• November 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 5th, 2026

PBBM, papangalanan ang bagong chief justice ngayong linggo- Malakanyang

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG pangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Supreme Court (SC) chief justice ngayong linggo, papalitan nito si outgoing Chief Justice Alexander Gesmundo.

“Ang lahat naman ng kanditato para maging chief justice ng Supreme Court may kanya-kanyang kagalingan, kanya-kanyang integridad, at ina-announce naman ‘yung susunod na chief justice this week. Hindi na natin pangungunahan ang ating Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nauna rito, inilabas ng Judicial and Bar Council (JBC), araw ng Huwebes, Oktubre 29, ang limang nominado para sa posisyon ng punong mahistrado ng Korte Suprema na papalit kay Gesmundo.

Kabilang sa shortlist sina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Associate Justice Japar B. Dimaampao, Associate Justice Rodil V. Zalameda at Associate Justice Jose Midas P. Marquez.

Batay sa liham ng JBC kay Pangulong Marcos isinumite ang mga pangalan kasunod ng deliberasyon ng konseho noong Oktubre 29. Ang limang nominado ay kabilang sa mga aplikanteng sumailalim sa panayam para sa posisyon.

Si Gesmundo ay nakatakdang magretiro nang sapilitan sa Nobyembre 6, 2026, sa edad na itinakda para sa compulsory retirement ng mga mahistrado. 

(DARIS JOSE)

PBBM, nais na matiyak na maaabot ng bawat barangay ang serbisyo ng gobyerno

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin na maabot sa bawat barangay ang serbisyo at oportunidad ng pamahalaan mula sa mga paaralan at kalsada hanggang sa trabaho at kabuhayan. 

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ito ang malinaw na mensahe ni Pangulong sa NTF-ELCAC na nakatakdang magsagawa ng kanilang 10th Executive Meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Ani Castro, pangungunahan ng Pangulo ang naturang meeting kasama ang ibang miyembro ng gabinete at ng mga opisyal ng NTF-ELCAC. 

Umabot na sa 5,638 barangays ang nakatanggap ng aabot sa P44.90B na halaga ng mga proyekto kabilang ang 978 classrooms, 1,601 km na farm-to-market roads, 1,182 water and sanitation systems at 556 health stations.

Napabuti aniya nito ang buhay ng aabot sa 16.8 million Filipinos. Sa ngayon, aabot na rin sa 33,381 barangays sa 62 provinces at 9 regions ang mayroong stable internal peace and security status. 

Ang pangangalaga aniya sa kalikasan ay isang mahalagang paraan ng pangangalaga sa buhay, kabuhayan at kinabukasan ng mga tao. 

“Isang malaking halimbawa rito ang Balanga City na nagpamalas ng husay sa pagpapanumbalik ng kalikasan dahilan upang maging handa ang mga residente sa epekto ng pagbabago ng klima. 

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Marcos na repasuhin at pagbutihin ang pagtugon sa Climate Change. 

“Noong nakaraan, malaking problema ng mga residente ang pagtaas ng tubig tuwing high tide, lalo na kapag may malakas na hangin o bagyo. Lumalala ang pagbaha dahil sa pagkasira at pagputol ng mga bakawan na dating nagsisilbing panangga ng baybayin,” ang sinabi ni Castro.

“Bukod dito, kumokonti na rin ang nahuhuling isda kaya naapektuhan ang kita ng mga pamilyang umaasa sa pangisda,” aniya pa rin.

Pero sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR sa pangunguna ni Secretary Juan Miguel Cuna, lokal na pamahalaan at mga mamamayan muling napangalagaan at naparami ang bakawan. 

Nagsisilbi na aniya ngayon ang mga ito bilang natural na proteksyon laban sa malakas na alon, storm surge, pagbaha at pagguho ng baybayin.

“Malinaw ang nais na ipakita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang imposible kapag nagtutulungan ang nasyonal at lokal na pamahalaan katuwang ang taumbayan,” diing pahayag ni Castro.

( DARIS JOSE)

DepEd, nakabili na nang mahigit 172K…MacBook Neo para sa mga guro, staff

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKABILI na ang Department of Education (DepEd) ng kabuuang 172,654 MacBook Neo laptops para sa mga public school teacher at administrative staff matapos makumpleto ang competitive bidding.

“For the longest time, our teachers have carried the heavy personal burden of buying their own laptops or maintaining outdated equipment just to keep up with lesson plans,” pahayag ni Education Secretary Sonny Angara. “Under the vision of President Marcos, we are changing the narrative.”

Ayon sa DepEd, kabilang sa nabili ang 169,008 unit para sa mga guro at 3,646 unit para sa administrative personnel. Nakuha ang bawat laptop package sa halagang P43,000, mas mababa ng P6,900 kaysa sa suggested retail price na P49,900.

