• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

114 NAVOTENOS NAKUMPLETO ANG TECH-VOC COURSES

Nakumpleto ng nasa 114 Navoteños ang iba’t-ibang technical and vocational courses mula sa Navotas Vocational Training at Assessment (NAVOTAAS) Institute.

 

 

Sa bilang na ito, 36 ang nakumpleto ang Japanese Language at Culture I habang 12 naka-graduated mula sa Japanese Language at Culture II program. Labing limang sa mga graduates naman ay natapos ang Korean Language at Culture I.

 

 

Samantala, 16 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa housekeeping, 15 para sa food at beverages services, at 20 para sa barista.

 

 

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang mga graduates at hinimok silang gamitin ang mga kasanayang nakuha nila upang magsimula o makahanap ng mga pagkakataon sa pangkabuhayan.

 

 

Ang Navotas ay mayroong apat na training centers na bukas sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees. Ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng assessment exams para sa isang bayarin, depende sa kukuhanin nilang kurso.

 

 

Nagpapatuloy ang enrollment para sa mga kursong Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food processing NC II.

 

 

Available din ang Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture I at Korean Language at Culture I. (Richard Mesa)