• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam (16-12-10) at Thailand (12-11-12).

 

 

“This is just very, very ideal. Siguro at the very least is maintain the 11 golds, 8 silvers, 8 bronzes,” sabi kahapon ni PATAFA president Philip Ella Juico sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

 

 

Kabilang sa mga nagtakbo ng gintong medalya noong 2019 Manila SEA Games ay sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, Fil-Am sprinter Kristina Knott, hurdler Eric Cray, pole vaulter Natalie Uy at marathon queen Christine Hallasgo.

 

 

“Most of them are still around, most of them are in shape, most of them have continued training,” ani Juico. “Of course, those who are training abroad continued. Tuluy-tuloy pa rin iyan eh.”

 

 

Magdaraos ang PATAFA ng ilang performance trials para sa mga national athletes na isasabak sa Hanoi SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

 

 

Idinagdag ni Juico na hindi lamang ang Hanoi SEA Games ang kanilang pinaghahandaan kundi maging ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

PNP Chief Carlos, ‘di kailangang mag-leave – DILG

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kailangan ni PNP Chief, PBGen. Dionardo Carlos na mag-leave o magbakasyon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng isang police helicopter sa Real, Quezon kamakailan.

 

 

Kasunod ito ng ulat na susunduin sana ng natu­rang helicopter si Carlos at ang kanyang pamilya sa isang exclusive island resort sa Balesin noong Lunes ng umaga.

 

 

“He is still the chief PNP and it’s rightful for him to use the PNP chopper to be able to attend a forthcoming official duty when there are no other available means,” pahayag ni Año.

 

 

Wala umanong anumang pananagutan si Carlos sa pangyayari at tiniyak na ang imbestigasyon ay magpopokus sa naging sanhi ng aksidente.

 

 

Matatandaang noong Lunes ay bumagsak ang isang police helicopter sa Real, Quezon na nagresulta sa pagkamatay ng enlisted crew member na si Pat. Allen Noel Ona, at pagkasugat ng mga pilotong sina PLtCol. Dexter Vitug at PLtCol. Michael Melloria, na nilalapatan pa ng lunas sa ngayon.

 

 

Bumuo na ang PNP ng Special Investigative Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa insidente.

 

 

Tiniyak din ni Fajardo na sasagutin ni Carlos ang lahat ng medical expenses ng mga nasugatang pulis at pagkakalooban din sila ng tulong pinansiyal, partikular na ang pulis na namatay sa aksidente.

Panawagan sa GMA, bigyan ng show ang dalawang aktres…

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINGDONG & MARIAN at BEA & DOMINIC, nakita na ring magkasama sa isang event

 

 

FOR the first time nagkasama na rin sa isang event sina Marian Rivera at Bea Alonzo.

 

 

      Naganap nga ito last twosday (02-22-2022) sa exhibit ng sikat na celebrity photographer na si Mark Nicdao na malapit sa dalawang Kapuso actress at ganun din sa kani-kanilang partner na sina Dingdong Dantes at Dominic Roque, na matagal na rin magkaibigan at magkasama sa EuroMonkeys.

 

 

Tuwang-tuwa nga ang netizens sa makita sa isang larawan ang DongYan at BeaDom, na finally nga natuloy na ang pasasama ng dalawang showbiz couples.

 

 

Inaabangan din ng netizens kung kailan kaya matutuloy ang pagbisita nina Bea at Dom at bahay nina Dong at Yan, at mag-share ng kani-kanilang fave dishes.

 

 

Dumami uli ang requests sa GMA Network na baka naman pwedeng pagsamahan sina Bea at Marian sa isang show, o pwede rin naman silang tatlo.

 

 

Ilan nga sa naging comments ng netizens:

“My dongyan heart, charot! hoping for bea-yan project this year.”

“DongYan and BeaDom.”

“OMG …..OXYGEN PLS. DALAWANG REYNA. PHILIPPINE TV AND MOVIE. MARIAN AND BEA.”

