• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2021

Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

 

Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na kanselado na ang eligibility ni Mauro at wala na itong matatanggap na retirement benefits.

 

Bawal na rin siyang nang humawak ng anuman public office at hindi na rin ito pwedeng kumuha ng civil service examination.

 

Napag-alaman na nagsilbi si Mauro bilang Philippine envoy to Brazil mula pa noong March 2016 at naging bahagi ng foregin service mula pa noong February 1995. (Daris Jose)

Dela Pisa, Labanan dumale ng silver medal sa Budapest

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAREHONG sumungkit ng silver sina national women’s artistics gymnasts Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan sa kawawakas na Gracia Cup Budapest  sa Hungary.

 

 

Sang-ayon nitong Martes kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, ang partisipasyon ng dalawang atleta sa torneo nitong Pebrero 19-20, ang bahagi ng paghahanda nila para sa  31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa darating na Nobyembre 23-Disyembre 2.

 

 

Pumangalawa si Dela Pisa, 17, sa women’s apparatus event na Clubs, habang si Labadan, 14, sa women’s Ball kung saan sinuportahan ang dalawang manlalaro ng Philippine Sports Commission (PSC). (REC)

Alcantara, Gonzales talsik

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida.

 

 

Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara ng Cagayan de Oro at Fil-Am Gonzales ng USA via walkover sa pares ng dalawang Amerikanong nagkaroon ng COVID-19, pero hindi naman pinalad ang national netters  sa salpukang ito.

 

 

Gayunman, bahagyang pag-angat ang pinakita nila rito, makalipas na masipa agad sina Alcantara at Gonzales sa first round laban kina Columbian Alejandro Gomez at American Israel ‘Junior’ Alexander Ore sa first leg ng torneo nitong isang linggo. (REC)

Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.

 

Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.

 

“At least doon sa PGH kung nasaan ako dahil nga may naunang alinlangan, mayroon silang survey na ginawa ang sabi nila hangang 60 lang pero nagpabakuna po mahigit pa sa 120 noh na mas doble pa sa mahigit pa sa dobleng in-expect nila. at ngayon po, buong araw silang nagpapabakuna sa PGH at inaasahan natin na baka magkulang pa iyong initial allocation na ibinigay sa PGH na 1,000 plus.. sang-ayon na rin po dun sa survey na kinuha ng ospital noh? kung ilan ang gustong magpabakuna. Huwag po kayong mag-alala kung kinakailangan pa po ng mas marami ay padadalhan po kayo kaya nga po mayroon tayong buffer stock na mga around.. 30,000 vaccines. So, napakatagumpay po niyan,” ang paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kung siya lamang ang tatanungin ay gustong-gusto na niyang magpabakuna.

 

Iyon nga lamang aniya ay binasura ang panukala nilang mga taga-IATF na mag-reserba ng 50 bakuna para sa tinatawag na mga influencers o mga tagapag-paigting ng vaccine cofidence.

 

“Ako ay sumusunod naman. Bagama’t kahapon nagmabuting-loob ang PGH na .. kung gusto mo ibibigay na lamang namin sa yo noh? At naghanda na po ako kaya lang.. to avoid controversy ay hindi na po ako nagtuloy at ang totoo naman po ay naubusan sila kahapon kasi akala nga nila 60 lang eh 128 ang nagpabakuna.anyway mabuti na rin po iyon dahil otherwise po ngayon ay aawayin ako ng mga advisory group. anyway, susunod na lang po ako para wala ng away. Kung pupuwede na eh susunod na ako dyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, dalawa lamang aniya ang nabakunahan na opisyal ng pamahalaan at ito aniya ay sina chief implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against Covid 19 carlito galvez at si deputy chief implementer Vince Dizon.

 

“Sinabi po ni Presidente na bakunahan sila. Ayaw pa po sana pero anyway i might as well say the truth noh? mismong si Presidente po ang nagsabi na itong dalawang ito.. kinakailangan mabakunahan dahil .. of course.. we need to walk the talk,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence.

 

 

Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31.

 

 

Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital at nagpapagaling na lamang sa kanilang bahay.

 

 

Mismong sila umano sa DILG ay mas gusto na huwag munang pumasok si Sec Año para siya ay makapag-pagaling.

 

 

January 11, 2021 nang ihayag ng DILG ang pagbabakasyon ni Sec Año upang makarecover ng husto sa naging epekto sa kaniya nang tinamaan ng COVID 19.

Dalawang beses tinamaan ng COVID 19 si Año noong nakaraang taon.

Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na limang taon upang maitatag ang trust fund para sa kapakinabangan ng mga coconut farmers at kaunlaran g industriya.

