Abang-abang na lang sa magaganap na proposal: RHIAN, malapit-lapit nang pakasalan ni SAM dahil ayaw nang patagalin
- Published on August 13, 2025
- by @peoplesbalita
Ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol dito, kaya abang-abang na lang daw kung kailan ito magaganap.
Kuwento ng business partner ni RS Francisco sa Frontrow, “seryoso na, na mabibigay ko ‘yung buong sarili ko sa kanya lalo na tapos na ‘yung campaign.
“Focus na kami sa sarili namin. Mas marami akong oras sa kanya at sa tingin ko ito na ‘yung oras para sa amin.”
Kaya naman hindi niya itinanggi na kasado ang kanilang wedding plan.
“Dapat. Dapat lang kasi hindi na tayo bumabata at masaya na ako. Nahanap ko na ‘yung partner ko sa buhay. Bakit ko pa patatagalin? ,” say pa ni SV.
“Edi pinakamadaling panahon,” dagdag niya pa.
“Syempre, wala na akong ibang pino-focus kundi sarili ko, personal na buhay, negosyo at tsaka syempre si Rhian.”
“Wala pa. Wala pa nga kayong nababalitaan. So, abang-abang na lang siguro kayo. Sandali na lang,” sagot pa ni Sam tungkol sa proposal.
Kinuwento rin ni SV ang muli nilang pagsali sa marathon ni Rhian.
“Second marathon namin ito kasi we run New York marathon last year.”
“Na nagka-issue kasi nga tumakbo ako sa pulitika, ginamit pa ‘yun against saka napakaliit na bagay.
“So, ngayon ido-document ko lalo, ibi-video ko para makita nila. Gusto nila naka-live pa para makita na tinapos.
“It’s for fun and it’s for charity. Hindi naman kami tumakbo sa marathon para makipagpabilisan.
“Nandun kami, first of all, to help the Smile Train. Iyon ‘yung charity na tinutulungan ko. “Nagpapa-opera kami ng mga kabataan na may bingot or tinatawag na cleft palate. And hundreds na napa-opera namin. Even before pa akong tumakbo ng marathon. Nag-London marathon ako, ‘yun din ang mga binigyan namin ng tulong. Marami na rin kaming napaopera. “And this year sana mas marami pa. Makalikom pa ng mas maraming funds para makatulong sa mga kababayan natin and ayun tuluy-tuloy lang ‘yung pagtulong.
“Sabi ko nga, healthy na ako sa marathon, nakatulong pa ako, na-enjoy pa namin ‘yung view at nakapag-bonding pa kami ni Rhian,” kuwento pa ni Sam na walang regret kahit hindi siya pinalad na maging mayor ng lungsod ng Manila.
Anyway, ang bongga ng birthday gift ni SV sa kanyang business partner na si RS dahil niregaluhan niya ito ng luxury electric car na Tesla Cybertruck worth P18 million.
Ang bongga naman talaga nang naturang Cybertruck na nakita namin nang iparada ito sa labas ng Alba Resto.
Aminado naman si RS noong umpisa ay nahirapan siyang mag-adjust ang liit ng likod nito pero ang gaan daw i-drive.
Nakita rin namin na ito ang ginamit nang manood siya sa first night ng ‘Super Diva’ concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa sa Araneta Coliseum last August 8, na kaarawan mismo ni RS.
(ROHN ROMULO)