“In fairness mukhang nag-catch up na si Dom kay Bea pagdating sa itsura. Nag-mature sya, dati kasi halatang mas matanda si Bea sa kanya. Now parang magka-same age na. Or bumata din itsura ni Bea?”

“DongYan power couple, can’t say the same with Bea & Dom. Bea need someone na ka level nya.”

“Paging GMA, ano pang hinihintay niyo? Bigyan niyo ng teleserye ang tatlo. Sila na lang gawin niyong love triangle. Mas bagay pa lol. Subok na chemistry ng DongYan at DongBea kaya cguradong panalo.”

“Teleserye with Bea and Dong pls…”

“Mukhang bagay nga ang Dong and Bea sa teleserye. Beke nemen, GMA para maiba nemen lol.”

 

 

***

 

 

WHY are certain actors typecast? Is fan mentality an illness?  Why are some actors afraid ofplaying gay roles? What happens after actors have shot an intimate scene?

 

 

Have you considered the evolution of Tagalog film titles, from ’Nabasag ang Banga’ to ’Pag-ibig sa Kapirasong Banig’ to ‘The Panti Sisters’?

 

 

Ilang lang ito sa mga isyung bibigyan ng kasagutan ng award-winning veteran entertainment journalist na si Nestor Cuartero sa kanyang first movie book na PH MOVIE CONFIDENTIAL.

 

 

Magkakaroon ng book launching sa March 8 na gaganapin ito sa FDCP Cinematheque sa Maynila at sa pakikipagtulungan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Ang slim volume na naglalaman ng 130 glossy pages, na ayon sa author ay, ’is a humble collection of essays about trends, practices, beliefs, quirks and movements that helped shape the Philippine movie industry then (and now).’

 

 

Ang naturang libro ay resulta ng pagiging avid moviegoer ni Mr. Cuartero sa nakaraang anim na dekada.

 

 

Ayon pa sa kanyang, “Let’s just say a good chunk of those years had been spent as a close, firsthand observer of the industry as a working journalist covering the entertainment beat.”

 

 

Published ito ng Ultimate Learning Series by Carl Balita Review Center(CBRC) in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Ang PH MOVIE CONFIDENTIAL ay partial record ng mga taon ni Nestor bilang movie fan at entertainment journalist sa Tempo at Manila Bulletin na kung saan matagal din siyang naging entertainment editor at nagwagi ng several awards in journalism.

 

 

Ilang dito ang Grand Prize sa Primer Premio de Periodismo na mula sa Instituto Cervantes in 2000; First Prize sa 2007 La Sallian Scholarum Awards for coverage of youth and education issues in media; at nakamit din niya ang 2010 Binhi Awards’ Environment Journalist of the Year ng Philippine Agricultural Journalists (PAJ).

 

 

Mabibili ang libro sa promotional price na 400 pesos (excluding shipping), available din ito sa over 100 CBRC schools sa buong bansa.

 

 

Maaari ring mag-order sa pamamagitan ng pag-email sa nescuar@yahoo.com or via mobile phone 0917-800-5986.

(ROHN ROMULO)

Successful ang direktor dahil talagang nakatatakot: JULIA, mahusay ang acting sa first horror film ni Direk BRILLANTE

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN ng aktor ng FPJ’s Ang Probinsiyano na si John Arcilla ang mga honorees ng 6th Film Ambassadors’ Night’ ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Magaganap ito sa February 27 sa newly renovated Metropolitan Theater (MET).

 

 

Ayon kay FDCP Chairman & CEO Liza Diño- Seguerra, strictly invitational ito para sa mga honorees dahil sa health protocols.

 

 

Mahigit 70 plus honorees ang pararangal this year.  Maliban kay John who won the Volpi Cup at the 78th Venice International Film Festival para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang ‘On The Job: The Missing 8.’

