• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 7th, 2026

Premyo sa Australian Open aabot na sa $75-M; pinakamataas ngayong 2026

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ng 16% ang prize money ng Australian Open kumpara noong nakaraang taon ang pinakamalaking pagtaas para sa torneo sa 2026

Ayon sa mga organizer ng unang Grand Slam ng tennis season, aabot sa 111.5 million Australian dollars (humigit-kumulang US$75 million) ang kabuuang prize money ng torneo na magsisimula sa Enero 18, 2026.

Mas mataas ito kumpara sa 96.5 million Australian dollars na ipinamahagi noong 2025.

Napag-alaman na ang mga mananalo sa men’s and women’s singles ay tatanggap ng tig-4.15 million Australian dollars (US$2.8 million), na katumbas ng 19% na pagtaas mula noong nakaraang taon.
Samantala, tataas din ng 16% ang premyo para sa mga manlalaro sa qualifying tournament, habang lahat ng kalahok sa main draw ng singles at doubles ay garantisadong hindi bababa sa 10%.

GSIS Survivorship Pension para sa mga asawa, ipinanukalang itaas ng 100%

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni SSS-GSIS Pensyonado Partylist Rep. Rolando Ledesma Macasaet
na itaas ng 100% ang GSIS Survivorship Pension para sa mga asawa.
Layon ng House Bill 7009 na palakasin ang financial protection ng surviving spouses ng mga government pensioners.
Pinaaamyendahan nito ang Republic Act No. 8291, o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997, sa pamamagitan nang pagtataas sa survivorship pension ng qualified spouses mula sa kasalukuyang 50% sa 100% sa basic monthly pension.
Ang survivorship pension ay ang buwanang benepisyo para sa legal spouse ng yumaong member o pensioner, bilang kapalit sa nawalang income sa pagkawala ng miyembro.
Sa ilalim ng Social Security System (SSS), ang benepisyo ay kasing halaga sa buong monthly pension, samantalang sa GSIS, ang surviving spouses ay nakakatanggap lamang ng kalahati.
“The SSS grants 100 percent of the basic monthly pension for survivorship pensioners. There is no reason why GSIS pensioners’ families should receive less protection than their counterparts in the private sector,” ani Macasaet.
Kinikilala ng panukala ang balo ng namatay na GSIS member o pensioner.
Sinabi ng mambabatas na ang kasalukuyang survivorship benefit, sa kabila na nakakatulong ay hindi supisyente para masiguro na mabibigyan ng stable quality ang buhay sa naiwang beneficiaries.
(Vina de Guzman)

Sa ngayon, “No Cabinet revamp”- Malakanyang

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na walang impormasyon sa ngayon ukol sa nababalitang rigodon sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro na wala pa siyang natatanggap ng anumang impormasyon ukol sa posibleng Cabinet revamp, sabay sabing maaari aniyang tsismis lamang ito.
“Wala pa po tayong natatanggap na anumang balita. Baka may nagpapakalat pero as of now, wala po,” aniya pa rin.
Gayunman, nagpapatuloy naman ang performance evaluation sa lahat ng Cabinet officials.
“Yes at sabi nga natin, we are making our performance at the discretion of the President,” ang winika ni Castro.
“So, depende na po ‘yan kung ano po ang makikit ng Pangulo pero as of now, wala po tayong nababalitaan, wala pong ipinararating na magkakaroon po ng Cabinet revamp,” aniya pa rin.
Matatandaang, buwan ng Mayo nang manawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa courtesy resignation ng Cabinet secretaries, na may layuning i-“recalibrate” ang kanyang administrasyon matapos ang midterm polls.
““It’s time to realign government with the people’s expectations,” sabi ni Marcos sa isang press release na inilabas ng Presidential News Desk.
“This is not business as usual,” saad ng Pangulo. “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” pagpapatuloy niya.
Ang kanyang kahilingan para sa courtesy resignations ay para mabigyan ang Pangulo “to evaluate the performance of each department and determine who will continue to serve in line with his administration’s recalibrated priorities.”
“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” saad ni Marcos.
Ayon pa sa Presidential Communications Office, ang hakbang na ito ay nagmamarka ng isang “clear transition” mula sa unang bahagi ng pamamahala patungo sa isang mas tutok na pagkilos, na nakatuon sa performance.
Bagama’t marami ang naglingkod nang may dedikasyon at propesyonalismo, kinakailangan ng nagbabagong pangangailangan ng bansa ang panibagong paghahanay, mas mabilis na pagpapatupad, at kaisipang una muna ang resulta, ayon sa Pangulo.
Sa gitna nito, sinabi ng PCO na hindi naman titigil ang mga serbisyo ng gobyerno samantalang gagabayan ng katatagan, katuluyan, at meritokrasya ang pagbuo ng kaniyang leadership team. ( Daris Jose)

