• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

LANDBANK at LTO: ANYARE sa DELAY ng CAR PLATES

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 to 2018 kung hindi maiaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito. Resulta diumano ito nang i-freeze ng Landbank Ortigas branch ang P180 million pesos na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc.

 

 

Dahil sa “freeze order” ay hindi tuloy nakabayad ang supplier sa kanilang mga lokal at foreign suppliers at creditor banks.  Naantala tuloy ang delivery ng mga plaka. Ang freeze order ay napasyahan ng
Landbank base lamang sa isang sulat galing sa nagngangalang Christian Calalang na nagpapakilalang Presidente ng kumpanya.

 

 

Pero um-exit na sa eksena itong si Calalang nang mag take over na ang grupo ni Annabelle Arcilla sa pamamagitan ng isang Deed of Assignment.  Ang signatory ng Landbank ay si Arcilla representing  OMI-JKG.

 

 

Hindi lang ang Landbank ang sinulatan ni Calalang. Nagpadala rin siya sa AUB, Security Bank at Union bank, pero hindi pinansin ito ng mga nasabing banko dahil wala naman maipakitang Court Order man lang si Calalang para i-freeze ang pag release ng pera sa OMI- JKG.  Tanging landbank lang ang pinagbigyan ang sulat ni Calalang.

 

 

Ano ang ginawa ng LTO sa gitna ng problemang ito?  Imposibleng hindi alam ng mga opisyal ng LTO ang punu’t dulo ng awayan nila Arcilla at Calalang dahil sa nakakausap naman nila ang mga ito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO na nagkaroon na ng sale at transfer of ownership and management ang grupo ni Calalang kay Arcilla at nagamit na ni Calalang diumano ang halagang P477 million pesos na mobilization fee para sa pag award ng project?

 

 

Hindi ba at may mga dokumento na ang LTO (maging ang LANDBANK) sa bagong resulta ng imbestigasyon ng NBI dito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO kung sino ang aktwal na nag-deliver ng mga naunang plaka? Sa laki ng perang involved dito na IBINAYAD NG LIBU-LIBONG CAR OWNERS ay dapat alam ng LTO kung kanino dapat ibayad ang pera upang madeliver na ang mga plaka.

 

 

Kung ibabayad kay Arcilla ay makakapag-deliver ba siya? At kung kay Calalang naman, may kakayahan ba ito kung ibinenta na niya mismo ang proyekto kay Arcilla?

 

 

Pero ang balita ay gumamit ng “legal strategy” ang Landbank at LTO. Nagsampa o magsasampa raw ng interpleader case ang Landbank at LTO sa dalawang grupo upang ang dalawa raw ay magdemandahan kung sino dapat ang bayaran.

 

 

Heto ang magiging “lusot” ng Landbank at LTO para hindi mabayaran ang supplier. So habang may kaso ay wala munang plaka ang mga car owners? Ilang taon matatapos ang kaso? Aba wala na ang mga kasalukuyang nakaupo sa LTO ay nagkakaso pa?

 

 

Meantime pabor ang sitwasyon sa Landbank Ortigas dahil may P180 million pesos silang pondo at nagagamit. Pabor din sa mga LTO Officials dahil ikakatwiran nila na may Interpleader case pa!

 

 

Pero talo ang mga car owners dahil habang may kaso ay walang plaka. Paano na ang mga binayad nila.  Aba’y luma na mga sasakyan nila wala pang plaka.

 

 

Talo rin ang lehitimong supplier dahil mababaon sa utang dahil sa interest ng kanilang utang at malamang tuluyan nang hindi makapag-deliver.

 

 

Bakit gagamiting palusot ang “legal strategy” kung sa lebel naman ng LTO at Landbank ay kaya nilang desisyunan at paboran kung sino ang nagsasabi ng totoo.

 

 

Huwag gamitin ang husgado para magkaroon ng injustice! Injustice sa car owners – injustice sa suppliers. At lalo nang huwag gamitin ang batas upang itago ang korapsyon kung meron man.

Halos 500,000 doses ng AstraZeneca ‘di pa naituturok kahit Hunyo na mapapanis

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanganganib mapanis ang nasa kalahating milyong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na buwan, pero ayon sa Department of Health (DOH), ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pagdating nito sa braso ng mga mamamamayan.

 

 

Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa katatapos lang na Laging Handa briefing na inere sa state media ngayong araw.

 

 

Sa lagpas 2 milyong AstraZeneca vaccines na natanggap na ng Pilipinas, mahigit 1 milyon pa lang ang naituturok sa ngayon. 1.5 milyon sa kabuuang doses ang mag-e-expire sa ika-30 ng June habang nasa 500,000 naman ang mapapanis sa Hulyo, dahilan para gamitin itong second dose ng mga naturukan na noong Marso.

 

 

 

“May 1 million na tayong naibakuna ngayon, tapos another 500,000 [will be allocated] for our second dose. Almost 497,000 na lang ang kailangan nating maiturok as first dose as of June,” ani Cabotaje, Miyerkules.