 

 

Kabilang din dito ang mga pelikulang ‘Whether The Weather Is Fine (Kun Maupay It Panahon’ ni direk Carlo Francisco Manatad at ‘Gensan Punch’ ni Brillante Mendoza.

 

 

Kasama rin sa A-list citation ang mga pelikulang ‘Big Night’ ni Jun Robles Lana, ‘On The Job: The Missing 8’ ni Erik Matti, ‘Ramdom People’ ni Arden Rod Condez, ‘Ariska’ ni Mikhael Red, ‘Playback’ ni Brillante Mendoza at marami pang iba.

 

 

Kabilang din ang mga aktor na nagwagi sa ilang international film festivals tulad ni Elijah Canlas (‘Kalel, 15’), Kit Thompson (‘Belle Douleur’), Janine Gutierrez (‘Dito at Doon’), Snooky Serna (‘In The Name of the Mother’) at iba pa.

 

 

Ilang directors din ang pararangalan. Kabilang sa kanila ay sina Carlo Ortega Cuevas (‘Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban’), Carlo Francisco Manatad (‘Kun Maupay Man It Panahon’), Maria Dianne Ventura (‘Your Color’) at Mcarthur Cruz Alejandre (‘Tagpuan’).

 

 

Bibigyan naman ng special citation ang Kapamilya star at host ng ‘It’s Showtime’ na si Vice Ganda.

 

 

Sabi Chair Liza, “dapat patuloy na maging competitive sa mundo ang pelikulang Pinoy. Pagdating sa talent ay hindi naman pahuhuli tayong mga Pinoy pero we need to expand and widen our reach because there is an audience out there whom we can tap and introduce our films.

 

 

“Dito natin kailangan ang tulong ng gobyerno. Hindi naman lalaki ang Korean film industry at maabot what it has achieved now if not for the support coming from the government. At ito ang kailangan nating ma-achieve to cope with the demands of the world market,” pahayag pa ni Chair Liza.

 

 

Kailangan din ng film industry ng budget na malaki para makagawa ng de-kalidad na pelikula that can compare with the rest of the world.

 

 

***

 

 

ISANG kakaibang horror film ang handog ni Direk Brillante Mendoza via the latest Vivamax offering titled Bahay na Pula.

 

 

Tampok sa pelikula sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao.

 

 

Mag-asawa sina Julia at Xian samantalang ex-bf ni Julia sa Marco. Umuwi ng kanilang probinsiya sina Julia at Xian para asikasuhin ang pagbenta ng ancestral houseninba Julia. While working on their papers, na-meet muli ni Julia si Marco na single pa rin.

 

 

May halong sense of history ang kwento ng Bahay na Pula dahil may nakatago palang lihim sa bahay na ito. Unang gabi pa lang nina Julia sa bahay ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa bahay. Kung anu-ano rin ang panaginip niya.

 

 

Maganda ang script na isinulat ni Troy Espiritu. Tinalakay sa script ang sinapit ng mga comfort women noong Japanese time dito sa Pilipinas.

 

 

If you don’t correct what happened in the past, it will affect haunt your future. May lihim na kwento ang bahay na pula at apektado rito ang karakter na ginagampanan ni Julia, pati ang mga taong may kaugnayan sa kanya.

 

 

Mahusay ang acting ni Julia, na first time na naidirek ng Cannes best director awardee.

 

 

Mahusay ang cinematography, editing at musical score na nakatulong nang husto para lumabas ang element ng horror sa movie.

 

 

First horror film ito ni Direk Brillante and successful naman siya in making a scary film.

 

 

***

 

 

NAGDADALAMHATI ang pamilya ng award-winning director na si Eduardo Roy, Jr.

 

 

Yumao na ang award-winning director noong February 21 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

 

 

He died of massive pulmonary embolism due to hospital acquired pneumonia.

 

 

Last year ay na-diagnose si direk Edong with Burkitt’s Lymphoma stage IV.

