• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

ATONG ANG, INIREKLAMO SA DOJ NG MGA KAANAK NG NAWAWALANG SABUNGERO

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGHAIN ng reklamong murder at serious illegal detencion sa Department of Justce (DOJ) ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.
Partikular na kanilang sasampahan ng reklamo ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
Dumating naman ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) , Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa DOJ kasama ang mga umano’y iba pang saksi dala ang makapal na mga dokumento .
Isa sa kasamang naghain ng reklamo si Ryan Bautista na kapatid ng nawawalang si Michael Baautista.
Dumating naman si PNP Chief Director General Nicolas Torre III pero tumanggi siyang magbigay ng anumang pahayag ukol sa mga nawawalang sabungero. (Gene Adsuara)

TANGKANG PAGPUPUSLIT NG MAHIGIT 5 KILO NG KETAMINE, NAPIGILAN NG PDEA

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

CLARKFIELD, PAMPANGA – Isang tangkang pagpupuslit ng mahigit limang kilo ng ketamine (hallucinogenic drugs) ang napigilan ng mga government authorities kasunod ng interdiction operation bandang 11:12 am, noong Hulyo 30, 2025.

Sinabi ng PDEA Clark team leader na ang parsela na naglalaman ng droga ay nagmula sa Belgium. Ang nasabing mga gamot ay itinago sa loob ng anim na rolyo ng data cable sa pagsisikap na mailusot ito.

Ayon sa PDEA, inilunsad ang operasyon ng Interdiction kasunod ng tip na ipinadala ng PDEA Investigation Service (IS) sa PDEA Region 3, na nagpaalerto sa kanila sa pagdating ng isang ketamine-laden parcel sa Port of Clark. Dumating ang subject na ketamine sa Port of Clark noong Hulyo 24, 2025, na nag-udyok ng malapit na koordinasyon sa mga enforcement units.

Ang ketamine ay itinuturing na isang mapanganib na gamot sa ilalim ng batas ng Pilipinas at nauuri bilang mga hallucinogenic na gamot.

Ang mga sample ng nasamsam na substance drugs ay ipapasa sa PDEA RO3 laboratory para sa forensic examination at confirmatory analysis.

Ang operasyon ay pinagsamang pagsisikap na pinangunahan ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, NBI Pampanga District Office, PNP Aviation Security Unit 3, at Mabalacat Police Station. (PAUL JOHN REYES)

Harapin ang katotohanan, apela kay DOT Secretary Frasco ng mambabatas 

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

APELA ni TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na sagutin ang lehitimong tanong ukol sa performance ng ahensiya at hindi ang pag-uugnay nito sa pulitika.

“I had hoped that Secretary Christina Garcia Frasco would respond to public concerns with facts and clarity. Instead, she chose to frame legitimate questions about her agency’s performance as a political attack. That kind of deflection does a disservice to the real issue at hand,” ani Acidre, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education.

Ayon pa sa mambabatas, hindi ito isyu ng political loyalty kundi pagsisiguro na nagagamit ng epektibo at responsable ang public funds.

“Let’s be clear: this is not about personalities, loyalties, or partisanship. It’s about public service. It’s about performance and accountability. It’s about how government agencies use public funds and deliver on their mandate. These are questions that all of us in public office must be willing to answer,” giit ni Acidre.

Pinaalalahanan pa nito ang DOT na walang ahensiya ng gobyerno ang ligtas sa panunuri ng publiko.

Isa aniyang responsibilidad ang pagbusisi at panunuri sa mga ahensiya ng gobyerno.

Batay sa pinakahuling findings ng Commission on Audit (COA), sinabi ni Acidre ang mga isyu sa loob ng DOT at ng Tourism Promotions Board.

Kabilang na dito ang paglalaan lamang ng 65.32% ng allocated funds, kung saan hindi nabayaran ang ₱396.346 million na obligated funds ng katapusan ng taon ng 2022.

“Even more concerning, COA reported ₱483.812 million in unliquidated fund transfers. These are completed programs with no clear documentation or reports. That’s public money spent without the necessary accountability. That’s a problem,” pahayag ng mambabatas.

Ang iba pang findings na nabanggit ng coa ay ang ₱618.743 milyong receivables na may mga discrepancies at unconfirmed balances, ₱483.812 million na fund transfers ng walang liquidation, ₱71.064 million na idle and unused funds, ₱3.25 million na inventory na hindi nai-record ng maayos, ₱196.853 million na unused funds na hindi naibalik sa Treasury, ₱288.891 million na idle corporate funds na walang malinaw na paggagamitan, at ₱4.882 million na foreign travel na sinasabing unnecessary o excessive.

“These findings are not political statements. They are official audit results—concrete, procedural, and based on documentation,” dagdag ni Acidred.

