• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

MMDA NAGSAGAWA NG OCULAR INSPECTION SA QUIRINO GRANDSTAND

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG ocular inspection ang isinagawa ng Metropalitan Manila Development Authority (MMDA) sa Quirino Grandstand sa Maynila, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno sa Enero 9.
Pinangunahan ito ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kung saan isasagawa ang Pahalik sa Poong Nazareno, vigil, Misa Mayor, at iba pang aktibidad kaugnay ng pista.
Isa sa tutugunan o pagtutuunan ng MMDA ang pagsasaayos ng pila ng mga deboto, paglalagay ng mga bakod o fence, medical tents, at iba pang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at lahat ng lalahok sa mga aktibidad.
Sinabi ni Torre na handa na ang MMDA para sa pista ngunit posible pa umanong magkaroon ng ilang pagbabago matapos ang isasagawang final walk-through kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga Volunteers.
(Gene Adsuara)

KLASE, TRABAHO, SUSPENDIDO AT LIQUOR BAN SA PISTA NG NAZARENO

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan, pati na ang trabaho sa Lokal na Pamahalaan ng Maynila sa Biyernes, Enero 9, sa araw ng pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Poong Itim na Nazareno.

Sa nilagdaang Executive Order No. 1 Series of 2026 ni Mayor Isko Moreno Domagoso, iniutos ang suspensiyon ng klase at trabaho sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at taimtim na pagdiriwang ng kapistahan, at malayang makalahok ang mga deboto sa taunang Traslacion na dinarayo ng milyon manlalakbay na may banal na layunin taon-taon sa kapitolyo ng bansa.
Ipinauubaya naman ng alkalde sa mga pribadong kompanya sa Maynila at maging sa pambansang pamahalaan, kung sususpendihin din ang kanilang trabaho.

Naglabas din ng Executive Order No. 2 Series of 2026 ang alkalde na nagpapataw ng liquor ban sa Enero 9 sa loob ng 500 metrong radius sa paligid ng Quiapo Church at maging sa ruta ng Traslacion.
Sa ilalim naman ng inilabas ding Executive Order No. 3, Series of 2026 ng alkalde, kanyang idineklara ang total ban sa paggawa, distribusyon, at paggamit ng anumang uri ng paputok at pyrotechnics mula Enero 8 hanggang 9 sa buong lungsod upang maiwasan ang pinsala sa buhay, sunog, at iba pang panganib sa gagawing prusisyon ng Itim na Nazareno.
Inatasan din ni Mayor Isko Moreno ang Manila Police District (MPD) at iba pang tagapagpatupad ng batas na mahigpit na ipatupad ang tatlong kautusan na kanyang nilagdaan sa buong panahon ng selebrasyon.
(Gene Adsuara)

Labanan ng US-Venezuela, walang epekto sa ekonomiya ng Pinas- DepDev

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALANG epekto sa ekonomiya ng bansa ang nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Venezuela.
“With respect to the impact of Venezuela there is hardly nothing,” ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang.
“I don’t think there’s going to be a perceptive effect on us…As it is, our links —directly and indirectly— to Venezuela’s economy is strong,” aniya pa rin.
Ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, nagpahayag ng pag-aalaala sa tumitinding hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Venezuela, nanawagan sa dalawang bansa na igalang ang international law at ibalik ang kapayapaan at kaayusan.
Sa ulat, inanunsyo ni US President Donald Trump na iti-take over ng Estados Unidos ang Venezuela matapos ang matagumpay na operasyon militar sa Caracas.
Ayon sa kanya, pansamantalang pamamahalaan ng U.S. ang bansa hanggang sa maitatag ang ligtas na transisyon tungo sa bagong gobyerno.
Inaresto ng mga puwersang Amerikano si Venezuelan President Nicolás Maduro at ang kanyang asawa na si Cilia Flores.
Dinala sila sa Estados Unidos upang harapin ang mga kasong narco-terrorism at drug trafficking.
Nanatiling ipinatutupad ang embargo sa langis ng Venezuela habang nakaposisyon ang mga pwersang pandagat ng U.S. sa rehiyon.
Binalaan ni Trump ang iba pang opisyal ng Venezuela na maaari silang masapitan ng kaparehong kapalaran kung patuloy silang magiging mapang-abuso.
Plano ng U.S. na isali ang mga kompanyang Amerikano sa muling pagpapatayo ng industriya ng langis ng Venezuela.
Itinuturing ng pamahalaang Amerikano na tagumpay ang operasyon at simula ng pagbabalik ng sigla sa ekonomiya ng bansa.
( Daris Jose)

PBBM, titiyakin na ang bawat piso ng 2026 GAA ay mapakikinabangan ng mga Filipino

