• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

Lalong maghihigpit ang PBA

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.

 

 

Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.

 

 

Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Nais ni Marcial na ma-ging magandang ehemplo ang PBA sa pagsunod sa regulasyon ng gobyerno upang tularan ito ng iba pang liga at ng mismong mamamayan.

 

 

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, teammates, kasama sa team, pamilya nila at sa pamilya rin ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” wika pa ni Marcial.

 

 

Para mabantayan ang mga players, coaches at staff, gagamit ang PBA ng mobile app upang matunton ang galaw ng lahat.

 

 

Ang sinumang lalakad na labas sa kanyang tungkulin bilang player, official o staff ng isang team, agad itong ipatatawag ng PBA management para magpaliwanag.

CHLOE at MARCO, walang takot na pinasilip ang kanilang ‘private parts’ sa matitinding eksena sa ‘Silab’

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA kami sa mga press people na invited sa special preview ng Silab, ang maiden offering ng 3:16 Productions, na ginanap noong Sabado ng gabi.

 

 

Kasabay namin nanood sa preview si Marco Paulo Gomez, one of the lead stars of the movie. First time lang din niya na mapapanood ang obrang sinulat ni Raquel Villavicencio at dinirek ni Joel C. Lamangan.

 

 

We remember noong first time naming na-interview si Marco, inamin ng binata na nagulantang siya sa ilang maseselan na eksena na kailangan niyang gawin sa pelikula together with Cloe Baretto, na siyang lead actress ng Silab and who is being launched as a star.

 

 

Marami nga ang matitinding love scenes sina Marco at Cleo kung saan wala silang saplot. May eksenang nagpakita ng boobs si Cloe at maging si Marco ay nagpakita rin ng kanyang private part.

 

 

Hindi lang namin sure kung naroon pa rin ang mga nasabing eksena kapag ipinalabas na ang pelikula. Hindi kami sigurado kung makalulusot ang mga ito sa MTRCB kung sakaling irebyu nila ang pelikula.

 

 

Pero sabi nga ni Marco, ang kanyang tiwala kay Direk Joel at ang paniwala nito sa kanya na kaya niyang itawid ang role, pati ang mga maiinit na sexy scenes, ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na gawin lahat ng mga sexy scenes.

 

 

Hindi nga raw niya nai-imagine na magagawa niya ang mga ito pero tulad nga nang napag-usapan nila ni Cloe during the shoot, gagawin at susundin nila ang instruction ni Direk Joel para take one at hindi na kailangang ulitin.

 

 

For a newcomer, pwede at pasado na ang acting ni Marco. May promise sa acting ang binata. Kung mababantayan ng mahusay ng director at mabibigyan mga projects na bagay sa kanyang acting ability, he can improve his acting skills through time.

 

 

Pwede rin mag-excel si Marco sa mga character roles. Pwedeng ito ang landas na kanyang tahakin dahil iilan lamang ang character actors natin sa kanya na may promise sa pag-arte.

 

 

Pero kung mabibigyan pa ng break to be a leading man, pwede rin naman si Marco. Kailangan lamang ay piliin mabuti ang susunod niyang projects para mabigyan ng tamang exposure ang kanyang acting ability for him to shine.

 

 

***

 

 

AFTER watching Silab, hindi namin alam kung papayuhan namin si Cloe Baretto na ipapanood sa parents niya ang pelikula.

 

 

Masyadong mapangahas ang mga sexy scenes ni Cloe dahil may breast exposure siya several times. Frontal kung frontal ang labanan.

 

 

Kung kakayanin ng dibdib ni Cloe na makita ng parents niya kung ano ang mga sexy scenes na ginawa niya, lalo na kung proud siya at ‘di naman siya nahihiya, well pwede siguro niya ito ipapanood.

 

 

Pero dapat may warning siya na matitindi ang sexy scenes na kanyang ginawa.

 

 

Dapat sabihin niya sa parents niya what to expect if they watch the film.

 

 

Pero kung okay lang sa kanya na makita siya ng parents niya in the nude, why not?

 

 

May acting naman siyang ipinamalas sa pelikula. Masyadong complex ang role niya and she was able to do a fairly good job, acting-wise.

 

 

We trust na happy si Direk Joel sa acting ni Cloe kaya he told us then na impressed siya sa baguhan.

(RICKY CALDERON)

Marcial solong sasabak sa Asian Championships

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang po ang Olympian na sasama (sa Asian Championships),” ani Marcial.

