• November 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2026

Legacy Awards 2026…Honoring Legacies that Preserve Heritage, Inspire Communities, and Shape the Future

Posted on: October 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

FOR generations, the Filipino-Chinese community has played a vital role in shaping the Philippines through entrepreneurship, education, philanthropy, culture, and public service. Continuing this proud tradition are three distinguished Filipino-Chinese honorees whose unwavering commitment to excellence has strengthened communities, preserved heritage, and inspired future generations. Through their leadership in media, environmental stewardship, and cultural advocacy, they exemplify the enduring legacy of service, innovation, and nation-building that defines the Filipino-Chinese spirit.

Susan Lee

Outstanding Leadership in Philippine Horticulture and Living Arts

Susan Lee has dedicated her life to advancing horticultural excellence while promoting environmental conservation, education, and international collaboration. As President of the Philippine Orchid Society, she led the organization through its historic 80th Anniversary celebration and the successful staging of Flora Filipina Expo 2026, welcoming delegates from around the world and reaffirming the Philippines as one of the world’s premier centers for tropical orchid diversity and conservation.

Her leadership extends beyond orchids. As Vice President for External Affairs of the Bonsai and Suiseki Alliance of the Philippines and a member of the Board of Directors of Bonsai Clubs International, she has helped elevate Philippine horticulture on the global stage while inspiring future generations to appreciate the living arts and protect the country’s rich botanical heritage.

Derrick Yu

Architect of Cultural Bridges Through Philippine Creative Media

Derrick Yu has emerged as one of the new generations of cultural advocates committed to strengthening representation and promoting understanding through media and the arts. As founder of the Chinoy Actors of the Philippines ( CAP ), the Association of Foreign Actors and Models (AFAM), and Binondo Films, he has created platforms that celebrate diversity while opening doors for Filipino-Chinese artists, international talents, and creative professionals.

His vision extends beyond storytelling. Through Binondo Films, Derrick seeks to preserve Filipino-Chinese heritage by producing films that celebrate identity, faith, community, and history. At the same time, his advocacy for meaningful industry reforms contributed to the filing of House Bill No. 9210, promoting a more transparent and equitable work permit system that supports international collaboration while protecting opportunities for Filipino artists.

Guided by his Christian faith and a passion for service, Derrick believes that media is more than entertainment, it is a bridge that connects cultures, preserves heritage, and inspires positive change. His work reflects a commitment to building a more inclusive and globally connected Philippine creative industry.

SENIOR CITIZENS PARTYLIST, PUMALAG SA PAGDAKIP NG VETERAN MEDIAMAN

Posted on: October 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARIING pinalagan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes ang ginawang pagkaka aresto sa beteranong mamamahayag at 72 anyos na si Philip Lustre sa isang restaurant kamakailan sa Quezon City.

Ayon kay Ordanes, hindi tama at hindi makatwiran ang ginawa ng pulisya ng biglaing dakpin ang naturang matandang mamamahayag at hindi man lamang pinaalam kung sino ang nagsampa ng kaso kung kayat nabigla ang veteran journalist.

Si Lustre Jr. ay dinakip ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 bandang alas-11:10 ng umaga sa Dapo Restaurant sa naturang lungsod sa kasagsagan ng news forum, na isinasagawa tuwing Sabado sa Scout Borromeo Street.

Ani Cong. Ordanes hindi man lang binigyang konsiderasyon ng pulisya si Lustre sa kabila ng pagiging senior citizen nito.

Handa namang makipag kooperasyon ang beteranong mamamahayag anuman ang kanyang kinakaharap na kaso.

Inaresto ng pulisya si Lustre sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 10 sa Davao City sa kasong cyber libel.

Itinakda ng korte ang piyansa ni Lustre sa halagang P48,000 sa kasong cyberlibel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 subalit agaran namang nakapag piyansa nung gabing iyon sa tulong ni Atty. Dino de Leon na siya ring tumayong abugado nung araw na iyon.

Sinabi ni Lustre habang nasa media forum na wala siyang alam sa reklamong libel o cyber libel at nabulaga na lang nang dumating ang mga pulis at dakpin siya.

