• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2026

US men’s hockey team inimbitahan ni Trump sa kanyang State of Union Address

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAIMBITAHANG dumalo ang US men’s hockey team sa State of Union Address ni President Donald Trump.
Inimbitahan sila ng White House ilang araw matapos na magkampeon ang mga ito sa katatapos na Winter Olympics.
Sinundo sila mismo ng US Air Force 757 mula sa Miami patungo sa Washington DC.
Magugunitang tinalo nila ang Canada 2-1 para makuha ang kampeonato matapos ang 46 na taon.

Mayor Tiangco, pinabasbasan ang bagong gusali ng Wawa ES

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINABASBASAN at pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang bagong building ng Wawa Elementary School. Ayon sa alkalde, mula sa dating two-story building, mayroon na ito ngayong four-story building na may limang classrooms sa bawat floor na mas safe para sa mga mag-aaral, mga guro, at mga kawani ng paaralan dahil sa up to standard na ito. Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco kay Cong. Toby Tiangco sa tulong nito kaya napondohan ang proyektong ito.
(Richard Mesa)

Walang pag-uusap ukol sa pagbabalik ng Pinas sa ICC- Malakanyang

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pag-uusap sa Malakanyang kaugnay sa plano na pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
“There is no discussion on plan of rejoining the ICC, as of this date,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ipinahayag ito ni Castro matapos hingan ng komento sa ginawang paghahain ng resolusyon ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na humihiling na muling bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Magugunitang, umatras ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa pagiging kasapi ng ICC noong Marso 2018.
Pinangunahan nina Reps. Renee Co, Antonio Tinio at Sarah Jane Elago ng Makabayan bloc ang House Resolution 809. Samantala, inihain naman nina Akbayan Reps. Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao ang House Resolution 811.
Ayon sa Makabayan bloc, ang muling pagsali ng bansa sa ICC ay isang malinaw at matibay na mensahe na iginagalang ng Pilipinas ang mga obligasyong nakasaad sa Konstitusyon, pinahahalagahan ang kabanalan ng buhay, at determinado itong wakasan ang kultura ng impunity at karahasang may kinalaman sa estado.
Iginiit din ng mga mambabatas na ang pakikipag-ugnayan muli sa ICC ay magpapalakas sa reputasyon ng bansa bilang isang demokrasya na kumikilala at gumagalang sa karapatang pantao, magbabalik ng tiwala ng pandaigdigang komunidad sa sistemang panghukuman ng Pilipinas, at magpapatibay ng ugnayang nakabatay sa hustisya, mabuting pamamahala at panuntunan ng batas.
Nakasaad sa HR 809 na pormal nitong hinihikayat ang pamahalaan na magsagawa ng mga kinakailangang hakbang para sa re-accession ng Pilipinas sa Rome Statute upang makabalik sa ICC at muling pagtibayin ang pangako sa pagtataguyod ng hustisya, dignidad ng tao at rule of law.
Ayon kay Cendaña, ang pagbabalik ng Pilipinas sa ICC ay isang hakbang ng pakikiisa sa mga biktima ng umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng nakaraang administrasyon. (Daris Jose)

VP Sara, isang maliwanag na ‘pruweba’ na hindi lahat ng Marcos-appointed execs ay ‘competent’

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na si Vice-President Sara Duterte ang isang maliwanag na pruweba na hindi lahat ng mga itinalagang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ‘competent.’
“Let us look who’s talking. Mukhang tumama naman po siya dahil siya bilang secretary ng DepEd naitalaga siya ng Pangulo, pinagtiwalaan siya ng Pangulo pero sa bandang huli aamin pala ang Bise Presidente na siya ay walang kalam-alam sa pagiging DepEd Secretary,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press conference sa Malakanyang.
“So, totoo po iyan hindi po lahat ng secretary na naitalaga dahil sa tiwala ng Pangulo, sa paniniwala sa kanila ay hindi pala talaga magaling,” aniya pa rin.
Muli namang binungkal ni Castro ang usapin ng maling paggamit ni VP Sara ng pondo sa dalawang taon na siya ay Kalihim ng Department of Education (DepEd).
“Doon pa lamang po sa mga ghost students, ghost vouchers, ghost food packs, ghost laptops, ghost school materials – lahat ng multang ito ng Bise Presidente noong siya ay DepEd Secretary huwag niyang pag-alala ni Castro.
“At ang mga kalat na ito ay ngayon winawalis at nililinis ni Secretary Sonny Angara ng DepEd,” diing pahayag ni Castro.
Sa isang panayam kay VP Sara, sinabi nito na ang magulong pamamahala ni Pangulong Marcos ay lumawig na hanggang sa mga ahensiya ng gobyerno.
“You can see that governance now seems messy because it’s the same in some departments. It would have been fine if all the secretaries were competent,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

