Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble.
Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi na all-Pinoy lang na komperensya ang naisagawa sa katatapos na taon na pinaikli ng Coronavirus Disease 2019.
Napanalunan ang highest individual award na Best Player of the Conference ni Gin Kings guard Stanley Wayne Pringle, Jr.
Dumale ang 33-anyos, 6-1 ang taas na Fil-Am ng 1,640 boto buhat sa mga player, media at Commissioner’s Office upang daigin sina Matthew Wright ng Phoenix Super LPG (1,578 votes), Roger Ray Pogoy (958) at Bobby Ray Parks, Jr.(876) ng TNT, Calvin Abueva (779) ng Fuel Masters, at Christian Jaymar Perez ng Terrafirma (668).
“All the players were deserving,” pahayag ni Pringle sa virtual acceptance rin sa award. “Just being nominated for me was a blessing.”
Kahanay niya sa Elite Five sina teammate Japeth Paul Aguilar, Wright, Abueva at Tropang Giga John Paul Erram.
Ang kakampi ni Pringle na si big man na si Prince Caperal ang nagwaging Most Improved Player, habang do-it-all player ni coach Earl Timothy Cone na si Earl Scottie Thompson ang tinanghal na Aveino ‘Samboy’ Lim, Jr. Sportsmanship award.
Tinapos ni Thompson ang may tatlong taong sunod na pag-uwi ni DanielGabriel Norwood ng Rain or Shine sa karangalan. KJasamang tinalo niya sina Abueva at Perez.
Kinopo naman ni Aaron Black ng Meralco ang Outstanding Rookie na pinalit muna sa Rookie of the Year. Ginapi ng anak ni Bolts coach Norman Black sina Arvin Tolentino ng BGSM, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots. (REC)
Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.
Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.
Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).
Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.
Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.
Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.
Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)
Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Beside Camella homes Subd. Gate, sa Galas St, Brgy. Bignay.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P500 halaga ng shabu kay Menardo Denilla, 29, at Mark Alvin EStrella, 35, kapwa ng Galas St. Brgy. Bignay.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, marked money, P300 cash, dalawang cellphones at isang motorsiklo.
Nauna rito, bandang alas-11:30 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Joy St., Brgy. Punturin si Raymond Dinglasan, 38, at Ernesto Rodriguez, 51, matapos bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, marked money, P790.00 cash, dalawang cellphones at isang kulay green na Honda Civic (WCU-367). (Richard Mesa)
TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers para sa COVID-19 contact-tracing efforts.
Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa.
Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG regional directors na magtungo ang lahat ng DILG-hired contact tracers sa kani-kanilang mga rehiyon upang ibailik ang kanilang identification cards sa local government unit (LGU) sa pagtatapos ng kanilang kontrata noong December 31, 2020, Sa mga ito ayon sa DILG ay mas mainam na kumuha ng mga muling kailanagang 15,000 contact tracers dahil ang mga ito ay maga trained na. Kailangan na lamang na ma evaluate ang naging performance nito sa naging trabaho ng mga ito.
Samantala ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance unit na tukoy na nila ang may 143 na katao na nagkaroon ng close contact kay “patient zero” na unang tinamaan ng UK variant ng COVID19. Sinabi ni Dr, Rolly Cruz na 55 ay tinatawag na first generation close contacts o may 2 metro ang lapit mula kay patient zero ang exposure. Habang nasa 88 ang tinatawag na second-generation close contact na expose kay patient zero ng hindi lalapit sa dalawang metro.
Kaugnay nito ay hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang lahat ng taga- Kyusi na nanggaling sa abroad na sumailalim sa 14 day quarantine. Dahil ayon kay Mayor Belmonte na mas kailangan na maging maingat ang lahat lalo na at may UK variant na COVID-19 na na tayo. Patuloy pa ring nananawagan ang mayor na sundin pa rin ng mga health protocols. (RONALDO QUINIO)
Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.
Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.
Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung saan nanonood ng basketball game sa kanilang bahay ang tinaguriang “The Magician.”
Nakangiti pang sumigaw si Bata na okay lang daw siya.
Si Reyes ay huling lumabas sa billiard event noong 2019 SEA Games, kung saan nag-uwi siya ng bronze medal.
EXCITED si Matteo Guidicelli to be one of the hosts of Born To Be A Star, kasama si Kim Molina.
Matapos na maging judge sa katatapos lang na The Masked Singer Pilipinas ay sumabak naman agad sa pagiging judge ng reality competition si Matteo. Tila paborito ng Viva ang mister ni Sarah Geronimo dahil may bagong work agad ito.
Pawang magaganda ang boses ng sumasali sa Born To Be a Star para patunayan na deserving talaga sila magwagi.
Dito sa talent search na ito nadiskubre at nagwagi si Janine Tenoso na ngayon ay kinikilala bilang OST Princess.
“This show is very exciting,” wika ni Matteo.
“Lahat ng mga applicants ay magagaling so I am sure na mahihirapan ang ating mga judges na mamili kung sino ang winner.”
Masaya rin si Matteo na balik-trabaho sila ni Kim as hosts. Maganda raw ang naging bonding nila sa The Masked Singer kaya mas comfortable na sila working together sa reality-based singing competition.
Before pumasok sa showbiz si Matteo ay isa siyang popular na car racer. Pero tulad ng ibang showbiz newbie, hindi madali ang landas na kanyang dinaanan to be where he is now.
“There is no shortcut to success. Maraming pagdaraanan ang isang aspiring artist bago niya maabot ang success. There will be ups and downs.
“I should know because I went through the same way. Pero thankful ako sa mga taong tumulong sa akin along the way para marating ko what I have now. I would like to thank them for their never-ending support,” wika pa ni Matteo.