Ilang BOSS, binuksan sa Valenzuela para sa mabilis na business renewal, pagbabayad ng buwis

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, ang 2026 Business One-Stop Shop (BOSS) pagkatapos ng unang seremonya ng pagtataas ng watawat ngayong taon na siyang pagsisimula ng taunang pag-renew ng business permit at pagbabayad ng buwis sa lungsod.
Sa seremonya, ginawaran ni Mayor Wes ng Loyalty Awards ang 285 empleyado ng pamahalaang lungsod na tapat na naglingkod sa lungsod sa loob ng 10, 15, 20, 25, 30, 40, at 45 taon. Kinilala rin niya ang mga rescue personnel ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) ang napakahalaga nilang pagsagip at tulong humanitarian na ibinigay sa Cebu at Catanduanes noong mga Bagyong Tino at Uwan noong huling bahagi ng 2025.
Kasunod nito, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang ilang BOSS sa buong Valenzuela, kasabay ng malawakang promosyon ng Paspas Permit Online system, upang makapagbigay ng mas mabilis, mas ligtas, at mas maginhawang serbisyo sa mga may-ari ng negosyo at mga nagbabayad ng buwis.
Hinihikayat din ng lungsod ang lahat ng mga entidad ng negosyo at mga nagbabayad ng buwis na iproseso ang kanilang mga transaksyon online upang matiyak ang kaginhawahan at kahusayan, para higit pang mabawasan ang pangangailangan para sa mga manu-manong transaksyon sa City Hall.
Maaaring ma-access ang Paspas Permit sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal website ng Valenzuela City sa www.valenzuela.gov.ph at pag-click sa button na Paspas Permit.
Ang mga bagong user ay maaaring lumikha ng kanilang mga account upang magsagawa ng iba’t ibang online na serbisyo mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), City Assessor’s Office, City Treasurer’s Office, Office of the Building Official (OBO), Local Civil Registry, City Health Office, at City Zoning Office.
Pinapaalalahanan ang mga nagbabayad ng buwis na bayaran ang kanilang mga obligasyon sa tamang oras sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagbabayad na inaalok ng lungsod upang maiwasan ang 25% na surcharge at 2% na buwanang interes.
Para sa mga hindi makapagbayad online, ang Pamahalaang Lungsod ay nagtatag ng ilang BOSS sa ALERT Multi-purpose Center Hall, Brgy. Malinta, 3S Center Ugong, 3S Center Punturin, 3S Center Karuhatan, 3S Center Gen. T. De Leon, 3S Center Marulas at 3S Center Canumay West.
Pinapaalalahanan din ang mga korporasyon sa lungsod tungkol sa mandatoryong paggamit ng Paspas Permit system, gaya ng hinihingi sa ilalim ng City Ordinance No. 726, Series of 2020, o ang “Mandatory Use of Paspas Permit System for Corporations Ordinance.” (Richard Mesa)

Mapanirang paratang laban kina PBBM at First Lady Liza, sadyang kasinungalingan- Goitia

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ANG kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. May binabanggit na droga, sekswal na gawain, at diumano’y mga “sensitibong” larawan—kabilang ang mga inedit o pekeng materyal na maling iniuugnay sa Unang Ginang.

Walang dokumento. Walang forensic findings. Walang sinumpaang salaysay. Walang kasong inihain sa alinmang awtoridad. Ang meron lamang ay isang panayam, na paulit-ulit na ikinalat sa social media.
“Kailangang malinaw ito,” ani Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia. “Ang tunay na kritisismo ay nakabatay sa katotohanan. Ang nangyari rito ay mga paratang na walang ebidensya, na pinalaki sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapakalat.”

Ipinakalat aniya ang mga paratang sa pamamagitan ng isang online na panayam na isinagawa ng vlogger na si Deen Chase. Sa panayam na ito kapansin-pansing walang seryosong pagtatanong, walang beripikasyon, at walang pananagutan. Dahil dito, ang mga pahayag na hindi nasuri ay mabilis na kumalat.

