Parang inilantad na ang relasyon nila ni Kaila… DANIEL, tinawag na ‘bayaw’ ni LUIGI kaya kinaaliwan ng fans
- Published on April 23, 2026
- by @peoplesbalita
KINAALIWAN ng mga fans ang pagtawag ng “bayaw” ng celebrity chef na si Luigi Muhlach sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
Parang inilantad na ni Luigi ang relasyon ng kanyang half-sister na si Kaila Estrada, kahit wala pang pag-amin sa dalawa.
Sa Instagram post ni Luigi noong Martes, April 21, nag-share si Luigi ng mga pictures at video sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
“39,” ang caption ni Luigi sa post.
Comment naman si Daniel, “Happy kaarawan tol!!! FORE!!!”
“Maraming salamat bayaw! April boys let’s go!!” sagot naman ni Luigi.
Aliw na aliw naman ang netizens sa convo nina Daniel at Luigi, lalo na ang mga fans nina DJ at Kaila.
Narito ang reaksyon ng supporters ng celebrity couple.
“BAYAW HALLELUJAH!”
“@muhlachluigi wow, bayaw na tawag! Yeheeeeey.”
“@muhlachluigi omg super kilig po sir the word bayaw stated by the kuya super happy for the whole family happy birthday sir and pogi forever.bless u always and your family.”
“@muhlachluigi happy birthday sayo @muhlachluigi at salamat sa buhay mo dahil napasaya mokami ngayon araw Sana mabohay kapa nang matagal at maraming blessings domating sayo.”
“@muhlachluigi hoy Sana All Bayawtotoo naba.”
“@muhlachluigi Wow, tanggap, accepted, approved by Kuya.”
“@muhlachluigi OMG uwian na may nanalo na, yong tatay at nanay mo superstar tapos may bro inlaw kapa Superstar din. Luigi lang SAKALAM hahaha HBD sir Chef.”
***
MAGKAKAROON ng isang special moment sa Philippine Television ngayong April 24, ito ang global crossover ng “Family Feud” franchise sa Manila at Amerika.
Maituturing na isang malaking milestone para sa show, dahil magkakaroon si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng eksklusibong video conversation kasama si Steve Harvey!
Siguradong magiging exciting ito para sa lahat ng Pinoy fans! At ang tanong posible kayang bumisita si Steve Harvey sa Philippine studio?
O, baka naman si Dingdong ang pumunta sa Atlanta para makilala ang iconic TV at international pageant host?
Samantala, tuluy-tuloy ang masaya at star-studded episodes araw-araw ng “Family Feud”.
Ang mga studio player ay may chance manalo ng hanggang P200,000, plus P20,000 para sa kanilang charity. Ang team naman na hindi magwawagi ay may P50,000 consolation prize.
At kung hindi mahuhulaan ang lahat ng survey answers, dalawang audience members ang maaaring manalo ng tig-P5,000.
Para naman sa viewers sa bahay, pwede ring sumali sa Guess More, Win More promo. May walong winners kada episode na makakakuha ng tig-P10,000 at lahat ng entries mula Monday to Friday ay may chance sa P100,000 jackpot draw sa dulo ng linggo.
Makisaya at manood ng “Family Feud”, Lunes hanggang Biyernes, 5:35 p.m. sa GMA 7. Available rin ito sa Kapuso Stream, YouLOL YouTube channel, at sa official Facebook page ni Dingdong Dantes.