• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsiwalat sa 2025 small committee amendments, unang hakbang sa budget reform; Cong. Tiangco

DINOBLE ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang kanyang hapon sa House Committee on Appropriations na ganap na isiwalat ang lahat ng amendments na ginawa ng small committee sa 2025 national budget na tinawag niyang mahalagang unang hakbang tungo sa tunay na reporma sa badget
Binigyang-diin niya na bago talakayin ang 2026 budget, kailangan munang maging malinis ang Kongreso kung paano binago ang 2025 budget.
“Sa lahat ng bagay, bago ka humingi ng bagong budget, dapat ipakita mo muna ‘yong paggastos sa nakaraang budget. Bago pag-usapan ang 2026 budget, dapat lang na ipakita muna ang 2025 small committee amendments,” ani Tiangco.
Idinagdag niya na kapag nabuo na ng appropriations panel ang tinatawag nitong “sub-committee on budget amendments review,” ang pangunahin at hindi mapag-usapan na priyoridad nito ay dapat na imbestigahan at ilantad ang mga insertion na ginawa ng 2025 small committee.
“Kung seryoso kayo and to show good faith, ang first step is ilabas nila ang amendments ng small committee noong 2025 budget. Kung ayaw nila ilabas ‘yan, lokohan lang ito,” sabi niya sa interview sa Headstart with Karen Davila.
Sinabi ni Tiangco na hindi dapat palagpasin ng Kongreso ang kontrobersiya na pumapalibot sa 2025 budget, at sa halip ay panagutin ang mga miyembro ng small committee sa mga pagbabagong ginawa nila.
“Non-negotiable yan. Kung gusto namin ipakita na transparent kami, ipakita nila ‘yong amendments ng small committee sa 2025 budget,” aniya.
Hindi ko papakawalan ang 2025 small committee. We have to be accountable. Pera ng taumbayan yan. Hindi pupwedeng kalimutan na lang natin yan,” dagdag niya.
Hinamon ni Tiangco si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na namuno sa House Committee on Appropriations na gumawa ng 2025 General Appropriations Act (GAA), na ipaliwanag at ilabas ang mga pagbabagong ginawa ng small committee.
Ipinunto din ni Tiangco na ang small committee ang unang pagkakataon para sa mga mambabatas na magsingit umano ng mga amendment sa budget.
“Nagcoconcentrate ang iba sa bicam pero ang bicam sa huli na yan. Ang unang opportunity na magkaroon ng insertions o amendment is the small committee,” pahayag niya. (Richard Mesa)