• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 2nd, 2025

DOT hangad ang mas malaking 2026 budget, tinitingnan ang P500M para sa tourism branding

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAPELA ang Department of Tourism (DOT) para sa mas mataas na budget sa 2026.
Ang panukala ng DOT ay P3.1 billion, kung saan ang P500 million ay ilalaan para sa ‘branding at promosyon’ ng Pilipinas bilang isang global tourist destination.
The fact of the matter remains that Congress slashed the budget of the Department of Tourism by no less than 83 percent in terms of its promotions funding from P1.2 billion to only P200 million in 2024, and slashed it by half yet again to only PHP100 million in 2025,” aniya pa rin.
Dinepensahan naman ng Kalihim ang ahensiya laban sa kritisismo ng ‘underperformance’, binigyang diin na sa kabila ng budget cuts at pumalyang international arrival targets, nakapagtala pa rin ang Pilipinas ng makasaysayang P3.86 trillion sa domestic at foreign tourism receipts noong 2023.
“The sector also directly employed over six million Filipinos— a “return of over 1,900,000 percent,” aniya pa rin.
Taong 2019, mainit na tinanggap ng Pilipinas ang 8.26 million foreign visitors, gamit ang pondo ng DOT para sa promosyon sa kaparehong taon ay lumobo ng mahigit sa P1 billion.
“You cannot expect a full recovery to 100 percent by investing only 100 to 200 million pesos and expect the same numbers,” ang winika ng Kalihim.
Sinabi pa ni Frasco na “DOT is recalibrating its targets for 2025, taking into consideration circumstances surrounding tourism competitiveness.”
In terms of the targets, it’s at present being recalibrated because the challenges come day-to-day as well,” ang dagdag na pahayag nito.
Bilang karagdagan sa budget constraints, tinukoy ni Frasco ang ‘geopolitical tensions at economic slowdowns’ sa mga pangunahing tourism source markets gaya ng South Korea bilang major challenges na nakaaapekto sa bilang ng mga bisita.
Ang patuloy na suspensyon ng eVisa, ay isa ring “immense challenge” para sa DOT sa paghikayat ng mga bisita mula sa Tsina.
Sa kabila ng setbacks, nangako si Frasco na ipagpapatuloy ng DOT ang pagpo-promote sa bansa sa mga ‘key at emerging markets’ kabilang na ang EStados Unidos, Canada, South Korea, at Middle East nations gaya ng United Arab Emirates.
“We’re fighting back in terms of the headwinds that we are facing with policy shifts that are strategic interventions into the tourism industry’s prospects for the end of the year,” aniya pa rin.
We certainly would welcome higher tourism receipts for the country as well as more arrivals— but then again, that is also determined by the amount of funding that is provided for the department. As things stand, with only P100 million in promotions for 2025, it is extremely difficult to allow the Philippines a fighting chance as far as its competitors,” ang sinabi pa rin ni Frasco. ( Daris Jose)

Total ban sa online gambling pinamamadali ng Mamamayang Liberal Party List

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANONG petsa na? Total ban, now na!

Ito ang pahayag ni Mamamayang Liberal Party List Leila de Lima kasabay ng muling panawagan na ipagbawal ang lahat na uri ng online gambling kasunod na rin sa gagawing imbestigasyon ng Senate Committee on Games and Amusement sa susunod na linggo ukol sa pagkalat ng online gambling

“Clearly, online gambling is a growing menace that should be stopped and banned immediately. Ano pa bang hinihintay natin? Ang lumala pa ang pagkasira ng mga buhay at pagkawasak ng mga pamilya dahil sa online gambling? Anong petsa na? Ipatigil na ‘yan!” ani De Lima.

Ikinalungkot ng mambabatas na hindi man lamang naisama sa 4th State of the Nation Address of ni Pangulong Bongbong sa isyu ng online gambling sa kabila ng lumalaking panawagan laban dito.

“Patay malisya sa online gambling na maraming winasak na pamilya, at pinaguguho ang moralidad natin bilang bayan, pati na ang kinabukasan ng kabataan. Patuloy pa ba nating isusugal ang mga ito sa hindi pagpapatigil ng online gambling?” pagtatanong pa ng mambabatas.

Bilang bahagi ng priority measures, inihain De Lima ang House Bill No. 2129 o “Anti-Online or E-Gambling Act” na naglalayong i-ban ang lahat ng uri ng online gambling.

