• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

YASSI, napiling host ng ‘Rolling In It Philippines’ at kay ROBI humingi ng tips

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Yassi Pressman ang latest female game show host as she takes the lead in Viva TV, Cignal TV and TV5’s new game show titled Rolling In It Philippines which starts airing on Saturday, June 5.

 

 

Sa zoom presscon ng Rolling In It PH ay sinabi ni Yassi na masaya siya when she was offered to host the show. Ito ang pagkakataon na sasabak siya as a game show host and she admits na malaking challenge ito for her.

 

 

“I am very excited when I was informed by ‘Rolling In It Philippines’ na ako ang napili nila to be the host of this show na number program sa UK in 2020,” pahayag pa ni Yassi. “This is something new for me. I have never done this before. There is a pressure on me to do good. Malaking challenge ito talaga kasi the show is very exciting kasi di mo alam kung saan pupunta ang coin once it is rolled.”

 

 

Kay Robi Domingo raw humingi ng tips si Yassi kung paano siya magiging effective as a game show host. Very thankful siya sa mga tips na ibinigay sa kanya ni Robi.

 

 

“I always read the script thoroughly and pinag-aralan ko talaga ang mechanics ng game para hindi ako mawala sa focus pag nasa show na ako,” kwento pa ni Yassi.

 

 

Inamin ni Yassi na she is a risk-taker.

 

 

“If you want something, you have to go for it. Kung may pangarap, strive hard to achieve that dream. If you don’t go for it, you will not be able to achieve anything.”

 

 

Dahil daw sa kanyang busy schedule kaya kinailangan na niyang iwan ang top-rating show na FPJ’s Ang Probinsyano. Pero nagpapasalamat siya sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Dreamscape to be part of the show.

 

 

“I was very appreciative of the offer to do the role of Alyana and natuwa rin ako dahil sa pangako ni Coco (Martin) that my character will have a good exit from the show.” If there is a chance, gusto sana ni Yassi na maglaro sa Rolling In It Philippines si Coco at ang iba pa niyang co-stars sa FPJ’s Ang Probinsyano for the chance to win P2 million grand prize.

 

 

***

 

 

PASADO para sa amin ang Kaka, ang unang sex-comedy na dinirek ni GB Sampedro for Viva Films.

 

 

Napanood namin ang Kaka sa press preview via KTX.ph noong Martes ng gabi at naaliw naman kami.

 

 

For a newcomer, okay naman ang acting ang ipinamalas ni Sunshine Guimary. While hindi naman masyadong demanding ang role as a sexy dj looking for Mr. Right, she acquitted herself naman, acting-wise.

 

 

Gusto rin namin ang performance ni Jerald Napoles bilang best friend ni Sunshine or Kaka na may gusto rin sa dalaga.

 

 

Maganda rin ang suportang ibinigay ni Rossana Roces bilang nanay ni Sunshine at Ms. Gina Pareno bilang lola nito. (RICKY CALDERON)

Pekeng FB account pinaiimbestigahan ni Bello

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng pagkadismaya si Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo sa mga mapanlinlang na tao na ginagamit ang kanyang pangalan sa isang pekeng social media account upang mangalap ng pondo para diumano suportahan ang kanyang community pantry.

 

 

Humiling na ng tulong ang kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) para kilalanin at arestuhin ang mga taong sangkot sa pekeng Facebook account  upang  makalikom ng pondo  para diumano sa kalihim upang gamitin sa eleksiyon sa susunod na taon.

 

 

“Nakalulungkot na may mga taong gumagamit ng mga mapanlokong pamamaraan upang sirain ang aking pangalan para sa pansariling kapakanan. At dobleng lungkot ang nararamdaman ko dahil kinakailangan pa nilang magsinungaling at manloko upang makapambiktima ngayong panahon pa naman ng krisis,” pahayag ni Bello.