Idinagdag pa ni Cong. Ordanes na naka suporta ang Senior Citizens Partylist sa kanyang laban matapos ang naganap na pandarakip sa naturang beteranong mamamahayag.

Si Lustre ang may akda ng aklat na “Kill, Kill, Kill” na tumatalakay sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa kaugnay ng “crimes against humanity” sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (PAUL JOHN REYES)

Number coding, suspendido sa Nobyembre 2

Posted on: October 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUSPENDIDO ang number coding scheme sa Metro Manila sa Lunes, Nobyembre 2, dahil sa paggunita ng All Souls’ Day na idineklarang special non-working holiday, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, awtomatikong walang number coding tuwing regular at special non-working holidays.

Samantala, nagsagawa ng inspeksiyon ang MMDA, sa pangunguna ni Chairman Atty. Don Artes, sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City, upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas 2026. Kabilang sa mga sinuri ang Five Star, Baliwag Transit at Genesis Transport Services.

Nakiisa sa inspeksiyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagsagawa ng random drug testing sa mga bus driver. Nag-deploy din ang MMDA ng mga traffic enforcer mula sa EDSA Special Traffic and Transport Zone (STTZ) upang makatulong sa pamamahala ng trapiko sa paligid ng mga terminal.

Nakaantabay naman ang MMDA-Road Emergency Group (REG) upang rumesponde sa mga biyaherong mangangailangan ng tulong medikal.

Ads October 31, 2026

Posted on: October 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Kelot, arestado sa baril sa Caloocan

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa kalaboso ang 34-anyos na kelot nang mahuli sa aktong hinihimas-himas ang hawak na baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Section 28 ng R.A. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrulya ang mga operatiba ng East Bagong Silang Police Sub-Station 13 dakong alas-3:05 ng madaling araw sa Brgy. Bagong Silang nang matiyempuhan nila sa isang eskinita ang suspek habang libang na libang na hinihimas ang hawak na baril.

Nagulat pa ang suspek at tinangkang itago ang baril nang bumulaga sa harapan niya ang mga pulis na kaagad namang kinumpiska ang hawak niyang kalibre .22 na revolver na kargado ng isang bala.

Pinosasan ng mga pulis ang suspek nang mabigong magpakita ng liseniya o dokumento na magpapatunay na legal ang pag-iingat niya ng baril. (Richard Mesa)

PBBM, pinangunahan ang pagpapasinaya sa manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines, Inc. sa Laguna

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa sa manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines, Inc. sa Laguna.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw ang mensahe ng Pangulo na ang pagbubukas ng planta ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na infrastructure industry at mas malinis na transportasyon sa bansa. 

Iyon ay dahil sa inaasahang makakagawa ito ng humigit-kumulang 12,000 tricycle kada taon, kabilang na ang mga electric at internal combustion engine o mga ICE motorcycles.

Ngunit higit pa sa bilang ng mga sasakyang magagawa, ang tunay na halaga ng proyektong ito ayon kay Castro ay ang mga buhay na maaari nitong mabago. 

Sa mahigit 3,000 trabaho, sinabi ni Castro na inaasahang mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kumita, matutustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at pangarap na mas magandang kinabukasan. 

Kasabay nito, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga lokal na negosyo na maging bahagi ng produksyon sa pamamagitan ng pagsusuplay ng mga piyesa at materyales.

“Gayunman, ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa dami ng produktong na gagawa o sa laki ng pamumuhunang ipapasok, mas mahalaga kung gaano karaming Pilipino ang nakikinabang at kung gaano katagal ang positibong epekto nito sa kanilang buhay,” ayon kay Castro.

“Tandaan po natin na ang bawat trabahong nalilikha ay pangarap na nagbibigay ng pagkakataon. Ang bawat lokal na negosyong umuunlad ay pamilyang nagkakaroon ng pag-asa. At ang bawat hakbang tungo sa mas malinis na transportasyon ay pamumuhunan para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang diin pa ni Castro na nais na iparating ng Pangulo na ang pag-unlad na may puso, pag-unlad na hindi lamang para sa ekonomiya kung hindi para sa bawat pamilyang Pilipino.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng Minimum Access Volume o MAV ng inaangkat na mais mula 220,000 metric tons hanggang sa 500,000 metric tons para sa taong 2026 sa ilalim na Executive Order No. 129. 

