• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 9th, 2025

PBBM, pinagtibay ang commitment ng Pinas na panindigan ang ‘Asean principles’

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas na panindigan ang Association of Southeast Asian Nations’ (ASEAN) principles at isulong ang regional development.
“We will uphold ASEAN principles and continue the region’s legacy of lasting peace and shared progress as we navigate our future together,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message para sa 58th ASEAN founding anniversary na in-upload sa state-run Radio Television Malacañang.
Ang Pilipinas, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand, tinintahan noong Aug. 8, 1967, ang ASEAN Declaration, na nagtatakda ng kolaborasyon ng regional bloc at pagtutulungan alinsunod sa ‘kaunlaran ng ekonomiya at kapayapaan sa rehiyon at katatagan.’
Ang iba pang SEAN member-states ay Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Myanmar, at Vietnam.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng Pilipinas sa paglalatag ng pundasyon para sa isang rehiyon “anchored on peace, cooperation, shared progress, and prosperity.”
“Guided by the purpose and principles of ASEAN enshrined in its Charter, we have stood together in navigating evolving regional and global challenges over the years,” ayon sa Pangulo.
“Through solidarity and dialogue, we have also fostered mutually beneficial partnerships and we have advanced initiatives that uplift the lives of peoples and communities.” aniya pa rin.
Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa Malaysia, kasalukuyang chair 10-member regional bloc, sa paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng ASEAN meetings sa 2026.
Tanggap naman ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Malaysia’s chairship, ang ASEAN ay pinapatnubayan ng tema ng ‘inclusivity at sustainability.’
“This reflects not only the enduring aspirations of our region, but also the shared responsibilities that we must embrace in today’s dynamic and complex global environment,” anito.
“As the Philippines assumes the ASEAN Chairship in 2026, we will build on ASEAN’s achievements in responding to the region’s evolving priorities and in facing emerging challenges,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ang ASEAN, itinuturing na fifth-largest economy ng buong mundo, nagpapanatili ng positibong paglago at patuloy na nagpapakita ng ‘economic resilience’ na may paglago na 4.7% noong 2024.
Samantala, ang kabuuang kalakalan ng bloc sa mga goods ay umabot na sa USD3.5 trillion noong 2024, habang ang foreign direct investment (FDI) ay sumirit sa USD229.8 billion, ipinako ang posisyon ng rehiyon bilang top investment destination sa hanay ng mga developing economies, ayon sa annual report ng rehiyon. ( Daris Jose)

NAGPAPAREHISTRONG BAT BOTANTE, DINADAGSA PA RIN  

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI pa ring mga  botante na dumarayo upang  magpaparehistro sa mga site sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nitong Huwebes, umaabot na sa 1.2 milyon ang naitalang voter registrants.

Una nang sinabi ng komisyon na target lamang nila ay aabot sa 1 milyong ang mga registrants na umabot naman noong Martes matapos ang limang araw mula nang simulan ito noong Agosto 1.

Sa inilabas na datos ng poll body, nagpakita na 1.204,144 registrants mula noong Agosto hanggang 6.

May pinakamaraming bilang ng aplikante ang Calabarzon na may 154,987 sinundan ng Central Luzon na may 130,767 aplikante at ang National Capital Region na may 95,373.

Ang huling bilang ay nag-udyok sa Comelec na dagdagan ang kanilang target na bilang ng registrants sa 1.5 milyon.

