Edsa Busway dadagdagan ng mga buses at patuloy na inaayos
- Published on January 7, 2026
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa mga operators na dagdagan ang mga buses na tumatakbo sa Edsa Busway upang mas madaming pasahero ang makasakay habang ginagawa ang rehabilitasyon ng Edsa.
“The move was meant to reduce waiting times and ease congestion, particularly during peak hours. At the DOTr, we are deploying more bus units so that our fellow commuters can board more quickly,” wika ni DOTr Secretary Giovanni Lopez.
Upang masuportahan naman ang traffic management habang ginagawa ang EDSA, naglagay ng 80 personnel mula sa DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (Saict) na magbabantay sa loob ng 24 na oras.
Sila ang tutulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) sa pag-aayos ng daloy trapiko sa EDSA Busway.
“As part of our preventive measures to mitigate the effects of the construction on EDSA, we deployed personnel, particularly from Saict to assist in traffic management,” ayon kay DOTr Usec Mark Pastor.Sa ngayon at ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay natapos na ang reblocking at asphalt overlaying works sa estasyon ng EDSA at inaayos na ang access papuntang istasyon ng Buendia upang masimulan na ang operasyon sa nasabing istasyon.
Magkakaroon pa rin ng mga malawakang pag-aayos sa EDSA Busway ngayon taon. Sisimulan ngayon unang quarter ang pagdaragdag ng tatlong (3) istasyon na ilalagay sa Cubao, Magallanes, at Paranaque Integrated Terminal Exchange at inaasahang matatapos sa huling quarter ng taon. Habang ang bagong EDSA Busway sa istasyon ng Kamuning ay magkakaroon ng paglulunsad sa unang quarter ng 2026. Ang bagong istasyon ay mayroong elevators at escalators upang maging maayos ang access para sa mga persons with disabilities, senior citizens, at pregnant women.
“A new footbridge, separate from the MRT 3, is also being built in the area to provide safer and more convenient access for commuters,” dagdag ni Pastor.
Ayon sa DOTr ay daragdagan rin ang kapasidad ng MRT 3 kung saan lalagyan ito ng dagdag na Dalian trains upang makapagsakay pa ng mas maraming pasahero lalo na kung peak hours. LASACMAR