 

 

“We are confident, by end of June, nai-jab na itong ating remaining 500,000 as first doses habang kinukumpleto natin ‘yung pang-second dose ng first batch.”

 

 

Para maging kumpleto ang proteksyong ibinibigay ng AstraZeneca, kailangan na dalawang doses ng nasabing bakuna ang maiturok sa tao.

 

 

Nasa 12 linggo ang pagitan ng una at ikalawang dose ng nasabing COVID-19 vaccine brand.

 

 

“Karamihan po ng nabakunahan galing sa 525,000 noong first batch ay ngayon pa lang magte-twelve weeks,” dagdag pa ni Cabotaje kanina.

 

 

Dumating ang unang batch ng 487,000 AstraZeneca vaccines na donasyon mula sa COVAX Facility ng World Health Organization noong ika-4 ng Marso, matapos ang ilang delays.

 

 

Ngayong buwan naman nang dumating ang ikalawang batch ng AstraZeneca sa bansa, na siyang umaabot sa 2,030,400 doses.

 

 

Tinatayang nasa 4.58 milyong doses ng naturang COVID-19 vaccine brand ang matatanggap ng Pilipinas bilang share nila mula sa COVAX facility.

QC binuksan ang mga bagong bike lanes

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa.

 

 

 

Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang kaligtasan ng mga bikers at iba pang aktibong taong gumagamit ng bike lanes sa Quezon City.

 

 

 

Naaayon din ang proyektong ito sa commitment na maging isang bike-friendly city kung saan ang mga bikers ay makararating sa kanilang destinasyon ng mabilis at ligtas.

 

 

 

Lumahok sa inagurasyon sila Quezon City Mayor Joy Belmonte, VM Gian Sotto at Metro Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos. Kasama rin sila Department of Transportation (DOTr) assistant secretary Mark Steven Pastor at QC District 2 councilor Mikey Belmonte na siyang naghain ng city’s Safe Cycling and Active Transport Ordinance.

 

 

 

“We are working double time on this project so that the increasing number of bikers in our city will be able to travel safely without other vehicles running over their lanes. This was a priority for us even before COVID 19 pandemic as part of our global commitment to reducing air pollution by 2030. But due to pressing need for transport during the pandemic, and the bike culture that emerged as a result of this, we are fast- tracking its implementation,” wika ni Belmonte.

 

 

 

Noong nakaraang taon ay inulat ng lungsod ng Quezon City na kanilang palalawakin pa ang 55 kilometers na bike lanes hanggang 161 kilometers. Ang unang bahagi ng proyekto ay ang improvement ng mga dati ng bike lanes at ang paghahanap pa ng mga bagong ruta upang mapaganda ang connectivity at madagdagan ang 93 kilometers na network ng bike lanes.

 

 

 

Ang ikalawang bahagi naman ay ang karagdagan 81.7 kilometers upang mabigyan ang mga bikers at iba pang aktibong gumamit ng bike lanes ng access sa mas maraming  lugar pa sa Quezon City.

 

 

 

Kakulangan sa mga separators, poor bike lane visibility para sa mga drivers, rampant vehicle parking at kakulangan ng mga signages ang mga naging pangunahing problema na kinaharap ng mga bikers ang siyang nakita ng lungsod.

 

 

 

Kaya noong December, nilagdaan ni Belmonte ang Safe Cycling and Active Transport Ordinance na siyang pinaiiral ng lungsod ng Quezon City bilang suporta sa mga alternatibong transportasyon.

 

 

 

“It recognized the importance of supporting active transport solutions to reduce carbon emission, address scarcity and ensure equality in allocating urban road space; promote a shift to safe, cost-effective, non-congestive and non-polluting active transport and increase mobility for the general public,” dagdag ni Belmonte.

 

 

 

Inilungsad din ang voluntary bike registration program na mandated sa Safe Cycling and Active Transport Ordinance. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang isang biker sa pagkakataong nawala at ninakaw ang bike. Matutulungan din ang biker sa pagkakataon ng isang aksidente.

 

 

 

“The importance of this bike registration program is to help our bikers in case their bicycles cannot be located or are stolen. We can aid them and they can avail of the assistance of the police in investigating missing bikes because the owners can readily present a certificate of ownership issued by DPOS,” wika ni DPOS head Elmo San Diego.

 

 

 

Kailangan lamang magbigay ng isang government ID, 2×2 photo, proof of purchase ng bicycle, electric bike o scooter; isang picture na kasama ang bike, e-bike or e-scooter; at rehistro fee na P150. Isang sticker naman ang ibibigay bilang identification. (LASACMAR)

Pacquiao No. 3 sa world ranking

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.

 

 

Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangu­ngunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) champion Errol Spence Jr.  nasa u­nang puwesto.

 

 

Nakaupo naman sa No. 2 si World Boxing Organization (WBO) titlist Terence Crawford.

 

 

Nakatakdang magha­rap sina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada kung saan inaabangan na ng lahat ang naturang bakbakan na itinuturing na magiging Fight of the Year.