 

 

Ang pekeng FB account ay may pangalang “Silvestre H. Bello III”. May kalakip itong larawan ng Kalihim at ilang opisyal, pati na rin ang ilang personal na detalye nito. Kasama rin sa nasabing pekeng account ang isang background photo ng tarpaulin ng TUPAD, isang pangunahing programa ng DOLE, kuha sa ginanap na pamimigay ng tulong sa Tarlac kasama si Governor Susan Yap.

 

 

Gamit din ng pekeng account ang opisyal na logo ng labor department, kung saan napaniwala nito ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga kaibigan ni Bello, at sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng 1,211 FB friends.

 

 

Ang mapanlilang na  gawain kung saan gumamit  ng pekeng  FB account ay nakarating sa kaalaman ng kalihim  nitong lingo  nang i-post sa publiko ng nagpangggap na si  ‘Silvestre”  ang kahilingang:  “Pwede ba kayo mag donate sa community pantry ko.’

 

 

Kasama ang mga sumunod na post:

 

“Send ko bank details”.

 

“Hinati-hati ko kasi sa ibang grupo”

 

Sa kasunod na post, sinabi pa ni ‘Silvestre’: “Tatakbo kasi akong senador.”

 

 

Pagkatapos ay nag-post din ito ng iba pang detalye tulad ng bank account na pagmamay-ari ng ibang tao sa isang universal bank, at mobile number na hindi rin sa labor chief.

 

 

Sa kasalukuyan ay may ginagamit na official FB account ang Labor Chief na sinimulan niya noon pang 2010.

LRT-1 Cavite Extension Project, 55.6% nang kumpleto – DOTr

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 55.6% nang kumpleto ang konstruksiyon ng Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), ayon kay Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade.

 

 

Ayon kay Tugade, matagal nang inaasam ng publiko, partikular na ng mga taga-Cavite, na matapos ang naturang proyekto lalo na at may 19-taon na itong naantala.

 

 

Sa sandaling maging operational ang LRT-1 Cavite Extension, inaasahang mapapaikli nito ang travel time sa pagitan ng Baclaran, Pa­rañaque City at Bacoor, Cavite ng haggang 25 minuto na lamang, mula sa dating isang oras at 10-minuto.

 

 

Kaya rin nitong mag-accommodate ng 500,000 hanggang 800,000 pasahero kada araw.

Pinoy seaman na may COVID-19 ‘Indian variant’ pumanaw na; 11 gumaling na

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang isang Pilipino seaman na tinamaan ng B.1.617, ang variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa India.

 

 

Ayon sa Department of Health (DOH), noong Biyernes, May 21, nang bawian ng buhay ang lalaki.

 

 

Kabilang siya sa siyam na crew ng MV Athens Bridge na nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.” Isa rin siya sa apat na seaman, na in-admit sa Manila Medical Center.

 

 

“Yung sa kanilang apat na na-confine sa Manila Med, nasa ospital pa rin. Isa ay namatay last week, I think that was Friday,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Tatlo ay nakaka-recover na. The rest of the members of the crew were already tagged as recovered.”

 

 

Ayon kay Vergeire, ililipat na sa kanilang local government units ang mga Pinoy crew na gumaling.

 

 

Batay sa inisyal na report, may address na Paranaque City ang yumaong seaman.

 

 

Kung maaalala, ni-rescue ng Department of Health at Philippine Coast Guard ang mga Pilipinong seaman matapos nilang mag-positibo sa COVID-19.

 

 

May travel history daw sa India ang cargo ship, na tinanggihang makadaong sa Vietnam.

 

 

Mayroong 12 kaso ng Indian variant sa Pilipinas.

 

 

Ang unang kaso ay isang seaman na galing sa bansang Oman at nakatira ngayon sa South Cotabato.

 

 

Mayroon daw siyang siyam na close contacts, na pare-parehong negatibo sa COVID-19.

 

 

“As of May 5, they are all considered recovered and they have gone back to their local government units at mino-monitor.”