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“HINDI tayo papayag na mapunta sa kurakot ang salaping pinaghirapan ng bawat Pilipino.”
Ito ang inihayag ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, bilang pangako na titiyakin niya na ang bawat piso ng P6.793-trillion 2026 national budget ay gagastahin sa paraan na direktang mapakikinabangan ng mga mamamayang Filipino.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpirma sa General Appropriations Act (GAA) for the Fiscal Year 2026, sinabi ng Chief Executive na ang bawat programa o proyekto ay isasailalim sa masusing pagsusuri para igarantiya ang tunay na resulta para sa mga filipino partikular na sa itinuturing na ‘most vulnerable sectors.’
“Sa National Budget ng 2026, malinaw ang direksyon ng inyong pamahalaan: magiging mas masinop, mas maingat, at mas responsable kami sa paggastos ng pondo ng bayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Ang bawat programa at proyekto ay dadaan sa masusing pagsusuri upang masiguro na ito ay may malinaw na benepisyo sa mamamayan—lalo na sa sektor na higit na nangangailangan,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, nilagdaan ng Pangulo ang P6.793 trillion 2026 national budget, naglalayong panatilihin ang progreso ng bansa sa aspeto ng ‘education reform, health protection, food security, social security, at job creation.’
Siniguro rin ng Pangulo na paiigtingin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap na paghusayin ang sistema sa gobyerno, palakasin ang pananagutan at labanan ang korapsyon.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na aktibong makilahok sa nasabing layunin.
“Ang pagbabantay, ang pagtatanong, ang pag-uulat, at ang pakikilahok ay mahalagang bahagi ng isang gumaganang demokrasya. Kasama ninyo kami sa layuning tiyakin na ang budget ng bayan ay para sa bayan,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Halos P.3M droga, nasamsam sa tulak sa Valenzuela

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa isang bagong identified drug pusher ang halos P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Don Don”, 50, ng Brgy., 162, Sta Quiteria, Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Col. Talento dakong alas-3:40 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil sa A. Bernardino St., Brgy. Ugong.
Ayon kay Lt. Dascil, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni ‘Don Don’ na dumadayo pa umano sa Valenzuela para magbenta ng droga kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Isa sa kanyang mga tauhan na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nang tanggapin nito ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Lt. Dascil.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 43 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P292,400.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P150 cash at ang gamit nitong motosiklo.
Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Yorme Isko Moreno, nangakong paigtingin ang disiplina sa pananalapi sa City Hall

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAHAYAG ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang kanyang pagiging optimistiko para sa mas masaganang taong 2026 sa kanyang mensahe sa Bagong Taon na ibinigay sa unang flag-raising ceremony ng lungsod sa Manila City Hall noong Lunes, Enero 5.

Ayon kay Domagoso, pumapasok ang pamahalaang lungsod sa Bagong Taon na may panibagong pag-asa matapos mapagtagumpayan ang serye ng mga hamong pang-ekonomiya noong 2025.

“Ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos. Salamat sa Diyos na naitawid natin ang 2025, at umaasa ako na ang 2026 ay magdadala ng kaunlaran sa mamamayan ng Maynila at sa pamahalaang lungsod,” ani Domagoso.

“Pipilitin nating maging masinop at maging epektibo sa paggasta,” dagdag pa niya, kasabay ng pagkilala na sinubok ng nakaraang taon ang lokal na pamahalaan at ang mga kawani nito dahil sa mga hamong pinansyal na hinarap ng lungsod.

Tiniyak ng alkalde sa mga empleyado ng lungsod na patuloy na pagtutuunan ng pansin ng administrasyon ang disiplinado at responsableng pamamahala ng pondo upang mapatatag ang pananalapi ng lungsod.

Binigyang-diin din ni Domagoso na mahalaga ang pananampalataya, pagkakaisa, at kasipagan habang hinaharap ng lungsod ang mga hamon at oportunidad sa darating na taon.

“Kailangan nating patuloy na maniwala, gawin ang ating makakaya, at ang Diyos na ang bahala sa iba,” aniya.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na umiiral ang serbisyong pampubliko dahil sa tiwala at sakripisyo ng mga nagbabayad ng buwis, at hinikayat silang maglingkod nang may kababaang-loob, integridad, at malasakit.

Nanawagan din si Domagoso sa mga empleyado ng lungsod na manatiling malusog at magkaisa, habang inanyayahan silang makiisa sa panalangin para sa isang ligtas, maunlad, at mapayapang Maynila sa 2026.

“Kung wala sila, wala tayo. Ang ating pag-iral ay dahil sa ating mga mamamayan,” aniya. “Ako ay umaasa at nananalangin para sa isang ligtas na lungsod, maunlad na lungsod, at mapayapang komunidad.”
(Gene Adsuara)

DRUG PUSHER ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA, ₱1.36-M HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamamagitan ng Regional Special Enforcement Team (RSET) nito, sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pagpapatupad ng batas at mga katuwang na ahensya, nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug personality at pagkakakumpiska ng mga pinaghihinalaang ilegal na droga noong Enero 3, 2025, sa Barangay Quitago, Guinobatan, Albay.