Sa ilalim ng panukala, ang mga establishment, operation, maintenance ng online gambling platforms; promotion, advertisement, endorsement, o distribution ng materials sa online gambling sa pamamagitan ng traditional media at digital platforms; online payments, electronic wallets, fund transfers, o withdrawals  o iba pang uri ng digital payments na may kaugnayan sa online gambling, at linking e-wallets and mobile applications sa online gambling platforms, at iba pang aktibidades na naglalaan ng access at pasilidad sa online gambling ay ipagbabawal.

“Ngayon pa lang, gawin na natin ang tama, hindi yung kung saan lang mas kikita ang gobyerno, bago pa milyon-milyon ang malulong sa sugal at masirang pamilya, pag-aaral, mental health, pangarap at kinabukasan,” pagtatapos ni de Lima.

(Vina de Guzman)

Kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino, patuloy na isusulong ng Kamara

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ito ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isinagawang 102nd birth anniversary ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

“The House of Representatives will always stand with our workers. We will continue to pass laws that protect their rights, ensure decent wages, and make social protection more accessible and more humane,” anang lider ng kamara.

Nagbigay tribute naman si Speaker Romualdez sa TUCP founder nitong si Atty. Democrito Mendoza, na ang nagampanan trabaho ang siyang nagbigay hugis sa labor movement sa bansa.

“More than a name in our history books, he was a guiding light to millions of Filipino workers, a father figure to an entire generation of labor advocates. He believed – at a time when it wasn’t easy to do so – that workers deserved not just jobs, but justice. Not just contracts, but compassion,” dagdag nito.

Pinapurihan din nito ang patuloy na pamana ng ALU-TUCP, sa ilalim ng liderato ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza.

“Congressman Mendoza has not only upheld that legacy but has also brought it to the halls of Congress with clarity and courage,” pahayag nito.

(Vina de Guzman)

Mga maliliit na lungsod, munisipalidad prayoridad sa distribusyon ng patient transport vehicles

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PRAYORIDAD ng gobyerno na bigyan ng patient transport vehicles (PTVs) ang mga mas maliit na mga lungsod at munisipalidad para suportahan ang kanilang health projects.
Ipinahayag ito ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng patient transport vehicles sa Dipolog City.
”At inuna namin – hindi namin muna pinarioritize (prioritize) ‘yung malalaking lungsod, the big cities because usually mayroon na silang mga facilities. Hindi urgent. Iyong mga maliliit ang inuna namin. Inumpisahan natin fourth, fifth, sixth class na municipality. Then slowly we’ll work our way back,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office, namahagi ng 1,067 PTVs simula pa noong June 2022.
Sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ito gaya ng nilalayon ng kanyang administrasyon na magbigay ng mga ambulance sa lahat ng local government units sa pagtatapos ng taong ito.
Sa kabilang dako, naglaan ang PCSO ng P1 billion ngayong taong 2025 para bumili ng 395 pang PTVs para sa paghiling ng local government units at national government agencies.
May kabuuang 106 PTVs ang ipamamahagi sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Sur at Isabela City sa Basilan. ( Daris Jose)

Hindi dapat padalos-dalos sa pagdedesisyon:  Pagwalis sa online gambling, inaaral pa- Malakanyang