 

 

Ang ikalawang kaso naman ay isa ring seaman mula United Arab Emirates, na nakatira ngayon sa Camarines Sur.

 

 

Ayon kay Vergeire, mula sa 34 nitong close contacts, tatlo ang nag-positibo sa COVID-19. Habang negatibo ang natirang bilang.

 

 

“Yung tatlo ay na-sequence pero walang nakita na variant of concern. May isa sa kanilan na na-sequence na ang lumabas ay ‘A lineage’ which is not significant when you talk about the variants na pinag-uusapan ngayon.”

 

 

Pare-pareho na raw gumaling sa COVID-19 ang tatlong contacts. Dumaan din sila sa 14-day isolation, at mino-monitor ngayon ng LGU.

 

 

Samantala, ang pinakahuling Indian variant case ay mula Cavite, na galing din ng ibang bansa.

 

 

Wala raw naging close contact ang naturang kaso sa kanyang flight, pero sumailalim din siya sa isolation.

 

 

“Nandoon siya nag-start sa quarantine facility noong May 1, at sa ngayon ay mino-monitor pa rin siya.”

 

 

Binansagang “variant of concern” ng World Health Organization ang B.1.617 dahil sa mga “mutation” nito na kahalintulad ng sa B.1.1.7 (United Kingdom), B.1.351 (South Africa), at P.1 (Brazil). (Gene Adsuara)

Ads May 26, 2021

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Approach ni PDu30 sa WPS, gumagana

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUMAGANA ang “approach” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo pa’t wala namang teritoryo ng bansa ang nakuha ng China simula nang maupo siya sa puwesto.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tugon sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na kailangan ang multilateral approach sa West Philippine Sea dahil hindi naman gumagana ang bilateral talks sa China.

 

Ani Sec. Roque, hindi totoo ang sinabi ni VP Leni dahil ang Pangulo ay may gampanin bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.

 

“The President is the lone architect of foreign policy. Hindi  totoo na hindi gumagana ang ating bilateral talks to the West Philippine Sea,” anito.

 

“Matapos ang halos limang taon ng termino ng Presidente, wala tayong nawalang teritoryo sa China, wala  tayong hidwaan sa China,” dagdag na pahayag nito.

 

“So, I beg to disagree. The President’s policy has been working for the past five years,” pagpapatuloy pa ni Sec. Roque.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sec. Roque na wala namang nakalilito sa posisyon ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.

 

“Walang confusing sa stand ni Presidente sa West Philippine Sea. Ang hindi puwedeng mapagkasunduan, isasantabi muna, isusulong ang mga bagay na puwedeng maisulong gaya ng kalakalan at pamumuhunan,” aniya pa rin.

 

“Pero hinding-hindi tayo mamimigay ng teritoryo at paninindigan at pangangalagaan natin ang pang-nasyonal na soberenya at ang ating sovereign rights,” lahad nito.

 

Samantala, lumutang ang isyu ng West Philippine Sea sa ginawang incursion ng Chinese vessels sa nasabing lugar.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya magre-react sa anumang kritisismo at ipinag-utos sa miyembro ng kanyang gabinete na iwasan na ang magsalita sa naturang isyu sa kahit na kaninuman. (Daris Jose)

‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.

 

 

Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mi­xing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.

 

 

Hinihintay na lamang ng DOST ang pag-apruba ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) at Health Research Ethics Board bago simulan ang trial.

 

 

“Ito po ay magkaibang bakuna sa 2 doses. Me­ron po tayong 7 bakuna na approved with an EUA (emergency use authorization) pero ’di po natin masiguro kung darating sa tamang petsa yung kailangang second dose kaya mangangailangan tayo na magkaroon ng kombinasyon ng bakuna,” paliwanag ni dela Peña.