Isinagawa ang operasyon dakong 9:01 AM sa aktibong suporta ng PDEA Albay Provincial Office, PDEA Regional Legal Unit (ROV), Guinobatan Municipal Police Station, at ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU 5).

Nakumpiska sa operasyon ang mga pinaghihinalaang ilegal na droga na tinatayang may kabuuang bigat na humigit-kumulang 200 gramo, na nakapaloob sa dalawang nakatali at nakabuhol na transparent na plastik na sachet na may puting mala-kristal na sangkap. Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang aabot sa halagang ₱1.36-M.

Narekober din ang isang tunay na ₱1,000 na perang papel na nakarekord na serial number kasama ang ilang replika ng ₱1,000 na perang papel na nakabalot sa cling plastic, isang Android mobile phone, isang pink na paper bag, isang itim na plastik na lalagyan, at isang puting plastik na lalagyan.

Ang naarestong suspek na kilala bilang isang high-value target ay isang 27-taong-gulang, walang trabaho at residente ng Taguig City.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

2026 budget, mapupunta sa mga benepisaryo, hindi para gamitin ng mga pulitiko- PBBM

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ipamamahaging pinansiyal at iba pang uri ng tulong ay makararating sa mga benepisaryo at hindi para gamitin sa political patronage.
Inihayag ito ng Pangulo matapos tintahan ang P6.7-trillion national budget para sa taong 2026, araw ng Lunes.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang General Appropriations Act (GAA) ay mayroong probisyon na nagbabawal sa mga pulitiko na makasama sa paghawak ng lahat ng uri ng tulong.
“We will strictly implement the provision on the ‘Prohibition on Political Involvement in the Distribution of Cash and Other Forms of Financial Assistance,’” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage. No reduction. No shortage,” diing pahayag ng Pangulo.
Ang gobyerno ay nagbibigay sa mga indigent Filipino ng cash aid at iba pang uri ng pinansiyal na tulong gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Winika ng Pangulo na ang social services sector ay nakatanggap ng P270 billion mula sa budget ngayong taon na naglalayong paghusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Filipino at isulong ang human capital development. (Daris Jose)

BEA, nagpatibay ng misyon na maging makabuluhan ang panahon nang pagbibigayan

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Kasama rin si Andrea sa inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR…
ITINAGUYOD ng NUSTAR Online sa buong taon ng 2025 ang kahusayan ng mga Pilipino sa pamamagitan nang maayos na pakikipag-ugnayan na nagpapakita ng posisyon nito bilang isang premium entertainment platform.

Mula sa Red Charity Gala kung saan nakamit ang magandang hangarin sa tulong ng kahali-halinang pagdiriwang, hanggang sa MNL Fashion Week na nagtaas sa antas ng disenyong Filipino sa pandaigdigang entablado.

Mula naman sa The New Nocturnals kung saan ipinagdiriwang ang husay sa sining at sariling pagpapahayag, hanggang sa The Most Stylish Party at The Rolling Stone Philippines Hall of Fame kung saan binigyang pugay ang mga kilalang tao sa iba’t ibang larangan – ang NUSTAR Online ay patuloy na nagbigay pagpapahalaga sa mga kwento ng kahusayan at kadakilaan.

Sa panahon naman ng pagdiriwang ng kapaskuhan, inilipat ng brand ang pokus nito sa kabila nang halina tungo sa pagtulong sa komunidad.

Upang mapanatiling tapat sa pangakong iangat ang antas ng buhay, inilunsad ng NUSTAR Online ang Wish Upon a NUSTAR, isang proyekto ginawa para sa pagdiriwang ng kapaskuhan na idinisenyo para mapakinggan at matupad ang mga kahilingan ng mga Pilipino sa buong bansa.

Pinangunahan ang nasabing proyekto kasama ang mga brand ambassadors na sina Andrea Brilliantes at Bea Alonzo na silang nagpatibay sa misyon nang platform na gawing tunay, makabuluhan ang mga resulta sa panahon nang pagbibigayan.

“Para sa amin sa Nustar Online, ang karangyaan ay hindi lamang binigyang kahulugan bilang mataas na karanasan kundi sa mabuting hangarin o layunin”, sabi ni Krizia Cortez, Direktor ng Public Relations ng NUSTAR Online.

“Ginawa namin ang proyektong ito para mapakinggan at tumugon sa aming tagatangkililk sa kanilang mga kwento sa likod ng kanilang mga hiling, sa realidad na kanilang ikinabubuhay sa araw araw at matugunan ng may dignidad, aksyon at tunay na epekto.”

