PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.
Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos
Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical Center
Si Fr. Mercado ay nauna nang na-ospital mula May 8 dahil sa kumplikasyon dulot ng Covid 19.
Kilala itong eksperto sa papel ng Islam sa Pilipinas at Timog-Silangan Asya at kabahagi ng peace process.
Tumanggap din ito ng parangal mula kay yumaong dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa papel niya sa pagsusulong sa kapayapaan sa Mindanao.
Pagkilala rin ang ipinagkaloob ni dating Pangulong Fidel Ramos kay Father Mercado dahil sa papel nito sa GRP Moro National Liberation Front peace talks at bahagi sa Southern Philippines Council for Peace and Development Consultative Assembly. (GENE ADSUARA)