• May 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 25th, 2026

Ads May 25, 2026

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Putting on a seatbelt, looking in the rearview mirror, fixing a flat tire – being on the road has never been more scary. Watch “PASSENGER,” “a haunted house on wheels.”

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

The trope of the haunted highway exists around the world, and writers Zachary Donohue (horror movie The Den) and T.W. Burgess (author of graphic novels Early Haunts and Malevolents) are big fans. 

“Usually these haunted road stories are about someone who died on that road and is now haunting it – about a specific haunted road,” shares Donohue. “We wanted to make it broader, something scarier, and just demonic. Where every road is haunted, and they’ve always been haunted.” Adds Burgess, “We wanted to do something totally different. It’s not just a ghost of a road, but something more malevolent and more all-encompassing.” 

The two began exploring the typical things that might plague drivers, like becoming lost, losing a sense of time – even flat tires – and asking themselves, “What might that look like as a scare?”

In Passenger, after a young couple witnesses a gruesome highway accident, they soon realize they did not leave the crash scene alone, as a demonic presence called the Passenger that won’t stop until it claims them both turns their van life adventure into a nightmare. Starring Lou Llobell (TV series Foundation), Jacob Scipio (Bad Boys for Life, Bad Boys: Ride or Die) and Oscar winner Melissa Leo (The Fighter).

Watch the trailer: https://youtu.be/YiX5amTzHkw 

The mysterious entity in Passenger is not a creature, says Donohue. “He doesn’t just come out and kill you. Part of his mythos is that he wants to torment you, to ride you the whole distance you can go, until you break down, literally,” often causing his victims to crash themselves into their own deaths. 

Producer Walter Hamada (The Conjuring, It) was impressed with the scares Donohue and Burgess wrote into the story. “They did a great job picking out the kinds of iconic road trip moments, things you take for granted – putting on a seat belt, rearview cameras, fixing a flat tire – and subverting them,” says Hamada. “Basically, what we strove for was how to ruin a road trip for people everywhere. How do we make people think twice, if they’re going to go on a road trip?”

Director André Øvredal (Troll Hunter, The Autopsy of Jane Doe) loved the scares too. “The horror and suspense scenes were very inspiring – the tension, the mood and the tone. The fact that we’re doing a haunted house with a moving home!” he laughs. “Just the idea of this highway myth, that can affect anybody who’s driving on highways, how it can infiltrate their lives – and become not only an obstacle, but a symbol of the obstacles in their relationship, as well.”
The religious aspect of the story was something Øvredal also found appealing. “It’s about two people just trying to fit together, in a way, and make life work for them together,” he says. “But then to have this kind of religious battle going on between St. Christopher and this demonic entity, in over their heads, is like an eternal battle. It was a really intriguing aspect to the film that was always there, but that we leaned into, as we were developing it.”

One key storytelling device has to do with a mark The Passenger leaves on a targeted victim’s car.  “We were always trying to figure out how that would look,” explains Donohue. “The Passenger will mark the car with something – but we didn’t know what that mark would look like. In an early version, it’s just a marking.  Then Walter [Hamada] was pushing us about, ‘Well, what is that marking?’ And then he just came up with the idea of three scratches.”
Adds Hamada, “So if you stumble upon these scratches on your vehicle, you’ve been marked by The Passenger. It’s demonic, like a signature.  The three slashes are sort of an affront to the Holy Trinity. It shows up in a lot of stories about exorcism and demonic.”

Get ready to go on a road trip when Passenger opens only in cinemas May 27. #PassengerMovie

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”(ROHN ROMULO)

PBBM, TINIYAK ANG SUPORTA SA SPORTS SA PAGBUBUKAS NG 2026 PALARONG PAMBANSA SA AGUSAN DEL SUR

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buong suporta ng pamahalaan para sa sports sa Pilipinas sa pagbubukas ng 2026 Palarong Pambansa sa Agusan del Sur, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga school sports club at pagpapalawak ng mga oportunidad sa organisadong palakasan.

Kinatawan ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr. ang Pangulo sa seremonya.

Binigyang-diin din ng Pangulo hindi lamang pisikal na lakas ang nahuhubog sa sports kundi pati na rin ang disiplina, teamwork, respeto, tiyaga, at kumpiyansa sa sarili ng kabataan.

“Hindi lang para sa paligsahan, kundi upang ipagdiwang ang galing, talento, at sipag ng mga kabataang Pilipino. Kayo ang mga pinakamagagaling na student-athletes sa inyong mga paaralan,” ayon sa Pangulo.

