• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2021

Motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA, bukas na sa EDSA

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA

 

“Kasi talagang tuwing umuulan medyo talagang medyo delikado dahil iyong iba. humihinto sa gilid, eh baka hindi makita ng sasakyan eh mabangga sila. Pero of course, naunawaan natin na dapat talagang sumilong sila at mahirap baka sumemplang sila. so because of this.. identified certan areas Lay-By o Emergency Parking habang umuulan,” ayon kay MMDA chair Benhur Abalos.

 

“Inuulit ko, ito po ay Emergency Parking habang umuulan hindi ito puwedeng maging terminal,” giit ni Abalos.

 

Hindi na aniya kailangan pang mag-ipon sa underpass ang mga naka-motor para lang maghintay na tumila ang ulan.

 

Sa kahabaan aniya ng EDSA ay mayroon silang na-identify na 8 lugar na puwedeng gawing Emergency Lay-Bay at ito ay ang Quezon Avenue, GMA Kamuning-Kamias, Santolan, ortigas, Buendia, Tramo at Roxas Boulevard.

 

Sa C-5 naman aniya ay mayroong 6 na lugar at ito ay ang Commonwealth Ave., Luzon Flyover, Marilaque Highway, Aurora Blvd., C-5 LIbis, ortigas Ave.; Pasig Blvd., C-5 Kalayaan elevated u-turn.

 

Sa hahabaan naman ng Roxas Blvd aniya ay Recto corner Roxas at Buendia Flyover.

 

Sa kahabaan naman ng Sucat Road ay mayroon naman aniyang NAIA Imelda Ave., NAIA Imelda, Paranaque-Sucat Road, SM Sucat.

 

 

Sa kahabaan ng Alabang ay West Service Road at Alabang national road.

 

Bukod dito, mayroon din silang ginawang pocket parks.

 

‘This would help them may masisilungan sila, hindi na delikado kasi nakakaawa rin noh? Madulas baka sumemplang.. delikado baka magkasakit sila lalo na hindi lang ang pandemiya at the same time uso.. baka mag-dengue season na naman tayo. mahirap, iwasan nating magkasakit ang bawat isa,” ang pahayag ni Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.

 

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Nais ko munang simulan ang aking ulat sa pagbabahagi sa lahat ng paghahandang ginagawa ng ating mga LGUs sa mga lugar na apektado ng pagligalig ng Bulkang Taal pati na ang mga kalapit na LGUs na maaaring maapektuhan sakaling tuluyang pumutok muli ang bulkan,” ayon sa Kalihim.

 

Ayon aniya sa pinakahuling anunsyo ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert 3 Level or Alert Level 3 ang bulkan.

 

Habang patuloy aniya ang aktibidad ng bulkan ay umabot na sa 4,363 pamilya ang ngayon ay apektado at kasalukuyang mino-monitor ng LGUs sakaling magbago ang kalagayan ng bulkan.

 

Samantala, 30 evacuation centers na na nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Batangas at Cavite ang nangangalaga sa  mahigit 1,000 pamilya o higit 4, 000 indibidwal na ngayon ay mga nasa evacuation centers  at sinisigurado aniya ng lokal na pamahalaan na  masusunod ang minimum health and safety protocols sa mga pasilidad upang mapanatiling ligtas sa COVID ang lahat ng personnel at evacuees.

 

Sinabi pa rin ni Año na patuloy ang pagtalaga ng PNP ng kanilang mga tauhan gaya ng search and rescue teams at health protocols.

 

Ang enforcement teams aniya ay naka-standby.

 

“Reactionary standby support teams na nandoon mismo sa area kung sakaling tuluyang pumutok ang bulkan. Mayroon din po tayong 700 fire trucks, 14 rescue trucks, 21 ambulance, seven watercraft at about 1,072 firemen na nakatalaga para magligtas kung sakaling pumutok ang bulkan,” ang pag-uulat ni Año. (Daris Jose)

Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng  ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15.

 

 

Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace.

 

 

Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga lansangan sa mga nasabing lugar sa bansa, lalo na sa mga nabanggit na lugar.

