• October 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2026

Ads October 22, 2026

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Naganap na smuggle attempt ng shabu shipment nakatakdang dinggin sa Kamara

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG humarap sa pagdinig ng Kamara sina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez hinggil sa ₱3.5 billion halaga ng shabu na nakumpiska sa Laos papuntang Pilipinas.

Ayon kay Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ipapatawag din ang sampung mga opisyal ng gobyerno at alamin ang pangyayari sa naganap na smuggle attempt ng shabu shipment.

 “The briefing will focus on verified facts, the status of ongoing investigations by concerned agencies, the basis for establishing any Philippine connection to the shipment, and measures to prevent the entry of illegal drugs and combat related transnational criminal activities,” sabi ni Santos.

Naunang binanggit ni Remulla si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang na financier umano ng drug shipment.

Kinilala rin ni Remulla ang isang Police Executive Master Sergeant Aileen Mendoza ng Philippine National Police Aviation Security Group na may kaugnayan sa shipment. Inayos umano ni Mendoza ang arrival procedures ng eroplano na magdadala sana ng droga sa bansa.

Naunang napaulat na nadiskubre ang droga sa Luang Prabang International Airport sa Laos habang ikinakarga ito sa isang Learjet 55B papuntang Manila.

 “We will follow the evidence wherever it leads. No one should be beyond scrutiny when the objective is to protect the public from the illegal drug trade. At the same time, allegations must be examined fairly, and every individual must be given the opportunity to respond,” giit ni Santos. 

(Vina de Guzman)

Ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan, inihain ng 10 mambabatas

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAIN ng sampung mambabatas sa Kamara, Miyerkules (Oktubre 21) ang isang resolusyon na humihikayat sa Pangulo na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan.

Sa House Resolution 1562, hinikayat pa ng mga mambabatas ang presidente na ipa-recall ang opisyal ng gobyerno ng China.

Kabilang sa mga awtor ng resolution ay sina Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong, Lanao del Sur 1st District, Rep. Adrian Michael A. Amatong, Zamboanga del Norte 3rd District. Rep. Kaka Bag-ao, Dinagat Islands, Rep. Percival V. Cendaña, Akbayan Partylist, Rep. Leila M. De Lima, ML Partylist

Rep. Jose Manuel Tadeo “Chel” I. Diokno, Akbayan Partylist, Rep. Dadah Kiram Ismula, Akbayan Partylist. Rep. Cielo Krisel Lagman, Albay 1st District. Rep. Karl Fernandez Legazpi, PINOY WORKERS Partylist at Rep. Mark Anthony G. Santos, Las Piñas.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa, ngunit iginiit na hindi ito gagawin ng Beijing dahil nais nitong mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

(VINA de GUZMAN)

PCG, NAGLATAG NG OPLAN BIYAHENG AYOS UNDAS 2026

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INATASAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 coast guard districts na paigtingin ang maritime safety and security operations sa ilalim ng programang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026” na ipatutupad mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Ito ay dahil inaasahang aabot sa dalawang milyong pasahero ng barko ang dadagsa sa panahon ng Undas.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, sakop ng nationwide operation ang mga pangunahing pantalan, waterways, beach resorts at iba pang maritime tourist destinations na inaasahang makararanas ng dagsa ng pasahero.

Dagdag pa ni Cayabyab, magsasagawa sila ng komprehensibong vessel safety and security inspections upang maiwasan ang overloading at magsasagawa rin ng maritime patrols upang matugunan ang posibleng banta sa kaligtasan ng mga pasahero .

(Gene Adsuara)

Magkasintahan, hinoldap ng 2 riding-in-tandem sa Caloocan 

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa P100K halaga ng pera, gadgets at personal na mga gamit ang natangay sa magkasintahan matapos holdapin ng apat na armadong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, naglalakad pauwi ang 22-anyos na college student at 20-anyos niyang working student na kasintahan dakong alas-2:20 ng madaling araw sa San Diego St. Brgy. 88 nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Sapilitang inagaw ng mga suspek na armado ng baril at patalim ang bag na dala ng lalaki na kinalalagyan ng mamahaling gadget, cash, at personal na gamit na aabot sa halagang P100,000.00 bago tumakas patungong 11th Avenue.

Nagtamo naman ng sugat sa braso, tuhod, at kamay ang magkasintahan matapos hindi kaagad nila ibigay ang bag na dahilan upang gamitan sila ng dahas ng mga suspek.

Miyerkules ng umaga ng Oktubre 21 nang magsumbong ang mga biktima sa pulisya matapos magpasiyang umuwi muna dahil sa sinapit na trauma at magpagaling na rin ng tinamong mga sugat.

