Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
CLARKFIELD, PAMPANGA – Isang tangkang pagpupuslit ng mahigit limang kilo ng ketamine (hallucinogenic drugs) ang napigilan ng mga government authorities kasunod ng interdiction operation bandang 11:12 am, noong Hulyo 30, 2025.
Sinabi ng PDEA Clark team leader na ang parsela na naglalaman ng droga ay nagmula sa Belgium. Ang nasabing mga gamot ay itinago sa loob ng anim na rolyo ng data cable sa pagsisikap na mailusot ito.
Ayon sa PDEA, inilunsad ang operasyon ng Interdiction kasunod ng tip na ipinadala ng PDEA Investigation Service (IS) sa PDEA Region 3, na nagpaalerto sa kanila sa pagdating ng isang ketamine-laden parcel sa Port of Clark. Dumating ang subject na ketamine sa Port of Clark noong Hulyo 24, 2025, na nag-udyok ng malapit na koordinasyon sa mga enforcement units.
Ang ketamine ay itinuturing na isang mapanganib na gamot sa ilalim ng batas ng Pilipinas at nauuri bilang mga hallucinogenic na gamot.
Ang mga sample ng nasamsam na substance drugs ay ipapasa sa PDEA RO3 laboratory para sa forensic examination at confirmatory analysis.
Ang operasyon ay pinagsamang pagsisikap na pinangunahan ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, NBI Pampanga District Office, PNP Aviation Security Unit 3, at Mabalacat Police Station. (PAUL JOHN REYES)
APELA ni TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na sagutin ang lehitimong tanong ukol sa performance ng ahensiya at hindi ang pag-uugnay nito sa pulitika.
“I had hoped that Secretary Christina Garcia Frasco would respond to public concerns with facts and clarity. Instead, she chose to frame legitimate questions about her agency’s performance as a political attack. That kind of deflection does a disservice to the real issue at hand,” ani Acidre, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education.
Ayon pa sa mambabatas, hindi ito isyu ng political loyalty kundi pagsisiguro na nagagamit ng epektibo at responsable ang public funds.
“Let’s be clear: this is not about personalities, loyalties, or partisanship. It’s about public service. It’s about performance and accountability. It’s about how government agencies use public funds and deliver on their mandate. These are questions that all of us in public office must be willing to answer,” giit ni Acidre.
Pinaalalahanan pa nito ang DOT na walang ahensiya ng gobyerno ang ligtas sa panunuri ng publiko.
Isa aniyang responsibilidad ang pagbusisi at panunuri sa mga ahensiya ng gobyerno.
Batay sa pinakahuling findings ng Commission on Audit (COA), sinabi ni Acidre ang mga isyu sa loob ng DOT at ng Tourism Promotions Board.
Kabilang na dito ang paglalaan lamang ng 65.32% ng allocated funds, kung saan hindi nabayaran ang ₱396.346 million na obligated funds ng katapusan ng taon ng 2022.
“Even more concerning, COA reported ₱483.812 million in unliquidated fund transfers. These are completed programs with no clear documentation or reports. That’s public money spent without the necessary accountability. That’s a problem,” pahayag ng mambabatas.
Ang iba pang findings na nabanggit ng coa ay ang ₱618.743 milyong receivables na may mga discrepancies at unconfirmed balances, ₱483.812 million na fund transfers ng walang liquidation, ₱71.064 million na idle and unused funds, ₱3.25 million na inventory na hindi nai-record ng maayos, ₱196.853 million na unused funds na hindi naibalik sa Treasury, ₱288.891 million na idle corporate funds na walang malinaw na paggagamitan, at ₱4.882 million na foreign travel na sinasabing unnecessary o excessive.
“These findings are not political statements. They are official audit results—concrete, procedural, and based on documentation,” dagdag ni Acidred.
Tinuligsa pa ng mambabatas ang pahayag ni Secretary Frasco na nauwi ang ₱200 million tourism promotion budget sa to ₱3.86 trillion in visitor receipts.
Nilinaw naman ni Acidre na misleading ito dahil ayon sa Philippine Statistics Authority, ang talaan ay nagre-represent sa output ng buong tourism industry, mula sa airlines at hotels sa LGUs at OFW visits. Hindi aniya ito direktang balik sa ginastos ng DOT at hindi rin dapat na ihayag ng ganito. (Vina de Guzman)
PINAYUHAN ng Manila City Government ang publiko hinggil sa umano’y “GO! Manila parking fee scam”.
Naglabas ng isang public advisory ang Manila City Government matapos na makatanggap ng mga sumbong mula sa mga residente kaugnay ng natatanggap nilang mga mapanlinlang na mensahe na nagsasabing mayroon silang hindi nabayarang parking fee, sa pamamagitan ng GO! Manila app.
Kasama umano ng mensahe ang isang link, na kung iki-click ng user, ay ididirekta sila sa isang fraudulent website na humihingi ng detalye ng credit card para sa pagproseso ng bayad.
“The scam involves a text message stating that the recipient has an alleged violation with the City of Manila, along with a payment link: https://gomanlia.com/. The link directs users to a fraudulent website that requests credit card details for payment processing,” anang lokal na pamahalaan.
Nagpaalala naman ng Manila LGU na ang naturang mensahe ay hindi opisyal na komunikasyon mula sa lokal na pamahalaan.
Giit pa nito, ang naturang link ay bahagi lamang ng scam at hindi dapat na i-clicked.
BINITBIT sa selda ang 19-anyos na teenager na wanted sa kasong paglabag sa anti-rape law matapos matimbog ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas ang pagtugis sa akusadong si alyas “Patrick” matapos mapag-alaman na kabilang ito sa kanilang talaan ng mga Most Wanted Person.
Dakong alas-5:40 ng hapon nang tuluyang masukol ng tumutugis na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS ang akusado sa Brgy. Punturin.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Bisayas ang warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5 (B) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648 – The Anti-Rape Law of 1997 na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City, noong June 28, 2025.
Ayon kay Col. Bisayas, may inirekomenda namang piyansa ang korte na halagang P180,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap at pangako sa katarungan at kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)
INILABAS na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final 12 na Gilas members na sasabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa Agost 5 sa Jeddah, Saudi Arabia.