Layunin itong matugunan ang inaasahang kakulangan sa supply ng mais, mapatatag ang presyo ng feeds para sa mga alagang hayop at manok, at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng baboy at poultry products

Tinatayang magkakaroon ng yellow corn deficit na aabot sa 1.422 million metric tons mula Marso hanggang Disyembre ngayong taon.

Kabilang sa mga dahilan nito ang limitadong lokal na produksyon, pagtaas sa gastos sa pagsasaka at transportasyon, at mga panganib na dulot ng panahon kabilang na ang Super El Niño. 

Dahil dito, may karagdagang 280,000 metric tons ng mais ang maaaring iangkat bilang pansamantalang pandagdan sa lokal na supply.

Makikinabang dito ang mga kuwalipikadong gumagawa ng feeds, mga magsasaka, at mga kooperatiba at asosasyong gumagawa ng sariling feeds para sa kanilang mga alagang hayop at manok.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan din ang MAV Management Committee na maglabas ng mga alituntunin sa loob ng 30 days upang matiyak ang patas at malinaw na pamamahagi ng karagdagang importasyon.

Nilagdaan ang kautusan noong October 26 at magkakabisa ito matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon. ( DARIS JOSE)

Sa likod ng rehas, may pag-asang makapagsimula ang mga PDLs- Malakanyang 

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“SA likod ng mga rehas, may pag-asang muling makapagsimula at magbagong buhay.”

Ito ang pinatunayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang mensahe sa ika-32nd National Correctional Consciousness Week, araw ng Miyerkules sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Dito, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng pamahalaan na mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang mga Persons Deprived of Liberty o mga PDLs sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay sa kasanayan, programang pangkabuhayan, legal assistance at rehabilitasyon.

“Nakita na rin po ang halaga nito noong bumisita ang Unang Ginang Liza Marcos, isang abogado, sa New Bilibid Prison kung saan halos 900 ang nabigyan ng libreng serbisyong legal, pati na ang serbisyong pangkalusugan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

At sa ilalim aniya ng anim na Mandatory Reformation Programs ng Bureau of Corrections, inihanda ang mga PDLs sa kanilang pagbabalik sa pamilya at lipunan. Baon nila sa pagbabalik ang tig-10,000 pesos financial assistance mula sa DSWD sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng departamento.

Ang TESDA ay magbibigay din ng skills training sa pamamagitan ng kanilang scholarship vouchers.

“Ngunit, mahalagang tandaan, ang pangalawang pagkakataon ay hindi nangangahulugang kalimutan ang pagkakamali. Ito ay pagkakataong patunayan na kaya pang itama ang mga pagkakamali. Kung nagkamali, panagutan, huwag tumakas, huwag tumakbo, at magsilbing aral ito tungo sa pagbabago. Dahil ang tunay na pagbabago ay hindi lamang nasusukat sa paglaya mula sa bilangguan, kung hindi sa kakayahang mamuhay nang tama kapag muling nabigyan ng pagkakataon,” litaniya ni Castro.

Kaya nga aniya, tiwala si Pangulong Marcos na sa bawat pagbubukas ng bagong planta, hindi lamang mga makina ang nagsisimulang umandar kung hindi kasama na rito ang pag-asa ng libu-libong pamilyang Pilipino. (DARIS JOSE)

Grimes, Sexton nanguna sa panalo ng Lakers kontra Clippers

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULA sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa score na 136-129 sa Portland Trail Blazers, agad na nakabawi ang Lakers matapos dominahin ang laro sa Los Angeles Clippers, sa score na 103-87.

Sa kabila ng pagkawala ni Luka Doncic, ipinakita ng Lakers ang kanilang galing ng kanilang mga roster players sa pangunguna nina Quentin Grimes at Collin Sexton upang makuha ang ikaapat na panalo sa limang laro ngayong season at maitala ang 4-1 standing.

