• November 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 14th, 2026

Christmas Tree Lighting, Food Fiesta & Christmas Bazaar, binuksan sa Valenzuela

Posted on: November 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-403 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Valenzuela, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian at Ms. Tiffany Gatchalian, kasama ang iba pang mga opisyal nito ang mga pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbubukas ng taunang Christmas Tree Lighting 2026 at Food Fiesta & Christmas Bazaar sa Valenzuela City People’s Park.

Ayon kay Mayor Wes, layunin nitong magdagdag ng saya at gawing mas makulay ang mga pagdiriwang ng Pasko ng Pamilyang Valenzuelano habang isinusulong din ang mga lokal na negosyo sa lungsod. (Richard Mesa)

3 wanted sa acts of lasciviousness, baril at 68 counts ng qualified theft, timbog

Posted on: November 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TATLONG most wanted persons kabilang ang 30-anyos na bebot na akusado sa 68 counts ng qualified theft ang naaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na operation sa Caloocan, Malabon at San Juan Cities.

Alas-2:30 ng hapon nang makorner sa 

Lapu-Lapu Street, corner Labahita Alley, Barangay Longos ng tumutugis na mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission ang 31-anyos na lalaki na akusado na nakatala bilang No. 5 Top Most Wanted Person sa Malabon City Police Station.

Inaresto siya ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa R.A 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 290, Malabon City noong October 14, 2026 para sa service of sentence.

Natimbog naman ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police Station at Macabebe Municipal Police Station, Pampanga Police Provincial Office sa Domingo Street, Barangay Pedro Cruz, San Juan City alas-7:10 ng gabi ang isang babae na wanted sa kaso ng 68 counts of Qualified Theft .

Binitbit siya ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 22, 2026, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 53, Manila, na may piyansa na kabuuang halagang P2,680,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa Caloocan, nakorner naman ng mga tauhan ni Caloocan Police Chie P/Col. Joey Goforth ang 27-anyos na helper na residente ng Brgy. 12 sa manhunt operation sa Brgy. 138 ng lungsod alas-4:10 ng hapon.

Dinakip siya ng mga operatiba ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 85, Caloocan City, noong February 26, 2025. 

Ayon kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, patuloy na pinaiigting ng NPD ang paghahanap at pag-aresto sa mga wanted na indibidwal upang matiyak na mananagot sa batas ang mga may kinakaharap na kaso. (Richard Mesa)

IMC, pormal nang binuksan para sa local at foreign journalist para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits

Posted on: November 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL nang binuksan ng Pilipinas ang International Media Center (IMC), araw ng Biyernes, layon na bigyan ang local at foreign journalist ng dedicated facility para sa pagko-cover ng 49th Association of Southest Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Sa katunayan, pinangunahan ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano ang pagbubukas ng IMC kasama sina Tourism Secretary Dita Angara-Mathay at ASEAN 2026 National Organizing Council Director-General Hellen de la Vega.

“This place was built for you. This place was built so you can do your jobs, do it well, do it comfortably,” ang sinabi ni Cayetano.

“To our guests, both Filipinos and foreign journalist, all of us here at the PCO and in government are here to serve, to help you do your jobs, together, let’s explain why our leaders are sitting across each other at the table,” aniya pa rin.

Ang pasilidad ay mayroong espasyo para sa press briefings, news filing at broadcast operations para suportahan ang mga mamamahayag na magko-cover ng high-level meetings.

Samantala, sinabi ni Imperial na asahan nang magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos Jr., sa 8 bansa na dadalo sa 49th ASEAN Summit.

Ang mga bansang ito ayon kay Imperial ay ang Estados Unidos, Japan, South Korea, Australia, Brazil at United Nation, Laos at India. ( DARIS JOSE)

PBBM, Trump magdaraos ng bilateral meeting sa 2026 ASEAN Summit

Posted on: November 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG magdaos ng bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos kasama si United States President Donald Trump sa panahon ng 49th ASEAN Summit.