 

Ang bagong batas na kilala rin bilang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” ay inaasahang magbibigay benepisyo sa mga coconut farmers at sa mga nagmamay-ari ng hindi hihigit sa limang ektarya ng coconut farm.

 

Itinatakda sa ilalim ng bagong batas ang pagtatatag ng coconut farmers and industry development plan na mag-oobliga rin sa Philippine Coconut Authority (PCA) na kumonsulta sa mga coconut farmers at sa kanilang mga organisasyon at iba pang samahan sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa kaunlaran at rehabilitasyon ng industriya sa loob ng 50 taon.

 

Kailangan namang sumunod ng PCA sa ilang layunin kung saan kabilang ang mga sumusunod:

 

Pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka ng niyog;

 

 

Pagpapagaan ng kahirapan, edukasyon at sosyal na pagkakapantay-pantay;

 

At rehabilitasyon, modernasyon ng industriya ng niyog tungo sa magandang produksyon;

 

Habang kailangan namang nakapaloob sa plano ng National program ang mga sumusunod:

 

Community-based enterprises

 

Sosyal na pagpoprotekta sa mga magsasaka at manggagawa ng niyog sa mga sakahan kasama na ang kani-kanilang mga pamilya

 

Pagbuo ng grupo ng mga magsasaka ng niyog at pagpapabuti nito

 

At ang mga innovative research projects

 

Magugunitang, ibinasura ni Pangulong Duterte ang kaparehong bill noong 2019 kung saan ipinaliwanag ng Pangulo na ang dahilan ng kanyang pag-veto sa panukala ay ang aniya’y kawalan ng “vital safeguards” upang maiwasan ang mga nakaraang pagkakamali at posibleng paglabag sa Saligang Batas. (Daris Jose)

Ads March 3, 2021

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ELLEN, mahilig sa ‘pinagsawaan’ o ‘inayawan’ na ni ANGELICA ayon sa netizens; relasyon nila ni DEREK ‘di raw magtatagal

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng pag-amin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na officially, sila na nga, marami pa rin talaga ang bashers at haters ng relasyon nila. 

 

 

Prominent pa rin sa mga comments ng netizens sa kanilang dalawa ang pagbibigay ng taning sa relasyon nila.

 

 

Merong three months, may hindi aabot ng one year pero more than that, wala na.      Sabi nga ng isang netizen, “Sa una lang ‘yan.”

 

 

At yung ibang mga comments ay mahalay na pertaining or assuming about their intimacy.

 

 

Actually, sa lahat ng pamba-bash at hate, parang tingin namin, welcome naman sa dalawa at siguro, iniisip ba nila na mas pinag-uusapan sila? Pumapatol pa rin si Derek sa ilang bashers.

 

 

Kung ang ex-girlfriend niya na si Andrea Torres ay dedma at quiet lang talaga simula pa lang na lumabas ang break-up issue nila hanggang ngayon nga na may nahanap na siyang kapalit nito, si Derek naman, name-mention pa rin si Andrea at nakikiusap na huwag na itong idamay sa kung ano man ang meron sila ni Ellen.

 

 

Anyway, aliw naman ang ibang netizens na nakagawa na ng mims sa rigodon ng lovelife nila nina John Lloyd Cruz, Ellen at Angelica Panganiban.

 

 

Merong mga post na kesyo mahilig daw pala si Ellen sa “pinagsawaan” o “inayawan” na ni Angelica.  Kaya nagwa-warning ang mga ito sa dating boyfriend ni Angelica na si Carlo Aquino o sa present nito na non-showbiz na baka sila naman ang isusunod.

 

 

So, abangan na nga lang natin kung hanggang saan aabot ang relasyon ng dalawa.

 

 

***

 

 

ISANG challenge para kina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang kasalukuyan nilang tine-tape na Encounter para sa TV5. Challenge kung paano nila mako-convince ang viewers na bagay talaga sila sa mga roles nila.

 

 

Ginagawa nila ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Encounter na pinagbidahan ng dalawang Superstar ng Korea na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum.

 

 

Sa ngayon, halos karamihan talaga ng comment na mababasa nang maglabas na ng teaser para sa kanilang serye, halos puro negatibo ang komento.

 

 

Ilan sa mga komento ng netizens, “Walang dating. Walang chemistry. Sayang yung serye.”

 

 

     “Nakakaawa naman ang gumawa ng remake na ito. Seryoso ba? Nakakatawa si Cristine. 

 

 

     “Seriously, hindi bagay sa kanila ang role. Walang chemistry.”

 

 

Meron din naman nag-comment na kahit naman daw yung mga Korean stars na gumanap dito na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum, wala rin naman daw chemistry.