PBBM, may pambato na sa 2028 presidential elections

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY napipisil na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging pambato para sa 2028 presidential elections.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos na tanungin sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na ginanap sa Fairmont Hotel sa Makati City.

Sagot ni Marcos, ang dapat na susunod na lider ng bansa ay may malawak na kaalaman pagdating sa ekonomiya para magkaroon ng maraming trabaho, kung paano maibaba ang inflation at kung paano masisiguro na sapat ang suplay ng pagkain.

Gayundin, dapat na nag-iisip tungkol sa productivity, marunong sa pagpapabuti ng edukasyon, pagpapalakas ng healthcare at sumusuporta sa polisiya na makakatulong sa buhay ng mga Filipino.

“We are about nation-building. I didn’t hear that anymore. So we need to have nation builders, people who want to make Philippines better. People who actually love the Philippines and love Filipinos and want to make things better,” ayon pa kay Marcos.

Sinabi ng Pangulo na mahirap dalhin sa presidential level ang walang karanasan sa pulitika dahil hindi ito kilala ng mga tao kaya ang titingnan nila ay yaong mga nasa gob­yerno na nagtatrabaho, magaling, at masasabing “exceptional”.
Giit pa ng Presidente mayroon na siyang mga taong kinokonsidera bilang potensyal na papalit sa kanya subalit tumanggi siyang pangalanan ito at hindi muna siya mag-eendorso sa ngayon.

“Not soon. Timing is everything,” giit pa ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Para sa agarang aksyon sa mga problema sa kalsada: MMDA, pinalutang ang reactivation at reformatting ng MMDA Metrobase 136

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinalakas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Metrobase 136 hotline para sa mas mabilis na pagresponde sa mga aberya sa kalsada.
Sinabi ni MMDA General Manager (GM) Nicolas Torre III sa press briefing sa Malakanyang na kapag tumawag kanilang data base na 02-136 hotline ay ginagarantiyahan nila na limang minuto pa lamang ay makakarating na ang kanilang mga constable o mga traffic enforcers kung saan kailangan ng tulong.
Aniya, kahit saang kalsada sa Metro Manila at nangangailangan ng tulong tulad ng nagkagasgasan, nagkabanggaan , mga minor na banggaan sa kalsada o kung may emergency na gusto ng responde ay kaaagad na darating ang MMDA sa loob ng limang minuto lamang.
Winika pa ni Torre na habang tumatakbo ang kanilang mga traffic enforcers sa pagresponde sa isang minor na banggaan ay nagrereview na agad sila ng CCTV operators sa metrobase nila sa Julia Vargas at pagkatapos ay kukunin na ang clip ng banggaan .
Hihingin na lamang aniya ng social media account messaging ng mga sangkot sa aksidente para maipadala ang clip at maitabi na ang mga sasakyan sa loob ng 10 minuto at ma- clear ang kalsada.
“Five minutes, darating ang ating enforcer. At pagkatapos kapag nakarating doon, most probably tapos na ang review ng CCTV, ipapadala na namin sa mga parties concerned kapag nakarating ang ating enforcer kasi tatanungin ang kanilang social media account, ang number nila, Viber, Messenger, kung anuman, Signal, kung anuman ang ginagamit nila para maipadala ang video sa kanila,” ayon kay Torre.
Samantala, sinabi ni Torre na ang MMDA 136 ay matagal na umiiral subalit hindi alam ng publiko na mayroong facility na ganito para makatulong agad at kapag tinawagan ito ay mayroong sasagot agad.
“Actually, ang 136 matagal na iyan, matagal na – as in taon na ang kuwan. Hina-highlight lang namin ngayon dahil mukhang hindi masyadong naha-highlight sa ating mga kababayan na mayroong facility na ganiyan na makakatulong sa kanila,” ayon kay Torre sabay sabing “So, ngayon ina-announce na rin namin para ma-highlight lang na ‘pag ang emergency ninyo ay nasa kalsada, MMDA 136. So, puwede actually ninyong tawagan eh, (02) 136 within five rings may sasagot sa inyo na human operator.” ( Daris Jose)