Magtatagal ang voter registration ay hanggang Agosto 10.(Gene Adsuara)

pasalubong ni PBBM sa mga mamamayang filipino mula sa byahe nito sa India, $446-M direct investments, mas matatag na ugnayan

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BENGALURU– NATAPOS na ang five-day state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa India bitbit ang pasalubong sa mga Filipino na USD446 million na direct investment pledges at ni-renew na commitment para palawigin ang pagtutulungan sa pagitan ng Maynila at New Delhi.
“In terms of actual direct investment, we have already secured USD446 million… that is already what we have decided at the end of this trip,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Philippine media delegation sa press briefing bago lumipad pabalik ng Maynila.
Sinabi ng Pangulo na umaasa siya na mas marami pang susunod na commitments.
“Estimate lang namin dyan with the several other areas, is the potential for investment of about USD5.6 (to) USD5.7 billion. So, malaking bagay talaga . India is a very, very strong economy,” ayon sa Chief Executive.
Inilarawan naman ng Pangulo ang kanyang inaugural visit sa India bilang “a new beginning” para sa Philippine-India relations, tinukoy ang “very encouraging exchanges” sa mga Indian leaders at business executives.
“The whole range of possibilities has now become clear to us… I am very happy with the results and glad we have opened new lines of communication,” aniya pa rin.
Matatandaang, dumating ang Pangulo sa New Delhi noong Agosto 4, kagyat na nakipagpulong sa Filipino community bago pa magdaos ng bilateral talks kasama si Prime Minister Narendra Modi at President Droupadi Murmu.
Sinaksihan naman ng magkabilang panig ang paglagda sa 13 kasunduan, saklaw ang larangan ng ‘defense, maritime cooperation, agriculture, fintech, at cultural exchange.’
Sa isang panayam kasama ang Indian media, muling pinagtibay ni Pangulong Marcos ang commitment ng kanyang administrasyon na depensahan ang soberanya ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa Indo-Pacific.
Pinuri naman nito ang India bilang “responsible major power” para sa pagsunod sa international tribunal rulings ukol sa maritime disputes — taliwas sa pagbasura ng Tsina sa 2016 arbitral award sa South China Sea. ( Daris Jose)

BRITISH NATIONAL NA MAY DALANG MAHIGIT 15kls. SUSPECTED MARIJUANA KUSH, NASAKOTE NG PDEA SA NAIA

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang isang British national sa interdiction operation sa Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, na humantong sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 15,078 gramo ng hinihinalang Marijuana Kush.
Ang operasyon ay naganap bandang alas-8:40 ng gabi noong Agosto 7, 2025, at isinagawa ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na binubuo ng mga tauhan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office NCR, Bureau of Customs – CAIDTF, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, National Bureau of Investigation and Bureau of Immigration.
Ang suspek na kinilala sa alyas na “Patrick”, pasahero mula sa Bangkok, Thailand. Sa isang nakagawiang inspeksyon sa kanyang berdeng bagahe, natuklasan ang tatlumpu’t limang transparent na plastic na pouch na nakabalot ng packaging tape, na naglalaman ng mga tuyong dahon ng pinaghihinalaang Marijuana Kush na may kabuuang timbang na 15,078 gramo.
Narekober din ang mga non-drug items, kabilang ang mga identification documents, boarding pass, at cellular phone, na pawang pag-aari ng suspek.
Kasalukuyang nahaharap si Patrick sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nagbabawal sa pag-angkat ng mga mapanganib na droga. Ang paglabag na ito ay may parusang habambuhay na pagkakakulong hanggang kamatayan at multang aabot sa sampung milyong piso, depende sa pinal na timbang at klasipikasyon ng mga sangkot na ilegal na droga.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay ipapasa sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri. Sasailalim sa inquest proceedings ang suspek. (PAUL JOHN REYES)