Sinabi ni Goitia na ang paggamit ng pormat ng panayam ay hindi nagbibigay ng kredibilidad. Sa halip, pinapadali lamang nito ang pagkalat ng paratang. Walang awtentikasyon, walang pagsumite sa mga institusyong maaaring magsuri, at kaswal ang tono—na para bang sapat na ang pag-uulit para paniwalaan.

“Huwag nating lokohin ang sarili natin,” ani Goitia. “Ang panayam ay hindi pahintulot para maglabas ng paratang na walang patunay.”
Aniya, bakit ang Unang Ginang ang tinarget. Hindi nagkataon ang pagtuon sa diumano’y sekswal na asal at sinasabing pribadong mga larawan ng Unang Ginang. Ito ay isang kilalang taktika. Kapag walang maipakitang katotohanan, dangal ang tinatarget. Kapag hindi kayang usigin ang pamamahala, personal na buhay ang binabalahura.
Dahil babae aniya ang ginagawang paksa, inaasahang mas tatagal ang pinsala kahit malinaw na walang batayan ang mga paratang.

“Ito ay isang malinaw na gender attack,” giit ni Goitia. “Umaasa ito sa hiya at pahapyaw na paratang dahil alam nilang mas mahirap itong ituwid, kahit mapatunayang mali.”

Walang larawang napatunayan. Walang ekspertong nagkumpirma. Ngunit inaasahan ng mga nagpakalat na sapat na ang paratang mismo para makapanira.

Hindi aniya saklaw ng malayang pananalita ang pag-iimbento ng krimen at imoral na gawain. Kapag ang mga ganitong paratang ay ipinakalat online nang walang sapat na batayan, maaari itong magbunga ng pananagutang kriminal at sibil sa ilalim ng umiiral na mga batas sa libel at cyber libel.
Hindi sapat ang ikubli ito sa salitang “opinyon,” o ipalusot bilang “panayam.” Hindi rin nawawala ang pananagutan dahil lamang sa pag-share. Sa mata ng batas, ang mahalaga ay ang pinsalang naidulot, hindi ang mga palusot na ginamit.

“Ang malayang pananalita ay may hangganan,” ani Goitia. “Hindi ito lisensya para manira ng pangalan, at malinaw na nalampasan na ang linyang ito.”
Kapag nagpapatuloy aniya ang pag-uulit ng mga paratang sa kabila ng kawalan ng patunay, hindi na ito simpleng pagkakamali. Nagiging malinaw na may intensyon, at sa ganitong mga usapin, mahalaga ang intensyon.

“Ito ay hindi usapin ng pagpigil sa malayang pagpapahayag. Ito ay usapin ng katotohanan, pananagutan, at ng mga pamantayang nagpapanatili ng tiwala sa ating lipunan,” pagwawakas ni Goitia. (Richard Mesa)

Malakanyang sa pagpapakulong sa mga dawit sa flood control mess: Marami pa ang mangyayari at magaganap

