• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Ads August 8, 2025

Posted on: August 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

8 – page 4-merged

2 centenarian sa Navotas, nakatanggao ng tig P10K

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco ang dalawang centenarian sa Lungsod ng Navotas na sina Lola Epifania Lising ng Brgy. Tangos North at Lola Lydia Bautista ng Brgy. San Jose upang iabot ang P10,000 na regalo ng pamahalaang lungsod. Ayon kay Mayor Tiangco, makakatanggap din sila ng P100,000 na handog ng pamahalaang nasyonal. (Richard Mesa)

MAYOR NG SAN SIMON, PAMPANGA INARESTO DAHIL SA PANGINGIKIL

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde ng San Simon Pampanga na inaresto dahil sa umano’y pangingikil ng P80 milyon sa isang negosyante.

Sa reklamo, hiningan umano ni Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. ang isang steel manufacturing company ng malaking halaga.

Nagbigay naman ng paunang P30 milyong halaga ang kumpanya at ang balanse na P50 milyon ay babayaran umano sa pamamagitan ng hulugan o installment.

Matapos namang nagsumbong ang negosyante ay agad na nagkasa ng entrapment operation ang NBI sa isang restaurant sa Clark, Angeles City sa Pampanga.

Kasamang naaresto ng NBI si Punsalan ang kanyang mga kasabwat na tauhan na pawang mga armado ng matataas na kalibre matapos iabot ang pera na nakalagay sa paper bag.

Mula naman sa Pampanga ay dinala sa Department of Justice ang alkalde at isinailalim agad sa inquest proceeding.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang alkalde. (Gene Adsuara)

Maaaring magpatupad ng pension hike: Pondo ng SSS, matatag- PBBM

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING magpatupad ng pension hike ang Social Security System (SSS), nang hindi nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro.

Sa pinakabagong episode ng The BBM Podcast, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpiyansa siya sa ‘financial health’ ng SSS.

Aniya pa, ang lumalaking bilang ng mga nagtatrabahong Pinoy ay magagamit na pambawi sa anumang short-term effect sa pondo ng SSS.

“That’s fine because the SSS is growing anyway. Our population is growing. Our working population is growing,” ayon sa Pangulo sabay sabing “So ‘yun ang bawi doon — it will continue to grow.”

Nauna rito, nag-anunsyo ang Social Security System (SSS) ng tatlong taon na pension increase na magsisimula sa September.

“Starting this year, all 3.8 million pensioners as of August 31, 2025, will receive annual pension increases every September until 2027,” ayon sa SSS.

Minaliit naman ni Pangulong Marcos ang alalahanin ukol sa long-term sustainability, sabay sabing base sa pagtataya ng gobyerno, ang pondo ng SSS ay mabilis na mapapalaki na maaaring ilaban o malampasan ang Government Service Insurance System (GSIS).

“In fact, in our estimation, SSS in terms of its fund is growing at such a rate that it will be bigger than GSIS soon,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Bilyong pisong gambling investment ng GSIS, pinaiimbestigahan  

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative  Antonio Tinio na agarang imbestigasyon ng Kamara sa kontrobersiyal na P1.45 billion investment ng Government Service Insurance System sa gambling-related companies.

Naniniwala ang mambabatas na ang ginawa na ito ng GSIS ay isang betrayal of public trust at mapanganib na pagsugal sa retirement funds ng mga government workers.

“Napakasakit isipin na ang retirement funds ng ating mga guro at government employees ay ginagamit para sa sugal. This is not just poor investment judgment—this is a moral outrage,” reaksyon ni Tinio sa nabunyag na ulat ukol sa GSIS investments sa Alternergy Holdings Corp. At iba pang kumpanya na kaugnayan sa gambling operations.

Nagpahayag pa ito nang pagka-alarma sa P251.37 million valuation loss na dinanas ng GSIS sa ilang kuwestiyonableng investments, dahil na rin ang pondong ito ay mula sa kontribusyon ng mgaguro at iba pang government workers .

“Isinugal nila ang pondo ng GSIS. Tinaya sa mga kuwestyunableng stocks at natalo. Sino ang nakinabang? Samantala, pensyon at benepisyo ng mga GSIS members ang apektado. Teachers sacrifice portions of their already meager salaries for their GSIS contributions, trusting that their money will be invested wisely and ethically. Instead, we find out that GSIS is funding an industry that destroys families and communities through gambling addiction,” pahayag ni Tinio.