 

 

Kasalukuyang nagsasanay sa Thailand sina Petecio, Magno at Paalam.

 

 

Nagdesisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na huwag nang ipadala sina Petecio, Magno at Paalam sa Dubai dahil sa quarantine protocols.

 

 

Plano sana ng ABAP na palaruin ang tatlo sa Dubai ngunit babalik din sila sa Thailand para doon ipagpatuloy ang kanilang training camp.

 

 

“The reason is that they plan to go back to Thailand after Dubai for more training. if they do, they will have to quarantine again and that will set them back,” ani ABAP secretary general Ed Picson.

 

 

Makakasama ni Marcial sa Asian Cham-pionships si Jun Milardo Ogayre na miyembro ng national pool at kasalukuyang nagsasanay sa Baguio City.

 

 

Nasa Zamboanga City si Marcial kung saan sumasailalim ito sa puspusang pagsasanay kasama sina ABAP coach Gerson Nietes, coach Joven Jimenez, IBF champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.

 

 

Orihinal sanang idaraos ang Asian Championships sa India subalit inilipat ito sa Dubai matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa India.

Mayo 10, itinakda bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob kay Gob. Daniel R. Fernando at sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 17 Serye 2021, itinakda ang ika-10 ng Mayo bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan o “Humanity Day of the Iglesia Ni Cristo” na epektibo sa araw ng kanyang paglagda noong Abril 30, 2021.

 

 

“Bilang pagkilala po sa mga naiambag at patuloy na ibinabahagi ng ating kapatiran sa INC sa ikabubuti ng lipunan, lalo na sa lalawigan ng Bulacan, atin pong bibigyang-halaga ang nasabing araw bilang parangal sa kapanganakan ng kanilang dakilang tagapagtatag na si Ministrong Tagapagpaganap Felix Y. Manalo,” ani Fernando.

 

 

Ito ang binigyang diin ng gobernador sa maikling programa na “Iglesia Ni Cristo Lingap Sa Mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnsium sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Bilang bahagi ng paglingap ng INC, nagkaloob sila ng 2,000 food packs na kabilang sa 4,000 kabuuang ayuda na ipamamahagi sa mga Bulakenyo.

 

 

Layon nitong mabawasan ang hindi magandang dulot ng COVID-19 pandemic at makatulong sa COVID response ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando.

 

 

Hindi na bago ang isinasagawang pagtulong ng INC sapagkat nung nagsimulang manalasa sa mga tao ang COVID-19, isa sila sa nagbukas ng pintuan upang pansamantalang gawing quarantine area at treatment facility ang Philippine Arena sa Bocaue.

 

 

Maliban sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo buhat nang itinatag ito noong Hulyo 27, 1914, kabalikat na ng pamahalaan ang INC sa hindi matatawaran na paglilingkod sa mga mamamayan.

 

 

Sa huli, sinabi ng gobernador na upang mas lalo pang tumibay ang nasabing pagkilala, magsusumite siya ng kahilingan sa Sangguniang Panlalawigan.

DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers.

 

 

At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres.

 

 

Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o isang beses lang na pagbibigay ng statement ng kanyang ex-girlfriend regarding their break-up, yung obvious na hindi pagsang-ayon ni Andrea sa naging statement ni Derek sa kung paano sila nag-break.

 

 

Sinabi naman ni Andrea na ayaw niyang maging mala-“He Said, She Said” silang dalawa. Pero si Derek, muli na naman itong sumagot.

 

 

Pinagpapalagay rin na message ni Derek sa mga bashers niya ang pinost nitong quote na, “The opinion of 10,000 men is of no value if none of them know anything about the subject.”

 

 

Sabi tuloy sa mga comment patungkol kay Derek, “Ano ba ang ipinaglalaban?”

 

 

“The I’m still not over my EX continues.”

 

 

“Every day may statement ah. Parang hindi ka happy sa life mo. Ikakasal ka pa naman.”

 

 

“What happened to this guy? He seems hell bent and going after Andrea and whoever who tries to defend her.  Tipong di kita patatahimikin vibes… ang tanong… ay baket?”

 

 

Sa isang banda, marami na rin naman kaming nababasa na kinikilig na sa kanila ni Ellen Adarna. Nasasakyan din ang mga trip nila or nakaka-relate.

 

 

Pwedeng mas mag-focus na rin si Derek sa babaeng napili niyang pakasalan.