 

 

“Gagamitin po ‘yan para magkaroon tayo ng basis kung alin ang magandang ipag-mix. Puwede naman lahat ’yan kaya lang titingnan ano ang mas magandang kombinasyon.”

 

 

Nakapokus ang pag­hahalo sa Sinovac at sa iba pang brand na mayroon pa ang bansa.

 

 

Magmumula ang mga participants sa Manila, Rizal, Pasig, Makati, Pasay, Muntinlupa, Cebu at Davao, ani  Dela Peña.

 

 

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 120,000 katao kada araw sa Metro Manila at  500,000 sa mga pangunahing sentro ng ekonomiya sa buong bansa sa Nobyembre.

 

 

Kailangang mabakunahan aniya ang nasa 70 milyon o 2/3 ng populasyon bago magtapos ang taon upang makamit ang herd community. (Daris Jose)

THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart.

 

 

     Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina Mac Alejandre at Andoy Ranay at pinagtambalan nga nina Dingdong at Marian.

 

 

Kasama nila sa series sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Gabby Eigenmann, Janice de Belen at si Kathryn Bernardo ang gumanap na young Jenny (Marian).

 

 

At kaya good news ito sa mga DongYans, dahil napakatagal na nilang hindi napapanood na magkasama sa isang series or movie ang mga idolo nila.

 

 

Kahit kasi may offer si Marian mula sa GMA Network, laging hindi natutuloy, tulad noong ipagbuntis ni Marian ang second child nila ni Dingdong na si Sixto.

 

 

At matapos namang mabuo ang casting ng First Yaya na dapat ay first team-up naman nina Marian at Gabby Concepcion, nagkaroon naman tayo na pandemic kaya walang nagawa si Marian kundi mag-beg-off dahil hindi naman niya kayang mag-lock-in taping at iwanan ang dalawa niyang anak, lalo na bunso niya na bini-breast feed pa niya noon.

 

 

Sa June 7 magsisimulang i-replay ang Endless Love, pagkatapos ng Heartful Cafe sa GMA-7.

 

 

***

 

 

KAYA ni Miss Eco Internatioanl 2018 Thia Thomalla na iwanan ang mundo ng pageantry at mag-concentrate na lamang sa showbiz.

 

 

Kasabay ng pagkapanalo niya ng title in 2018 ay nag-sign na rin siya ng management contract with GMA Artist Center at nakagawa na rin ng ilang programa sa GMA Network.

 

 

At ngayon ay enjoy siya sa role niya bilang presidential security officer as PSG Val sa romantic-comedy series na First Yaya sa GMA Primetime.

 

 

Sa kanyang role, dumaan sa mga trainings si Thia as the lone female PSG ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at bagay na bagay sa kanya ang role dahil sa height niya na hindi nalalayo sa kapwa PSG tulad ni Pancho Magno.

 

 

Last February, nagbigay na siya ng hint na wala na siyang interes na balikan ang beauty pageant scene: “The pandemic shifted our lives in ways no one imagined.  Today, I’m letting go of a dream. A dream I was ready to face again. 

 

 

But sometimes life gives us a different path we have to embrace and celebrate.  I do know, God is preparing me, us, for what is to come.  Keep the faith.”

 

 

Natuwa naman si Thia sa show of support ng mga kasama niya sa First Yaya at kahit ng mga fellow beauty queens niya sa Miss World Philippiness 2018.

 

 

Napapanood ang First Yaya nightly after 24 Oras.

 

 

***

 

 

NAKATUTUWANG nasasanay na ang mga Kapuso artists sa mga lock-in tapings, tulad ngayon na naka-lock-in taping na rin ang grupo ng bagong GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas. 

 

 

Magkakasama sa serye sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith da Silva na siyang gaganap na tatlong magkakapatid. Makakasama nila sina Jason Abalos at ang nagbabalik-Kapuso, si Albert Martinez.