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang proseso sa likod ng nasabing investments.

“Paano nangyari na na-approve ang investment na ito kahit hindi sumusunod sa sariling policy ng GSIS? This reeks of corruption and gross negligence. Our teachers deserve answers,” giit nito.

Nanawagan ito sa mga kasamahang mambabata na supportahan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na oversight mechanisms para sa government financial institutions upang maiwasan na maulit ang ganitong insidente sa hinaharap. (Vina de Guzman)

Senado nagpasyang  i-archive muna ang impeachment case ni VP Duterte

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASYA ang Senado na isantabi na muna ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang hakbang ay bilang pagtugon sa executory decision ng Korte Suprema sa pagbasura sa impeachment complaints.

Nakakuha ng kabuuang boto na 19 na Senador ang pumayag na i-archive na ang kaso habang mayroong apat ang komontra at isa naman ang nag-abstain.

Ang mga bumoto ng yes ay kinabibilangan nina: Senators-Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano,Ronald Dela Rosa, JV Ejercito, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Lito Lapid, Loren Legarda, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robinhood Padilla, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Camille Villar, Mark Villar at Juan Miguel Zubiri.

Habang ang mga kumontra ay kinabibilangan nina: Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Risa Hontiveros, Francis “Kiko” Pangilinan at Sen. Vicente “Tito” Sotto III.

Habang nag-abstain naman si Sen. Panfilo Lacson.

Magugunitang unang hiniling ni Sen. Marcoleta na ibasura na lamang ang impeachment case laban kay VP Duterte hanggang pumayag na lamang ito na isantabi ito.

Una ng ipinaliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano, na ang paglalagay sa archive sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na ito ay patay na at sa halip ay maaring buhayin sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito. (Daris Jose)

Naglalayong palakasin ang strategic ties… PBBM, nakasungkit ng defense deals sa India

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA pinirmahan ng Pilipinas at India ang security deals na naglalayong palakasin ang strategic ties sa pagitan ng mga bansa.

Hanggang ngayon ay nasa India pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang five-day visit sa nasabing bansa.

Kapwa sinang-ayunan ng dalawang lider ang kasunduan na magpapalakas sa ugnayan sa pagitan ng kani-kanilang armed forces — army, at air force at maging ng kanilang navy, kasama ang Indian warships na kasalukuyan ngayong nakikibahagi sa patrol sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang kanilang Philippine counterparts para sa unang pagkakataon.

“We agreed to continue levelling up our collaboration in defense and security… we have agreed to establish mechanisms for service-to-service talks for information sharing and training exchanges among our militaries,” ayon kay Pangulong Marcos.

Pinaigting naman ng Pilipinas ang defense cooperation nito na may kasamang mga kapanalig sa nakalipas na taon matapos ang serye ng banggaan sa Tsina sa pinagtatalunang katubigan.

“India and the Philippines are friends by choice and partners by destiny,” ang sinabi naman ni Modi kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sabay sabing “From the Indian Ocean to the Pacific, we are untied by shared values.”

Ang naging pagbisita ni Pangulong Marcos ay sinundan ng pagkuha sa BrahMos supersonic cruise missile system ng India — ang unang pag- export ng New Delhi — na may delivery na nagsimula noong Abril sa ilalim ng $375 million deal na nilagdaan noong 2022.

Ani Pangulong Marcos ang dalawang panig ay nauugnay sa “far-reaching, productive and forward looking” na talakayan.

“We expressed satisfaction over the rapid pace of the Philippines’ ongoing defense modernization and the expanding capabilities… of India’s indigenous defense industry as a partner in this undertaking, exemplified by our BrahMos project,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Ang India ay miyembro ng Quad group, kabilang ang ‘fellow democracies’ gaya ng Estados Unidos, Japan at Australia.

Kasama rin sa pag-uusapan ang plantsahin ang terms of reference para sa negosasyon ukol sa “preferential trade agreement” sa pagitan ng Maynila at New Delhi.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang India para sa tulong nito sa iba’t ibang larangan sa panahon ng Houthi’s Red Sea attacks bilang first responders at pagkilala sa 2016 arbitral ruling na nagbasura sa pag-angkin ng Beijing sa halos kabuuang bahagi ng WPS. (Daris Jose)

Full activation sa mga ospital dahil sa leptospirosis

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD ng ilang araw na pag-uulan dahil sa nagdaang bagyong Crising, Dante at Emong, ipinag-utos ni

Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang full activation ng leptospirosis surge protocol sa lahat ng anim na hospital na pinatatakbo ng Maynila .

