• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

India unang darating para sa FIBA World Cup Qualifiers

UNANG darating sa bansa ang India para sa FIBA World Cup Qualifiers na tatakbo mula Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Nakatakdang duma­ting Lunes ng gabi ang delegasyon ng India na binubuo ng 12-man national team kasama ang ilang opisyales at bahagi ng coaching staff nito.

 

 

Nangunguna sa listahan si 7-foot-2 center Princepal Singh na kasama sana ni Kai Sotto sa Ignite squad sa NBA G League noong nakaraang taon.

 

 

“The Indian Senior Men’s Basketball Team off to Philippine for FIBA World Cup Asian Qualifiers,” ayon sa post ng India Basketball — ang national sports association para sa basketball ng India.

 

 

Kasama ni Singh sina Vishesh Bhriguvanshi, Amritpal Singh at Muin Bek Hafeez na mga beterano na sa international competitions.

 

 

Gagabayan ang tropa ni head coach Veselin Matic.

 

 

Makakasagupa ng India ang New Zealand sa Pebrero 24 at Gilas Pilipinas sa Pebrero 25.

 

 

May isang araw na pahinga ang India sa Pebrero 26 bago harapin ang SoKor sa Pebrero 27 at New Zealand sa Pebrero 28.