Bitbit ang temang “Unlocking the Future Through Sports,” dinaluhan ang Palaro ngayong taon ng mga delegado mula sa 18 rehiyon, kabilang ang mga kinatawan mula sa National Academy of Sports at Philippine Sports Overseas.

Umabot sa 10,718 ang kabuuang bilang ng mga student-athletes na lumahok ngayong taon sa stadium ng Lipus Makapandong Democrito O. Plaza Sports Complex sa bayan ng Prosperidad.

Tatagal ng walong araw ang multi-sports event mula Mayo 24 hanggang Mayo 31.

Ayon sa Pangulo, pinaigting ng administrasyon ang mga programang pang-sports sa pamamagitan ng pagpapalakas ng School Sports Clubs sa buong bansa at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa organisadong sports participation sa mga paaralan.

Dagdag pa ng Pangulo, namahagi ang Department of Education ng sports equipment at supplies sa mahigit 6,000 paaralan mula 2022 hanggang 2025 upang mapabuti ang training ng mga batang atleta.

Binigyang-pansin din ng Pangulong Marcos ang “Grassroots to Gold” Program ng DepEd at Philippine Sports Commission na layong gabayan ang mga atletang may potensyal mula sa school-based competitions hanggang sa mas mataas na antas ng international sports.

Binanggit din niya ang kamakailang tagumpay ng mga atletang estudyanteng Pilipino sa mga international tournament, kabilang ang ASEAN School Games sa Brunei kung saan nakakuha ang bansa ng 43 medalya.

Pinuri rin ng Pangulo ang mga kabataang atletang Pilipino sa kanilang pagkapanalo ng medalya sa taekwondo, husay sa World Youth Table Tennis Competitions, at pagdomina sa mga regional swimming tournament sa Asya.

Ayon sa Pangulo, pinatutunayan ng mga tagumpay na ito na kayang makipagsabayan ng mga atletang Pilipino sa mga pinakamahuhusay sa mundo kapag nabibigyan ng sapat na suporta at oportunidad

Tinapos ni Pangulong Marcos ang kanyang mensahe sa paghihikayat sa lahat ng kalahok na maglaro nang may dangal, kababaang-loob, at sportsmanship.

Ipinaalala ng Pangulo na ang bawat kompetisyon ay pagkakataon upang matuto, umunlad, at magbigay ng inspirasyon sa bayan.

“Sa ating mga kabataang atleta, ito ang hiling ko sa inyo: Mag-enjoy kayo sa paligsahang ito. Ibigay ninyo ang buong puso sa paglalaro. Lumaban nang may dangal at igalang ang kapwa ninyong atleta,” ani ng Pangulo. (Daris Jose)

JOSHUA, hindi comfortable sa paghuhubad at sa love scenes  (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinag-uusapan sa social media ang intimate scenes nina Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Kapamilya serye na “Love Is Never Gone.”

Pero inamin ni Joshua na sobrang awkward siya sa paghuhubad at paggawa ng sex scene sa kanyang screen partner.

Kuwento  ng aktor, “Actually hindi ako comfortable at all doing love scenes, like showing my body in front of the camera. Pero kasi du’n nangagaling yung pagiging actor mo. 

“Uncomfortable talaga kasi, showing your body? Ang hirap nu’n ha! Every time na may love scene ako kinakausap ko yung mga cameraman namin. Sasabihin ko sa kanila, ‘Uy, iwasan mo yung tiyan ko ha?’” 

Dagdag tsika pa niya, “Ang gagawin niya naman kahit naririnig ko si Direk (Manny Palo), ‘Ibaba mo pa yung camera, yung angle mo, ibaba pa.’ 

“Yung cameraman matibay siya hindi niya talaga binababa. So, kapag ganu’ng scene, dinadaan ko muna sa mga cameramen.”

Sa intimate scene nila ni Ivana sa “Love Is Never Gone,” isinapuso lang daw niya ang character niya bilang si Theo.

“Ano’ng iniisip ko kung ginagawa ko yung scene? Na ako si Theo. Kasi every love scene naman may pinanggagalingan yan e, and yung scene na ginawa namin bago mag-love scene, mahaba siya talaga although maikli lang yung ipinakita,” kiwento pa ni Joshua.

Tungkol naman chemistry nila ni Ivana na kitang-kita sa serye, “I think malaking factor talaga sa akin na open yung both actors para mag-work yung eksena and yun din yung nakita ko kay Ivana nu’ng nagsimula kami. 