NAVOTAS, MULING NAKAKUHA NG SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakakuha ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation, na minarkahan ang ikalimang pagkakataon na natanggap ng lungsod ang pagkilala para sa patuloy nitong pagsisikap na mapabuti at mapalakas ang lokal na pamamahala sa edukasyon.

Ang Seal of Good Education Governance ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na muling nag-imbento ng lokal na lupon ng paaralan, kasama ang komunidad sa pagtulong sa mga bata na matutong mabuti, napanatili ang mataas na retention at cohort survival rate, makabuluhang nabawasan ang bilang ng mga hindi at bigong mambabasa, at pinondohan ang mga programa na nagpapahusay sa pagganap ng pag-aaral, partikular na ang mga kakayahan sa pagbabasa.

Tinanggap ni Navotas Schools Division Superintendent Dr. Meliton Zurbano ang parangal kasama ng mga opisyal ng paaralan sa 2026 National Educational Summit kung saan tatlong local government units lamang sa National Capital Region ang nabigyan ng pagkilala ngayong taon.

Kinilala ni Mayor John Rey Tiangco ang pagkilala sa matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, mga magulang, at mga stakeholder ng komunidad.

“This recognition affirms that when the local government, schools, and families work together, we can create meaningful improvements in our children’s education. We remain committed to investing in programs that strengthen literacy, support teachers, and help every Navoteño learner succeed,” pahayag niya.

Isa sa mga pangunahing hakbangin ng lungsod ay ang pagpapalakas ng pakikilahok ng magulang sa edukasyon. Kasama ang matagal nang kasosyo at miyembro ng Local School Board na Food for the Hungry, inorganisa at natapos ng mga pinuno ng magulang ang Project APAT Training of Trainers noong Agosto 15–16, 2025 sa Navotas Elementary School.

Ang Project APAT, o “Ang Paaralan sa Aming Tahanan,” ay nagtataguyod ng tahanan bilang extension ng paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga magulang na gabayan at suportahan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Sa temang “P4s: Pagsasanay sa Pagiging Magulang Tungo sa Pinagpalang Pamilya,” ang pagsasanay ay nilagyan ng mga parent leaders ng mga kasanayan at pagpapahalagang kailangan upang magsilbing facilitator sa kani-kanilang mga paaralan.

Sa pamamagitan ng malakas na pagtutulungan ng Local Government Unit at ng Schools Division Office Navotas, ang lungsod ay nakapagtala ng mga kapansin-pansing tagumpay sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang Navotas ay binanggit ng Senate Committee on Basic Education para sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng grade level-ready learners batay sa mga resulta ng End of School Year ng Comprehensive Reading Literacy Assessment para sa School Year 2024–2025.

Nangunguna rin ang lungsod sa 16 na dibisyon ng paaralan ng NCR sa National Achievement Test para sa Grade 6 (SY 2024–2025). Dagdag pa rito, naitala ng Navotas ang pinakamababang dropout rate sa 0.02 percent at ang pinakamababang repetition rate sa 0.29 percent sa rehiyon.
(Richard Mesa)

LTFRB NAGSAGAWA NG UNANG SERYE NG MGA KONSULTASYON HINGGIL SA PANUKALANG DAGDAG-PASAHE

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng konsultasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pangangasiwa ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, hinggil sa panukalang dagdag-pasahe sa mga ride-hailing services.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pulong kasama ang mga kinatawan ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ay unang hakbang sa serye ng mga konsultasyon upang mapabilis ang pagresolba sa mga nakabinbing petisyon para sa dagdag-pasahe.