Pinag-aaralan na ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang kuha ng CCTV ng barangay na nakahagip sa pangyayari para matukoy ang pagkakakilanlan at agad madakip ang mga suspek. (Richard Mesa)

3 kawatan, timbog sa Malabon 

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang tatlong kawatan na nanloob sa bahay ng 62-anyos na biktima nang masakote ng pulisya at barangay tanod sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili Kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, nakita ng 46-anyos na parking attendant ang pagsakay ng tatlong suspek sa isang makeshift banca para tumawid ng ilog patungo sa bahay ng biktima sa C. Arellano St. Brgy. Ibaba dakong alas-7:00 ng gabi.

Naghinala na ang testigo kayat inabangan niya ang gagawing ng tatlo hanggang makita niyang umakyat sa rooftop ng bahay ng biktima at nang lumabas ay bitbit na ang mga ninenok na gamit.

Kaagad ipinaalam ng saksi sa barangay tanod at pulisya ang nasaksihan na mabilis namang nagsagawa ng operation na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa mga kawatan na may edad 29, 37, at 38.

Nabawi ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission sa mga suspek ang mga tinangay nilang power tools at personal na gamit ng biktima na umaabot sa halagang P54,739.00 na inilagay nila sa maleta at duffel bag.

“Through visible patrols, vigilant residents, and close coordination with barangay tanods, we will strengthen community partnerships to prevent crime and keep our neighborhoods safe,” pahayag ni BGen. Abrahano. (Richard Mesa)

20% DISCOUNT SA SENIORS, IBIGAY KAHIT MAY PROMO – CONG. ORDANES

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAALALA si Senior Citizens Partylist Cong. Rodolfo Ompong Ordanes kaugnay sa dumaraming reklamo sa hindi pagbibigay ng 20 porsiyentong discount sa mga senior citizens kahit mayroon itong promo.

Ito ang naging pahayag ni Cong. Ordanes kasunod ng kanyang inihaing House Bill 00428 na naglalayong malinawan ang pagbibigay ng mga establishments ng 20 porsiyentong diskwento sa mga nakatatanda kahit pa mayroon ang mga ito ng promotional offers.

Agad pinalagan ni Cong. Ordanes ang mga napapaulat ng pagtanggi na mabigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga seniors matapos malaman nito sa kanyang tanggapan sa tuwing may ugnayan o dayalogo ito sa sektor ng nakatatanda kung saan madalas aniyang nakakaranas na tanggihan ang mga seniors kahit pa nasa batas ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento.

“We maintain that senior citizens must continue to enjoy their statutory 20 percent discount and value added tax (VAT) exemption, even when promotional offers are available,” mariing pagayag ni Cong. Ordanes.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi katanggap tanggap ang ganitong uri na nararanasan ng mga senior citizens kaugnay ng pagkait sa kanila ng malalaking establishments na mapagkalooban ng 20 porsiyentong diskwento gayong malinaw sa umiiral na batas Republic Act 9994 o mas kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na kinakailangang pagkalooban ng 20 porsiyentong discount ang mga nakatatanda kapag itoy bumibili ng mga pagkain sa restaurants, hotels at iba pang tuluyan.

Bukod pa rito, sakop din ayon sa kongresista ang pagbibigay ng 20 diskwento sa tuwing sumasakay ang mga ito ng pampublikong sasakyan gaya ng eroplano, barko, bus, jeep, taxi o tren.

Ilan pa sa sakop ng batas ay ang pagbili ng mga gamot, bitamina, panunuod ng concert, teatro at iba pa.

Matagal ng kilala si Cong. Ordanes ng Senior Citizens Partylist bilang tagapagtanggol ng mga lolo’t lola sa pagtaguyod ng kanilang mga karapatan kung kayat hindi aniya dapat palampasin ang mga hindi tumatalima sa karapatan ng sektor ng mga nakatatanda.

 (PAUL JOHN REYES)

4,500 pulis ikakalat ng QCPD sa Undas

Posted on: October 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA 4,500 pulis ang ikakalat ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 para matiyak ang seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, kabilang sa babantayan ng mga pulis ang anim na sementeryo, 26 columbarium, mga terminal at iba pang matataong lugar.

Bukod sa mga pulis, magpapakalat din ang QCPD ng 18 drone squadron upang subay­bayan ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Maglalagay rin ng mga assistance desk at first aid station sa mga sementeryo para sa mga bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, sinabi ni Dexter Cardenas, hepe ng QC Traffic and Transport Management Department, na nakahanda na rin ang Oplan Kaluluwa ng lokal na pamahalaan. Magtatalaga ng mga traffic enforcer sa mga lansangan malapit sa mga sementeryo at terminal, habang nakaantabay ang mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Department para sa mga emergency.

Magpapatupad din ng rerouting sa mga lansangang dinaraanan ng mga motorista patungo sa mga sementeryo at columbarium kung kinakailangan. Hinikayat naman ang publiko na tumawag sa 24/7 hotline 122 ng Quezon City government para sa agarang tulong sa oras ng emergency.