DOJ, HIHINGI NG TULONG SA JAPAN
- Published on August 2, 2025
- by @peoplesbalita
HIHINGI ng tulong sa Japan ang Department of Justice (DOJ) para sa pagsusuri sa nakuhang buto ng umano’y sabungeros sa Taal Lake dahil walang nakuhang DNA profile sa mga ito.
Bukod dito, patuloy pa rin ang DOJ sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Justice Asst. Secretary Atty. Mico Clavano, hihiling sila ng tulong sa gobyerno ng Japan dahil naiintindihan ng DOJ ang limitasyon sa sariling DNA testing .
Sa kabila ng hamon, sinabi ni Clavano na sisikapin ng gobyerno na matuklasan ang katotohanan at maihatid ang katarungan, lalo na pagkatapos ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 91 bone fragments mula sa limang sako ang unang narekober noong Hulyo at may dagdag pang natagpuan kamakailan.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kontaminado na ang mga buto kaya hindi na makuha ang DNA profile. (Gene Adsuara)