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para magpadalos-dalos sa pag-aksyon o pagbibigay ng bagong polisiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa magiging kapalaran ng kontrobersiyal na online gambling.
Sa ngayon ani Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay inaaral pang mabuti ng Pangulo ang magiging epekto sa bayan kung aalisin ang online gambling o hindi.
“As of now, maganda po kasi huwag tayo masyadong magpadalus-dalos. Minsan kasi nakikita natin ano ba iyong isinisigaw ng taumbayan pero iyong iba hindi pa po inaaral nang mabuti kung ano ba iyong magiging effect nito sa bayan,” ayon kay Castro.
Dapat din aniya munang malaman kung saan ba nanggagaling iyong kamalian. Kung sa licensed online gambling app o sa mga hindi lisensiyado?
“So, dapat malaman natin saan ba nagugumon ang ating mga kababayan sa sugal – doon ba sa mga iligal na gambling app?,” ang winika pa ni Castro.
“Example na lamang po natin recently alam natin ang e-sabong wala na, ang e-sabong noon nakakapagbigay ng revenue, ng tulong sa pamahalaan. Noong tinanggal po iyan definitely wala na pero bakit may e-sabong? So, sino ang nakikinabang sa iligal na sabong ngayon? Bakit isa pang mambabatas ang nakitaan natin na siyang nagpatunay na mayroon pang e-sabong?,” aniya pa rin.
“So, dapat ito aralin mabuti ano ba ang dapat gawin dahil kapag nga tinanggal natin talaga agad-agad ang online gambling at maapektuhan naman iyong ibang mga lisensiyado, makakaapekto ba ito sa tulong sa bayan, sa tulong sa mga estudyante, sa tulong sa mga Pilipino,” ang winika ni Castro.
Kaya nga aniya hindi puwedeng mag-padalus-dalos ang Pangulo sa usaping ito.
“Dapat aralin po dahil sa totoo lamang po ang mga revenue po na ibinibigay ng lisensiyado na online gambling ay nakakapagbigay talaga ng tulong sa mamamayan,” ang sinabi ni Castro.
“So, dapat pong aralin at hindi po dapat na ora-orada at mag-uutos agad na tanggalin agad iyan, dapat inaaral po iyan. Iyan ganiyan po kasi ang gusto ng Pangulo inaaral bago magpadalus-dalos sa aksiyon,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Malabon LGU, nagsagawa ng mega job fair

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LIBO-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa isinagawang Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na inorganisa ng Public Employment
Service Office (PESO) na ginanap sa Robinsons Town Mall Malabon. Ayon Kay Mayor Jeannie Sandoval, layun nito na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Malabueno at sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng acces sa trabaho at kabuhayan, mabibigyan ng pag-asa ang kanilang mga kababayan at pinapalakas nito ang lokal na ekonomiya. (Richard Mesa)

Kelot na wanted sa anti-hazing act sa Valenzuela, isinelda

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang lalaki na akusado sa anti-hazing act nang matunton ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 26-anyos na akusadong si alyas “Boy” na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Valenzuela CPS.

Sa ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS), naaresto ang akusado dakong alas-10:50 ng umaga.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 172, noong July 17, 2025, na walang inirekomendang piyansa.

Bilang pagsunod sa mahigpit na protocols ng PNP, gumamit ang operating team ng Body-Worn Camera (BWC) sa panahon ng pag-aresto sa akusado.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail sa lungsod. (Richard Mesa)

DOJ, HIHINGI NG TULONG SA JAPAN

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIHINGI ng tulong sa Japan ang Department of Justice (DOJ) para sa pagsusuri sa nakuhang buto ng umano’y sabungeros sa Taal Lake dahil walang nakuhang DNA profile sa mga ito.

Bukod dito, patuloy pa rin ang DOJ sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Justice Asst. Secretary Atty. Mico Clavano, hihiling sila ng tulong sa gobyerno ng Japan dahil naiintindihan ng DOJ ang limitasyon sa sariling DNA testing .

Sa kabila ng hamon, sinabi ni Clavano na sisikapin ng gobyerno na matuklasan ang katotohanan at maihatid ang katarungan, lalo na pagkatapos ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 91 bone fragments mula sa limang sako ang unang narekober noong Hulyo at may dagdag pang natagpuan kamakailan.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kontaminado na ang mga buto kaya hindi na makuha ang DNA profile. (Gene Adsuara)

Delivery rider, buking sa droga sa oplan sita sa Valenzuela 

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BAGSAK sa kulungan ang 32-anyos na delivery rider nang mabisto ang dalang shabu makaraang pumalag at tangkain takasan ang mga pulis sa Oplan Sita sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas ang naarestong suspek na si alyas “Louie”, ng Yakal St., Brgy. Gen T De Leon.
Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Carlito Nerit Jr., habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ng Valenzuela police sa kanto ng Lorex Avenue at Erin St., Brgy. Gen T De Leon nang parahin nila suspek dahil walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Sa halip na sumunod, tinangka umanong tumakas ng suspek kaya hinarang siya nina PSSg Jomar Guiyab at PCpl Roldan Dula subalit, itinulak nito si PCpl Dula bago tinangkang paharurutin ang kanyang motorsiklo para tumakas.
Dahil dito, inaresto na ang suspek ni PSSg Guiyab at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanya ni PCpl Dula ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,712 habang inimpound naman ang kanyang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority and Agent of such person) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

Ads August 2, 2025

Posted on: August 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

2 – page 4-merged