• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2020

Malakanyang, ginagalang ang “fine remarks” ni US President Donald Trump

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GINAGALANG ng Malakanyang ang naging pahayag ni US President Donald Trump sa naging hakbang ng pamahalaan na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

 

Batay sa naging pahayag kasi ng US President, kung yun aniya ang pasiya ng pamahalaang Pilipinas, maraming salamat na lang at makakatipid pa sila ng malaki.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, natural lang ang mga gayung pahayag lalo’t sa tingin ng kabila ay maituturing na “unsatisfactory” ang naging hakbang ng pamahalaan patungkol sa VFA.

 

Kaugnay nitoy wala namang nakatakdang pag-uusap ang Pangulong Duterte at si President Trump na may kinalaman sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement.

 

Matibay aniya ang pani-nindigan ng Pangulo na panahon na para huwag tayong umasa sa kaninomang bansa kung pag-uusapan ay isyu na may kinalaman sa depensa. (Daris Jose)

300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).

 

Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.

 

Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng COVID-19 patient.

 

Katulong daw ng mga ito ang gobyerno sa pagmomonitor ng kanilang kondisyon.

 

Nago-opisina raw ang mga ito sa 43rd floor ng isang gusali.

 

Nananatili naman umano ang Singaporean government sa pangako nitong magsu-supply ng pagkain at pangangailangan ng mga apektadong residente.

 

Batay sa latest update ng pamahalaan, 47 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.

10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.

 

Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.

 

Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police Community Precinct 11, bigla na lamang umandar ng mabilis ang kulay itim na Toyota Fortuner at nasagasaan ang mga naglalakad. Inararo rin nito ang apat na motorsiklo, isang e-bike at 3 card ng mga vendor.

 

Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng 6 na babae at 4 na lalaki ay pawang dinala sa San Juan De Dios Hospital. Tatlo sa kanila ay malubha ang kondisyon.

 

Nasa presinto naman na ang driver ng SUV na si Allan Respecia na nagsabing bigla na lamang nag-accelerate ang kaniyang sasakyan.

 

Sinabi ni Soriano na malinaw na human error ang sanhi ng aksidente dahil sa halip na preno ay maaring silinyardor ng sasakyan ang naapakan ng driver.

 

Mahaharap si Respecia sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property (Daris Jose)

61 maritime school pasaway sa STCW, ipapadlak ng MARINA

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA 61 mula sa 91 maritime school sa bansa ang nakatakdang ipasara ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil hindi pag-comply sa standards ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watch keeping for Seafarers (STCW), na sumasaklaw sa maritime education, training at certification.

 

Ito ang sinabi ni MARINA-OI Administrator Narciso Vingson sa congressional hearing sa House of Representatives kasama ang mga miyembro ng Committee on Transportation.

 

Nadismaya at nagulat naman si Marino Partylist Rep. Carlo “Sandro” Gonzalez sa ibinulgar ng MARINA kung saan 2/3 sa kasalukuyang mga maritime schools sa bansa ang may rekomendasyon para sa ‘closure for non-compliance with the international standards’.

 

Ayon kay Gonzales, nadismaya ito nang marinig na may mga maritime institution na nag-o-operate sa bansa na “colorum” sa gitna ng preparasyon para sa darating na European Maritime Safety Agency (EMSA) audits na gaganapin sa Pebrero 24 hanggang Marso 13, 2020.

 

Aniya, ang kapabayaan ng panig ng MARINA ay maglalagay sa alanganin sa libu-libong trabaho ng mga seafarers.
“I am deeply disturbed that this only came to light now, when it was already known we have problems as early as 2006”, ayon pa kay Gonzales. “The fact that these schools were able to operate after several administrations without being caught points to a problem with the regulatory agencies, something that we need to address to maintain the credibility and competitiveness of Filipino seafarers around the world.”

 

Naniniwala pa si Gonzalez na ang Commission on Higher Education at MARINA ang may responsibilidad sa mga maritime school alinsunod sa Executive Order No. 63, Series of 2018.