Kasama rin sa show bilang judges sina Andrew E, Teacher G (Georcelle Sy), Sam Concepcion at Katrina Velarde.
Labingwalo mula sa 40 na nag-audition will make it to the boot camp kung saan sasailalim sila sa training ng mga Star Mentors na sina Thyro, Mark Bautista at Wency Cornejo na kapwa experts sa pag-perform, pagsulat ng kanta at paggawa ng areglo ng musika.
Ang Star Judge na si Teacher G ay kasama rin sa pagtuturo para ma-develop ang stage presence ng mga kalahok.
Ang grand champion ay magwawagi ng P1 million pesos at recording and management contract sa Viva, ang undisputed star maker since 1981.
Magsisimula ang Born To Be A Star sa Enero 30, 2021, Sabado, 7 ng gabi sa TV 5.
***
MATAPOS mapanood at umani ng papuri sa mahusay niyang performance sa The Boy Foretold By The Stars ay muling mapapanood sa isang gay-themed movie ang guwapong actor na si Keann Johnson titled Run.
Ayon kay Direk Mel Magno, mas daring ang role ni Keann dito sa Run compared sa role niya bilang student na naging object of affection ng kanyang bading na classmate.
Magkaibang-magkaiba raw ang role ni Keann sa Run in terms of characterization compared sa TBFBTS.
Role na isang orphan who runs away from poverty ang papel dito ng guwapong si Kean.
Kung sa TBFBRS ay Inglesero ang karakter ni Keann (na bagay na bagay sa kanya), paano kaya ang acting na ipapamalas niya bilang isang mahirap na orphan sa Run?
Simula Enero 22, Biyernes ng 10:00 p.m., mapapanood ang BL movie na Run sa KTX sa halagang PHP199. Bida rito sina JR Versales (Seklusyon) at Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars). (Ricky Calderon)
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca.
Sa 2022 pa ani Roque ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin.
Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit suwerte na kung may makuhang kaunting bilang nito.
“Naku po talaga po, suwerte na tayo kung makakuha tayo ng kaunting supply ng AstraZeneca sa July, pero karamihan po ng deliver ng AstraZeneca ay 2022 pa. Kung kayo naman po ay malusog at handang mag-hintay, pupuwede po iyon. In fact, karamihan nang delivery sa mga LGUS, 2022 pa po iyon,” ani Sec. Roque.
Kaya nga ang paalala ni Sec. Roque, mas maiging hanggat maaga ay makabubuting magkaruon na ng proteksiyon lalo na’t may bagong variant na ng COVID 19.
Aniya pa, mayorya ng LGU dito sa Kalakhang Maynila ay lumagda na ng agreement sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm gayundin ang pamahalaan ng Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo at Ormoc.
“Ang pagbababala po natin, eh isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa ordinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, walang palitan ay magpabakuna na ano, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
Binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pang mabago ang mga kondisyon sa emergency use authorization (EUA) sakaling magpakita ng isyu sa kaligtasan ang isang vaccine product.
Pahayag ito ni FDA director-general Eric Domingo matapos mamatay ang 23 senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ayon kay Domingo, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Norway hinggil sa insidente.
Nakadepende aniya sila sa report ng kanilang counterpart sa Norway maging sa report ng kompanyang nag-develop ng bakuna.
Sakaling mapatunayang may adverse effect ang bakuna, sinabi ni Domingo na maaari nilang ilagay sa EUA na hindi maaaring gamitin ang bakuna sa mga matatanda at mga taong may severe allergies.
“Bago natin magamit ang bakuna na ‘yan, madadagdag po natin ngayon ‘yan doon sa ating mga contraindications na huwag siyang gamitin sa mga merong severe allergies at siguro possibly mga sobrang matatandang-matatanda,” sabi ni Domingo.
Kamakailan nang bigyan ng EUA ng FDA ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Sa panig naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., magiging maingat daw ang Pilipinas sa pagpili ng bakunang ituturok sa mga matatanda.
“Ang ating goal is zero casualty and as much as possible, very close watch,” wika ni Galvez.
Titiyakin din daw nila na hindi mauulit sa bansa ang nangyari sa Norway sa oras na magsimula na ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Nang marinig din daw nito ang balita, inihayag ni Galvez na kaagad itong nakipag-ugnayan kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa kanilang plano para sa pagtuturok ng bakuna sa mga matatanda.
“Sinabi namin na mas maganda ‘yung original plan namin na 18 hanggang 59 [years old] lang muna at hahanap tayo ng bakuna na pang-matanda talaga,” anang kalihim.
“Based sa initial report ng Norway, talagang delikado ‘yung 80 and above. So ‘yun ang talagang titignan natin lalo na ‘yung talagang may komplikasyon at talagang nakikita natin ‘yung mga frail. Kasi titignan natin din ‘yung risk and benefit ng bakuna natin,” dagdag nito.
Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon, at tinatayang nasa 50,000 Pinoy naman ang inaasahang matuturukan na ng COVID-19 vaccine sa susunod na buwan. (ARA ROMERO)
NABUKING ng Department of Justice (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon.
Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, Sr. Deputy State Prosecutor Richard Fadullon at Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinampahan ng maraming bilang ng kwalipikadong pagnanakaw, tangkang pagnanakaw, pandaraya na nauugnay sa cyber at sa computer sina Paul Ignacio, Michaelle Jones Velarde at Lymuel Seguilla.
Nakaresolusyon kay PSC Chairman Butch Ramirez na tumalima sa kaso kumilos naman kaagad nang matuklasan ang pandaraya sa pagpapasaklolo sa NBI, Solicitor General at Anti-Money Laundering Council (AMLC).
“It is a regrettable incident but it compelled us to fast-track upgrades and consider a second-look at existing processes,” pahayag niya. (REC)