Tinuligsa pa ng mambabatas ang pahayag ni Secretary Frasco na nauwi ang ₱200 million tourism promotion budget sa to ₱3.86 trillion in visitor receipts.

Nilinaw naman ni Acidre na misleading ito dahil ayon sa Philippine Statistics Authority, ang talaan ay nagre-represent sa output ng buong tourism industry, mula sa airlines at hotels sa LGUs at OFW visits. Hindi aniya ito direktang balik sa ginastos ng DOT at hindi rin dapat na ihayag ng ganito. (Vina de Guzman)

NBA ironman Mikal Bridges at Knicks, nagkasundo sa $150-M contract extension

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PUMAYAG  na si Mikal Bridges na pumirma ng contract extension sa New York Knicks.
Ang bagong kontrata ay nagkakahalaga ng $150 million at magtatagal ng apat na taon.
Tinanggap ng tinaguriang NBA ironman ang naturang kontrata sa kabila ng mas mataas sanang matatanggap kung hinintay niyang magpasok ang kaniyang kasalukuyang kontrata sa susunod na taon.
Unang nakuha ng Knicks ang 2-way guard nitong nakalipas na season kapalit ng limang 1st-round pic. Agad nagpakita ng magandang performance si Bridges kasama ang kaniyang dating mga teammate na sina Jalen Brunson at Josh Hart.
Sa kasalukuyan, si Bridges ang tanging player sa NBA na nakakapaglaro sa bawat game sa loob ng ilang taon. Hawak din niya ang impresibong 17.6 points per game average.
Noong 2021, si Bridges ang isa sa mga pangunahing player na nagdala sa Phoenix Suns sa NBA Finals. Sa sumunod na taon ay naging runner-up siya para sa Defensive Player of the Year.
Sa huling bahagi ng 2024-2025 season, nagawa niyang mag-average ng 26.1 points per game sa ilalim ng Knicks, daan upang tuluyang makapasok ang koponan sa Eastern Conference Finals.

Manilenyo, pinag-iingat ng Manila LGU vs GO! Manila parking fee scam

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ng Manila City Government ang publiko hinggil sa umano’y “GO! Manila parking fee scam”.

Naglabas ng isang public advisory ang Manila City Government matapos na makatanggap ng mga sumbong mula sa mga residente kaugnay ng natatanggap nilang mga mapanlinlang na mensahe na nagsasabing mayroon silang hindi nabayarang parking fee, sa pamamagitan ng GO! Manila app.

Kasama umano ng mensahe ang isang link, na kung iki-click ng user, ay ididirekta sila sa isang fraudulent website na humihingi ng detalye ng credit card para sa pagproseso ng bayad.

“The scam involves a text message stating­ that the recipient has an alleged violation with the City of Manila, along with a payment link: https://gomanlia.com/. The link directs users to a fraudulent website that requests credit card details for payment processing,” anang lokal na pamahalaan.

Nagpaalala naman ng Manila LGU na ang naturang mensahe ay hindi opisyal na komunikasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Giit pa nito, ang natu­rang link ay bahagi lamang ng scam at hindi dapat na i-clicked.

Teenager, kalaboso sa anti-rape law sa Valenzuela

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 19-anyos na teenager na wanted sa kasong paglabag sa anti-rape law matapos matimbog ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas ang pagtugis sa akusadong si alyas “Patrick” matapos mapag-alaman na kabilang ito sa kanilang talaan ng mga Most Wanted Person.

Dakong alas-5:40 ng hapon nang tuluyang masukol ng tumutugis na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS ang akusado sa Brgy. Punturin.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Bisayas ang warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5 (B) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648 – The Anti-Rape Law of 1997 na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City, noong June 28, 2025.

Ayon kay Col. Bisayas, may inirekomenda namang piyansa ang korte na halagang P180,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap at pangako sa katarungan at kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Line up ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup hindi gaanong binago

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILABAS na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final 12 na Gilas members na sasabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa Agost 5 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Pinangungunahan ito ni Justin Brownlee, AJ Edu, Kevin Quiambao, Jamie Malonzo, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Dwight Ramos, Japeth Aguilar, Calvin Oftana, Chris Newsome, CJ Perez at Carl Tamayo.
Ang nasabing napili ni Gilas coach Tim Cone ay walang pinag-iba sa isinabak niya sa Asia Cup Qualifiers final window noong Pebrero.
Inamin ni Cone na alanganin sana maglaro si Oftana subalit nabigyan ito ng go-signal ng kaniyang medical team.
Ganun din si Fajardo na maglalaro kahit na mayroon itong calf injury.
Hindi naman nakasama sa listahan sina RJ Abarrientos, Troy Rosario, Rhez Abando at Zavier Lucero.
Unang makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas 2 ng hanpon na susundan ng Australia sa Agosto 7 at Iraq naman sa Agosto 9.