 

 

Pananaw rin ito ng kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar ng Without Limits, organizer ng running at cycling sa loob at labas NCR.

 

 

Maging ng ilan pang opisyal ng running community sa Metro Manila.

 

 

Mabuti naman at makakabalik na ang 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Biyernes sa Ynares Sports Arena sa Pasig at ang Premier Volleyball League sa Sabado sa Ilocos Norte.

 

 

Kaya kagaya ng kapwa ko marathoners/runners, tiyaga-tiyaga na lang muna ako sa ehersisyo sa backyard at jog-run sa aming Barangay para maging malusog pa rin at makaiwas COVID-19.

 

 

Nakasawa rin ang ganitong routine, pero kung may disiplina tayo, sipag at tiyaga makakaya natin. Kahit 2-3 a week puwede para lang mapanatili ang ating sigla at makaiwas sa pagtaba.

 

 

Patuloy lang din tayong manalangin sa Itaas at maging positibo sa buhay bawat araw. Pasasaan ba’t matatapos din ang pandemyang iyan. May awa ang Diyos. (REC)

Ads July 14, 2021

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Marko Zaror To Join The Cast Of ‘John Wick 4’ As A New Foe For Keanu Reeves

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE Chilean actor Marko Zaror is in talks to join the cast of Lionsgate’s John Wick 4, according to the report.

 

 

He joins a star-studded ensemble, including Keanu Reeves as John Wick, martial arts legend Donnie YenRina SawayamaScott AdkinsLance Reddick, and Shamier Anderson, as well as Laurence Fishburne.

 

 

Zaror is best known for his work in the third season of From Dusk Till Dawn: The Series, where he played an Aztec warrior that was trained in hell. The stuntman and martial artist, and will undoubtedly bring those skills to the John Wick franchise.

 

 

According to the report, Zaror is set to play one of Wick’s main adversaries in the film.

 

 

John Wick 4 began shooting late last month, and while the film’s synopsis is not yet out, we do have a vague idea of what to expect. Early reports discussed shoots in Berlin and Paris, with additional shoots in New York City and Japan.

 

 

The majority of Chapter 3 was set in New York City, so it will be interesting to see what catapults John Wick and the plot to Berlin and Paris. Both cities make the perfect background for an action-packed franchise like John Wick.

 

 

Last month, Fishburne teased what he knew about the film, saying, “I read the script. It’s really, really cool. As much as it’s the same world as the other three films, it’s just deeper. It’s much deeper in terms of the code of the assassin and the relationship thathe has wit one character in particular.”

 

 

Chad Stahelski has returned to direct the sequel, with the script for the fourth chapter in the franchise written by Army of the Dead’s Shay Hatten and American Assassin’s Michael Finch.

 

 

John Wick 4 is produced by Basil IwanykErica Lee, and Stahelski, and executive produced by Reeves and Louise Rosner, the action film will hit theaters on May 27, 2022.

(ROHN ROMULO)

Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IKAW iyon.

 

Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa.

 

Kapansin-pansin din ani del Rosario na pilit na paghuhulma ni Pangulong Duterte ng “closer ties” sa China kapalit ng tulong at investments habang madalas na pagbira sa US policies at pagkastigo sa mga kritisismo ng Estados Unidos sa anti-drugs crackdown ng pamahalaan.

 

“Mr. del Rosario if you want to talk about who the real traitor is. Ikaw iyon. Ikaw ang namigay ng teritoryo sa Tsina,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Mangilabot ka naman sa mga sinasabi mo. Ikaw diyan ang namigay ng teritoryo eh. Mahiya ka sa sarili mo. Mahiya ka sa buong bansang Pilipinas ,” gigil na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na isang malaking “kalokohan” ang akusasyon ni del Rosario na tinraydor ni Pangulong Duterte ang bansa.

 

“Kalokohan po ‘yan coming from a proven traitor,” ani Sec. Roque sabay paalala na si del Rosario ang nagbigay ng kautusan sa mga sundalong filipino na lisanin ang Scarborough Shoal sa kasagsagan ng standoff ng bansa sa Beijing.