Partikular na inatasan ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na tiyakin na handa ang mga ospital sa posibleng pagsirit ng kaso ng leptospirosis, na isang sakit na nakamamatay dahil sa pagbaha.

Bahagi ng direktiba ng alkalde ang activation ng leptospirosis fast lanes sa mga emergency rooms ng Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sta.Ana, Gat Andres Bonifacio Memorial medical Center at Justice Abad Santos General Hospital.

Layon ng fast lane na ito na subukan, masuri at simulan ang paggamot para sa mga pinaghihinalaang pasyente ng leptospirosis nang walang pagkaantala.

Inutusan din ng alkalde ang anim na city hospital director na maglaan ng mga dedicated bed at magtatag ng mga espesyal na leptospirosis ward para i-contain at pamahalaan ang mga kumpirmadong kaso.

“Early detection and early treatment can save lives. We cannot afford delays,” sabi ni Mayor Isko sa kanyang kautusan sa Manila Health Department (MHD).

Upang suportahan ang mga agresibong pagsisikap sa paggamot, inatasan din ng alkalde ang MHD na tiyakin ang pagkakaroon ng mga mahahalagang gamot para sa leptospirosis, kabilang ang doxycycline, at ang intrajugular (IJ) insertion procedures ay available.

Higit pa rito, ang mga unit ng dialysis ay inutusan na mapanatili ang full operational status na may sapat na mga suplay, sa pag-asam ng acute kidney injuries na maaaring magmula sa mga advanced na kaso ng leptospirosis.

Samantala, inilipat na sa Sta. Ana Hospital ang ilang kaso ng leptospirosis mula sa Ospital ng Maynila Medical Center sa Manila Infectious Disease Control Center sa Sta. Ana Hospital ayon kay Dr.Padilla. (Gene Adsuara)

Reklamo ng Tax Evasion, isinampa ng BIR sa DOJ

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 23 kaso ng tax evasion ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa 23 korporasyon, 56 corporate officers, at 17 Certified Public Accountants na umano’y sangkot sa paggamit ng tinaguriang “Ghost Receipts.”

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., umaabot sa P1.41 bilyon ang nawawalang buwis dahil sa mga kahina-hinalang transaksyon gamit ang mga pekeng resibo mula sa mga kumpanyang wala namang aktwal na operasyon o negosyo.

Kabilang sa mga kumpanyang sinampahan ng kaso ang ilang malalaking pangalan tulad ng Ever Bilena Cosmetics Inc. at CHG Global Inc. o mas kilala bilang World Balance.

KInasuhan din ang mga kumpanya na kinasuhan sa nakaraang buwan ang Redington Corporation, Decarich Supertrade Inc., Buildforce Trading Inc., at Crazykitchen Foodtrade Corp.

Giit ng BIR, hindi sila titigil sa pagtugis sa mga gumagamit ng Ghost Receipts upang makaiwas sa buwis. (Gene Adsuara)

1 sa 2 holdaper na bumiktima sa lolo sa Caloocan, kalaboso

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isa sa dalawang holdaper na tumangay sa idedepositong salapi ng 63-anyos na mensahero ng isang pribadong kumpanya matapos habulin aty bundulin ng nakasaksing Grab driver at isa pang testigo sa Caloocan City.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, patungo na sa bangko ang biktima dakong alas-10:20 Martes ng umaga upang ideposito ang salapi ng kompanya nang itulak at tutukan ng baril ng mga suspek sa kanto ng McArthur Highway at Calle Cuatro sa Brgy. 81.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang pera habang lakas loob namang hinabol ng nakasaksi sa insidente na isang testigo at Grab driver ang mga holdaper.

Pagsapit sa Bagong Barrio, binundol ng mga saksi ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspek na dahilan para sumemplang ang mga ito.

Nagkataon namang nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ni Col. Goforth na nagresulta sa pagkakadakip sa 47-anyos na suspek habang nakatakas ang kanyang kasabuwat nasi alyas “Tonyo”.

Nabawi ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station-5 sa nadakip na holdaper ang P152,440.00 na kanilang tinangay sa biktima, pati na ang ginamit na replica ng kalibre .9mm Glock pistol.

Ayon kay Col. Goforth, patuloy ang follow-up operation para sa posibleng pagkakaaresto sa nakatakasa na suspek ma nagmamaenho ng ginamit nilang motorsiklo. (Richard Mesa)