 

 

Maliban kay Pacquiao, nasa listahan din ng Ring Magazine ang iba pang Pinoy boxers.

 

 

Numero uno si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa bantamweight division kasunod si World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali ng France.

 

 

Nakalinya rin ang bakbakan nina Donaire at Oubaali sa Mayo 29 (Mayo 30 sa Maynila) sa Carson City, California.

 

 

Nasa bantamweight list din sina WBO champion Johnriel Casimero sa ikatlong puwesto at Mike ‘Magicman’ Plania sa ikasiyam na puwesto.

 

 

Sa super flyweight division, ikaapat si IBF champion Jerwin Ancajas.

 

 

Pasok sa Top 3 sina Juan Francisco Estrada, Srisaket Sor Rungvisai at Roman Gonzalez — ang tatlong boksingerong tinatarget ni Ancajas.

Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris.

 

 

Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan.

 

 

Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan noong 2004 PBA Draft at doon natupad ang pangarap ng isang batang palengke.

 

 

Handa na umano itong simulan ang bagong chapter ng kaniyang buhay.

 

 

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga pamilya at mga fans na sumuporta sa kaniyang buong basketball career.

 

 

Unang napili ang 39-anyos na si Pingris sa FedEx Express noong 2004 at matapos ang isang taon ay lumipat siya ng Purefood kung saan naglaro siya mula 2005 hanggang 2008.

 

 

Lumipat ito sa Magnolia ng hanggang isang taon at matapos nito ay bumalik siya sa Purefoods.

 

 

Kabilang ito na nakakuha ng siyam na PBA titles kabilang ang kakaibang grand slam noong 2014 sa ilalim ni Tim Cone.

 

 

Dalawang beses nakuha ng tinaguriang “Pinoy Sakuragi” ang Finals MVP, tatlong beses na PBA Defensive of the Year awards at walong beses na miyembro ng PBA All-Defensive Team.

 

 

Naging bahagi ang tubong Pozorrubio, Pangasinan player ng Gilas Pilipinas na isa sa naging susi sa panalo laban sa South Korea noong 2013 FIBA Asia Championship.

Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site.

 

 

Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan bilang lugar ng bakunahan dahil angkop ang ventilation ng malalaking church facilities para sa vaccination.

 

 

“Ang isa pang proposal na binigay ng NITAG is to use the churches, because in churches well-ventilated usually ang lugar ng malalaking simbahan at baka maaaring makatulong din sa pagbabakuna natin,” ani Vergeire.

 

 

Bukod sa mga simbahan, patuloy din daw ang pakikipag-usap ng Health department sa pribadong sektor para magamit ang kanilang mga gusali at establisyemento bilang vaccination site.

 

 

Ilan aniya sa mga inaasahang bubuksan bilang dagdag na mega vaccination sites ay ang malalaking ospital, malls, at parking areas.

 

 

“Big hospitals and even malls will be utilized for us to have mega vaccination sites. Ang mga parking areas na malalaki, gagawin ding mega vaccination sites.”

 

 

Samantala, hinihintay pa ng DOH na pirmahan ng National Task Force ang kasunduan kasama ang pribadong sektor, para maituloy na ang pagtatayo ng mega vaccination site sa lupang sakop ng Nayong Pilipino. (Daris Jose)

50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.

 

 

Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), Cebu, at Imus (Cavite) dahil sa mataas na ‘attack rates’.

 

 

Tinatayang nasa 7.98 milyong indibidwal ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito na na­ngangailangan ng 15.96 milyong doses.

 

 

“In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas,” ayon sa OCTA.

 

 

Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong taon ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas.

 

 

Muling ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-abot sa ‘herd immunity’ ay isang ‘long term goal’ at nakadepende talaga sa pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna sa bansa. (Daris Jose)

8 DAYUHANG KUMPANYA, INTERESADO MAMUHUNAN NG BAKUNA

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INTERESADO ang walong dayuhang kumpanya na  makapagtayo ng pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni DOST Usec Rowena Guevarra sa isang press briefing na ito ay mula sa anim na nauna nang nagpaabot ng interes.

 

 

Ang nasabing mga kumpanya ay hindi natukoy ni Guevarra ngunit ang isa ay galing sa South Korea.

 

 

Kasama rin sa mga kumpanya ang interestadong maging kabahagi sa nais ng World Health Organization (WHO) na magtayo ng mga transfer hub para sa teknolohiya ng mRNA na gamit ng Pfizer at Moderna sa kanilang mga bakuna. (GENE ADSUARA)

Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games.

 

 

Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

“Ang good news po ngayon ay inaprubahan na rin ang ating vaccination day on Friday, exclusive for Olympic-bound delegates and SEA Games-bound delegates,” sabi ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online session.

 

 

to ay sasaksihan nina Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon.

 

 

Ang bibigyan ng COVID-19 vaccines ay ang mga national athletes, coaches, officials at delegation members na lalahok sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 habang idaraos ang Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Ads May 27, 2021

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments