• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Collab nila na ‘Umaaligid’ nag-debut sa No. 4: SARAH at SB19, muli na namang pumasok sa Billboard chart

MULI na namang pumasok sa Billboard chart si Sarah Geronimo at ang P-pop Kings na SB19.
Ang newest collaboration ng Filipino pop icons na “Umaaligid,” ay nag-debut No. 4 sa Billboard’s World Digital Song Sales Chart, ayon ito sa ulat ng Billboard Philippines noong Martes.
 Ayon sa publikasyon, nakamit ang successful chart-breaking na ito mula kina Sarah at SB19 sa dalawang araw lamang na pagsubaybay sa chart, inilabas lamang ito noong Miyerkules, noong Hulyo 30, 2025.
Itinatampok ng Billboard World Digital Song Sales Chart ang Top 10 sa mga nangungunang international track sa US bawat linggo, batay sa digital download data.
Hindi ito ang unang pagkakataon ni SB19 at Sarah G pumasok sa mga chart.
Ngayong taon, nag-debut ang single ng SB19 na “DAM” sa No. 1 at “DUNGKA!” ay No. 7 sa Billboard World Digital Song Sales.
Samantala, ang “Gento” ay nag-debut din at nangunguna sa No. 8 noong Hunyo 2023. Ang SB19 ay opisyal na ang OPM artist na may pinakamaraming chart entries, ayon sa Billboard.
Noong 2024, natanggap ng SB19 ang Voices of Asia award sa Billboard Korea’s Billboard K Power 100 event sa Seoul, South Korea.
Samantala, ang “Umaaligid” ang pangalawang entry ni Sarah sa World Digital Song Sales chart, kasunod ng “Tala” noong 2020 sa No. 13.
Noong 2024, ang Popstar Royalty ang naging unang Pinay na nanalo ng Billboard Global Force Award.
(ROHN ROMULO)