 

 

In a forwarded message via FB messenger which was shared to us, “Edong was a beloved son, brother and friend who’s also known as the writer and director of award-winning films such as Bahay Bata, Quick Change, Pamilya Ordinaryo, Lola Igna and Fuccbois.

 

 

“A wake will be held on February 24 to 26 at the Arlington Memorial Chapels Hall A in G. Araneta Avenue, Quezon City.

 

 

Ipagpadasal po natin ang kaluluwa ng Direk Edong at ang kanyang pamilya. Nakikiramay po kami.

(RICKY CALDERON)

Ads February 24, 2022

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

India unang darating para sa FIBA World Cup Qualifiers

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UNANG darating sa bansa ang India para sa FIBA World Cup Qualifiers na tatakbo mula Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Nakatakdang duma­ting Lunes ng gabi ang delegasyon ng India na binubuo ng 12-man national team kasama ang ilang opisyales at bahagi ng coaching staff nito.

 

 

Nangunguna sa listahan si 7-foot-2 center Princepal Singh na kasama sana ni Kai Sotto sa Ignite squad sa NBA G League noong nakaraang taon.

 

 

“The Indian Senior Men’s Basketball Team off to Philippine for FIBA World Cup Asian Qualifiers,” ayon sa post ng India Basketball — ang national sports association para sa basketball ng India.

 

 

Kasama ni Singh sina Vishesh Bhriguvanshi, Amritpal Singh at Muin Bek Hafeez na mga beterano na sa international competitions.

 

 

Gagabayan ang tropa ni head coach Veselin Matic.

 

 

Makakasagupa ng India ang New Zealand sa Pebrero 24 at Gilas Pilipinas sa Pebrero 25.

 

 

May isang araw na pahinga ang India sa Pebrero 26 bago harapin ang SoKor sa Pebrero 27 at New Zealand sa Pebrero 28.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 39) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKABALIK na si Andrea sa tunay niyang mga magulang at sa mga susunod na araw ay magiging abala na sila para sa kanyang welcome party bilang si Bela.

Habang si Jeff ay sinubukang kontakin si Jared upang malaman ang kinaroroonan ni Andrea. Pero nabigo siyang makakuha ng impormasyon mula sa binata.

 

“Malaman ko lang na nagsisinungaling ka, may kalalagyan ka sa’kin!” banta pa ni Jeff sa pinsan niya.

 

Hindi na iyon pinansin ni Jared at sa halip ay ibinaba na nito ang phone.

 

Inis na inis naman si Jeff dahil maski ang facebook account ni Andrea ay hindi na niya makita. Mukhang nagdeactivate ito.

 

Lingid sa kaalaman ni Jeff ay nagbago na ng fb account si Andrea. Ang tunay na pangalan na niyang Bela Cabrera ang ginamit niya kaya hindi siya matagpuan ng binata.

 

“Cecilia…pupunta ka ba sa party ni Andrea?” tanong ni Madam Lucia nang hatiran siya ng pagkain ni Cecilia.

 

“Hindi po.”

 

“Mas mabuti kung gano’n.”

 

Ang totoo ay nagdadalawang isip si Cecilia. May bahagi kasi ng puso niya na tumatanggi, ngunit ang kabilang bahagi nito ay nagnanais masaksihan ang kasiyahan ng kanyang anak-anakan at nananabik din na muling makita ang tanging lalaki na kanyang minahal.

 

Samantala.

Abala sa pagluluto ng ulam si Manang Sonya nang pumasok sa kusina si Jeff.

 

“O, Sir Jeff, gutom ka na ba? Malapit nang maluto itong sinigang na hipon.”

 

“Manang Sonya, alam nyo po ba kung saan ko pwedeng puntahan si Andrea?”

 

Hindi inaasahan ng matanda ang tanong na iyon mula kay Jeff. Saglit siyang huminto sa ginagawa at humarap sa binata.

 

“Ang totoo hindi niya nabanggit sa akin, pero hayan, kakatanggap ko lang ng imbitasyon para sa party niya.”

 

“Party?”