 

 

***

 

 

NAGBEBENTA na si Jennica Garcia ng mga gamit nilang mag-asawa na si Alwyn Uytingco.

 

 

May pa-live selling nga ito ng mga furnitures nila. Lilipat na ito ng bahay kasama ang dalawang anak nilang babae at tahasang sinabi ni Jennica na gusto na raw niyang magsimula ng bago.

 

 

Sey niya, “start fresh ‘ika nga.”

 

 

Kaya nakikiusap siya na bilhin na raw sanang lahat ang ibebenta niya.

 

 

Sabi ni Jennica, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata.  Start fresh ika-nga.  Hanep!  Naka huwgot pa sa morning.”

 

 

     Ilan daw sa mga ila-live selling niya ay mga furnitures tulad ng dining table, bench, cabinets, lifetime study table.

 

 

At yung lifetime study table ay mahal daw niya pero ayaw raw niya ang memories na meron do’n kaya ididispatsa na rin niya.

 

 

Sey niya, “Mahal na mahal ko pero ayoko ng memories na kaakibat niya haha!”

 

 

May nag-comment naman kay Jennica na makikita raw sa mga mata nito na may pinagdadaanan kaya maging strong lang daw sana.

 

 

Obviuous na hiwalay na talaga sina Jennica at Alwyn. Pero nananatiling tahimik ang dalawa sa kung ano talaga ang dahilan ng naging hiwalayan nila.

(ROSE GARCIA)

‘Eternals 2’ Development at Marvel Studios, Begun To Surface

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ETERNALS 2 is already in development at Marvel Studios, as reports have begun to surface.

 

 

Directed by Chloé ZhaoEternals has been shrouded in mystery since its announcement in 2019. It’s hard to determine just which movie MCU fans are looking forward to most after nearly two years of no releases, but it’s clear that this cosmic adventure is pretty high up on the list.

 

 

Thanks to Eternals star-studded cast. Angelina Jolie, Kit Harrington, Richard Madden, Salma Hayek, Kumail Nanjiani, Brian Tyree Henry, and Gemma Chan are all set to star in the film.

 

 

Up until recently, the mystery surrounding Eternals has remained strong, but Marvel’s Phase 4 sizzle reel pulled back the curtain and finally gave a first look at the film. The ensemble could be seen in various periods across the film’s 7,000 year story and anticipation for the film has only increased.

 

 

Behind the scenes, reports have swirled about how confident Marvel is in the film and Zhao’s vision as director. Her unprecedented creative control on the film has seen her have a hand in everything from the final cut of Eternals to developing the screenplay alongside Marvel scribes.

 

 

This anticipation and confidence has reportedly translated to the studio’s move to develop a sequel to the film six months before it hits theaters on November 5, 2021.

 

 

John Campea revealed that the studio is hard at work on the follow-up even though they didn’t announce any such thing in the Phase 4 preview.      Campea said: “It’s basically the same reason Avengers 5 and Eternals 2 weren’t announced. They were only announcing those films up to 2023 that have verified release dates. There are over 20+ projects on the board…. We all know there’s going to be an Avengers 5 and there’s going to be an Eternals 2.

 

 

There are several MCU films circulating without release dates, including Blade, the Fantastic Four reboot, and Deadpool 3. The furthest film out with a set release date is Guardians of the Galaxy Vol. 3, currently set to hit theaters on May 5, 2023. This has no bearing on what has yet to be announced, though, as Marvel head Kevin Feige has the MCU planned through 2027.

 

 

If the studio continues their recent pattern of debuting four films a year, that means there are around 14 to 16 films that have yet to be revealed.

 

 

Eternals 2 is more than likely one of those, as the first film, like the rest of Marvel’s slate, is guaranteed to be a hit. Whether or not the first film’s expansive cast will be returning is something that will likely be revealed when 

 

 

Eternals hits theaters, but it sure seems like Zhao will be returning to direct, especially if the reports are right about her smashing it out of the park with her first MCU outing. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

 

 

The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre Bello III as he reiterated the department’s commitment to deliver labor and employment programs and services to the needy workers of the Eastern Visayas region and to the whole country.

 

 

“I would like to assure our partners in the local government that your labor department is working its best to deliver labor and employment services for the benefit of our dear Filipino workers,” Bello said.

 

 

Noting that the TUPAD program has been very effective in providing temporary employment opportunities for those who have lost their jobs because of the pandemic, Bello emphasized that the labor department will continue to implement the program so that more Filipinos could benefit from it.