“Never kasi kami nagkaroon ng meeting bago kami magsimula, nu’ng nag-meet kami diretsong salang agad sa eksena.”

“Nu’ng umpisa pa lang kita ko na rin talaga sa kanya na sobrang open niya sa mga eksena. Talagang kita ko yung focus niya sa ginagawa niya,” pahayag pa niya. 

DINGDONG, masaya na kaanib na nila si COCO sa adbokasiya ng AKTOR PH (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BONGGANG-BONGGA ang kaganapan para sa 6th anniversary ng AKTOR PH o League of Filipino Actors na pinamumunuan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Pagbabahagi ni Dingdong sa kanyang social media, sa pagdiriwang ng kanilang ika-6 na anibersaryo kasama ang iba pang opisyal at miyembro ng kanilang organisasyon.

Kalakip ang mga litrato na kuha sa kanilang anniversary celebration, ibinahagi ni Dong ang kanyang labis na kasiyahan…

“AKTOR turns six.

“Honestly, it’s still quite surreal to think that what started as a small group of artists with a shared vision is now over 400 members strong.

“And maybe that’s what made this milestone meaningful.

“In a time where so many things are changing in the world, in the country, and in our industry, it was nice to be reminded of the value of community, of participation, and of knowing that there are people willing to help build something bigger than themselves.

“Because when actors stand together, we become stronger.

“More protected.

“More heard.

“And more capable of helping shape an industry that truly takes care of its own.

“Maraming salamat sa lahat ng naniwala at patuloy na nakikibahagi.

“The work continues.”

Masaya ring ibinalita ni Dingdong na kaanib na nila ang Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin sa pagpapatupad ng adbokasiya ng AKTOR PH.

Ipinost din niya ang photos nila ni Coco kasama ang ilang opisyal at miyembro ng grupo kabilang na sina Iza, Charo Santos, Agot Isidro, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

“Last year, nagkaroon kami ng isang importanteng usapan sa bahay ni Ma’am Charo, kaming tatlo ni Coco.

“Nauwi ang kwentuhan sa mga hangarin namin para sa industriya, para sa sektor ng mga artista, at para sa komunidad na patuloy naming sinusubukang palakasin.

“At siguro kapag may mga taong kasama kang may parehong malasakit para sa kapwa aktor, mas lalo mong naiintindihan kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito. 

“Mas nararamdaman mong posible pala ang mga bagay na dati’y parang ang hirap abutin, basta may mga taong handang makiisa at tumulong sa atin.

“Nakakatuwang isipin na ang usapang iyon ay magiging isang solid at konkretong proyekto very soon, na ilulunsad namin kasama si Coco, na siya rin mismo ang mamumuno nito sa ilalim ng AKTOR.

“Welcome to Aktor, Coco Martin! 

“At salamat po, Ma’am Charo!” buong mensahe ng Kapuso Primetime King.

***

SPEAKING of Dingdong Dantes, naiuwi ng ‘Broken Roads, Broken Promises’ ang prestigious Bronze Trophy sa 2026 New York Festivals TV & Film Awards, isa itong remarkable global recognition that highlights the power of Filipino storytelling on the world stage. 

Ayon ito sa post ng PPL na kasama ang mga hashtags na

#DingdongDantes

#showsomePPLlove #pplentertainmentinc  #PPLArtists

Congrats Dingdong! 

DENNIS at RURU, muling magsasanib-puwersa sa ‘Hari ng Tondo’

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG malaking tagumpay ang “Green Bones” na pelikulang pinagsamahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid noong 2024.

Hindi lamang sa box-office ito naging matagumpay kundi maging sa paghakot ng sari-saring acting and technical awards sa iba-ibang award-giving bodies.

At ngayon, muling magsasanib-puwersa sina Dennis at Ruru sa upcoming GMA Prime series na “Hari ng Tondo.”

Sa interview ni Aubrey Carampel sa GTV News Balitanghali kamakailan, inihayag nina Dennis at Ruru ang excitement nila sa ginanap na story conference para sa kanilang reunion project.

Ayon kay Dennis…

“Minsan lang kami magkatrabaho ni Ruru pero pagka-binibigyan kami ng pagkakataon magkatrabaho, talagang siguradong maganda at isang malaking proyekto talaga!”

Sinabi naman ni Ruru na, “Finally ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis so very excited!”

Bilang preparasyon para sa project, nagkaroon si Ruru ng immersion para mas maunawaan niya at magampanan nang mabuti ang kanyang karakter na lumaki at nakatira sa Tondo.

