1 sa 2 holdaper na bumiktima sa lolo sa Caloocan, kalaboso
- Published on August 7, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isa sa dalawang holdaper na tumangay sa idedepositong salapi ng 63-anyos na mensahero ng isang pribadong kumpanya matapos habulin aty bundulin ng nakasaksing Grab driver at isa pang testigo sa Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, patungo na sa bangko ang biktima dakong alas-10:20 Martes ng umaga upang ideposito ang salapi ng kompanya nang itulak at tutukan ng baril ng mga suspek sa kanto ng McArthur Highway at Calle Cuatro sa Brgy. 81.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang pera habang lakas loob namang hinabol ng nakasaksi sa insidente na isang testigo at Grab driver ang mga holdaper.
Pagsapit sa Bagong Barrio, binundol ng mga saksi ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspek na dahilan para sumemplang ang mga ito.
Nagkataon namang nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ni Col. Goforth na nagresulta sa pagkakadakip sa 47-anyos na suspek habang nakatakas ang kanyang kasabuwat nasi alyas “Tonyo”.
Nabawi ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station-5 sa nadakip na holdaper ang P152,440.00 na kanilang tinangay sa biktima, pati na ang ginamit na replica ng kalibre .9mm Glock pistol.
Ayon kay Col. Goforth, patuloy ang follow-up operation para sa posibleng pagkakaaresto sa nakatakasa na suspek ma nagmamaenho ng ginamit nilang motorsiklo. (Richard Mesa)