• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

Prime Video Reveals Teaser Trailer and Premiere Date for ‘Young Sherlock’

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PRIME Video released the tease art, teaser trailer and premiere date for Young Sherlock, starring Hero Fiennes Tiffin (After series) as Sherlock Holmes.

This reimagining of the beloved detective, brought to life by visionary director and executive producer Guy Ritchie, charts the origin story of Sherlock Holmes in an irreverent, action-laden mystery that follows the iconic detective’s early adventures.

All eight episodes of the thrilling series will premiere on March 4, 2026, exclusively on Prime Video in more than 240 countries and territories worldwide.

With all the wit and charm of Guy Ritchie’s Sherlock Holmes feature films, Young Sherlock follows the origin story of Sir Arthur Conan Doyle’s beloved detective in an explosive re-imagining of this iconic character’s early days.

Sherlock Holmes is a disgraced young man – raw and unfiltered – when he finds himself wrapped up in a murder case that threatens his liberty. His first ever case unravels a globe-trotting conspiracy that changes his life forever. Unfolding in 1870s Oxford and adventuring abroad, the series will expose the early antics of the anarchic adolescent who is yet to evolve into Baker Street’s most renowned resident.

Previously announced cast members of Young Sherlock include Dónal Finn (The Wheel of Time), Zine Tseng (3 Body Problem), Joseph Fiennes (The Handmaid’s Tale), Natascha McElhone (Halo), Max Irons (Condor) and Colin Firth (The King’s Speech). Guy Ritchie directs the first two episodes and executive produces.

The series is created for television and executive produced by showrunner Matthew Parkhill with executive producers Dhana Rivera Gilbert, Marc Resteghini, Simon Maxwell, Ivan Atkinson, Simon Kelton, Colin Wilson, and co-executive producers Harriet Creelman and Steve Thompson. Motive Pictures led physical production for Young Sherlock.

Pinalabas kasi ng OFW na nag-video na ‘di siya nakilala… VICE GANDA, dala-dala sa show ang hugot sa naging experience sa airport

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ANG daming mga individual issue sa ilang members ng tinaguriang Nation’s Girl Group, ang BINI.

Nagbakasyon lang during the holidays, pero may mga isyu na naidikit na sa bawat isa. Nand’yang si BINI Aiah raw ay dumadaan na naman sa anxiety at may chika pa na baka mawala sa grupo.

Pero may nagsabi sa amin na wala itong katotohanan.

Ang isa sa pinag-uusapan ngayon, kung sa South Korea, palaging may pasabog ang Dispatch at scoop na celebrity couple, para tuloy sina BINI Jhoanna at Skusta Clee naman.

Oppps, wala pa itong kumpirmasyon. May mga naglalabas lang kasi ng ebidensiya na kesyo may sighting daw kay Jhoanna sa Vietnam.

At nang mapagkonek-konek naman ang mga social media entry or post nila, kesyo pareho raw ang mga background at post.

‘Yun lang, halos lahat yata ay against. At lahat din ay umaasa at maaaring nananalangin na sana, wala raw itong katotohanan.

Ang dahilan, walang may gusto kay Skusta para kay Jhoanna. Sa mga hindi nakakaalam, si Skusta ang tatay ni Bia na anak ni Sheinab Harake.

Quiet si Jhoanna sa isyu kahit ang daming nagtatanong sa kanya. Ang ginawa n’ya, ni-repost n’ya ang X post niya noong October na, “What keeps my heart strong is knowing that God knows my heart.

“People can say whatever they want, they can make stories or judge without knowing the truth but at the end of the day, God sees everything and that’s enough for me.

“Kasi as long as my intentions are pure and my heart is right, I don’t have to explain myself to anyone.”

***

HANGGANG sa ‘It’s Showtime’ ay dala-dala ni Vice Ganda ang tila hugot n’ya sa naging experience sa airport.

May nagvi-video kasi kay Vice na OFW. Hindi n’ya pinaglagpas na maparinggan ito. May isang contestant ng “Laro Laro Pick” na sinabihan n’yang kamukha raw no’ng babae.

Sey n’ya, “Ay, kilala ko to, e, sikat to, e. Sikat to e, artista to e.”

Para kay Vice, hindi totoong hindi siya kilala na ginawa pa siyang content.
“Echoserang hindi niya alam pangalan ko, e, kitang-kita ko siya.

“No’ng nakita niya ako, sabi niya, ‘Ay, si Vice Ganda,’ tapos bini-video niya ako.
Ayoko nang ikuwento nang buo dahil maba-bash ka lalo, ‘Day.”