“Nung natutunan ko pong kilalanin sila at aralin po paano ba ang pamumuhay sa Tondo, na-realize ko na ganoon lang pala talaga sila kalalim na tao,” saad ni Ruru.

Sinabi naman ni Dennis na,“Feeling ko dito mas makaka-relate yung mga makakanood sa mga character namin, hindi lang sa akin, pati sa characters nina Ruru at sa mga ibang artista dito.”

Itatampok sa “Hari NG Tondo” ang Pinoy Martial Arts na “Panantukan.”

“Yung Panantukan is dirty boxing so sabi ko parang swak na swak ito sa Tondo,” pagbabahagi ni Ruru.

 “Ever since then talagang todo ensayo. “Hanggang kahit nasa Spain ako, takbo ako nang takbo!”

Bonus pa sa upcoming serye na mapapanood rin dito ang original Tondo Boy, ang kasalukuyang Mayor ng Maynila na si “Yorme” Isko Moreno!

Masaya raw si Yorme Isko na maipapakita sa serye ang kuwento ng lugar na kanyang kinalakihan at minamahal.

“Excited ako na ma-share naman yung maraming mabubuti at magagandang nangyari sa buhay ng isang tao lalo na mga batang pinanganak sa Tondo,” pahayag ni Yorme.

Balik-Kapuso naman dito si Ryza Cenon.

“First time ko siya makatrabaho, si Ruru and si Kuya Dennis naman nakatrabaho na siya before, bata pa ako.

“Tapos saka yung story din and sobrang isa sa mga favorite kong gawin ay ‘yung action,” sinabi ni Ryza.

Sa direksyon ni Enzo Williams, nasa “Hari ng Tondo” rin sina Rocco Nacino, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino at Heath Jornales. 

 ICC warrants, maaaring ipatupad agad- Malakanyang

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na maaaring agad na ipatupad sa Pilipinas ang ipinalabas na arrest warrants ng International Criminal Court (ICC) kahit pa walang pag-apruba mula sa lokal na korte.

Binigyang diin ng administrasyong Marcos na ito’y nananatiling ginagabayan ng batas at due process.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang posisyon ng gobyerno sa ICC warrants ay nilinaw na ng Department of Justice (DOJ).

“Nagsalita ang DOJ na ngayon, pinapa-effect ang warrant of arrest mula sa ICC. So, tingin ko, maliwanag naman kung ano yung stance ng Pangulo dito, ng gobyerno,” ang sinabi ni Castro.

Pinanindigan naman ni Castro na ang ICC warrants ay hindi na kailangan na dumaan pa sa korte ng Pilipinas bago pa ipatupad, tinukoy ang Republic Act No. 9851, o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity, at legal an opinyon na naunang sinabi ni Solicitor General Darlene Berberabe.

“Hindi kailangan dumaan sa local court. Meron tayong RA 9851. Nakasaad doon kung ano ang opsyon ng pagtugon ng gobyerno,” ang winika ni Castro.

“At international court, ang pinag-uusapan natin dito, hindi isang requesting state,” aniya pa rin.

Binigyang diin ni Castro na naniniwala ang gobyerno na hindi paglabag sa anumang batas ng Pilipinas ang pagpapatupad ng ICC warrants.

At nang tanungin kung ang mga susunod na ICC warrants laban sa ibang personalidad na iniuugnay sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay agad din bang ipatutupad, ang tugon ni Castro ay “Yes, oo. Ganun pa rin.”

Kaugnay nito, sinabi ni Castro na inatasan na ni Justice Secretary Fredderick Vida ang mga law enforcement agencies na ipatupad ang warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kasundo nang ginawang pagtanggi ng Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order.

“Yung instruction… sinabi ni [Justice] Secretary [Fredderick] Vida na i-effect ang warrant of arrest. So, lahat po ng law enforcers na may authority na mang aresto kay Sen. Bato, yun po yung gagawin,” ang tinuran ni Castro.

Gayunman, hindi pa aniya nakatatanggap ang Malakanyang ng impormasyon kaugnay sa posibleng bagong ICC warrants laban sa ibang personalidad.

“Sa ngayon, wala pang ibinababa sa atin na impormasyon kung meron ganyan,” anito.

“Pero, hindi ito kataka-taka kung meron man. Dahil marami pang co-perpetrators na nabanggit ang ICC,” dagdag na pahayag ni Castro.

Aniya pa, dapat na maintindihan ng mga personalidad na dawit sa drug war ang kahulugan ng arrest warrants at boluntaryong sumuko.