Gobyerno, lilikha ng polisiya laban sa gambling addiction- PBBM

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGSIMULA nang mag-organisa ang gobyerno ng komperensya para sa online gambling stakeholders, layon nito na mag-draft ng mga patakaran laban sa gambling addiction sa Pilipinas.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlong episode ng kanyang podcast, kung saan tinanong siya kung bakit wala siyang binanggit na online gambling policy sa kanyang ikaapat na state of the nation address.
“The problem is not online gambling. The problem[s] are the social effects on our children and those who are addicted to gambling,” ayon sa Pangulo.
“We still have to form the policy on what we are going to do about online gambling, and to this end, I have already started to organize a – shall we – to convene a conference of those who are all the stakeholders,” ang pahayag nito.
Kabilang maman sa imbitado sa komperensiya ay ang pari, obispo, mga magulang at mga regulating agencies.
 “We’re trying to solve is that na hindi – ‘yun na nga, hindi malubog sa utang ang mga – ‘yung mga hindi naman – wala namang kaya pero napapasubo dahil sa sugal, mga bata na natututong magsugal,” ang winika ni Pangulong Marcos.
“Let’s focus on that. Paano natin patitigilin ‘yan? These are the things that we are going to examine and we will come up with a plan to make sure that we address the problem,” aniya pa rin.
Nauna rito, napaulat na pinaplano na ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mas striktong mga patakaran sa mga bangko at e-wallets.
Ito ay sa layuning maprotektahan ang mga Pilipino laban sa mga panganib na dulot ng online gambling.
Sa isang statement, sinabi ng central bank na kasama sa bagong mga panuntunan ang striktong beripikasyon gaya ng biometric checks tulad ng facial recognition para masigurong tanging ang mga kwalipikadong indibidwal ang maaaring gumamit ng kanilang mga pera para sa online gambling.
Dapat din aniya magkaroon ng arawang limitasyon sa gambling-related transfers para makatulong na mabawasan ang pinansiyal na pagkalugi at paghihigpit sa oras ng pagbabayad sa online gambling.
Dapat na i-update din ng mga bangko at e-wallets ang kanilang application kasama ang tools users na maaaring gamitin para maglagay ng personal spending caps o para makapag-boluntaryong tumigil mula sa pagsusugal.
Umaasa naman ang central bank na makakatulong ang mga hakbang na ito para mabawasan ang adiksiyon sa online gambling at pinsala sa pinasiyal habang itinataguyod ang responsableng paggamit ng e-wallets at mga bangko.
Subalit, nilinaw ni Pagulong Marcos na may pagkakaiba sa pagitan ng e-gambling at Philippine Offshore Gaming Operation (POGOs), na kanyang ipinagbawal sa Pilipinas mula nang magsimula ang taon.
“POGO itself was not – walang problema… Eh sinabayan ba naman ng human trafficking, ng credit card scam, na kung ano-ano na ang nangyayari, ‘di ba? ‘Yun ang naging problema,” aniya pa rin.
“It brings us to the same – the same situation with online gambling in general,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “This is not a criminal enterprise.”
“Gaming revenue in the Philippines jumped by 27 percent to P104 million in the first quarter of 2025,” ayon naman sa data ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
“Of this number, 49.36 percent was from e-games revenue that was pegged at P51.39 billion in the first three months of 2025 alone,” ang makikita pa rin sa data
Samantala, ang mga lisensiyadong casino ay kumita ng P49.28 billion sa nasabing panahon, may 47% sa kabuuang kita. ( Daris Jose)

Senator Go, namahagi ng tulong sa Navoteños

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Mayor John Rey Tiangco si Senator Bong Go matapos itong personal na bumisita sa Navotas City at nagbigay ng tulong na grocery packs sa mga Navoteño saka mga wheelchair at saklay para sa Navoteñong Persons with Disabilities (PWD). (Richard Mesa)

PBBM, kumpiyansa na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang teritoryo ng Pinas