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa tapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya’t marami pang bagay ang asahan na mangyayari sa imbestigasyon ng malawakang flood control anomaly.
“Hindi pa po natatapos ang termino ng Pangulo, marami pa po ang mangyayari at magaganap,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Tugon ito ng Malakanyang sa kritisismo na hindi nagkatotoo ang sinabi ng Pangulo na marami itong mapakukulong na sangkot sa flood control anomaly bago mag-Pasko, lumalabas kasi na ang kontratista na si Sarah Discaya lamang ang naaresto.
“Ang binanggit po ng Pangulo doon sa kanyang report ay sa mga taong nabanggit niya, marami ang hindi magiging merry ang Christmas. Wala naman siyang binanggit kung sinong pangalan,” ani Castro.
“Pero tandaan natin, sa higit na apat na buwan may mga nakulong, may mga warrants of arrest na na-issue, may mga nagtago, mayroong nakikipag-usap at nagsi-settle at ibinibigay—rather restitution, isinusoli ang karamihan sa kanilang mga kickbacks na hindi naganap, never nangyari sa anumang administrasyon. Sa administrasyon lang po ni Pangulong Marcos nangyayari ang mga ito,” aniya pa rin.
Todo-paliwanag pa rin si Castro sa naging pangako ng Pangulo hinggil pagpapakulong sa mga sangkot sa flood control mess.
“Ang pagsabi po niya ng mayroong mga taong hindi magiging merry ang Christmas, iyong mga nakulong po definitely hindi naging merry ang Christmas. Pero hindi pa naman po natatapos ito. Kung mayroon pang inaabangan ang mga tao, mayroon din pong inaabangan ang Pangulo,” anito.
Hinihintay din aniya ng Pangulo ang mabilisang resolusyon na magmumula sa Ombudsman at Department of Justice (DoJ).
“Kung lahat ng maaaring sangkot ay matibay ang ebidensiya at iyon naman ang gusto ng Pangulo, due process ay inoobserba. Hindi pa po natatapos ang termino ng Pangulo, marami pa po ang mangyayari at magaganap,” ang sinabi ni Castro.
Samantala, wala pang updates si Castro hinggil naman sa kung papalitan ni Pangulong Marcos ang mga nagbitiw na miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“Sa ngayon ay wala pa po tayong—hindi po tayo nabibigyan ng update kung magkakaroon po ng replacement,” anito.
Ginarantiya naman ni Castro na bagaman isa na lamang ang naiwang miyembro ng ICI, nananatili namang committed ang komisyon na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa flood control corruption issues.
“At sa kasalukuyan po ay nagtatrabaho pa rin po ang mga nasa ICI at nandiyan din po ang Ombudsman na nangako na magpapatuloy po sila at nandiyan pa rin po ang enthusiasm na pabilisin ang pag-iimbestiga sa mga nasampahan na ng kaso,” dagdag na wika nito.
“So, hindi naman po titigil kahit po sabihin natin na isa na lang ang miyembro ng ICI, nandiyan pa rin naman ang executive director. Patuloy pa rin po ang pag-iimbestiga so hindi po titigil sa pag-iimbestiga,” aniya pa rin.
( Daris Jose)

50k Pamaskong Handog ni Cong. Leandro Leviste para sa mga Barangay ng Unang Distrito ng Batangas

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG araw na namahagi ang butihing Kongresista ng Unang Distrito ng Batangas na si Congressman Leandro Legarda Leviste kasama ang kanyang ina na si Senator Loren Legarda sa mga Bayan ng Nasugbu, Balayan, Lian at Taal na may kasamang Noche Buena Package para sa bawat mamamayan ng Distrito.

Bukod pa rito ay nagsagawa rin ng isang simpleng Christmas Salu-salo para sa mga mamamayan nito na mula sa sariling bulsa na hindi galing sa pondo ng gobyerno.

Labis ang kanyang pasasalamat ng Kongresista sa patuloy na pagsuporta ng mga kababayan nito sa Unang Distrito ng Batangas. Gayundin sa dedikasyon ng mga opisyales ng mga barangay para walang patid na pagseserbisyo sa kanilang mga kadistrito.

Ang nasabing halagang Php 50,000 pesos sa bawat barangay ay para sa mga gawain at mga aktibidad nila nitong Kapaskuhan para sa kani-kanilang nasasakupan.
(Boy Morales Sr.)

Edsa Busway dadagdagan ng mga buses at patuloy na inaayos

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa mga operators na dagdagan ang mga buses na tumatakbo sa Edsa Busway upang mas madaming pasahero ang makasakay habang ginagawa ang rehabilitasyon ng Edsa.
“The move was meant to reduce waiting times and ease congestion, particularly during peak hours. At the DOTr, we are deploying more bus units so that our fellow commuters can board more quickly,” wika ni DOTr Secretary Giovanni Lopez.
Upang masuportahan naman ang traffic management habang ginagawa ang EDSA, naglagay ng 80 personnel mula sa DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (Saict) na magbabantay sa loob ng 24 na oras.
Sila ang tutulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) sa pag-aayos ng daloy trapiko sa EDSA Busway.
“As part of our preventive measures to mitigate the effects of the construction on EDSA, we deployed personnel, particularly from Saict to assist in traffic management,” ayon kay DOTr Usec Mark Pastor.Sa ngayon at ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay natapos na ang reblocking at asphalt overlaying works sa estasyon ng EDSA at inaayos na ang access papuntang istasyon ng Buendia upang masimulan na ang operasyon sa nasabing istasyon.
Magkakaroon pa rin ng mga malawakang pag-aayos sa EDSA Busway ngayon taon. Sisimulan ngayon unang quarter ang pagdaragdag ng tatlong (3) istasyon na ilalagay sa Cubao, Magallanes, at Paranaque Integrated Terminal Exchange at inaasahang matatapos sa huling quarter ng taon. Habang ang bagong EDSA Busway sa istasyon ng Kamuning ay magkakaroon ng paglulunsad sa unang quarter ng 2026. Ang bagong istasyon ay mayroong elevators at escalators upang maging maayos ang access para sa mga persons with disabilities, senior citizens, at pregnant women.
“A new footbridge, separate from the MRT 3, is also being built in the area to provide safer and more convenient access for commuters,” dagdag ni Pastor.