 

Sinabi naman ni Marino Party-list Second Representative Macnell Lusotan na ang pagsasara ng two-thirds ng maritime schools sa bansa ay labis na makaaapekto sa abillidad na makapag-produce ng maraming sefarers, makakapekto sa kredibilidad ng lahat ng alumni sa Philippine maritime schools, at magdudulot din ng lamaking impak sa ekonomiya.

 

Kaugnay nito, nagharap na rin sina DOTr Secretary Arthur Tugade, kasama sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De Vera III, at Vingson upang pag-usapan ang mga hamon ng Philippines’ Maritime Higher Education Institution’s (MHEI) compliance sa STCW.

 

Sa pagpupulong, ang maritime regulators at kinatawan mula sa Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI) ay nagkasundo na magtulungan upang makamit ang full compliance sa mga kailangan ng EMSA, alinsunod sa pangako ni Secretary Tugade sa PAMI na magsimula ng mas mahusay na koordinasyon sa iba’t ibang mga stakeholders. (Gene Adsuara)

Ads February 14, 2020

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Teng pinuno na ng Alaska

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA simula nang unang upo ni Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska Milk, mababalasa rin ng tatahakin ang Aces.

 

Mga bagong dugo na ang inaasahang ipangkakanaw ng gatas sa papasok na buwang 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020.

 

Bubuksan ang all-Pinoy Conference sa Marso 8 na si Jeron Teng na ang magiging bagong lider ng koponan.
Ang 25-anyos ay fifth pick overall nitong 2017 buhat sa De La Salle University Green Archers.

 

“The plan is to revolve the team around Jeron,” pagbubunyag ni Board representative Richard Bachmann. “We expect big things from him.”

 

Nabalian si Teng sa unang bahagi ng nakaraang 2019-2020 Governor’s Cup – ang unang conference na hinawakan ni Cariaso, ang kampo mula kay Alexander Compton. Pagkabalik ng sophomore guard, nagpapanalo ang Alaska at nakarating pa ng playoffs pero muli siyang inabot ng injury sa tuhod at nasibak ang Aces sa quarterfinals.

 

“Jeron’s a big part of our future, so we’re gonna rely on him to be that solid three-guy,” reaksyon naman ni Cariaso. “When you’re the three, you’re expected to play both ends so that’s one thing he needs to kinda accept.”

 

Sumariwa o bumata ang lineup ng Alaska sa pagtapik nitong offseason kina rookies Barkley Ebonia, Jaycee Marcelino at Rey Publico. Binitawan si Simon Enciso pa-TNT para makuha si gunner Mike Digregorio.

 

Sasama ang mga ito kina Abu Tratter, Maverick Ahanmisi, Robbie Herndon at Rodney Brondial. Sina Herndon at Brondial ang mga nagbuhat sa Magnolia karelyebo ni Chris Banchero.

 

Malaki rin ang ang gagampanan papel nina veterans JVee Casio, Vic Manuel at Kevin Racal. Lalaro pa si Joachum Gunter ‘Sonny’ Thoss sa season-opening tournament bago magretiro.

 

Nakareserba pa sa prangkisang Uytengsu sina Jesper Ayaay, Gideon Babilonia at Abel Galliguez.

10 kilo ng marijuana huli ng PDEA sa terminal ng bus sa Kyusi

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang lalaki matapos na kunin nito ang pinadalang sa kanya na package sa isang terminal ng bus sa Cubao Q.C. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaretsong lalake na si Karlo Jose Pio Ricafrente tubong Albay pero naninirahan ngayon sa Maynila.

 

Ayon sa PDEA matagal na nila isinailalaim sa surveillane an gang naturang suspek at nang mag positibo na may kukunin na package ito na ipinadala sa isang bus terminal sa Cubao ay agad na nagkas ng operasyon ang mga ito.

 

Huli mula sa suspek ang kahon na may laman na 10 kilo ng dahoon ng pina tuyomg Marijuana namay street value na aabot sa P1.2-M. Tinakpan pa ng makapal na tela at may halomg ,ga kape ang kahon upang hindi umano mangamoy ang mgfa ito sa biyahe. Sa ngayon ay nasa kotodiya ng PDEA at sasampahan na ng kaukulang kaso. (Ronaldo Quinio)

Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.

 

Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian Cruz Balmaseda 2016.