PAGPUPULONG NG MGA KATIPUNEROS,  GINUNITA SA CAVITE

Posted on: August 1st, 2025 by people's balita No Comments

SA KAUNA-unahang pagkakataon, ipinagdiwang ang ika-127 Anibersaryo ng “Pagpupulong ng mga Katipuneros” 

na ginanap sa Bahay na Tisa, Cuenca House  sa Bacoor City, Cavite.

Ang  Bacoor Assembly ay naganap noong August 1, 1898 sa Bacoor Cavite  kung saan ang 1 August Acta de Independencia  ay nilagdaan ng mga pinunong sibiko na higit  sa 186  na mga pinuno mula sa 16 na probinsiya  na  pumirma sa naturang pahayag. 

Ang 16 na lalawigang ito ay nagpadala ng kanilang  mga demokratikong halal na pinuno  ss assemblea upang patunayan  kay Pangulong Aguinaldo  na ang isang malaking bahagi ng bansa  ay nagkakaisa sa bisyon at pamahalaan.  Ito ay pinangunahan nina  President Emilio Aguinaldo  at Apolinario Mabini. 

Sinabi ni 1st District Representative Lani Mercado -Revilla na  mahalaga ang pag-alala sa kasaysayan  katulad  ng lihim na pagpupulong sa Bacoor Cavite sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naniniwala si Rep Lani na tungkulin nating himukin ang bawat Pilipino na bigyang halaga ang Bacoor Assembly of 1898, kaya iniakda natin ang Republic act 12073 na nagtatalaga sa araw na ito  bilang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng  Kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon pa kay Revilla,  ito rin ang kauna-unahang pagdiriwang na ginanap sa Bahay na Tisa matapos mapirmahan ng mismong may -akda na si Sen Loren Legrada na siya ring pangunahing pandangal sa nasabing okasyon  at nag-alay ng bulaklak  sa harapan ng lumang bahay. 

Paliwanag naman ng  National Historical Commission of the Philippines, na sa Acta, ang pagdedeklara ng Kalayaan ng Pilipinas ay pinagtibay hindi lamang bilang isang tagumpay sa larangan ng militar kundi, at kasinghalaga rin, bilang isang gawaing sibiko.

Bagama’t ang  paggunita sa Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo ay nananatiling makapangyarihan at simbolikong paggunita ng kasaysayan, ito ay kalauna’y pinagtibay at pinalawak ng Acta de Independencia, na nagbukas ng mas malawak na sibikong pakikilahok. Ito ang nagbigay daan upang magkaroon ang deklarasyon ng mas pormal at mas inklusibong saligan.

Kasama rin sa programa sina Chair Regalado Trota Jose Jr ng National Historical Commission, Kinatawan  ng ikalawang distrito  ng Cavite na si Lani Mercado Revilla, Tagapangulo ng NCCA na si Victorino Mapa Manalo, Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla at Bise Alkalde Rowena Bautista – Mendiola .  (Gene Adsuara)

 

 

AGAP party-list Rep. Nicanor Briones, mariing itinanggi na naglalaro siya ng online sabong

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARIING iginiit ng isang mambabatas na hindi siya naglalaro ng online cockfighting games habang dumadalo sa ginagawang botohan para sa bagong Speaker ng Kamara nitong Lunes bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones na nais niyang sagutin at linawin ang lumabas at kumakalat na video .

Inihayag pa nito na malinis ang kanyang konsensiya ukol sa e-sabong dahil wala naman siyang online payment app sa kanyang phone.

“Hindi ako pumapasok sa sabungan, hindi ako nagsasabong. Against tayo sa online gaming kasi may mga apektado na nagtatrabaho sa livestock at poultry, yung mga nasa fowl services at security services na…against tayo dahil naaapektuhan ang trabaho,” pahayag nito sa DZMM interview.

Ayon sa mambabatas, nahihiya siya dahil sumikat ito dahil sa bagay na iyon.
Plano nito na maghain ng panukala na nagbabawal sa online gambling kabilang na ang e-sabong.

Sinabi ng mambabatas na ipinadala ng kanyang pamangkin ang naturang video sa pamamagitan ng messenger, na nagtatanong kung gusto nitong mag-sponsor ng laro.

Idinagdag ni Briones na pinatawad na niya ang uploader ng original video ngunit nagpahayag na “Nangyari na ang nangyari. Kung ano man ang kanyang motibo, pinatatawad ko na siya.”
(Vina de Guzman)

Ads August 1, 2025

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

1 – page 4-merged