Bahagi ng initiatibong ito, libu-libong manlalaro ang nagpadala nang kanilang mga personal na kahilingan, kung saan lima (5) ang mapipili sa buong bansa. Bawat taong humiling ay makakakuha ng regalo na magpapabago sa kanila at susuportahan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan, kabuhayan at ginagalawan.

Dalawa ang napili sa NCR na mula sa Valenzuela at Malabon at nakamit nila ang hiling na bisikleta at electric bicycle. Sa lalawigan ng Quezon, isang pamilya ang nakakuha ng tricycle bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

Sa Cebu, isang tatay ang nabigyan ng kalabaw para maipagpatuloy ang kanilang pangangailangan sa pagsasaka. Samantalang isang taong humiling na galing sa General Santos City ay nagkamit ng isang bisikleta para alalayan ang kanyang pang araw-araw na biyahe papasok sa trabaho.

Maaring mapanood ang mga kwento ng mga mapalad na napili at paano at bakit ang mga kahilingang ito ay mahalaga sa kanila. Bisitahin ang opisyal na Facebook page ng NUSTAR Online: www.facebook.com/nustaronline kung saan ang bawat kwento ay nagbibigay ng personal na epekto sa likod ng bawat nakuhang hiling.

Kaugnay naman sa kampanyang ito, nakipagtulungan ang NUSTAR Online sa Philippine Cerebral Palsy Incorporated (PCPI) para sa isang Christmas Donation Drive na ang layunin ay suportahan ang mga batang may cerebral palsy kabilang ang kanilang mga pamilya.
Ang initiatibong ito ay naging paraan para makapagbigay ng mga Christmas baskets at hygiene kits sa bawat pamilya habang ang mga bata ay nakatanggap ng mga upuan at mga mahahalagang therapy equipment para sa kanilang paglago. Mayroon din donasyon na ibinigay sa PCPI bilang pagtanaw at pagkilala sa kanilang 70 taong paglalaan ng serbisyo sa komunidad.
Ang ‘Wish Upon a NUSTAR’ ay simula ng isang malawakang pangako.

Dahil ang bawat hiling ay nararapat lamang dinggin.

Just Wish Upon a NUSTAR. (ROHN ROMULO)

“It’s just so extraordinarily intense.” Take a look behind the scenes of “28 Years Later” in the new featurette with Danny Boyle, Nia DaCosta, and Ralph Fiennes

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IN a world ravaged by infected, the greatest threat to survival might just be humanity. Danny Boyle and Alex Garland take us back into the twisted world of 28 Years Later, and turning the world on its head is director Nia DaCosta with 28 Years Later: The Bone Temple.

The newest featurette has Danny Boyle talking about the impressive direction DaCosta has taken, and actor Ralph Fiennes on how humanity evolves in the face of danger and desperation.

Watch the featurette: https://youtu.be/iz_5yoUZQDo?si=JxDRkSonCWALGZvu

In 28 Years Later: The Bone Temple, the real threat to humanity emerges in the land of the infected: the survivors themselves. After the events of the first film, Dr. Kelson (Ralph Fiennes) finds a connection in the most unexpected of places, and Spike’s (Alfie Williams) encounter with the bizarre ringleader Jimmy Crystal (Jack O’Connell) spirals into something sinister.

As DaCosta takes over for 28 Years Later: The Bone Temple, Boyle is confident that their story has fallen into the right hands. “Nia was the perfect choice to direct The Bone Temple. Alex Garland and I had long been fans of her reimagining of Candyman and recognized that Nia has serious horror chops – and a genuine love for the original 28 Days Later. She honors what fans love about the franchise while making the new film her own, taking the series into even darker, more intense areas.”

Garland also serves as a screenwriter for the film, and believes that the shift in directorial style is something to look forward to. “From the start, Nia told Danny and me that the camera would not move in the way Danny moves the camera, and it would not be edited in the way Danny cuts,” Garland confirms. “That was very impressive to Danny because most people’s instinct would have been to duplicate his style, and Nia didn’t do that. That was impressive and smart. Her film is quite different, and that’s a good thing.”

DaCosta was excited to helm a film from a franchise that she has been a longtime fan of, and is certain that she left a positive imprint in directing 28 Years Later: The Bone Temple. “What connects the two films is that they’re both bonkers, idiosyncratic, and artistically personal works,” DaCosta notes.

“When I initially discussed the new film with Danny and Alex, I told them, ‘I’m going to make it my own. I’m not going to try to make ‘a Danny Boyle movie.’ Because that’s impossible to make. Alex’s script was very different from 28 Years Later, so it lends itself to a different approach. I could really put my imprint on it – to let my freak flag fly – and be visually adventurous and matching that with more classical filmmaking.”

Something sinister comes as 28 Years Later: The Bone Temple arrives in Philippine cinemas on January 14.

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)