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas kapag naharap ito sa security challenges, partikular na sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pagsasalita sa Indian news media “Firstpost,” tinanong si Pangulong Marcos kung kumbinsido ito na sasaklolo ang Estados Unidos para depensahan ang Pilipinas kapag naharap ito security challenge sa rehiyon.
“I am, because the assurance is that we have been receiving in those terms from the new [US] administration before I went there, and when I went there,” ang tugon ng Pangulo, tinukoy ang kanyang kamakailan lamang na official visit sa Washington, D.C. nito lamang Hulyo kung saan nakapulong niya si US President Donald Trump at ang mga senior defense officials.
Tinukoy din ng Pangulo ang “ironclad commitment” ng administrasyong Trump sa Pilipinas sa gitna ng “mapanganib” na aksyon ng mga intsik sa South China Sea.
“I believe that remains constant, and I’m not surprised because we really have had a very, very long history together with the US,” ang diing pahayag ng Pangulo.
“It has been a very long and very good relationship, and I think it will remain so. I’m sure it will remain so,” aniya pa rin.
Ang Pangulo ay kasalukuyang nasa India para sa kanyang five-day state visit.
Samantala, kailangan na muling mag-adjust ang buong mundo sa bagong US tariff rates.
“That’s where it stands right now, and it is just something that we will have to adjust to and the effects on our economies are all about the same,” ang tinuran ng Pangulo.
“The entire world economy is going to have to readjust itself. He reinvents himself in many ways,” dagdag na wika nito.
Ayon kay US Trade Representative Jamieson Greer, malabong magbago ang bagong US tariff rates.
Inanunsyo ni Trump ang bagong 19% tariff rate para sa mga produkto mula sa Pilipinas matapos na makapulong niya si Pangulong Marcos sa naging pagbisita ng Huli sa Washington, D.C. noong nakaraang buwan.
At nang hingan ng payo ukol sa kung paano makipag-negosasyon sa Estados Unidos, ang tugon ni Pangulong Marcos ay “Just do your best” at ” be smart about it.
“We now need to be agile, our economies need to be agile. We need to be able to adjust very quickly,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“That’s how we are structuring our economy: strong, robust, but agile, and it seems to be the most important quality right now,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Third party, hindi puwedeng makialam sa pinagtatalunang WPS- Tsina

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI nagustuhan ng Chinese government ang kauna-unahang joint drills ng Pilipinas at Indian navy sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun na walang third party ang dapat na makialam sa ‘territorial at maritime rights issues’ sa pinagtatalunang katubigan.
Ani Jiakun, “Disputes over territory and maritime rights and interests should be settled through negotiation and consultation by countries directly concerned, and no third party is in any position to interfere in that.”
Sa ulat, mula araw ng Linggo hanggang Lunes ay nagsagawa ng bilateral maritime cooperative activity (MCA) sa WPS para palakasin ang kanilang ‘tactical coordination at joint maritime capability.’
“First time in history, na nagkaroon tayo ng joint sail with the Indian Navy. We are hoping na magtuloy-tuloy ito, so that, mas madami pa tayong gagawing mga exercises and activities with the Indian Armed Forces,” ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr.
Sa isang makasaysayang inisyatiba na layong patatagin ang kooperasyong pangdepensa at panseguridad sa rehiyon, magkatuwang na isinagawa ng AFP ang kauna-unahang Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) noong Agosto 3 — 4, 2025.
Saklaw ng aktibidad ang mga katubigang mula Masinloc, Zambales — Cabra Island sa Occidental Mindoro bilang pagpapakita ng lumalalim na ugnayang panseguridad ng 2 bansa sa Indo-Pacific region.
Kabilang sa mga yunit ng Philippine Navy na kasama sa naturang aktibidad ang BRP Jose Rizal (FF150), BRP Miguel Malvar (FFG-06), isang Search and Rescue (SAR) aircraft mula sa Philippine Air Force (PAF), at isang C-208B reconnaissance aircraft.
Nag-deploy naman ang Indian Navy ng isang matatag na maritime task group na binubuo ng guided missile destroyer na INS Delhi (D61), anti-submarine warfare corvette na INS Kiltan (P30), at fleet replenishment tanker na INS Shakti (A57). ( Daris Jose)

