Top 1 most wanted person ng Malabon, timbog
- Published on January 7, 2026
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang isang lalaki na akusado sa pagpatay at pag-iingat ng hindi lisensyadong baril nang matimbog ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Malabon City.
Dakong ala-1 ng hapon nang madakip ang 35-anyos na akusado ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig sa Teacher’s Village, Sitio 6, Brgy., Catmon.
Ani Col. Umipig, ang akusado ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person sa Malabon CPS at No. 2 TTMWP naman sa Northern Police District (NPD).
Nang maglabas ng warrant of arrest ang Malabon City Regional Trail Court laban sa akusado para sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591) at Murder, agad ikinasa ng mga operatiba ng Malabon CPS Warrant and Subpoena Section ang pagtugis sa kanya hanggang sa maaresto.
Ayon kay Col. Umipig, walang inirekomendang piyansa ang korte para isang kaso ng akusado na Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Binati naman ni NPD District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang Malabon CPS para sa kanilang kasipagan at propesyonalismo na binigyang-diin ang matibay nilang pangako ay nagpapalakas ng tiwala ng publiko.
(Richard Mesa)