• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 23rd, 2022

Malaking bagay na matagumpay ang comeback serye niya: KYLIE, nakapag-move-on at naka-recover na sa role ni ‘Bolera’

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

 

Kahit na nasa huling Linggo na ang kanyang GMA Telebabad serye, ang “Bolera,” masasabing nagsimula at magtatapos ito ng mataas ang rating at isa sa matagumpay na primetime series ng GMA.

 

At comeback din ito ni Kylie sa telebisyon kaya malaking bagay talaga para sa kanya ang magtatapos na serye.

 

“Itong mainit na pagtanggap ng mga tao is a reward after. Kasi siyempre, ang tagal kong nawala. So, may uncertainties sa part ko na, oh my gosh, papanoorin pa ba ko?

 

“And I’m really thankful sa GMA and everybody sa cast, directors and producers dahil inalagaan talaga nila ‘ko and they made sure na maganda ang comeback show ko.

 

“I’m really, really happy.”

 

Kung may mami-miss man daw siya ngayong hanggang Biyernes na lang ang ‘Bolera’, ‘yung mismong character raw niya at siyempre raw, ang cast at staff.

 

“Ngayon pa lang, miss na namin ang isa’t-isa. Wala na sigurong mga ganito,” sey niya.

 

Pero sabi naman ni Kylie, since ilang buwan na rin since nag-last taping sila for “Bolera”, masasabi raw niyang nakapag-move-on at naka-recover na rin siya sa role niya.

 

May ginawa na nga siyang movie sa Switzerland kasama si Gerald Anderson at tingin daw niya, ready na rin siyang tumanggap muli ng bagong project.

 

“Nakaka-tatlong buwan na ‘ko so I think, I’m ready na to accept a new role. Although, no’ng nag-last taping kami, sobrang lungkot ko talaga.”

 

***

 

HINDI nagpahuli ang pamilya Sommereux, ito ang tunay na apelyido ni Christopher Roxas.

 

Meron na rin silang sariling family sitcom, ang ‘One For All, All For One!’ Mapapanood ito sa INC channel na Net25. At ang sitcom nila ang unang produced family sitcom ng network.

 

Alam ng lahat gaano ka-solid Iglesia ni Cristo ang pamilya nina Christopher at Gladys Reyes kaya no wonder na tinanggap nila ito at this time, kasama na ang mga anak nila na sina Christophe at Aquisha.

 

Nabanggit na ito ni Gladys nang makausap namin siya noong birthday niya at heto na nga, mapapanood na sila.
Nasabi naming hindi rin sila nagpahuli naman sa family sitcom naman ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Jose & Maria: Bonggang Villa” ng GMA-7.

 

Sa Facebook post ni Christopher, sinabi niya na nitong pandemya, marami talaga siyang tinanggihang offer. At tingin daw niya, ito ang answered prayer ni Lord sa kanya. Ang gagawin niya ay isang makabuluhang project.

 

Aniya, “Ang dami kong tinangihan na proyekto tv at pelikula dahil gusto ko na baguhin ang takbo ng karera ko.. lahat ng offer sakin puro di pasok sa panlasa ko. Gusto ko parin umarte at artista parin naman ako.di nga lang sikat.

 

“Sabi ko sa sarili ko kung anu ang ibig ng Ama yun ang haharapin ko. Baka sa negosyo na lang talaga ako. Nanalangin ako sa Ama, hiningi ko na bigyan ako ng meaningful na proyekto. Naghintay ako ng may pag ibig at paniniwalang darating ‘to.

 

“Dumating nga at ‘di lang kami ni misis ang bida dito, pati buong pamilya ko. Ito ang patunay na paghiling at ibibigay sa atin sa tamang panahon. Salamat Ama sa family serye na ito. Sa ‘yo ang kapurihan.”

(ROSE GARCIA)

Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).

 

 

Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman sa pagsusumite ng P5.268 trillion proposed budget.

 

 

Ang naturang pondo para sa susunod na taon ay 4.9% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2022 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Pinakamalaking bahagi ng pondong ito na katumbas ng 39.31% o kabuuang P2.071 trillion ay ilalaan sa social services sector.

 

 

Pumangalawa naman ang economic services sector, na paglalaanan ng P1.528-trillion.

 

 

Nasa P807.2 billion ang naka-allocate para sa general public services sector habang kabuuang P611 billion na budget ang inilaan para sa pambayad utang at ang nalalabing P250.7 billion ay para sa defense sector.

 

 

Nananatili na ang DepEd, CHEd, at SUCs sa mga ahensya ng pamahalaan na mayroong pinakamataas na pondo na nagkakahalaga ng P852.8 billion.

 

 

Sinundan naman ito ng DPWH na mayroong P718.4 billion budget.

 

 

Ang DOH at Philhealth na may P296.3 billion, DSWD na may P197 billion, DA at NIA na may P184.1 billion na 39.2% na mas mataas kumpara sa 2022 budget, habang makatatanggap naman ang DOTr ng 167.1 billion.

