MAGSISIMULA na ang ’The Clash Teens’, all-original Filipino reality singing competition ng GMA Network sa June 7, sa direksyon pa rin ni Louie Ignacio.
Pinangungunahan ito ng Clash Masters na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz bilang mga host.
Babalik sa Clash Panel si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Kasama niya na magdadala ng bagong enerhiya at pananaw sa season na ito ang mga bagong judge na sina Star of the New Gen Jillian Ward at Chinito P-Pop Charmer JL ng BGYO.
After ng mediacon, nakatsikahan naman si Jillian, at natanong siya kung ready na ba siyang magka-lovelife.
Sagot ng young actress, “Alam n’yo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.
“Actually, yung mama’t papa ko po, open na po sila. Hindi naman po ako in my 20s forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy yung pagiging young ko, yung pagiging 21 ko.
“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo yun!” ang natawang pagpapakatotoo ni Jillian.
Natanong din si Jillian sa tsikang nanliligaw ang bagong Sparkle artist na si Kobie Brown matapos silang makita sa concert ni Jessica Sanchez.
“Dating agad?” reaksyon ni Jillian.
“Well, basta po pag ano… ito na lang po ang masasabi ko, If it didn’t come from me, huwag niyo sabihin agad na totoo o hindi.”
Anyway, tinuksu-tukso naman si Jillian na bagay din silang maging magka-loveteam ng kasamahan niya sa Clash Panel na si JL Toreliza ng P-pop group na BGYO.
Magkakasabay kasi silang pina-interview kasama ang OG Clash Panel na si Christian, at nag-uumapaw nga ang kanilang chemistry.
Tanong kay JL kung okay ba siyang maka-partner si Jillian on screen, “Actually, marami na kaming mga acting experiences. Ngayon, meron na kaming collab with Yumi (karakter) sa Born to Shine na naere na.
“So, malay mo, kami ni Jillian, maka-work ko, kaming tatlo (isinama si Christian). Malay mo magkateleserye kami,” nakangiting sey ni JL.
Sabi pa ng BGYO member, “Magkapatid po kami (ni Jillian). Magkakapatid po kasi ang turing namin sa isa’t isa, e. Pinipilit nyo po talaga?”
Natatawang tugon naman ni Jillian, “Alam n’yo yung mga tao, basta kapag nakatabi ko, bagay daw. Tropa ko ito, e. Kapatid ko na ito, e.”
At dahil kasama na si Jillian sa Clash Panel, ano ang ginawa niyang paghahanda.
“So, I made sure po talaga na pag-aralan ko po yung gagawin ko for this project. Nag-singing lessons po ako. Nag-research po ako. I don’t take this role, ang pagiging judge, lightly,” sabi pa ni Jillian.
Natanong naman si JL kung ano ang natutunan niya kina Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas noong sumali siya sa Season 1 ng “The Clash”.
“Bilang galing Season 1 ang mga natutunan ko kay Ms. Lani kay Ms. Ai Ai ay mase-share ko dito sa The Clash Teens. And sobrang thankful po ako dahil na-meet ko sila.
“Gaya ng sinabi ni Kuya Christian, i-continue namin yung legacy na sinimulan nila,” pahayag niya pa.