• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAYOR NG SAN SIMON, PAMPANGA INARESTO DAHIL SA PANGINGIKIL

HAWAK ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde ng San Simon Pampanga na inaresto dahil sa umano’y pangingikil ng P80 milyon sa isang negosyante.

Sa reklamo, hiningan umano ni Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. ang isang steel manufacturing company ng malaking halaga.

Nagbigay naman ng paunang P30 milyong halaga ang kumpanya at ang balanse na P50 milyon ay babayaran umano sa pamamagitan ng hulugan o installment.

Matapos namang nagsumbong ang negosyante ay agad na nagkasa ng entrapment operation ang NBI sa isang restaurant sa Clark, Angeles City sa Pampanga.

Kasamang naaresto ng NBI si Punsalan ang kanyang mga kasabwat na tauhan na pawang mga armado ng matataas na kalibre matapos iabot ang pera na nakalagay sa paper bag.

Mula naman sa Pampanga ay dinala sa Department of Justice ang alkalde at isinailalim agad sa inquest proceeding.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang alkalde. (Gene Adsuara)