“Kung meron dyan warrant of arrest at wala naman sinasabing na TRO mula sa Supreme Court, dapat sila mismo ang sumuko, for me,” ang sinabi ni Castro.

“Dati kayo nag-e-enforce eh. Kayo yung dati nagpapatupad ng warrant of arrest,” aniya pa rin.

Samantala, nananatili namang nakatuon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin na masusunod ang batas at tamang legal na proseso sa usaping ito.

“Ang gusto ng Pangulo, masunod ang batas, masunod ang tamang proseso,” diing pahayag ni Castro. (Daris Jose)

Mahigit 2,000 pamilya apektado sa sunog sa Parola Compound sa Manila

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

APEKTADO ang umabot sa 2,134 na pamilya sa sumiklab na sunog sa Parola Compound, Binondo, Manila na tumupok sa mga kabahayan ng mga biktima bandang alas-3 ng hapon noong Sabado, Mayo 23. 

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa magkakadikit na kabahayan, itinaas ang fire alarm sa Task Force Bravo bandang alas-4 ng hapon at kalaunan ay umabot sa Task Force Charlie pagsapit ng alas-5 ng hapon. 

Nahihirapan umano ang mga bumbero na makontrol ang sunog habang pilit namang inililigtas ng mga residente ang kanilang mga gamit at mahahalagang ari-arian.

Mas naging komplikado pa ang pagresponde dahil nasa baybayin ng Manila Bay ang apektadong lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamahalaang lungsod ng Maynila na nakikipag-ugnayan na ito sa Philippine Air Force para sa posibleng aerial response upang makatulong sa operasyon ng pag-apula ng apoy.UP Diliman

Samantala, idineklara naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire out na ang sunog bandang alas-12:17 ng madaling araw ng Linggo, Mayo 24. 

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunod at pinayuhan din ng lokal na pamahalaan ang publiko na umiwas muna sa lugar habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga awtoridad. ( GENE ADSUARA)

Impeachment trial laban kay VP Sara, hindi dapat maantala ng rigodon sa Senado – House Panel

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYANG-DIIN ng House prosecution panel na hindi dapat maantala o maapektuhan ng anumang balasahan sa liderato ng Senado ang nagpapatuloy na proseso ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng panel, na ang tanging nais nila ay mailahad nang buo at walang pagkaantala ang mga ebidensya at testigo sa harap ng Senate impeachment court.

Paliwanag ni Adiong, karapatan ng taong-bayan na malaman ang mga ebidensya, at karapatan din ng bise presidente na hindi maantala ang paglilitis.

Idinagdag niya na ang impeachment ay patunay na walang sinumang opisyal, mataas man ang posisyon, ang ligtas sa pananagutan sa ilalim ng Konstitusyon.

Kasunod ito ng mga ulat na nagbabalak ang minority bloc ng Senado na itulak si Senador Sherwin Gatchalian upang palitan si Senate President Alan Peter Cayetano, na kamakailan lang naupo sa pwesto noong Mayo 11.

Sinabi ni Adiong na itinuturing nilang “internal dynamics” ng Senado ang usapin ng liderato at iginagalang ng Kamara ang hiwalay na institusyon.

Nakatakdang magsumite si Duterte ng kanyang sagot sa Articles of Impeachment sa June 1, 2026 habang pansamantala namang itinakda ng Senado ang simula ng pre-trial proceedings sa darating na July 6,2026. ( Vina de Guzman)

6 pa iisyuhan ng ICC arrest warrant – Matibag

Posted on: May 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANIM pang perso­nalidad ang isusunod kay Sen. Bato dela Rosa na iisyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) na ilalabas sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na sinabi pang ang pag-aresto kay Bato ay itinuturing nilang ‘test case’ sa kanilang mga operatiba.

“We have information that there are se-

­veral which will be issued with a warrant by the ICC,” saad ni Matibag sa press conference sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

Si dela Rosa na dating PNP chief ang itinuturing na chief architect sa madugong drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte habang ang anim pang mga kilalang personalidad ay sangkot din umano sa extra judicial killings (EJK) sa drug war.

“It doesn’t matter who he is or ano man krimen niya. Basta may warrant, meron talaga kaming protocol na. So, kung may lumabas na additional warrant of arrest, we are always ready to enforce and to serve the warrant,” aniya.

Ayon pa kay Matibag, hindi magtatagal ay mahuhulog din sa NBI operatives si dela Rosa dahil may sinusundan na silang lead sa pinagtataguan nito. (Daris Jose)