• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2026

Maggie Gyllenhaal Reimagines a Horror Icon with Fierce Agency and Emotional Power in “The Bride!”

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAGGIE Gyllenhaal’s “The Bride!” stars Jessie Buckley and Christian Bale in a bold, emotionally charged reinvention of the Bride of Frankenstein. It all began with a spark of curiosity.While attending a party, Academy Award nominee Maggie Gyllenhaal noticed a tattoo of the Bride of Frankenstein. Instantly, a question formed: How had a character with barely any screen time become such a lasting symbol in pop culture?“I saw this tattoo of the Bride of Frankenstein at a party and I thought, “Something about this character has captured our culture,’” says Academy Award nominee Gyllenhaal. “And I then went back and watched the movie [“Bride of Frankenstein” (1935)] for the first time, because I had never seen it, and I found it really interesting that she’s not really in it. I will say Elsa Lanchester makes a real impact. I mean, she’s in it for three minutes, but she has somehow taken the culture by storm. But to be honest, she doesn’t talk. She doesn’t speak. She doesn’t get an opportunity to express herself. And I thought it was an interesting puzzle. This guy [Frankenstein] understandably is so lonely looking for a mate. But then, just anyone will do, and bringing someone back who doesn’t have any agency herself. So, what happens if you take that same format, that same story, but you give her a huge amount of agency, and give her a huge amount of need, and intelligence, and soulfulness, and vulnerability, and power? Then what happens? That seemed like a puzzle worth getting into.”That absence became the seed of something bold.What if the Bride had agency? What if she possessed intelligence, vulnerability, longing, and immense power? What if she wasn’t simply created to cure someone else’s loneliness—but had desires of her own?With The Bride!, Gyllenhaal transforms that compelling question into an electrifying cinematic experience.Set against the gritty backdrop of 1930s Chicago, The Bride! follows a lonely Frankenstein (Academy Award winner Christian Bale) who seeks the help of groundbreaking scientist Dr. Euphronious, played by five-time Oscar nominee Annette Bening.Together, they revive a murdered young woman.And the Bride is born.But what unfolds is far from the obedient companion Frankenstein imagined. Instead, she emerges as a force—complex, searching, alive with purpose. What follows spirals into murder, possession, a radical cultural movement, and a volatile romance between two outsiders trying to define love on their own terms.Produced by Warner Bros. Pictures, the film is a daring reinvention that pulses with urgency and emotion.From the Academy Award-nominated writer-director of The Lost Daughter, The Bride! is supported by an extraordinary team of film artisans.Director of photography Lawrence Sher, production designer Karen Murphy, editor Dylan Tichenor, music supervisor Randall Poster, Academy Award-winning composer Hildur Guðnadóttir, and costume designer Sandy Powell all contribute to the film’s distinctive visual and emotional language.The film also stars Peter Sarsgaard, Academy Award nominee Jake Gyllenhaal, and Oscar winner Penélope Cruz.Produced by Emma Tillinger Koskoff, Talia Kleinhendler, and Osnat Handelsman Keren, with executive producers Carla Raij, David Webb, and Courtney Kivowitz, the film is presented by Warner Bros. Pictures in collaboration with First Love Films and In The Current Company.The Bride! reclaims a legendary figure and reshapes her story for a new generation—one where she speaks, chooses, and loves on her own terms.Experience this powerful, genre-defying reimagining only in cinemas and IMAX beginning March 4, 2026 internationally and March 6, 2026 in North America.(Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”) (ROHN ROMULO)

Excited na ang AKTOR na makipag-collaborate sa grupo… DINGDONG at IZA, pinangunahan ang panunumpa sa bagong SPEEd officers

