• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, kumpiyansa na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang teritoryo ng Pinas

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas kapag naharap ito sa security challenges, partikular na sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pagsasalita sa Indian news media “Firstpost,” tinanong si Pangulong Marcos kung kumbinsido ito na sasaklolo ang Estados Unidos para depensahan ang Pilipinas kapag naharap ito security challenge sa rehiyon.
“I am, because the assurance is that we have been receiving in those terms from the new [US] administration before I went there, and when I went there,” ang tugon ng Pangulo, tinukoy ang kanyang kamakailan lamang na official visit sa Washington, D.C. nito lamang Hulyo kung saan nakapulong niya si US President Donald Trump at ang mga senior defense officials.
Tinukoy din ng Pangulo ang “ironclad commitment” ng administrasyong Trump sa Pilipinas sa gitna ng “mapanganib” na aksyon ng mga intsik sa South China Sea.
“I believe that remains constant, and I’m not surprised because we really have had a very, very long history together with the US,” ang diing pahayag ng Pangulo.
“It has been a very long and very good relationship, and I think it will remain so. I’m sure it will remain so,” aniya pa rin.
Ang Pangulo ay kasalukuyang nasa India para sa kanyang five-day state visit.
Samantala, kailangan na muling mag-adjust ang buong mundo sa bagong US tariff rates.
“That’s where it stands right now, and it is just something that we will have to adjust to and the effects on our economies are all about the same,” ang tinuran ng Pangulo.
“The entire world economy is going to have to readjust itself. He reinvents himself in many ways,” dagdag na wika nito.
Ayon kay US Trade Representative Jamieson Greer, malabong magbago ang bagong US tariff rates.
Inanunsyo ni Trump ang bagong 19% tariff rate para sa mga produkto mula sa Pilipinas matapos na makapulong niya si Pangulong Marcos sa naging pagbisita ng Huli sa Washington, D.C. noong nakaraang buwan.
At nang hingan ng payo ukol sa kung paano makipag-negosasyon sa Estados Unidos, ang tugon ni Pangulong Marcos ay “Just do your best” at ” be smart about it.
“We now need to be agile, our economies need to be agile. We need to be able to adjust very quickly,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“That’s how we are structuring our economy: strong, robust, but agile, and it seems to be the most important quality right now,” aniya pa rin. ( Daris Jose)