 

 

“We will make sure that every centavo will be spent wisely to implement programs that would save lives, protect communities and make our economy strong and more agile. in partnership with the Senate and Malacañang, the House leadership will continue the Build, Build, Build program and create more jobs,” wika ni Speaker Romualdez.

 

 

Sa darating na Biyernes, Aug. 26 sisimulan na ang budget briefing kung saan haharap ang DBCC at inaasahang matatalakay ito sa plenaryo sa September 19.

 

 

Siniguro naman ni House Speaker Romualdez na magiging transparent sila sa pagtalakay sa budget at bawat centavo na gagastusin ay hindi mapupunta sa wala.

 

 

“The passage of the 2023 national budget will be transparent. This will be a product of the entire House of Representatives where the majority will listen to the concerns of our friends from the minority bloc. In a manner of speaking, this will be a ‘Unity National Budget’ because we plan to get the widest consensus on our spending plan,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.

 

 

Samantala, siniguro naman ni DBM Sec Pangandaman na makikipagtulungan sila sa kongreso para “swift passage” ng national budget.

Pinasilip din ang kakaibang kulay ng outfits ng debutante: SHARON, nag-post ng baby picture ni MIEL na turning 18 na this September

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HOW soon time flies!

 

 

Nag-post si Megastar Sharon Cuneta ng baby picture ng youngest girl niya na si Miel Pangilinan who is turning 18 on September 2, 2022.

 

 

Maraming natuwa sa picture ni Miel at maraming nagpasalamat kay Sharon for sharing the cute baby photo of her youngest daughter.

 

 

Kasunod na post ni Mega ang pictorial ni Miel para sa kanyang debut, suot ang mga outfits na kulay pantone (shade of orange)

 

 

Maraming mga friends ni Ate Shawie na nagpahatid ng maagang pagbati para sa 18th bday ni Miel.

 

 

Last June ay nag-post si Miel sa kanyang IG account that she is an openly and publicly queer.

 

 

Maraming nag-react at nagulat that time. Hindi nila ini-expect that Miel would come out and reveal that she is queer.

 

 

***

 

 

SI Benz Sangalang ang main kontrabida sa ‘Sitio Diablo’, ang latest movie ng cult director na si Roman Perez, Jr.

 

 

Bida sa pelikula sina AJ Raval at Kiko Estrada.

 

 

Ayon kay Benz, kwento ng mga gang sa squatter at drug trafficking ang ‘Sitio Diablo’.

 

 

“Sobrang kakaiba po talaga ang movie na ito dahil sa panahon ngayon ay bihira ang gumagawa ng ganitong movie tungkol sa mga gang at buhay ng mahihirap sa Pilipinas,” sabi ni Benz.

 

 

Dapat din abangan ang mga action scenes nila sa movie.

 

 

Sa movie, Benz is playing the role of Tonix. Siya ang leader ng buong Sitio Diablo. Maangas si Tonix sa harap ng mga tauhan niya at kalaban pero pagdating sa pamilya niya ay may kabaitan di naman siyang nakatago.

 

 

Para paghandaan ang kanyang role physically, he went on a diet at nag-workout si Benz religiously. Nag-research din siya sa buhay ng mga squatter.

 

 

Ano ang masasabi niya sa kanyang partner na si Azi Acosta?

 

 

“Mabilis siyang matuto. Noong una ay medyo nahihirapan siya pero dahil nakikinig naman siya sa mga advice ni Direk Roman ay agad naman nakaka-pickup.”

 

 

Kumpara sa unang dalawang movies niya, feeling ni Benz ay nag-improve na ang acting niya sa ‘Sitio Diablo’. Mas maangas daw ang acting niya.

 

 

Bakit dapat panoorin ang ‘Sitio Diablo’?

 

 

“Dahil po bukod sa ang blockbuster director na si Direk Roman Ang gumawa nito ay ginawa po namin lahat ng cast dito ang best namin para magmukhang realistic at maganda ang kabuuan nang movie,” pahayag pa ni Benz sa ending ng aming chikahan.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

27.6 milyong estudyante, balik-eskwela

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa.

 

 

Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

 

 

Katumbas ito ng 100.47% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng SY 2021-2022, na umabot lamang sa 27,560,661.

 

 

Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,561,764 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 naman ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.

 

 

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,899,077, na sinusundan ng Region III (Central Luzon) na nasa 2,974,068, at National Capital Region (NCR) na nasa 2,851,022.

 

 

Anang DepEd, bagama’t maaaring nagkaroon ng duplikasyon mula sa datos ng Early Registration at Quick Counts, ito ay agad namang matutukoy ng sistema sa umpisa ng School Year.

 

 

Ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan noong Hulyo 25 at inaasahang magtatagal hanggang ngayong Lunes, na siyang unang araw ng pasukan. (Daris Jose)