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Martes, Pebrero 24, sa JY Hall ng The Bayanihan Center ng Unilab sa Pasig City.
Dumalo sa pagtitipon sina sa MOWELFUND Chairperson Boots Anson-Roa Rodrigo and President Rez Cortez, Fire and Ice Entertainment CEO and founder Direk Ice Seguerra and wife Liza Diño-Seguerra, at MTRCB Chair Lala Sotto.
Pinangunahan naman nina AKTOR: League of Filipino Actors Founder and Chairman Dingdong Dantes and President Iza Calzado ang panunumpa sa bagong SPEEd officers para sa 2026.
Masaya ang AKTOR Chairman na sila ni Iza ang napili ng SPEEd, “Siyempre, we belong to the same industry. Napakasarap makita na kapag ‘yung mga kasama mo sa industriya ay nag-oorganisa at lalung-lalo na pino-formalize ‘yung kanilang samahan kasi talagang makikita mong seryosong-seryoso sila sa development ng mga organizations.
“And AKTOR will always be there to support our colleagues in the industry kaya we’re very grateful na naimbitahan kami dito sa panunumpa ng organisasyong SPEED.”
Bilang chairman ng AKTOR, ibinalita ni Dingdong na marami silang naka-line-up na proyekto para sa pagpapatibay ng welfare and craft ng mga kapwa niya aktor sa industriya at excited daw silang makipag-collaborate sa SPEEd na may ganito ring layunin.
Itinalaga bilang pangulo ng SPEEd si Tessa Mauricio-Arriola, Entertainment and Lifestyle Editor ng The Manila Times.
Kasama niya sa mga bagong opisyal sina Maricris Valdez Nicasio (Hataw), VP for Internal Affairs; Gerardine Trillana (Malaya Business Insight), VP for External Affairs; Ervin Santiago (Inquirer Bandera), secretary; Rohn Romulo (People’s Balita), asst.-secretary; Dondon Sermino (Abante TNT at DWAR 1494), treasurer; Anna Pingol (Pika-Pika.com), asst. treasurer; Jerry Olea (PEP.ph), auditor; at ang mga P.R.O. ay sina Nickie Wang (Manila Standard), Janice Navida (Bulgar) at Neil Ramos (Tempo).
Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (People’s Journal), Ian Farinas (People’s Tonight) at Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at PangMasa), kasama sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin at Tempo), Dinah Ventura (Daily Tribune), Jun Lalin (Abante), Nathalie Tomada (Philippine Star), Bobby Requintina (Manila Bulletin), at ang mga nag-retire na editor na sina Dindo Balares (Balita) at Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer).
At sa unang pagkakataon, nagbigay din ang grupo ng Recognition Awards sa mga naging katuwang nito sa mga nakaraang taon sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng grupo.
Pinarangalan sina Ms. Claire Papa, Assistant Vice-President and Head of External Affairs and Social Partnerships ng Unilab Inc.; Maria Yolanda “Yoly” Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer of Globe Telecom; Joy Andrade, director for Corporate Communications of Newport World Resorts; Angeli Pangilinan-Valenciano, Board Member of SoundCheck Inc.; Juancho Robles, President and Chief Executive of ChanRobles & Company CPAs; at si Rhea “Rei” Anicoche-Tan, President and Chief Executive Officer of Beautéderm.
Nakiisa sa matagumpay na pagtitipon, kabilang na ang ilang kasamahan sa print media, ABS-CBN Corp. Communications headed by Kane Choa, GMA-7 Corp. Communications headed by Jojo Aquio, Nelson Canlas, Chris Cahilig of Puregold, Wilson Flores of Kamuning Bakery, Pinky Tobanio, David Young (na kumanta sa pagtatapos ng event) and Newport Resorts World PR team.
Maraming-maraming salamat sa inyong pagdating.

Ipinagdiinang ‘di nagbago kanyang political color… PINKY, na-bash na naman dahil um-attend sa event nina PBBM at FL LIZA