 

 

“The TUPAD program has really helped a lot of people from different places and I am happy to see how our government through DOLE is able to bring assistance and relief to our workers amidst this pandemic,” he added.

 

 

Of the total TUPAD beneficiaries, 1,080 workers received P4,875 each as payment for their 15-day service while the remaining 339 workers were paid P3,250 each for completing a 10-day TUPAD program.

 

 

Aside from Bello, the wage payout, held last April 23 at Ormoc Superdome, was also witnessed by Labor Undersecretary Renato Ebarle. He was assisted by DOLE-RO8 Regional Director Henry John S. Jalbuena and DOLE West Leyte Field Office Head Fe A. Estrella.

 

 

Leyte 3rd District Rep. Lucy Torres-Gomez and Ormoc City Mayor Richard I. Gomez expressed their gratitude to Bello not only for his presence during the significant event but also for all the DOLE assistance given to residents of Ormoc.

 

 

TUPAD is a community-based package of assistance that provides emergency employment for displaced workers, underemployed and seasonal workers, for a minimum period of 10 days, but not to exceed a maximum of 30 days, depending on the nature of work to be performed.

GENEVA, na-trigger kaya pinatulan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’; ‘di talaga pinatawad kahit nagluluksa

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT nagluluksa pa si Geneva Cruz dahil sa pagpanaw ng ina na si Marilyn Mendoza Cruz na ‘di nakaligtas sa Covid-19, minabuti pa rin niyang bumalik na sa Your Face Sounds Fimiliar.

 

 

Muli ngang napanood si Geneva last Sunday sa YFSF na kung saan ginaya niya si Toni Braxton.  Sabi nga ng host na si Luis Manzano, sa pinagdaraanan ngayon ni Gen, maiintindihan naman nila kung tuluyan na siyang mag-back out tulad ng ginawa ni Jhong Hilario.

 

 

Pero sa Instagram post nga niya last week, bago umere ang show noong Sabado at Linggo, in-explain niya kung bakit niya kailangan bumalik sa competition at tapusin ito hanggang sa final week.

 

 

Sabi ni Gen,I miss my mama. I still cry for my mama. But surprisingly, even though she isn’t here anymore physically, I can still see her in my thoughts, in every decision I make, and in all actions I do.

 

 

She’s like my conscience… a guardian spirit, my guardian Angel. “What would Mama do?” That is always the question that pops in my head when I need to do something I am not familiar with.

 


     “I am grateful to God for lending me mama for 45 years. The gratitude is surpassing the grief little by little.  

 

 

I am thankful for @abscbn @kapamilyaonline and my @yourfaceph family — my wonderful castmates, the staff, the crew, the jurors, the coaches, the dancers, makeup artists, and even the guards and the utility people of the ABS-CBN buildings. Being with all of you is a dream; thank you for the utmost support and love.

 


     “I am glad I came back to the show as my mama would’ve wanted me to.

 

 

Pero sa kabila ng pagluluksa niya, may isang netizen na walang patawad dahil nakuha pang mang-bash.

 

 

Comment nito, “pinaka-panget talaga tong c geneva sa magpipinsan pero cya pa nakarami ng julake while donna ang ganda na matino pa.”

 

 

Kaya naman na-trigger si Gen at ‘di naiwasang sumagot ng, “LOL ganda mo kasi. Wag ka nainggit, that’s gonnaw make you uglier. Oh, you sound like a complete idiot. Take care.”

 

 

Dagdag banat pa niya sa basher, “itong si @junosparks2020_2021 na walang followers thinks he’s so cool with his/her kanto lingo. First of all… walang pangit sa pamilya ko. Walang pangit na tao. Ugali mo lang ang pangit. Which make you… pangit. You need a hug.”

 

 

Reaction naman ng netizens sa ginawang pagpatol ni Geneva sa basher:

 

 

“Rubbing it in that the basher is pangit. Halatang naoffend ng todo si Geneva.”

 

 

“Dapat handa si basher sa kung ano mang ipupukol sa kanya ng mga nilalait nya online, buong loob nga sya makapagpost ng lait nya sa account nung tao e. Naoffend man o ano si Geneva e right naman nya sumagot kasi account nya yan.”

 

 

“kamamatay lang ng nanay ni geneva. mga bashers ibang klase.”

 

 

“Totoo. Grabe na talaga mga basher ngayon, mga ignoranteng walang preno ang mga bunganga.”