Napakarami ngang kampi kay Vice sa isyung ito. Pero meron din nagsasabi na kesyo masyado na raw nagmamataas, huh.

(ROSE GARCIA)

Ads January 7, 2026

Posted on: January 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads January 6, 2026

Posted on: January 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Venus Williams gagawa ng kasaysayan sa muling pagsabak sa Australian Open

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG umukit ng kasaysayan sa Ausralian Open si seven-time grand slam singles champion Venus Williams.

Ito ay matapos na makatanggap ito ng wild-card entry sa torneo na magsisimula sa Enero 18 sa Melbourne.

Ayon sa organizer na magbabalik ang 45-anyos na tennis star sa Melbourne Park 28 taon matapos ang unang paglalaro niya.

Noong 1998 kasi ay tinalo niya ang nakakabatang kapatid na si Serena sa second round bago natalo kay Lindsay Davenport ng US din sa quarterfinals.

Una ng sinabi ni Venus noong Nobyembre na maglalaro ito sa Auckland, New Zealand kung saan nakatanggap ito ng wild card dalawang linggo bago ang Australian Open.

Alex Eala, makakaharap si Donna Vekic sa ASB Classic sa New Zealand

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala para sa ASB Classic sa New Zealand kontra kay Croatian Olympic silver medalist na si Donna Vekic sa Lunes.

Ang 20-anyos na si Eala, na kasalukuyang nasa ika-53 Women’s Tennis Association (WTA) rankings, ay papasok sa torneo bilang ikaapat na seed, kasunod nina Ukrainian Elina Svitolina at mga Amerikanang sina Emma Navarro at Iva Jovic.

Si Vekic, 29, ay dating umabot sa career-high singles ranking na No. 17 at kasalukuyang nasa No. 69.

Mayroon ding apat na WTA singles titles si Vekic at itinuturing na isang beteranong manlalaro sa women’s tour.

Bukod sa singles, lalahok din si Eala sa doubles event kasama si Iva Jovic. Sa kanilang opening match, makakaharap nila ang tennis icon at dating world No. 1 na si Venus Williams, kasama si Svitolina.

Magugunitang napabilang si Eala sa ASB Classic matapos ang isang makasaysayang 2025 season, kung saan siya ay unang nakapasok sa WTA Top 100, nagwagi ng kanyang unang WTA 125 title, at nag-uwi ng gold medal sa Southeast Asian Games.

DOH: Road crash ngayong holiday, higit 1K

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANGUNA ang motorsiklo sa mga naitalang road crash injuries sa bansa nitong holidays, kabilang ang lima na kumpirmadong nasawi.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sa kabuuang 1,113 road crash injuries na naitala nila mula sa 10 sentinel hospitals mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026, nasa 787 o 71% ang kinasangkutan ng mga motorsiklo.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay 82% na mas mataas kumpara sa naitalang mga aksidente sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sa kabuuang kaso, 68 ang bago o karagdagan lamang simula noong Disyembre 21.
Pito naman sa mga biktima ang nasawi dahil sa naturang road accidents nitong holidays, kabilang ang limang nasangkot sa aksidente sa motorsiklo habang dalawa ang pedestrian.
Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DOH sa mga riders na maging maingat sa kanilang pagmamaneho at ugaliing magsuot ng de kalidad na helmet.
Pinaalalahanan din ng DOH ang mga motorista na huwag nang magmaneho kung sila ay nakainom ng alak, pagod o puyat upang makaiwas sa aksidente.

Babala pa ng DOH, maaaaring maharap sa kaukulang parusa ang sinumang motorista na lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. ( Gene Adsuara)

Sahod at retirement benefits ng mga teachers, employees, at uniformed personnel, maaapektuhan ng 2026 budget

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang paglilipat nang mahigit P43 bilyon ng personnel benefits mula sa guaranteed funding sa Unprogrammed Appropriations (UA) sa 2026 General Appropriations Act, na inaasahang lalagdaan ng president sa Lunes.

Ayon sa mambabatas, ang ratipikadong 2026 General Appropriations Bill (GAB) report, na nagpapakita sa paglipat ng P10.77 billion para sa salary upgrades at P32.47 billion para sa retirement at terminal leave benefits mula sa programmed Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) at Pension and Gratuity Fund (PGF), na nasa total na P43.24 billion, sa bagong UA line item na may label na “For Payment of Personnel Services Requirements.”

Ginawa aniya ito para magbigay daan para sa karagdagan umanong insertions sa lumpsum funds para sa Local Government Units, na lumobo nang mahigit sa P54 billion.