 

 

Well, teaser pa lang naman at posibleng sa mismong serye, baka naman ma-prove nina Cristine at lalo na ni Diego kung bakit nga sila ang naisipang i-cast ng VIVA sa serye. (ROSE GARCIA)

DOTr: Malalaking rail projects magkakaron ng partial operations bago matapos ang Duterte Administration

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinahayag ng mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) na maraming malalaking proyekto ang matatapos o di kaya ay magkakaron ng partial na operasyon bago matapos ang termino ni President Duterte sa 2022.

 

 

Ang mga nasabing proyekto ay ang LRT 2 East (Masinag) Extension, MRT 3 Rehabilitation, Common Station, LRT 1 Cavite Extension, MRT 7, PNR Clark Phase 1, Mindanao Rail, at key facilities ng Metro Manila Subway.

 

 

Mayron ng 43 percent overall completion progress ang PNR Clark Phase 1 na naitala noong January 2021. Ang partial na operasyon ng mga pasilidad ay sa huling quarter ng taon samantalang ang buong operasyon ay nakatakda sa 2024.

 

 

Sa rehabilitation naman ng MRT 3, tinatayang ang buong proyekto ay matatapos sa December 2021. Ang mga rail replacements ay natapos noong December 2020 na mas nauna pa sa target na schedule nito.

 

 

Samantalang ang partial the operasyon ng LRT 1 Cavite Extension Phase 1 ay magsisimula sa fourth quarter ng taon. Ang proyektong ito ay ang magdudugtong sa LRT 1 galing Baclaran sa Paranaque papuntang Bacoor, Cavite.

 

 

Magkakaron naman ng inagurasyon sa April 2021 para sa pagbubukas ng partial na operasyon ng LRT 2 East (Masinag) Extension. Noong January 2021 ay may naitalang 96.49 percent na completion ang nasabing proyekto.

 

 

Magkakaron naman ng partial na operasyon ang Mindanao Railway Project Phase 1, ang Tagum-Davao-Digos segment sa March 2022.

 

 

Ang MRT 7 ay magkakaron ng partial na operasyon sa darating na December 2021 at full na operasyon sa December 2022.

 

 

“With all these railway projects, the government will lessen the annual direct economic cost of congestion in Metro Manila which stands at P1.277 trillion as of 2017,” saad ni DOTR undersecretary Batan.

 

 

Sa kabilang dako, para naman matugunan ang mga healthy at safety protocols sa mga pangunahing transportasyon lalo na sa mga railway systems upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19, muling pinaalalahan ng DOTr ang mga pasahero na sumunod sa 7 commandments tulad ng paggamit ng face masks, face shields, palagiang paghuhugas ng mga kamay, COVID 19 testing, contact tracing, at quarantine ng mga naapektuhan ng COVID 19.

 

 

Ayon kay Batan ay talagang binigyan nila ng todong pansin at tugon ang sektor ng transportasyon sa rail sapagkat sa lahat ng klase ng transportasyon ito ay ang may pinakamataas ng kapasidad na magsakay ng mg tao at magbigay ng ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis at komportableng paglalakbay kaya nagtrabaho ang DOTr sa utos ni Secretary Tugade at President Duterte na gawin ito ng hindi lamang doble kundi gawing pang quadruple at kahit na 24/7 pa upang matapos lamang ang mga nasabing proyekto. Ang mga nasabing proyekto ay bahagi ng Build, Build, Build na programa ng pamahalaan. (LASACMAR)

100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.

 

 

Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.

 

 

Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni Dr. Homer Co, ang in-charge sa micro planning, na sa palagay niya ay maraming tao ang darating para magpabakuna.

 

 

Ang 100 katao na babakunahan ay para lamang sa araw na ito, at sa mga susunod na araw ay mas papagandahin pa ng PGH ang kanilang sistema sa pagbakuna.

 

 

Tiwala naman si Legaspi na mas marami pang staff ng PGH ang magpapabakuna sa mga susunod na araw.

 

 

Ito ay kahit pa mababa ang bilang ng mga nagpatala sa kanila para tumanggap ng Sinovac COVID-19 vaccines.

 

 

Si Legaspi ang kauna-unahang indibidwal na naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

 

 

Sinundiyan siya ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan at mga eksperto sa larangan ng kalusugan at medisina kagaya na lamang nina FDA director general Eric Domingo, infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, MMDA chairman Benhur Abalos at vaccine czar Carlito Galvez.

 

 

Bukod sa PGH, dadalhin din ang mga dumating na bakuna kahapon sa Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center. (Daris Jose)