 

Dinampot ni Jeff ang imbitasyon na nakapatong sa table.

 

“Party…ahm, welcome party… kasi natagpuan na niya ang tunay niyang mga magulang, at gusto ng mga ito na bigyan siya ng welcome party!” masayang pagbabalita ni Manang Sonya.

 

Binuklat ni Jeff ang imbitasyon.

 

“Bela Cabrera?”

 

“Iyan ang tunay niyang pangalan.”

 

Napakunot ang noo ni Jeff.

 

“Paganito, ganito pa ng imbitasyon, baka pansit at spaghetti lang naman ang ihahanda nila.” natatawang sabi ni Jeff sabay bitaw sa imbitasyon na nakuhanan na niya ng picture ang address na nakalagay doon.

 

Sinubukan niyang hanapin ang pangalan ni Bela sa social media. May nakita naman siya kaso ay naka-private ito at hindi rin ina-accept ang kanyang friend request. Kaya gigil na ang binata.

 

“Sige lang, ignore me, alam ko naman na nagpapakipot ka lang sa’kin…babalik ka rin sa akin Andrea…” anang binata sa isip.

 

Dumating na ang araw na pinakahihintay nina  Angela at Bernard. Gayundin si Bela. Sa bahay ding iyon ni Lola Corazon gaganapin ang welcome party dahil malawak naman ang bakuran nito at sa kahilingan na rin ng matanda.

Si Angela mismo ang nag-aayos ng buhok ng anak sa silid nito habang nakaharap sila sa half body mirror.

 

“Bela, anak, na-missed ko ito. Yung tinatalian kita ng buhok. Nilalagyan ko ng ribbon. Tapos ikaw ang pumipili kung anong kulay ng ribbon ang itatali ko sa buhok mo. Minsan itineterno mo sa kulay ng damit mo, pero madalas mas gusto mo ang kulay purple.”

 

Napangiti si Bela.

 

“Pero ngayon po mommy, alangan na sa akin ang ribbon, mas okay na po iyang simpleng design sa buhok ko.”

 

“Dalaga ka na nga talaga. Sayang at natapos ang 18th birthday mo na hindi mo kami kasama. Di bale, babawi na lang kami sa’yo!”

 

Humarap si Bela sa ina.

 

“Mom, hindi nyo po kailangang bumawi. Nakaraan na po ang lahat. Sapat na po sa akin na magkakasama na ulit tayo ngayon. Wala na po akong mahihiling pa.”

 

Isang mahigpit na yakap ang naging tugon ni Angela.

 

“Ako rin naman, pero gusto ko pa ring mapunan ang lahat ng mga naging pagkukulang namin sa’yo, lalo na sa mga panahon na wala kami sa tabi mo.”

 

Inabala ni Regine ang sarili sa pagtsetsek kung ano pa ang kulang sa party at kung nasa ayos na ba ang lahat. Gusto niyang maging perfect ang pag-organize niya ng party ni Bela sa paningin ni Bernard.

 

“Wait, ekis ‘yan, I told you doon ‘yan sa kabilang side!” utos ni Regine sa kinuha niyang tauhan. Ipinalilipat niya ang dekorasyon sa kabilang side ng mini-stage na ginawa.

 

“Hmmm, that flowers, perfect ‘yan sa gitna!” patuloy nito sa pagmamando.

 

“Bela, iyong mama mo na sinasabi mong nag-aruga sa’yo after mamatay sa car accident ang mag-asawang nakakuha sa’yo mula sa trahedya, sinigurado mo bang darating siya?” tanong ni Angela.

 

Rumehistro ang lungkot sa mukha ng dalaga sa tanong na iyon ng ina.

 

“Ahm…mommy, ang totoo po hindi ko po sigurado. Pabago-bago po kasi ng isip si mama…pero sana nga po makarating siya.”

 

“Gusto mo bang ipasundo natin siya?”

 

“Hindi na po. Ayaw po ni mama na pinangungunahan ang desisyon niya.”