“This is a brutal betrayal of our civil servants. Following the ratified bicameral report, the General Appropriations Act has deliberately turned the mandatory benefits of hundreds of thousands of government employees, including our teachers, as well as military and uniformed personnel, into a mere suggestion, subject to the availability of funds. They have chosen to guarantee billions in new lump-sum ‘LGU pork’ under the Local Government Support Fund while putting the rightful compensation and retirement security of public sector workers on the chopping block,” anang mambabatas.

Nagbabala si Tinio na ang scheme nito ay mag-uulit umano sa Service Recognition Incentive (SRI) ng 2025, kung saan hindi natanggap ng mga Department of Education personnel at iba pang employees ang buong P20,000 dahil sa kakulangan ng pondo.

“Ginawa na ito sa atin nitong 2025. Hindi pa binibigay ang buong SRI dahil sa kakulangan ng pondo. Ngayon, isinusugal na nila ang sahod at pensiyon natin para sa susunod na taon. Ito ay isang malinaw na patakaran ng pagpapabaya at pagsasakripisyo sa kapakanan ng mga kawani at guro,” dagdag nito.
(Vina de Guzman)

Pag-alis sa mga mambabatas ng pagbibigay ng medical assistance, magbibigay panganib sa mga pasyente at magpapalawak sa gaps sa health care access

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list na ang pag-alis sa mga mambabatas nang pagbibigay ng medical assistance nang hindi inaayos ang sistema sa mga private hospitals ay magbibigay panganib sa mga pasyente at magpapalawak sa gaps sa health care access.

Sinabi ni dating Former BH Party-list Rep. Bernadette Herrera na ang tunay na krisis ay sa mga private hospitals, kung saan kinakaharap ng pasyente ang malaking bayarin ng walang social services office, Malasakit-type center, o malinaw na guidance kung papaano i- access ang government aid.

“In government hospitals, may social services at may sistema. Sa private hospitals, billing section lang ang kausap ng pasyente. Kapag wala kang gabay, lalo kang lulubog,” ani Herrera.

Ayon kay Herrera, isinusulong ng BH ang pagkakaroon ng social service units o Malasakit-style centers sa private hospitals, partikular sa usapin ng paglalaan ng public funds sa kanila.

Nang walang trained social workers, idinagdag nito na napupuwersa ang pasyente na magdesisyon ng walang suporta.

Nilinaw naman ni Herrera na hindi nito dinedepensahan ang patronage politics at pamamahagi ng medical assistance ng mga mambabatas.

Ngunit, inihayag nito na ang pag-alis agad nito ng walang alternatibo ay hindi makakatulong sa pasyente.

”Ayaw din namin sa patronage politics. Hindi rin naman talaga patas ang distribution. Pero mas mabuti na ‘yun kaysa wala kang maitulong sa tao,” ani Herrera.

Iginiit nito na nagiging last resort ang paghingi ng tulong sa mga kongresista dala na rin sa pagiging accessible nito at makakatulong sa koneksyon sa available programs.
(Vina de Guzman)

Mister na wanted sa Valenzuela, nasilo sa Nueva Vizcaya

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang lalaki na wanted sa kaso ng sexual assault at acts of lasciviousness sa Valenzuela City nang matunton ng tumutugis na mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Nueva Vizcaya, Sabado ng umaga.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col Joseph Talento, ang 45-anyos na akusado ay nakatala bilang No. 10 sa Top Ten Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at Valenzuela CPS kaugnay sa kasong Sexual Assault in relation to R.A. 7610 at Acts of Lasciviousness.
Dahil dito, ipinag-utos ni Col. Talento sa kanyang mga tauhan ang malawakang pagtugis sa akusado hanggang sa makatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Nueva Vizcaya.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang tuluyang makorner ng pinagsamang mga operatiba ng Station Intelligence Section at Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa Aburdo Street, Barangay Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.
Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng mga tauhan ni Col. Talento sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 27, 2025 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City, para sa paglabag sa Sexual Assault in relation to R.A. 7610 at Acts of Lasciviousness na may inirekonendang piyansa na P180,000.
Pinuri naman ni NPD District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang Valenzuela CPS para sa kanilang kasipagan at propesyonalismo na binigyang-diin ang matibay nilang pangako ay nagpapalakas ng tiwala ng publiko. Hinimok din niya ang mga tauhan na panatilihin ang antas ng pagganap at patuloy na maglingkod sa komunidad nang may kahusayan. (Richard Mesa)