 

 

“May na-trigger yata…”

 

 

“Sorry pero si Geneva ang pinaka-crush ko sa kanilang lahat. Siya lang ang nangangain ng dance floor. Lahat sila pabebe. Naaalala ko, siya ang nagpauso ng mala-beyonce or britney spears performance sa SOP noon.”

 

 

“Hmmm, Hindi siya maganda pero hindi naman pangit. Sobra naman yan.”

 

 

“Hay, ang sexy at ganda pa kaya ni Gen no maski may edad na. Nakakaloka namn yung iba makacomment.”

 

 

“Hindi nga siya pinaka maganda pero dai siya naman pinaka maalindog sa kanila. Ganun talaga hindi lahat binibigay.”

 

 

“ang bastos naman ng basher na ito, pang kanto levels. Magaganda yang sila Geneva, walang chaka sa pamilya nila.”

 

 

“Pag affected ka, nanalo ang basher! Thats the exact reaction they want!!!!!! She could have simply ignored or deleted the comment!”

 

 

“have some respect and compassion. kamamatay lang ng nanay nung tao.”

 

 

“Nagluluksa pa si Geneva. Grabe naman kalala ang mga tao.”

 

 

“Nagluluksa? If I were her I would stay away from social media coz that’s the least thing I would engage myself into lalo na kung nagluluksa. Uhaw din kasi sa validation si girl. Halata naman.”

(ROHN ROMULO)

73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.

 

 

“Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani Mayor Rex.

 

 

Ayon kay Public Information Officer Zyan Caiña, karamihan sa mga matatanda ito ay iniligtas ng pamahalaang lungsod matapos silang abandunahin ng kanilang mga pamilya sa lansangan buwan na ang nakalipas.

 

 

Ang napabayaang mga senior citizens ay pansamantalang nakatira sa Bahay Kalinga na pinondohan ng lungsod na matatagpuan sa Barangay Canumay West, ang kalahati ay para sa mga so-called children na nangangailangan ng special protection (CNSP) o sa mga inaabuso at napabayaang bata.

 

 

Ang pamahalaang lungsod ay nagset-up ng pansamantalang dormitoryo sa loob ng Bahay Kalinga upang matulungan ang mga inabandunang mga senior citizen habang itinatayo ang isang permanenteng istraktura na eksklusibo para sa kanila.

 

 

Tiniyak ni Gatchalian na ang mga inabandunang matatanda ay bibigyan ng bakuna kontra Covid-19 bago sila mailipat sa kanilang mga bagong tahanan, ang Bahay Kanlungan, na matatagpuan din sa naturang lugar.

 

 

“It’s the best way to protect them and the entire community as well,” ayon sa alkalde ng Valenzuela na nagsabing ang kanilang bagong tirahan ay matatagpuan sa property na pagmamay-ari ng kanyang ama na si William Gatchalian, na nagbigay nito sa lokal na pamahalaan para sa hangaring ito.

 

 

Ang Bahay Kalinga ay itinatag noong panahon ni Mayor at ngayon ay Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian na tumupad sa kanyang pangako na magtayo ng ganoong istraktura upang magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga taong street wanderers, foundling children at mga nakarekober mula sa anumang uri pang-aabuso. (Richard Mesa)

114 NAVOTENOS NAKUMPLETO ANG TECH-VOC COURSES

Posted on: May 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakumpleto ng nasa 114 Navoteños ang iba’t-ibang technical and vocational courses mula sa Navotas Vocational Training at Assessment (NAVOTAAS) Institute.

 

 

Sa bilang na ito, 36 ang nakumpleto ang Japanese Language at Culture I habang 12 naka-graduated mula sa Japanese Language at Culture II program. Labing limang sa mga graduates naman ay natapos ang Korean Language at Culture I.

 

 

Samantala, 16 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa housekeeping, 15 para sa food at beverages services, at 20 para sa barista.

 

 

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang mga graduates at hinimok silang gamitin ang mga kasanayang nakuha nila upang magsimula o makahanap ng mga pagkakataon sa pangkabuhayan.

 

 

Ang Navotas ay mayroong apat na training centers na bukas sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees. Ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng assessment exams para sa isang bayarin, depende sa kukuhanin nilang kurso.

 

 

Nagpapatuloy ang enrollment para sa mga kursong Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food processing NC II.

 

 

Available din ang Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture I at Korean Language at Culture I. (Richard Mesa)