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NABA-BASH si Pinky Amador dahil um-attend siya sa isang event nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at First Lady Liza Marcos sa Malacañang.
Si Pinky ay isang Kakampink na supporter ni former Vice-President Leni Robredo na kalaban noong eleksyon ni President Bongbong.
Apektado ba si Pinky sa bashers?
“Unang-una, titingnan mo yung mga bashers, walang mukha, walang pangalan, so they are paid trolls.
“Matagal na akong bina-bash. Yan ang natutunan ko kay Moira Tanyag,” sagot ng aktres.
Si Moira ay ang sikat niyang karakter sa dating afternoon drama series na ‘Abot-Kamay na Pangarap.’
“Ang pamba-bash is part of it and I just eat my bashers for breakfast. Sorry. Wala lang.
“Kasi dapat maging mature na tayo politically, di ba? Na hindi porket nag-attend ka ng isang ano…
“Parang si Ma’am Leni di ba? Tinanggap si BBM [Pangulong Bongbong] dahil magbibigay ng tulong doon sa kanilang bridge. They are doing their job.”
Bumisita kamakailan si Pangulong Bongbong sa Naga City kung saan si Leni ang mayor.
Bakit siya dumalo sa An Evening with the Stars?
“Isa po itong pagpugay sa mga artista sa pinalakang-tabing, sa dula, at sa telebisyon.
“Kung titingnan niyo po ang mga inimbita nila, a lot of them were Kakampinks.
“So, tatanungin niyo, bakit nila kami binibigyan ng pagpugay, di ba?
“So, parang ano, parang kinakamayan ka lang. Sasampalin mo ba yung kamay o kakamayan mo rin?
“And sa tingin ko naman, sa pag-attend sa isang dinner para po sa pag-honor sa mga artista, na 43 years ko na itong ginagawa.
“I will give them that respect.”
Personal niya raw kilala ang mag-asawang Marcos.
“Pangalawa, kilala ko po sila personally. When they were in exile, they would come to London.
“Pangatlo, yung tita ko po is their cultural mentor, so I know them personally,” pagtukoy ni Pinky kay Zenaida “Bibot” Amador, ang co-founder ng theater group na Repertory Philippines.
“And it doesn’t mean that I attend one dinner, I change my political color. Hindi po ganun.
“Puwede namang nagbibigay ka ng respeto pero nandiyan pa rin ang paninindigan mo.
“Kami naman, binibigyan ng pugay. Ako naman, 43 years ko na tong ginagawa.
“Hindi naman… hindi ko naman ugali naman mambastos nang ganun.
“Tsaka, hindi naman nagbago ang aking political color. So, why not?”
Muling mapapanood si Pinky sa isang teleserye, ang Apoy sa Dugo; mga bida rito sina Derrick Monasterio, Ashley Ortega, at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Toniyuh, Larkin Castor. Ito ay mula sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.
Mapapanood ito sa GMA Afternoon Prime simula March 2, 2026, 4:05 P.M., Lunes hanggang Biyernes.

(ROMMEL L. GONZALES)

May anak na at napaisip kung naging ‘kabit’ siya… ASHLEY, ikinuwento na nakipag-date siya dati sa older guy

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Dahil hindi na ito nakapasok sa Top 8…
Pambato ng ‘Pinas na si BEATRIZ, ‘di pinalad sa ‘Reina Hispanoamericana’