“Nais naming marinig ang lahat ng panig sa diwa ng patas na proseso dahil sensitibong usapin ang dagdag-pasahe—hindi lamang para sa mga mananakay kundi para rin sa ating ekonomiya,” ani Chairperson Mendoza.
“Kaya nagsagawa kami ng konsultasyon at hiniling naming magsumite sila ng mga dokumentong kailangan sa pagtalakay ng LTFRB sa petisyon ng TNVS para sa dagdag-pasahe,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Chairperson Mendoza na mahalaga ang pagsunod ng TNVS sector sa pagsusumite ng mga dokumento upang maging batayan sa pagdedesisyon kung makatarungan ang panukalang dagdag-pasahe.

“Umaasa kami na sila ay makasusunod dahil kung hindi, magiging komplikado para sa amin dahil kami ay aasa lamang sa sariling datos,” kanyang binigyang-diin.

Matatandaang noong Oktubre 2023 huling nagkaroon ng aprubadong dagdag-pasahe—isang P1 provisional increase—bilang kompromiso sa gitna ng epekto ng pandemya sa ekonomiya. Mula noon, ilang petisyon para sa dagdag-pasahe ang inihain, kabilang ang tatlong pangunahing transport groups noong Oktubre 2024.

Dagdag pa ni Chairperson Mendoza, hiwa-hiwalay na pampublikong konsultasyon ang gagawin upang matiyak ang maayos at organisadong talakayan. Sa pulong kasama ang TNVS nitong Martes, ilang kinatawan ang naglahad ng mga hinaing at kahilingan, partikular sa usapin ng komisyon at mahabang oras ng trabaho ng mga driver.

Bagama’t may ilang usapin na lampas sa mandato ng LTFRB, tiniyak ni Chairperson Mendoza na ang lahat ng ito ay isasama sa dayalogo kasama ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Labor and Employment at Office of the Solicitor General.

Ang susunod na pampublikong konsultasyon ay isasagawa kasama ang mga stakeholder mula sa bus, taxi, at jeepney sector.

“Lubos naming nauunawaan ang mga hinaing ng sektor ng transportasyon—kaya minamadali namin ang pagdinig upang makapaglabas ng desisyon sa lalong madaling panahon,” ani Chairperson Mendoza.
“Kung magkakaroon ng dagdag-pasahe, sisiguraduhin naming may balanse sa kakayahan ng mga mananakay na magbayad at sa pangangailangan ng sektor ng pampublikong transportasyon,” kanyang pagtitiyak. (PAUL JOHN REYES)

Publiko, hinimok na yakapin muli ang ‘EDSA legacy’ – ATOM

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng grupong August Twenty-One Movement (ATOM) ang publiko na yakapin ang legasiyang iniwan ng 1986 EDSA People Power Revolution kasabay ng paggunita ng ika-40 anibersaryo, Miyerkules, Pebrero 25.

Ang grupong ATOM ay itinatag ng nakababatang kapatid ni yumaong Senador Benigno Aquino Jr. na si Butz Aquino, na kabilang sa unang nanawagan sa taumbayan na magtipun-tipon noon sa EDSA na nagresulta sa mapayapang People Power Revolution.

Inihalimbawa ni ATOM president Voltaire Bohol na marami sa mga kabataan ngayon ang nagpopost sa social media at sinasabing “mahirap mahalin ang Pilipinas” subalit nakakalimutan aniya na isa ang ating bansa sa tinitingala ng buong mundo noong taong 1986 dahil sa People Power.

Inihayag din ng ATOM president na para tuluyan nang makausad ang ating bansa, kailangan na mapanagot ang mga personalidad na nasa likod ng tinatawag na “conjugal dictatorship” sa panahon ng termino ni yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Aniya, hangga’t hindi nagkakaroon ng closure at tunay na pananagutan sa orihinal na pagkakasala mula sa diktadurya, maaaring kada 10 taon magkakaroon ng bagong diktador.

Ads February 26, 2026

Posted on: February 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments