya ay boluntaryong sumuko. Hindi na niya pinahrapan ng mga law enforcers , hindi tulad ng nangyayari ngayon kay Senator Bato. Iyan po ang dapat na ginagawa ng isang tao, alam niya po na may valid warrant of arrest” aniya pa rin.

Nauna rito, pasado alas-tres ng hapon, araw ng Lunes, Hunyo 1, dumating ang court server ng Sandiganbayan kasama ang ilang pulisya na diretsong nagtungo sa tanggapan ni Estrada sa Senado upang isilbi ang warrant of arrest.

Hindi pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant of arrest saka nagsagawa ng press conference hinggil sa pagdakip. (DARIS JOSE)