 

“Siya po ang nagpaalis sa ating mga kasundaluhan sa boro na naging dahilan na ang Tsina na lang ang natira sa boro,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, nakiisa naman si Sec. Roque sa mga abogado at ibang grupo na pag-aralan ang legal liability ni del Rosario nang isuko nito ang Scarborough shoal sa China.

 

“At ikaw habang hindi ka makapagpakita ng teritoryo na ibinigay ni Presidente sa ibang bansa manahimik ka diyan dahil eh ikaw nga ang may pananagutan dyan,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

DEDMA naman ang Malakanyang sa nagin pahayag ni Vice-President Leni Robredo na bigo ang Duterte administration na igiit ang arbitral win para sa interest ng bansa.

 

Binigyang diin ito ni VP Leni matapos manalo ang Pilipinas laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.

 

Sinabi ni Robredo na walang ginawa ang gobyerno para ipagpalaban ang arbitral win ng bansa sa lahat ng mga forum na maaari itong igiit.

 

Binatikos din ni Robredo ang pamahalaan sa pagtalikod sa alyansa na sana’y makakatulong paa ma protektahan ang mga karapatan ng bansa sa WPS at pagsuko sa mga nambu-bully sa Pilipinas sa isyu ng territorial waters nito.

 

Nawalan na rin aniya ng hanapbuhay ang mga mangingisdang Pilipino sa mga lugar sa WPS. (Daris Jose)

Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm.

 

Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte.

 

“I confirm that PRRD had his second dose of Sinopharm tonight before his meeting with select members of the IATF. Sec Duque administered the jab to the President,” ayon kay Sec. Roque.

 

Matatandaang buwan ng Mayo nang mabakunahan si Pangulong Duterte sa Malacañang.

 

Ang itinurok kay Duterte ay ang Chinese vaccine ng Sinopharm na inirekomenda umano ng kanyang personal na doktor.

 

Mismong si Sec. Duque rin ang nag-administer ng unang dose kay Pangulong Duterte.

 

“I feel good and I have been expecting this shot a long time ago… It took my private doctor a long time to make the assessment. And she has chosen Sinopharm. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.

 

Wala naman umanong negatibong reaksiyon ang Pangulo at nakapag-public address pa siya pagkatapos mabakunahan.

 

Pero pagtataka ng marami ay kung bakit Sinopharm ang itinurok gayong wala pa itong emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.

 

Mabilis namang nilinaw ng Department of Health na walang batas na nalabag dahil compassionate special permit umano ang basehan ng pagturok ng Sinopharm kay Duterte.  (Daris Jose)

Pres. Duterte nais pa ring pigilin ang anak na si Mayor Sara na ‘wag tumakbo sa pagkapangulo

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa rin sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

 

Sa ginawang talk to the people nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na maaring tumakbo sa ibang pagkakataon na lamang ang Davao City mayor.

 

 

Dagdag pa nito, ang naging pahayag niya na bukas siya sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa ay isang panakot lamang sa mga oposisyon.

 

 

Dagdag pa nito, kung ikakaganda raw ng bansa ay itutuloy niya ang pagtakbo subalit kapag hindi naman ay hindi na niya ito itutuloy.

 

 

Nais din ng pangulo na manalo sa halalan sina dating Senator Antonio Trillanes IV at Senator Leila De Lima para maranasan nila kung paano raw magpatakbo ng gobyerno.

 

 

Ukol naman sa naunang niyang sinabi na tatakbo siya sa pagka-bise presidente, biro lamang daw niya niya ito.

 

 

Nais lamang umanong gulatin niya ang mga kalaban.

 

 

Sa ginawang talk to the people nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na maaring tumakbo sa ibang pagkakataon na lamang ang Davao City mayor.

 

 

Dagdag pa nito, ang naging pahayag niya na bukas siya sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa ay isang panakot lamang sa mga oposisyon.

 

 

Dagdag pa nito, kung ikakaganda raw ng bansa ay itutuloy niya ang pagtakbo subalit kapag hindi naman ay hindi na niya ito itutuloy.