May kasama ring limang taong warranty, built-in productivity tools, delivery at logistics services, at professional development training para sa mga tatanggap.

Nakatakdang simulan ngayong buwan ang distribusyon ng mga laptop at target itong makumpleto bago Marso 2027.

Samantala, plano pa ng DepEd na bumili ng mahigit 250,000 karag­dagang laptop para sa mga guro sa ilalim ng 2026 budget, bilang bahagi ng pangakong mabigyan ng laptop ang bawat public school teacher bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.

 (DARIS JOSE)

Ukol sa iregularidad sa kustodiya ng kongresista…VIP treatment kay Martin Romualdez sa BJMP at alegasyon ni Mon Tulfo pinabulaanan ng Malakanyang

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUO ang tiwala ng Malakanyang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kabila ng alegasyon ng veteran broadcaster na si Mon Tulfo kaugnay ng umano’y iregularidad sa kustodiya at espesyal na pagtrato kay dating House Speaker Martin Romualdez.

“Minabuti po talaga nating malaman ang katotohanan dito dahil hindi puwedeng ang isang tao o grupo ng tao ay mas lalamang sa ordinaryong tao,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“Pantay- pantay po dapat ang pagtrato kahit anuman ang posisyon mo, kahit anuman ang relasyon mo, kahit anuman ang kulay mo,” anito.

Sa ulat, lumabas sa paunang resulta ng beripikasyon ng BJMP na walang indikasyon ng pagkawala ng kuryente o pagkaantala sa mga CCTV camera ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.

Ikinasa ang imbestigasyon kasunod ng mga alegasyon ni Tulfo hinggil sa di umano’y iregularidad sa kustodiya at espesyal na pagtrato kay Romualdez.

Ayon sa pahayag mula kay BJMP Spokesperson at Jail Superintendent Jayrex Bustinera, wala ring naitalang paglabas ng pasilidad ni Romualdez sa panahong sinuri sa CCTV footage.

Matatandaang sinabi ni Tulfo sa isang Facebook post na pinapatay ang buong kuryente sa kulungan para masabing brownout, para hindi makuhanan ng CCTV ang umano’y paglabas at pagpasok ni Romualdez sa kulungan, gamit ang backdoor stairs at waiting ambulance pagbaba ng hagdan ayon umano sa kanyang source.

Samantala, binigyang-diin naman ng ahensiya na ipagpapatuloy nila ang nasabing imbestigasyon at bukas din ito sa pagtanggap ng impormasyon mula sa publiko, gayundin sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kaya ang mensahe ni Castro sa mga taga-BJMP ay huwag lumabag sa kanilang tungkulin.

At sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon, malaking tanong para kay Castro kung ano ang motibo ng mga ito.

“Ano po ba ang inyong nais, anong motibo? ang motibo rito ay sirain ang gobyerno, sirain ang mga ahensiya na tumutupad sa kanilang tungkulin. So, huwag po nating palabasin na ganoon dahil alam natin na si Speaker Romualdez ay isa sa “big fish” na tinututukan para malaman natin ang katotohanan,” ang sinabi ni Castro.

Winika pa nito na ang lahat ng may kaso sa ngayon ay hindi naman aniya nangangahulugan na ang lahat ng mga ito guilty. 

“Depende po ‘yan sa kanilang depensa para sirain ang ahensiya na nagbabantay kay Representative Martin Romualdez, huwag naman ninyong gawin kasi kasiraan din po iyan sa buong bansa. Kasi ang fake news na ginagawa ninyo, kapag hindi natugunan agad, lumalabas na totoo kahit hindi,” ang litaniya ni Castro. ( DARIS JOSE)

PDEA, BOC AT PNP NAKAKUMPISKA NG ₱1.36-B SHABU MULA SA LAOS SA MICP

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), at Philippine National Police (PNP) ang humigit-kumulang 200 kilo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyon sa Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Maynila, Miyerkules, Nobyembre 4, 2026.

Ang mga illegal na droga, na nakatago sa 200 vacuum-sealed plastic bags sa loob ng 50 karton na kahon, ay nagmula sa Laos.

Ang pagsamsam ay nangyari sa gitna ng heightened regional efforts laban sa transnational drug trafficking, kasunod ng pagharang sa 521 kilo ng shabu sa Laos. Ang parehong insidente ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng international intelligence-sharing at coordinated law enforcement operations sa paggambala sa mga cross-border drug trafficking network.

“This significant seizure demonstrates the importance of intelligence-sharing and close coordination with our international counterparts. Following the shabu seizure in Laos, this operation further highlights the need for stronger regional cooperation to prevent drug syndicates from exploiting international shipping routes to bring illegal drugs into our country,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.