 

“Okay. Sige, magbihis ka na.”

 

Nakaalis na si Manang Sonya patungo sa event ni Andrea nang magpasyang magbihis si Jeff. Naka-tshirt lang ito na pinatungan ng black jacket at maong pants saka inilabas sa garahe ang motor.

 

“Sigurado namang pipitsugin lang ang party na ‘yon. Pero sisiguraduhin ko na maibabalik ko si Andrea dito sa bahay.” sa isip nito. Saka mabilis na pinaandar ang motor.

 

Gwapong gwapo naman si Jared sa sarili sa suot niyang bagong polo shirt na may touch of purple. Nabalitaan kasi niyang purple ang susuoting gown ni Bela kaya’t pumili talaga siya ng babagay dito.

 

“Jared, you know what, ihanda mo na ang sarili mo, dahil sa gabing ito, tiyak na maiinlab sa’yo si Bela, ang iyong prinsesa!” kausap ni Jared sa sarili sa harap ng salamin.

 

Nag-umpisa na ang event. Naroon na si Manang Sonya. Si Jared. Mga kaibigan at malalapit na kaanak ng mag-asawa. Magkasamang tumuntong sa stage ang mag-asawa upang magsalita matapos nilang magdasal.

 

“Una po sa lahat, gusto muna namin kayong pasalamatan sa pagpapaunlak nyo sa aming imbitasyon. Ikinagagalak po naming mag-asawa na makasama kayo sa pagdiriwang na ito na napakatagal naming hinintay. Hindi naman po lingid sa inyo ang pinagdaanan namin mula noong mangyari ang trahedya ng malaking pagbaha sa Villa Luna, San Gabriel. Kaya ang muli naming pagkakatagpo sa aming anak ay maituturing namin na isang malaking himala at isang malaking biyaya ng Diyos.” si Angela.

 

“Kaya hayaan nyo pong ipakilala namin sa inyo, ang batang nawala sa amin noong apat na taong gulang pa lang siya…ang batang dahilan kung bakit patuloy kaming kumapit sa pag-asa…ang batang dahilan ng sobrang kasiyahan na nararamdaman namin ngayon…ang aming anak…ladies and gentelemen…Ms. Bela Cabrera!” si Bernard.

 

Pagkasabi niyon ay tumutok ang spotlight sa may kataasan ding hagdanan ng bahay kung saan inaasahang bababa si Andrea na Bela Cabrera na ngayon. Nagpalakpakan sila at pigil ang hiningang hinintay ang pagbaba ng dalaga na karamihan sa mga bisita ay ngayon pa lamang ito makikita.

 

Magandang maganda si Bela sa suot nitong purple gown na hapit sa balingkinitan nitong katawan. Nakataas ang mahabang buhok na may simpleng ipit sa gilid. Kaya naman hindi maiwasan ni Jared na madagdagan ang paghanga sa dalaga. Gayundin si Manang Sonya na masayang masaya para kay Andrea.

 

Nag-uumapaw din ang kasiyahan ni Bela sa nakitang mga ngiti ng mga naroon. Lalo na ng kanyang mga magulang. Inikot niya ang paningin sa mga bisita ngunit hindi niya makita ang hinahanap ng kanyang mga mata.

 

“Mama…”

 

Kulang ang kanyang pagdiriwang kung hindi darating ang itinuring na niyang pangalawang ina. Subalit wala ito sa hanay ng mga naroon. Sa halip, ang natagpuan ng kanyang mga mata ay ang isang tao na hindi niya inaasahan na makakarating doon…nakatayo sa pintuan bakas ang pagkagulat sa mukha sa selebrasyong dinatnan.

 

“Sir Jeff…”

 

(ITUTULOY)

Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1.

 

 

Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang pinal na desisyon sa naturang usapin.

 

 

Martes nang gabi nang magpulong ang 17 Metro Manila mayors para talakayin ang kanilang magiging rekomendasyon sa kung ano ang magiging susunod na alert level status sa rehiyon.