Ayon sa DOTr ay daragdagan rin ang kapasidad ng MRT 3 kung saan lalagyan ito ng dagdag na Dalian trains upang makapagsakay pa ng mas maraming pasahero lalo na kung peak hours. LASACMAR

E-TRIKE BAN: PARA KALIGTASAN BA o NEGOSYO?

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AYON sa LTO ang istriktong panghuhuli at pag -impound ng mga e-trikes at e-bikes sa mga piling lansangan ay “for road safety considerations” and not for “business or revenue purposes”.
Ayon sa ahensya malaki ang “speedy discrepancy” ng mga e-trikes at four wheel vehicles kaya sa mga major roads ay mas malaki ang posibilidad ng aksidente at abala sa usad ng trapiko. Idagdag pa dito na ang mga drivers nito ay walang lisensya o rehistro.

Sa kabilang panig naman ay may mga economic at legal issues na dapat ikonsidera. Maraming masang Pilipino na gumagamit ng mga sasakyang ito para makatipid sa pasahe at umalwan ang kanilang byahe dahil sa hirap ng pagsakay sa public transport. Hindi rin daw naaayon sa Electric Vehicle Industry Development Act ( EVIDA law) and aksyon ng LTO dahil sa malabnaw at malabo ang polisiya. Ayon daw sa batas REGULATION AT HINDI PROHIBITION ang kailangan upang mabalanse ang safety concerns sa economic at legal concerns.

Ayon sa ‘MAKE IT SAFER MOVEMENT”, “it did not see the ban reducing road crashes and traffic” ( MOTORING TODAY).

Pero bakit kapag masa ang gumagamit at may pakinabang sa kanilang pamumuhay ay laging may reklamo sa paggamit nila?

Kaligtasan lang ba o may mas malalim pang dahilan?

Mahalaga maibalanse ang mga issues sa paggamit ng mga e-trikes at e-bikes. Hindi pwede na puro bawal, multa at huli lang.

Noon ay hinuhuli at ibinawal ang motorcycle taxi. Pero dahil sa pakikipaglaban ng sector ay na regulate ito at ngayon ay bahagi na ng public transport.

Noon ay bawal ang mga ride hailing app dahil mga colorum daw ito. Pero ngayon ay regulated na at libu-libo ang mga tumatangkilik dito at nagkahanap buhay ang mga TNVS.

Hindi safety lamang ang issue sa usaping ito. Buhay ng masang Pilipino ang apektado dito. ( Atty. Ariel Inton)

Top 1 most wanted person ng Malabon, timbog

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang lalaki na akusado sa pagpatay at pag-iingat ng hindi lisensyadong baril nang matimbog ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Malabon City.
Dakong ala-1 ng hapon nang madakip ang 35-anyos na akusado ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig sa Teacher’s Village, Sitio 6, Brgy., Catmon.
Ani Col. Umipig, ang akusado ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person sa Malabon CPS at No. 2 TTMWP naman sa Northern Police District (NPD).

Nang maglabas ng warrant of arrest ang Malabon City Regional Trail Court laban sa akusado para sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591) at Murder, agad ikinasa ng mga operatiba ng Malabon CPS Warrant and Subpoena Section ang pagtugis sa kanya hanggang sa maaresto.

Ayon kay Col. Umipig, walang inirekomendang piyansa ang korte para isang kaso ng akusado na Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Binati naman ni NPD District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang Malabon CPS para sa kanilang kasipagan at propesyonalismo na binigyang-diin ang matibay nilang pangako ay nagpapalakas ng tiwala ng publiko.
(Richard Mesa)