IKINUWENTO ni Ashley Ortega na minsan siyang nakipag-date sa isang lalaking mas matanda sa kaniya at hindi niya inasaahan na may anak na pala.
Kaya naman napaisip umano siya kung naging “kabit” ba siya?
“Mayroon akong dinate na guy, 10 years older than me. Tapos, parang two months, three months na kami nagde-date. Tapos nalaman ko, may anak pala. Oh my gosh! Kabit ba ako? May asawa ka ba?’” tawa ni Ashley.
Balik teleserye si Ashley via ‘Apoy Sa Dugo.’
“Na-miss ko talagang mag-acting. I am grateful to be trusted with the project and the role of Angel, the manipulative half-sister of Elle Villanueva. Masa-shock sila sa mga gagawin ko dito,” diin pa ng Sparkle actress.
***
HINDI pinalad ang ating Philippine representative na si Beatriz Abalajon Mclelland na mapanalunan ang Reina Hispanoamericana 2026 crown dahil hindi ito nakapasok sa Top 8.
Kahit na hanggang Top 13 lang si Beatriz, kabilang siya sa nag-top sa swimsuit at evening gown competition.
At 23, beterana na sa pagsali ng pageants si Beatriz. Naging third runner-up siya and Miss Intercontinental 2019 sa Miss Teen International pageant in India. Naging first runner-up finish din siya sa 2022 Miss Eco Teen International pageant held in Egypt.
Ang nagwagi bilang Reina Hispanoamericana 2026 ay si Miss Curacao Kimberly de Boer at kinabog niya ang 27 contestants. Ginanap ang coronation noong Feb. 22 sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia.
Ang Pilipinas ay naka-dalawa ng winners sa naturang pageant: Teresita Ssen “Winwyn” Marquez in 2017 at Dia Maté in 2025.
***
GINAWARAN ng star on the Hollywood Walk of Fame ang Malaysian actress na si
Michelle Yeoh.
Ito ay para sa ilang dekadang contribution niya sa international cinema.
Bahagi ng speech ng 64-year old actress: “The path from Malaysia to here wasn’t a straight line. There were moments that I wondered if I belonged. But I was fortunate to be part of stories that crossed borders and languages. Stories that reminded us how deeply connected we all are. Thank you all for surrounding me with love, for being my safe harbour and for helping me stay true to my own North Star.”
Nakilala sa kanyang husay sa martial arts si Michelle sa mga pelikulang Tomorrow Never Dies, Crouching Tiger… Hidden Dragon, Master Z: Ip Man Legacy, Police Story 3, The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor, Tai Chi Masters, The Heroic Trio at Yes, Madam.
Nanalo naman siya ng maraming best actress awards para sa Everything Everywhere All At Once kabilang na ang Oscar, Golden Globe at Screen Actor’s Guild.
Huli siyang napanood sa dalawang worldwide box-office hit films na Wicked at Wicked: For Good.

(RUEL J. MENDOZA)

Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., itinangging ‘bag man’ siya na naghatid ng pera kina PBBM at dating Speaker Romualdez

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARIING itinanggi ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na kabilang siya sa mga personalidad na nagsilbing “bag man” na naghatid ng ₱805 bilyon kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay matapos lumantad ang 18 dating miyembro ng Philippine Marines sa isang press conference nitong Martes at sinabing tumanggap umano si dating senador Antonio Trillanes ng $2 million mula kay dating Ako Party list congressman Zaldy Co upang suhulan ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

“The accusation that I accepted suitcases of cash is completely false, baseless, and malicious. I categorically deny it. This is simply the product of politics. I am being targeted because of the positions I have taken and the stands I have refused to compromise, particularly with regard to obtaining justice for the victims of extrajudicial killings,” pahayag ni Abante.

Sa isang press conference na ginanap sa isang restaurant sa Mandaluyong City, iprinisinta ni Levito “Levy” Baligod, tumatayong abugado ng mga dating sundalo. Anila, kabilang si Abante sa mga personalidad na nagdadala ng maleta na puno ng pera sa Pangulo at Romualdez.

Ayon kay Baligod, ang mga dating sundalo ay mga dating kasama ni M/Sgt. Orly Guteza, isang security consultant ni Co na naunang tumestigo na bag man ng dating kongresista.

“I stand by my record. I stand by my principles. I will not be deterred by fabricated attacks, and will continue to fight for justice for our countrymen. Exodus 20:16 tells us: “Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.” I believe when the facts are laid bare, the truth will speak for itself—and those who chose falsehood will have to answer not only to the public, but to their own conscience, and to our God,” sinabi ni Abante.
(Vina de Guzman)

DISCERNMENT, MAHALAGA SA PAGHAHANDA SA 2028 ELECTION

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAHALAGA ang ‘discernment’ para sa paghahanda ng mga botante para sa 2028 elections, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Sinabi ni Comelec Commissioner Ernest Maceda na ito ay dahil aniya sa mga balita at impormasyon mula sa lahat ng dako.

Sa Comelec , sinabi ni Maceda na nagtayo sila KKK o ang Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan upang malaman ang mga fake news at AI generated information.