 

Pangunahing tinalakay dito ang politikal na impluwensiya, ugnayan at tunggalian ng Estado, Simbahan, at prinsipalya sa prosesong elektoral – sa pagpili ng gobernadorsilyo. Sa kabuan, ang kanyang disertasyon ay pag-aaral sa kasaysayan at kultura ng pagpili ng pinuno sa mga bayan ng Lalawigan ng Tayabas mula 1846 hanggang 1898.
Nagtapos si Dr. Gilbert E. Macarandang ng doktorado sa Araling Filipinas (Philippine Studies) sa Pamantasang De La Salle-Manila. Sa kasalukuyan siyang nagtuturo ng kasaysayan sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas.

 

Pinagpupugayan ng KWF si Balmaseda bilang nangungunang makata, kritiko, at iskolar ng wika at kulturang Filipino. Naglingkod din siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa kilala bilang KWF ngayon.

 

Ang paglalathala at pagsusulat ng mga saliksik na nagtatampok sa paggamit ng wikang Filipino ay repleksiyon ng mataas na pagkilala hindi lang kay Julian Cruz Balmaseda kundi sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan.

 

Maaaring makabili ng kopya ng librong ito sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/P Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MGA ESTUDYANTE INARARO NG JEEP

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isang estudyante ang patay habang 7 pa ang sugatan nang masagasaan ng pampasaherong jeep sa JP Rizal, Makati City nitong Miyerkoles, Pebrero 12.

 

Ayon kay Makati Police Chief Rogelio Simon, dinala ang mga biktima sa Ospital ng Makati at Makati Medical Center.
Na-discharge na mula sa mga ospital ang 4 na estudyante, 2 mula sa Makati Medical Center at 2 mula sa Ospital ng Makati.

 

Under observation pa rin sa Ospital ng Makati ang 3 pang mga estudyanteng biktima.

 

Kinilala ang idineklarang namatay na si Jules Villapando.

 

Pawang mga mag-aaral ng Gen. Pio del Pilar National High School ang mga biktima.

 

Inilabas na rin ng Makati Police ang kuha ng CCTV sa aksidente. Sa video, tumatawid sa pedestrian lane ang grupo ng mga estudyante nang biglang inararo ng jeepney na minamaneho ni Rizaldy Sam-parong.

 

Sa imbestigasyon, sumalpok ang sasakyan sa mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalapit na kalsada. Sa lakas ng impact, tumilapon ang ilan sa mga biktima at agad silang sinaklolohan ng mga kaklase.

 

Ayon sa Makati Traffic Bureau, bandang alas 7:25 ng gabi nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Samparong.

 

Samantala, bukod sa pag-mamahaneho nang walang lisensiya, nagpositibo rin sa illegal na droga ang tsuper na nakasagasa ng mga tumatawid na estudyante. (Daris Jose)

C-Stand, NorthPort malakas – Ravena

Posted on: February 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1.

 

“Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and with Standhardinger. In fact, No. 1 center ngayon si Christian so hindi sila mahina.”

 

Tinuturo rin niya ang North Luzon Expressway at Magnolia Hotshots Pambansang Manok ngunit wala sa bokabularyo niya ang Barangay Ginebra San Miguel.

 

Nasa Road Warriors sina Joun Paul ‘Poy’ Erram, Michael Miranda, Raul Soyud at veterans Paul Asi Taulava at JR Quinahan.

 

Malalaki ng Hotshots sina Ian Sangalang, Jean Marc Pingris, Rafi Reavis at Kyle Pascual. Malakas rin ang San Miguel Beer kahit wala ang higanteng si June Mar Fajardo sa all-Pinoy na inoperahan sa alulod ang five-time MVP maaring mawala na buong season depende sa rehabilitasyon at rekober ng basketbolista.

 

Sakit ng ulo ng KaTropa ang kawala nang malaki, karamihan ay guards ang nasa roster na pam-back up kay Jayson Castro.

 

“Si Kelly (Williams) lang masasabing big namin,” panapos na pahayag kahapon (Huwebes) ni Ravena. “J-Wash (Jay Washington) is more of a 4. Baka si Troy (Rosario) ilalagay namin sa gitna. We’re not really big.” (REC)