• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2026 budget, mapupunta sa mga benepisaryo, hindi para gamitin ng mga pulitiko- PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ipamamahaging pinansiyal at iba pang uri ng tulong ay makararating sa mga benepisaryo at hindi para gamitin sa political patronage.
Inihayag ito ng Pangulo matapos tintahan ang P6.7-trillion national budget para sa taong 2026, araw ng Lunes.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang General Appropriations Act (GAA) ay mayroong probisyon na nagbabawal sa mga pulitiko na makasama sa paghawak ng lahat ng uri ng tulong.
“We will strictly implement the provision on the ‘Prohibition on Political Involvement in the Distribution of Cash and Other Forms of Financial Assistance,’” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage. No reduction. No shortage,” diing pahayag ng Pangulo.
Ang gobyerno ay nagbibigay sa mga indigent Filipino ng cash aid at iba pang uri ng pinansiyal na tulong gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Winika ng Pangulo na ang social services sector ay nakatanggap ng P270 billion mula sa budget ngayong taon na naglalayong paghusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Filipino at isulong ang human capital development. (Daris Jose)