Nagpapatuloy din ang pakikipagtulungan ng Comelec sa ilang social media platforms upang masiguro na maipaliwanag ng maayos at masugpo ang anumang fake news.
“That’s why the Chairman is very proactive in dealing with the Comelec press corps and all other national channels to make sure that the information from us is out there”, ani Maceda.
Dagdag pa ni Maceda , na dapat paniwalaan lamang ng mga botante ang mga tama at totoong balita at impormasyon .
Samantala , siniguro ng Comelec na mas malawak ang kanilang voter education para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil na rin sa dami ng naganap na pagbabago.
Inaasahan naman ang pagdagsa ng mga bagong botante para sa BARMM na ayon kay Maceda ay maaring umabot sa 2.4 milyon kumpara sa bilang kung natuloy ang halalan noong nakaraang taon.
(Gene Adsuara)

Bagong gusali ng Wawa Elementary School sa Navotas, pinabasbasan

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong gusali ng Wawa Elementary School, kasunod ng pagbabasbas nito sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco.

Ayon kay Mayor Tiangco, mula sa dating two-storey building, mayroon na ngayong four-storey building ang paaralan na may tig-limang classrooms bawat palapag.

Dagdag niya, mas pasado na ito sa safety standards kaya mas ligtas ang paaralan para sa mga estudyante, mga guro, at mga school personnel.

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco kay Congressman Toby Tiangco sa pagtulong nito para mapondohan ang nasabing proyekto.

“Salamat sa tulong ni Cong. Toby Tiangco kaya napondohan ang proyektong ito. Alagaan natin ang paaralan at ituring na parang tahanan para mas maraming makinabang dito,” pahayag niya.

Panawagan ng pamahalaang lungsod na alagaan ang bagong gusali at ituring itong parang sariling tahanan para mas marami pang kabataang Navoteños ang makinabang nito. (Richard Mesa)

NAVOTAS, MULING NAKAKUHA NG SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakakuha ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation, na minarkahan ang ikalimang pagkakataon na natanggap ng lungsod ang pagkilala para sa patuloy nitong pagsisikap na mapabuti at mapalakas ang lokal na pamamahala sa edukasyon.

Ang Seal of Good Education Governance ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na muling nag-imbento ng lokal na lupon ng paaralan, kasama ang komunidad sa pagtulong sa mga bata na matutong mabuti, napanatili ang mataas na retention at cohort survival rate, makabuluhang nabawasan ang bilang ng mga hindi at bigong mambabasa, at pinondohan ang mga programa na nagpapahusay sa pagganap ng pag-aaral, partikular na ang mga kakayahan sa pagbabasa.

Tinanggap ni Navotas Schools Division Superintendent Dr. Meliton Zurbano ang parangal kasama ng mga opisyal ng paaralan sa 2026 National Educational Summit kung saan tatlong local government units lamang sa National Capital Region ang nabigyan ng pagkilala ngayong taon.

Kinilala ni Mayor John Rey Tiangco ang pagkilala sa matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, mga magulang, at mga stakeholder ng komunidad.

“This recognition affirms that when the local government, schools, and families work together, we can create meaningful improvements in our children’s education. We remain committed to investing in programs that strengthen literacy, support teachers, and help every Navoteño learner succeed,” pahayag niya.

Isa sa mga pangunahing hakbangin ng lungsod ay ang pagpapalakas ng pakikilahok ng magulang sa edukasyon. Kasama ang matagal nang kasosyo at miyembro ng Local School Board na Food for the Hungry, inorganisa at natapos ng mga pinuno ng magulang ang Project APAT Training of Trainers noong Agosto 15–16, 2025 sa Navotas Elementary School.

Ang Project APAT, o “Ang Paaralan sa Aming Tahanan,” ay nagtataguyod ng tahanan bilang extension ng paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga magulang na gabayan at suportahan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Sa temang “P4s: Pagsasanay sa Pagiging Magulang Tungo sa Pinagpalang Pamilya,” ang pagsasanay ay nilagyan ng mga parent leaders ng mga kasanayan at pagpapahalagang kailangan upang magsilbing facilitator sa kani-kanilang mga paaralan.

Sa pamamagitan ng malakas na pagtutulungan ng Local Government Unit at ng Schools Division Office Navotas, ang lungsod ay nakapagtala ng mga kapansin-pansing tagumpay sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang Navotas ay binanggit ng Senate Committee on Basic Education para sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng grade level-ready learners batay sa mga resulta ng End of School Year ng Comprehensive Reading Literacy Assessment para sa School Year 2024–2025.

