• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA ESTUDYANTE INARARO NG JEEP

Isang estudyante ang patay habang 7 pa ang sugatan nang masagasaan ng pampasaherong jeep sa JP Rizal, Makati City nitong Miyerkoles, Pebrero 12.

 

Ayon kay Makati Police Chief Rogelio Simon, dinala ang mga biktima sa Ospital ng Makati at Makati Medical Center.
Na-discharge na mula sa mga ospital ang 4 na estudyante, 2 mula sa Makati Medical Center at 2 mula sa Ospital ng Makati.

 

Under observation pa rin sa Ospital ng Makati ang 3 pang mga estudyanteng biktima.

 

Kinilala ang idineklarang namatay na si Jules Villapando.

 

Pawang mga mag-aaral ng Gen. Pio del Pilar National High School ang mga biktima.

 

Inilabas na rin ng Makati Police ang kuha ng CCTV sa aksidente. Sa video, tumatawid sa pedestrian lane ang grupo ng mga estudyante nang biglang inararo ng jeepney na minamaneho ni Rizaldy Sam-parong.

 

Sa imbestigasyon, sumalpok ang sasakyan sa mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalapit na kalsada. Sa lakas ng impact, tumilapon ang ilan sa mga biktima at agad silang sinaklolohan ng mga kaklase.

 

Ayon sa Makati Traffic Bureau, bandang alas 7:25 ng gabi nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Samparong.

 

Samantala, bukod sa pag-mamahaneho nang walang lisensiya, nagpositibo rin sa illegal na droga ang tsuper na nakasagasa ng mga tumatawid na estudyante. (Daris Jose)