 

 

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Alert Level 1 ay ikokonsidera na bilang “new normal” scenario hanggang sa tuluyang maalis ang public health emergency sa bansa.

 

 

Subalit sa kabila nito, kailangan pa rin aniya na mahigpit na sundin ng publiko ang minimum health standards. (Daris Jose)

Posters sa private properties ‘di babaklasin kung batay sa adbokasiya – Comelec

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI babaklasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga poster ng  sinumang kandidato na binayaran ng pribadong indibidwal at ipinaskil sa sariling property kung ginawa ito batay sa adbokasiya.

 

 

Paliwanag ito ni Comelec Spokeperson James Jimenez sa La­ging Handa public brie­fing, bilang tugon habang patuloy pa sa ginaga­wang Oplan Baklas ope­rations sa mga poster ng kandidato na nakakabit sa private properties, kabilang ang murals, na pininturahan ng Comelec dahil sa oversized at hindi nakalagay sa common poster area.

 

 

Una nang inulan ng batikos ang Comelec sa nasabing pagbabaklas na labag diumano sa freedom of expression. Salungat din umano ito sa naging desisyon ng Korte Suprema sa naging kaso ng” Diocese of Bacolod vs. the Comelec”, na pumabor sa Diocese sa pagdi-display ng mas malalaking poster ng 2013 Senatorial bets na nagka-classify sa “Team Buhay” at “Team Patay” kaugnay sa mga pumabor at hindi sa Reproductive Health Bill.

 

 

“It depends on the material used. Kung ang ginagawa mo lang ay nilalabas mo lang iyong campaign poster ng kandidato, ibang usapan ‘yan. That is simple political campaigning na sabi ng Supreme Court, puwede i-regulate,” ani Jimenez.

 

 

“Pero kunyari, nagpagawa ka ng sarili mong banner, nagpahayag ka ng sarili mong adbokasiya and in the process, binanggit mo ang pangalan ng kandidato, maaa­ring makalusot pa ‘yan, kasi nga, adbokasiya siya,” aniya.

 

 

Una nang sinabi ni Jimenez na ang campaign posters na bina­yaran at inilagay sa pri­badong pag-aari ay kabilang sa election propaganda na dapat i-regulate.

 

 

Aniya pa, sinusuri na ng Comelec ang kanilang patakaran kaugnay sa mga apela hinggil dito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

SEKYU TINARAKAN SA LIKOD NG SELOSONG BARANGAY EX-O

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALUBHANG nasugatan ang isang 55-anyos na security guard matapos saksakin ng 67-anyos na barangay opisyal dahil sa selos nang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong saksak sa likod si Raul Baquirin, 55 ng 221 Laura St. Brgy. Old Balara, Quezon City.

 

 

Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Danilo Manansala, 67, Barangay Executive Office (Ex-O) ng Brgy. 17, Caloocan City.

 

 

Ayon kay P/SSgt. Jeric Tindugan, binisita ni Baquirin ang kanyang kapwa security guard na si Rowena Basinillo, 38, sa bahay nito sa 33 Guava Road, Purok Uno, Brgy. Potrero dakong alas-12 ng tanghali kung saan inalok siya nito na kumain ng tanghalian kasama niya na pinaunlakan naman ng biktima.

 

 

Habang kumakain ng tanghalian ang dalawa bandang ala-1:15 ng hapon nang sapilitang pumasok sa loob ang suspek at sinaksak sa likod ang biktima nang makita niyang sabay na kumakain ang dalawa.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang Mitsubishi L300 van (NBJ-7820) habang isinugod naman ang biktima sa naturang hospital.

 

 

Nang puntahan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa pamumuno ni P/Lt Joseph Almayda ang suspek sa kanyang bahay sa Caloocan City ay wala na ito kaya patuloy itong hinahanting ng pulisya. (Richard Mesa)