 

 

Nais din ng pangulo na manalo sa halalan sina dating Senator Antonio Trillanes IV at Senator Leila De Lima para maranasan nila kung paano raw magpatakbo ng gobyerno.

 

 

Ukol naman sa naunang niyang sinabi na tatakbo siya sa pagka-bise presidente, biro lamang daw niya niya ito.

 

 

Nais lamang umanong gulatin niya ang mga kalaban. (Daris Jose)

Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network. 

 

 

Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists.

 

 

Nilinaw din niya na hindi siya magdi-direct ng entertainment shows tulad ng ginagawa niya sa ABS-CBN.

 

 

Sa naging pahayag ni Ms. M, “I’m very happy that Atty, [Felipe] Gozon and the rest of the executives have given me this chance and opportunity to work with GMA-7 and become a Kapuso.”

 

 

Dagdag pa niya, “This is like a homecoming of sorts and I’m very proud.

 

 

Pero may tanong din kung sino raw ang dalawang artista na makakasabay nila Mr. M at Ms. Mariole Alberto na lilipat?

 

 

May mga pangalan nang binanggit tulad ni Sarah Geronimo, pero umapir na muli siya sa ASAP Natin ‘To last Sunday, July 11, kaya mukhang malabo na at ipalalabas lamang sa GMA Pinoy TV ang kanyang Tala virtual concert.

 

 

Wala pa ring balita kay Piolo Pascual kung lilipat nga siya, dahil sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles, California at ini-expect ng mga fans na magkikita sila roon ni KC Concepcion.

 

 

***

 

 

NGAYON sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez na ang napapanood sa The World Between Us gabi-gabi after ng 24 Oras sa GMA-7, lalong nagti-trending sa Twitter ang serye at tumataas ang rating nila, ganoon din ang number of views nila sa YouTube.

 

 

Nagustuhan ng mga viewers ang takbo ng story ng serye na dinidirek ni Dominic Zapata, kaya gabi-gabi ay excited na silang malaman ang bawat eksenang mangyayari dahil nagsisimula na ang mga conflicts kina Louie (Alden) at Brian (Tom) at nadi-develop na sa isa’t isa sina Lia (Jasmine) at Louie.

 

 

Gusto na ng mga netizens malaman kung paano magsisikap si Louie para matupad ang pangako niya sa namatay na ina.  At ano ang magti-trigger kay  Brian para api-apihin niya si Louie, ganoong friends sila at tinutulungan siya para makapasa sa college? At matitiis ba ni Louie si Lia, kapalit ng tagumpay niya?

 

 

***

 

 

KITANG masayang-masaya si Kylie Padilla sa mga naglabasang photos niya matapos maging official na ang paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica.

 

 

Aprobado naman sa ama niyang si Robin Padilla, matapos nitong linawin kay Kylie na wala siyang third party sa paghihiwalay nila.

 

 

Lumipat na rin si Kylie kasama ang dalawang anak na lalaki nila ni Aljur, sa ibang bahay, ibig sabihin ay ayaw na niya talagang makisama sa asawa.

 

 

Bago ito ay madalas na ring mabalitang hindi nagkakaintindihan sina Kylie at Aljur.  In fact, nang muling makita ni Aljur ang mga anak, sabik na raw siya dahil matagal na niyang hindi nakikita ang mga anak.

 

 

Tiyak na balik-GMA Network na si Kylie dahil balitang naka-freeze lamang ang kanyang contract na iniwan niya nang magbuntis siya sa panganay nila ni Aljur at hindi na niya natapos ang epicserye nilang Encantadia, kaya nawala ang character ni Reyna Amihan.

 

 

Nang pwede na muling bumalik si Kylie, nag-guest muna siya sa The Cure nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, bago niya ginawa ang romantic-comedy series na Toda One I Love with Ruru Madrid, for GMA Public Affairs, pero hindi na rin ito nasundan dahil muling nagbuntis si Kylie sa second son nila ni Aljur at nahinto siya muli.

 

(NORA V. CALDERON)

Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.

 

 

Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.

 

 

Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.

 

 

Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.