NAGTAGUMPAY ang dalawang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A sa mga lalawigan ng Cavite at Rizal noong Hulyo 29, 2025.
Bandang alas-8:30 ng gabi, binuwag ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, Cavite Maritime Police Station at Bacoor City Police Station ang isang hinihinalang drug den at naaresto ang walong drug personalities sa Purok Silangan, Barangay Niog, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Fidel, 30, lalaki, binata, construction worker; alyas Jennifer, 38, babae, binata; alyas Alejandro, 28, lalaki, binata; alyas Angelica, 37, babae, binata; alyas Aubrey, 25, babae, binata; alyas Paciano, 60, lalaki, walang trabaho; alyas Bajie, 29, lalaki, binata; at alyas Henry, 29, lalaki, binata.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Bandang alas-11:40 ng gabi, dalawang high-value target ang naaresto ng magkasanib na operatiba ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP RIU4A-PIT sa Lot 18, Block 4, Phase 3, Villa Montserrat Havilan, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.
Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina alyas Sarah, 52, babae, may asawa, negosyante at residente ng Maypajo, Caloocan City; at alyas Papabear, 59, lalaki, may asawa, bus driver at lokal ng Bagua, Cotabato City.
Mahaharap ang lahat ng mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na special non-working day sa apat na munisipalidad at isang lungsod sa Luzon at Visayas para payagan ang mga residente na makiisa sa kanilang ‘commemorative events.’