 

 

Madalas silang nagpu-post ng mga behind-the-scene photos na nagpapakitang enjoy sila kahit naka-lock-in taping sila.  Biro pa nila ang tawag daw nila sa kanilang grupo ay #TheLoveSisters!

 

 

Ang serye ay idinidirek ni Monti Puno Parungao.

(NORA V. CALDERON)

Jason Momoa, Reveals He Had A Hand In Writing Aquaman 2

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

JASON Momoa, the former Game of Thrones star transformed into a superhero for 2016’s Batman v Superman: Dawn of Justice, where he made a quick cameo as Arthur Curry (aka Aquaman), reveals he had a hand in writing Aquaman 2.

 

 

He received a much bigger role in Justice League, but it was the 2018 solo project Aquaman that truly gave Momoa the chance to sink into the role.      Directed by James WanAquaman further explored Arthur’s place as the half-human son of Atlantis, which put him in conflict with his brother Orm (Patrick Wilson).

 

 

Both Momoa and Wilson are set to return for Aquaman 2 and set to release on December 16, 2022, the long-awaited sequel. Wan will direct once more; additional returning faces include Amber Heard and Yahya Abdul-Mateen II.

 

 

Despite the first Aquaman making over $1 billion worldwide, the sequel isn’t scheduled for release until December of next year. As a result, little is known about the plot or new cast members.

 

 

So far, only Pilou Asbaek (Game of Thrones) has joined Aquaman 2 as a newcomer to the DCEU. Several cast members have indicated production will begin in the coming months.

 

 

Momoa recently appeared on The Drew Barrymore Show, where he shared some new information about Aquaman 2. Unfortunately, he couldn’t reveal anything specific about the film itself. However, Momoa did share this particularly interesting bit of news: He had a hand in developing the story.

 

 

Aquaman star explained: “After we ended the first one I went in with my writing partner and we dreamed up the second one and we went in and pitched the idea. The best thing I can give you is that I love it so much that I participated in the writing of it. And so, we did the first treatment and then James and our original writer David [Leslie Johnson-McGoldrick] finished it off. And all of our hearts are in it. Instead of just like getting a script and doing that, you are 100% being encouraged by your director and co-writers. So that’s exciting for me and I’m excited to go over there. I leave in July and we start filming.”

 

 

Momoa’s enthusiasm for Aquaman 2’s story certainly bodes well for the entire project. His performance as Aquaman has been praised by fans, and there’s a chance his time playing the character could’ve helped him develop a truly compelling story. Without any concrete plot details, it’s hard to say just where Momoa and his writing partner might’ve found inspiration. It could be the comic books, or it could even have a personal edge from Momoa’s own life. The possibilities are endless.

 

 

Momoa has hyped Aquaman 2 as a bigger movie than the first, and that movie went all the way to the depths of the ocean. Aquaman hails from a very rich world, so the sequel could perhaps explore it on a deeper level. As Momoa said in his above comments, filming is expected to begin this July so new information about Aquaman 2 could emerge within the next few months.    Exactly when the story of the film will be released remains to be seen, but Momoa’s excitement certainly helps ease the wait. After all, if he loves it so much he wanted to help write it, it must be pretty great.

 

(ROHN ROMULO)

PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA

Posted on: May 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

 

Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos

 

Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical Center

 

Si Fr. Mercado ay  nauna nang na-ospital mula May 8 dahil sa kumplikasyon dulot ng Covid 19.

 

Kilala itong eksperto sa  papel ng Islam sa Pilipinas at Timog-Silangan Asya at kabahagi ng peace process.

 

Tumanggap din ito  ng parangal mula kay yumaong dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa papel niya sa pagsusulong sa kapayapaan sa Mindanao.

 

Pagkilala rin ang ipinagkaloob ni dating Pangulong Fidel Ramos kay Father Mercado dahil sa papel nito sa GRP Moro National Liberation Front peace talks at bahagi sa Southern Philippines Council for Peace and Development Consultative Assembly. (GENE ADSUARA)