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Dominic Xavier “Dax” Imperial, tagapagsalita para sa ASEAN Affairs na ang dalawang lider ay magpupulong sa sidelines ng summit.

“Meron pong pagpupulong bilaterally between the two leaders, si President Marcos po at si President Trump,” ang sinabi ni Imperial.

Si Trump ay nakatakdang dumalo sa ASEAN Summit sa November 17.

“Apart from his meeting with Trump, Marcos is also expected to hold several other bilateral meetings with visiting world leaders,” ang winika ni Imperial.

Sa kabilang dako, sinabi ng DFA na ang mga lider at delagado mula sa buong mundo ay ba-byahe patungong Pilipinas mula November 16 to 18, na may opening ceremony ng ASEAN Summit ngayong araw ng Biyernes, November 15.

Mula November 16 to 17, ang gobyerno ay magdaraos ng Related Summits o Plus One Summits.

“On 17 November, the President will also convene the 29th ASEAN Plus Three Summit and the 21st East Asia Summit, the premier Leaders-led forum for dialogue and cooperation on strategic, political and economic issues of common concern and interest in the region,” ang sinabi ng DFA.

“The President will also lead the Closing Ceremony and the handover of the ASEAN Chairship to Singapore. The day will culminate with the ASEAN-United States Special Summit to be attended by U.S. President Donald J. Trump,” ang sinabi pa rin ng departamento. ( DARIS JOSE)

PBBM, itinalaga si COA chair Cordoba bilang bagong SC associate justice

Posted on: November 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Commission on Audit (COA) chairperson Gamaliel Cordoba bilang bagong Supreme Court associate justice.

Papalitan ni Cordoba si Supreme Court Amy Lazaro-Javier, na nakatakdang magretiro sa November 16, 2026.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi pa ma-anunsyo ni Pangulong Marcos kung sino naman ang magiging kapalit ni Cordoba bilang COA chairperson.

Ayon kay Castro, ang pagtatalaga ng Pangulo ng opisyal sa ibang ahensiya ng gobyerno ay dahil sa nakitaan niya ito ng potensiyal para sa bagong tanggapan.

“Nakikita ng Pangulo sino ‘yung mga taong nararapat na makasama at manatili sa administrasyon. Nakikita niya kung ano ‘yung kanilang mga potensyal. Nakitaan niya ng kagalingan so ilalagay niya sa mga pwesto na mas kakailanganin pa ang kanilang galing,” ang winika ni Castro.

Sa kabilang dako, sa kanyang naging panahon sa COA nagsumite ang ahensiya ng 50 fraud audit reports sa Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure.

In-institutionalized din nito ang GPS-based geotagging ng lahat ng government infrastructure project sa buong bansa para siguruhin ang tamang beripikasyon ng kalagayan ng mga proyekto.

Nagtamo si Cordoba ng kanyang bachelor of arts in economics noong 1992 at juris doctor noong 1996 sa Ateneo de Manila University.

Pumasa siya sa Bar noong 1997 at bago pa magtrabaho sa gobyerno noong 2001, nagpraktis si Cordoba ng law sa isang private law firm at nagtrabaho bilang isang tax lawyer.

Nagsilbi rin si Cordoba bilang external auditor ng International Labour Organization at World Trade Organization.

Naging Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Supreme Audit Institutions para sa taong 2024 at 2025.

Nagsilbi rin si Cordoba bilang komisyonado ng National Telecommunications Commission sa ilalim ng apat na administrasyon mula 2009-2022.

Inaprubahan niya ang pagpasok ng Starlink sa isang record 30 minutes para dalhin ang satellite internet sa mga liblib na komunidad at nalansag ang text scams at online child sexual abuse material.

Ngayong taon, nakatanggap si Cordoba ng Gawad Gat Andres Bonifacio Award, itinuturing na mataas na pagkilala ng Lungsod ng Maynila.

Samantala, ang pagkakatalaga kay Cordoba ay bahagi ng pinakabagong batch ng pagbabago sa liderato sa ilalim ng administrasyong Marcos. ( DARIS JOSE)