Nangunguna rin ang lungsod sa 16 na dibisyon ng paaralan ng NCR sa National Achievement Test para sa Grade 6 (SY 2024–2025). Dagdag pa rito, naitala ng Navotas ang pinakamababang dropout rate sa 0.02 percent at ang pinakamababang repetition rate sa 0.29 percent sa rehiyon. (Richard Mesa)

Mga marines na nagtuturo kay PBBM bilang mastermind sa pagdadala ng pera sa bahay ng Pangulo, ‘lousy script’- Malakanyang

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“LOUSY script, hindi pang-award winning.”
Ganito kung ilarawan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang alegasyon ng 18 dating Marines na di umano’y naghatid ng bilyong pisong cash sa tahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.
“Paulit-ulit na kasinungalingan laban sa Pangulo. Lousy script, hindi pang-award winning. Hindi malinis, alam mo na may kasinungalingan,” ayon kay Castro.
Nauna rito, lumantad ang labingwalong dating miyembro ng Philippine Marines kasama ang abogadong si Levi Baligod upang kumpirmahin ang mga naunang pahayag ni dating Master Sergeant Orly Guteza kaugnay ng umano’y paghahatid ng mga maleta ng pera na iniuugnay sa mga proyektong flood control.
Sa isang press conference sa Club Filipino, sinabi ni Baligod na ang mga dating sundalo ay dati umanong kasamahan ni Guteza, na nagsilbi bilang security personnel ni dating kongresista na si Zaldy Co.
Ani Castro, ang mga pahayag na ito ay isang panibagong smear campaign laban kay Pangulong Marcos.
“So, sino ba ang nasa likod nito, siguro dapat malaman ninyo, kung sino ba iyong may-ari ng sasakyan na siyang sumunod sa kanila matapos ang press briefing or presscon nila,” ang sinabi pa rin ni Castro.
At nang tanungin kung magsasampa ba ng kaso ang Malakanyang laban sa nagpapakalat ng nasabing impormasyon, ang tugon ni Castro ay “Na andiyan ang NBI, na andiyan ang PNP dapat malaman nila ito, obligasyon nila na kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news, dapat pa ba silang utusan? Hindi po, obligasyon ng NBI, PNP, DOJ.”
Sa ulat, nauna nang naging testigo si Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan sinabi niyang naghatid siya ng mga “luggages of cash” sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Sa naturang press conference, inilahad din ni Baligod ang kanyang alegasyon kaugnay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker na si Rep. Martin Romualdez.
Sinabi rin ni Baligod na batay sa mga impormasyong ibinahagi sa kanya, ang mga delivery umano ng maleta ay nauugnay sa mga pondong galing sa flood control projects.
Bukod dito, nauna nang sinabi ni Guteza na nagdala siya ng 46 maleta ng pera kina Romualdez at Co.
Ayon pa kay Baligod, may mga pagkakataon umanong ginamit ang pribadong eroplano na iniuugnay kay Co sa paghahatid ng pera, at may mga lugar na binanggit kung saan umano dinala ang mga maleta, kabilang ang Forbes Park sa Makati at Paoay, Ilocos Norte.
Nagpakita rin ang kampo ni Baligod ng mga larawan ng mga maleta na anila’y ginamit sa mga naturang delivery. (Daris Jose)

Alex Eala nagkamit ng panibagong career-high ranking

Posted on: February 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakapagtala ng panibagong career-high ranking si Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay nasa pang-31 na puwesto ang 20-anyos na si Eala.
Naging malaking tulong ang pag-angat sa puwesto ni Eala sa kampanya nito sa WTA 1000 Dubai Tennis Championships kung saan umabot ito ng quarterfinals.
Unang naabot ni Eala ang career-best Number 40 at matapos ang isang linggo ay bumagsak ito sa Number 47.
Naghahanda ngayon si Eala sa ilang mga torneo gaya sa Indian Wells at Miami Open.
Magsisimula ang BNP Paribas sa Indian Wells mula Marso 4 hanggang 15 habang ang Miami Open ay magsisimula mula Marso 17 hanggang 29.