Nanguna si Grimes para sa Lakers sa naitalang 23 points, habang nagdagdag naman si Sexton mula sa bench sa pamamagitan ng season-high na 21 puntos. Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 puntos at si Matisse Thybulle ng 15 puntos, kabilang ang tig-apat na three-point shot nina Sexton at Thybulle.

Maagang nagpakita ng magandang laro ang Lakers at nagtapos sa unang quarter na may 25 points laban sa 22 points ng Clippers.

Lalo pang lumaki ang kalamangan ng Lakers sa ikalawang quarter matapos dominahin ang kanilang kalaban, 31-16, nagtapos ang firts half na may kalamangan ang Lakers ng 18, sa score na 56-38.

Susunod na haharapin ng Lakers ang Golden State Warriors sa Biyernes para sa pagsisimula ng kanilang group-stage campaign sa NBA.

Sixers, tagumpay sa panibagong 4th-quarter comeback, 114-109

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAGUMPAY ang Philadelphia 76ers sa panibago nitong 4th-quarter comeback kasunod ng panalo kontra Indiana Pacers, 114-109.

Hawak kasi ng Pacers ang 13-point lead sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit pinilit itong habulin ng Sixers sa pangunguna ng sharpshooter na si Tyrese Maxey.

Hindi naman napigilan ng Pacers ang clutch offense ng Pacers at 50 secs bago matapos ang laban, naungusan na ng Sixers ang Pacers, 109-106 sa tulong ng clutch 3 ni Maxey.

Sinundan pa ito ni Maxey ng isang 3 points at dinala ang score sa 112-106, 40 seconds bago matapos ang laban.

Sa kabuuan ng 4th quarter, nagbuhos ng 39 points ang Phila habang 21 points lamang ang naiganti ng Pacers – daan upang tuluyang mabura ang deficit.

Maliban kay Maxey, gumawa rin ng 21 points ang bigman na si Joel Embiid, kasama ang 11 rebounds, habang 20 points at sampung rebounds ang ambag ng bagong Phila forward na si Jaylen Brown.

Nagkasya naman sa 26 points at 11 rebounds ang dating NBA champion na si Pascal Siakam, sa loob ng 34 mins na kaniyang paglalaro sa hardcourt.

Hawak na ng Sixers ang 4-1 na kartada habang 2-3 ang win-loss record ng Pacers.

Curry gumawa ng 44 points sa panalo ng Warriors kontra Wolves, 119-114

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING gumawa ng 40-point performance ang 38-anyos na NBA star na si Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors sa Minnesota Timberwolves.

Naipasok ni Curry ang 11 mula sa 27 attempts, kung saan anim dito ay pawang mga 3-pointer. Perfect din ang score ni Steph sa free throw line at naipasok ang lahat ng 16 free shots na iginawad sa kaniya sa kabuuan ng laban.

Umabot pa sa 24 points ang kalamangan ng Warriors sa kalagitnaan ng laban hanggang sa tuluyang nakabawi ang Minnesota sa 3rd quarter.

Pinilit pa ng koponan na burahin ang lahat ng deficit sa huling quarter ngunit hinigpitan ng Warriors ang depensa sa clutch time, sa pangunguna nina Steph at rookie na si Yaxel Lendeborg na kumamada ng 26 points at siyam na rebounds.

Sa pagkatalo ng Minnesota, nanguna sa opensa ng nito ang dating Golden State forward na si Jonathan Kuminga na kumamada ng 20 points, limang assists, at dalawang steal.

Nalimitahan lamang sa isang puntos, apat na rebounds, at isang steal ang sentro ng Wolves na si Rudy Gobert, habang walong puntos ang ambag ng guard na si LaMelo Ball.

Sa kabuuan ng laban, kontrolado ng GS ang depensa at lumamang ang koponan sa lahat ng defensive metrics tulad ng steals, blocks, at rebounds.

Ang magandang depensa ang naging puhunan ng koponan sa kabila ng mas mababang overall shooting percentage na umabot lamang sa 43.8% kumpara sa halos 45% ng Minnesota.