PBBM, umaasa na mababawasan na ang subsidya para sa P20/kilo of rice

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan na ang subsidiya para sa P20 kada kilo na rice initiative ng gobyerno.
“Habang ‘yung production natin gumaganda, bababa nang bababa ‘yan (subsidy),” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam.
“Naabot na natin ‘yung punto na masabi natin, ‘O kaya na natin ito. We can afford it. We can afford the subsidy,” ang sinabi ng Pangulo.
Tiniyak naman ng Chief Executive na lalawak pa ang saklaw ng Benteng Bigas program para masiguro na mas maraming sektor ng populasyon ang magkakaroon ng access sa pangunahing pagkain sa mas mababang halaga.
Matatandaang, paunang inilunsad sa Visayas noong Abril, may 162 lokasyon sa buong bansa ang nag-aalok ng mas murang subsidized rice, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ang mga miyembro ng vulnerable sectors gaya ng indigents, senior citizens, solo ­parents, at persons with disabilities ang nasa priority list na maaaring mag-avail ng P20 kada kilo ng bigas.
Mabibili na rin sa mga Kadiwa Center ang P20 kada kilo na bigas.
Magbebenta ang DA ng de-kalidad na NFA rice sa halagang P20 kada kilo sa mga Kadiwa stores. ( Daris Jose)

PBBM, todo-depensa sa lumalaking utang ng Pinas

Posted on: August 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TODO-DEPENSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lumalaking ‘debt levels’ ng Pilipinas.
Para sa Pangulo, ginagamit ang mga utang para mag-invest o mamuhunan sa mga tao, at hindi lamang para takpan ang mga puwang sa national budget.
Inihayag ito ng Pangulo matapos na lumobo ang utang ng Pilipinas sa P17.2 trillion ‘as of July 2025.’
Sa pinakabagong episode ng The BBM Podcast,, iginiit ng Pangulo na ang metric ay hindi ganap na nakukuha ang mga pagbabalik sa pamumuhunan sa imprastraktura, social protection, at human capital.
“Yung utang na yun, gagamitin mo naman para pang-training doon sa taong yun. Anong balik nun? Ang balik nun employment,” ayon sa Pangulo.
Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang utang ay dapat na tingnan sa konteksto ng ‘economic growth at asset-building.’
“It’s not an absolute number. Like any corporation, may balance sheet ‘yan. The balance sheet has assets and liabilities,” ang winika ng Pangulo.
“Eh, tingnan niyo yung asset. Nadadagdagan yung asset natin,” aniya pa rin sabay sabing ang ‘biggest asset’ ng bansa ay ang mga manggagawang Filipino.
Inihambing naman ng Pangulo ang ‘business practice’, sinabi na maging ang mga small enterprises’ ay mayroong utang basta’t nagreresulta ito sa mas mataas na produktibidad o kita.
“Even if you look at any… isang maliit na negosyo, may utang din pero may kinikita. Tapos yung utang na yun, ginagamit pang-investment para palakihin ang negosyo,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, pinananatili naman ng Pangulo na ang ‘maayos na pamamahala at tapat na paggastos’ ay mas mahalaga kaysa sa iwasan ang sama-samang paghiram.
“Basta’t yung pera ng Pilipinas ay ginagamit sa tamang paraan,” pagtiyak ng Pangulo.
Gayundin, sinabi ng Chief Executive na ang pigilan at hadlangan ang korapsyon sa infrastructure projects ay makalilikha ng pagkakakataon para sa tinatawag na long-term savings.
“Hindi nakalagay doon dalawang classroom, ginawa lang isang classroom. Binulsa na yung natira,” aniya pa rin.
At nang tanungin naman kung ang pag-alis sa pag-aaksaya ay makatutulong na mabawasan ang utang ng Pilipinas, ang tugon ng Pangulo ay “Dahan-dahan mapapababa natin ‘yan.”
Samantala, para sa mga economic managers, ang kasalukuyang debt level ay nananatiling manageable, lalo na’t nagpapatuloy ang GDP ng bansa na mabilis na lumago kaysa sa debt accumulation rate.
Layon din ng national government na bawasan ang deficit-to-GDP ratio ng tatlong porsiyento sa 2028.
 ( Daris  Jose)