Nakatanggap ang PDEA ng impormasyon mula sa mga foreign counterparts noong Setyembre 2026 tungkol sa isang pinaghihinalaang kargamento ng droga na patungong Pilipinas. Dumating ang container sa Manila North Harbor noong Oktubre 6, 2026 at sumailalim sa X-ray examination, K9 inspection, at pagsusuri gamit ang Raman spectrometer, walong araw pagkatapos. Nagresulta ito sa positibong resulta ng pagsusuri para sa shabu.

Matapos lumipas ang itinakdang panahon nang walang sinumang kumuha ng kargamento, ang kargamento ay sumailalim sa proseso ng pag-abandona at pagkatapos ay binuksan, na nagresulta sa pagkakatuklas at pagkumpiska ng mga illegal na droga.

Nagsasagawa ang PDEA ng mga imbestigasyon upang matukoy ang consignee at mga indibidwal na nasa likod ng kargamento para sa posibleng pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Section 4 (Importation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

Ads November 5, 2026

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Orientation sa cyber threat monitoring, isinagawa 

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINAGAWA ang orientation para sa Cyber Threat Monitoring Level 1 sa pangunguna ng Kaizen Tech at TESDA, katuwang si Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice.

Layunin nitong ipakilala ang kurso, talakayin ang mga bahagi ng pagsasanay, at bigyan ang mga interesadong kalahok ng gabay sa paglinang ng kasanayan sa cybersecurity.

Bahagi ito ng mga inisyatibong naglalayong maghatid ng dagdag na kaalaman at teknikal na kasanayan sa mga kabataan bilang paghahanda sa mga pangangailangan ng makabagong mundo ng trabaho. (Richard Mesa)

Photo 1 for Jemba in Action 

PCUP, ISINUSULONG ANG MALINAW AT MAKATAONG PAMANTAYAN SA PABAHAY AT RELOKASYON 

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYANG-PANSIN ng PCUP sa mga pagpupulong ng Local Housing Board (LHB), LCASSPS, at LIAC ang mga usaping hindi sapat na may nakahandang housing units; mahalaga ring matiyak na ang mga pamilyang lilipat ay kwalipikado at may access sa mga pangunahing serbisyong kailangan nila.

Nagbigay ng teknikal at patakarang gabay ang Komisyon tungkol sa paggamit ng Code of Policies sa patas at malinaw na pagpili ng mga benepisyaryo, gayundin ang Relocation and Resettlement Action Plan (RRAP) bilang gabay sa maayos at makataong paglilipat ng mga apektadong pamilya. Binigyang-diin din ni Laguna Area Coordinator Pamela Bianca Agres ang kahalagahan ng mga ito bago pagtibayin ng LHB ang mga kaukulang resolusyon.

Isa pang mahalagang usaping inilapit ng PCUP ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa mga relocation site. Dahil dito, hindi pa magamit ng mga benepisyaryo ang ilang natapos nang housing units, na habang natetengga ay nanganganib ding masira at masayang ang pondong inilaan ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales, patuloy na pinagtitibay ng Komisyon ang koordinasyon sa mga LGU at katuwang na ahensya upang maisulong ang pabahay at relokasyong hindi lamang nagbibigay ng tirahan, kundi nagtitiyak din ng ligtas, maayos, at marangal na pamumuhay para sa mga maralitang tagalungsod.

 (PAUL JOHN REYES)

EO sa class suspension, ilalabas ng Palasyo

Posted on: November 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGLALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order (EO) na magtatakda nang mas malinaw na patakaran kung kailan dapat isuspinde at ibalik ang mga klase sa mga paaralan.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na layunin ng EO na matiyak ang kaligtasan ng mga estud­yante habang napapanatili ang tuluy-tuloy na pagkatuto.

Ayon kay Castro, malaking kawalan sa mga mag-aaral ang bawat araw na hindi sila nakapapasok sa paaralan kaya mahalagang magkaroon ng maayos at angkop na sistema sa pagsususpinde ng klase.

Sa ilalim ng EO, bibigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na magpasya kung aling mga lugar o paaralan lamang ang dapat magsuspinde ng klase batay sa aktwal na sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

“Mas direkta ang aksyon, mas angkop ang tugon ng mga LGU,” ani Castro.

Magkakaroon din ng awtoridad ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Bukod dito, sinabi ni Castro na makatutulong ang EO upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga alternative learning arrangements.

Inatasan din ng Pangulo ang DepEd na gabayan ang mga paaralan sa pagpapatupad ng mga kaukulang alituntunin upang maging maayos at pare-pareho ang implementasyon nito sa buong bansa.