NATANONG si John Estrada tungkol sa katambal niyang si Ellen Adarna sa isang sitcom na gagawin nila, ang John en Ellen sa TV5 at sa best friend niyang si Derek Ramsay na diumano ay nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa.
“Derek is like a brother to me. Kilala ko siya, he is not playboy,” sagot ni John.
“I don’t see the problem if he is a playboy, he’s not married yet, anyway, so what’s wrong with that. They are not stepping on anyone’s toes. They can do whatever they want as long as it’s legal, so, let’s give them a break.
“Kung gusto nilang maging happy together, pagbigyan natin sila, buhay nila iyon!”
***
NAGPASALAMAT si Kapuso actor Juancho Trivino na after 12 years, college graduate na siya.
Tinapos ni Juancho ang Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University last January 16. Masaya si Juancho kahit matagal siya bago naka-graduate dahil kasabay nito ay ang pagtatrabaho niya bilang isang actor-host.
Nagsimula ng college niya si Juancho noong 2009, pero napilitan muna siyang tumigil dahil pinasok niya ang showbiz. After a few years, nag-decide siyang balikan ang studies niya, dahil ayaw niyang masayang ang nasimulan na niya sa tulong ng parents niya.
“Pero itinuloy ko pa rin ang pag-aartista ko kaya, naging working student ako, doon ko naranasan na pumasok sa klase na halos walang tulog, umiinom lamang ako ng vendo coffee to make me awake,” kuwento pa ni Juancho.
“May time din na galing ako sa malayong probinsiya dahil host ako ng ‘Unang Hirit,’ didiretso na ako ng school, kung minsan para makarating ako sa classes ko, nag-aangkas ako.
“After 12 years, natapos ko na rin ang course ko, at kahit via zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting. Kaya iniaalay ko sa Diyos at sa parents ko ang diploma ko. Kaya ini-encourage ko rin ang iba, yung gustong makatapos ng college, pwede rin ninyong gawin iyon, tiyaga lamang at pananalig sa Diyos, matutupad din ang inyong pangarap na makatapos.”
Tiyak, inialay din ni Juancho sa kanyng wife, si Joyce Pring, na co-host din niya sa Unang Hirit, ang kanyang college diploma.
Congratulations, Juancho!
***
ANG aktres na si Nova Villa o si Novellita Gallegos, ang binigyan ngayon ni Santo Papa (Pope Francis) bilang isang “condecorado” or “Pro Ecclecia et Ponifice,” na ang ibig sabihin ay “para sa simbahan at sa Santo Papa,” na iginagawad sa mga laiko na may nagawa para sa simbahan at pananampalataya.
Si Bishop Emeritus ng Novaliches Antonio Tobias ang nag-nomnate sa kanya. Si Nova ay naglilingkod sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Novaliches bilang member ng Mother Butler Guild at tumutulong din sa iba pang gawain ng parish.
Iginawad kay Nova ang karangalan bilang condecorado last January 14, ni Bishop Robert Gaa DD, kasama pa ang ibang pari. Dumalo rin ang isa pang condecorado, si Ms. Ai Ai delas Alas.
Mapapanood si Ms. Nova Villa sa up-coming romantic-comedy series na Owe My Love na pangungunahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves. (NORA V. CALDERON)
NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito:
WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14.
Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.
MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues.
Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits at ng licenses ng drivers at conductors kasama ang motor vehicle registration hanggang March 31.
INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi.
HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.