• October 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan, inihain ng 10 mambabatas

INIHAIN ng sampung mambabatas sa Kamara, Miyerkules (Oktubre 21) ang isang resolusyon na humihikayat sa Pangulo na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan.

Sa House Resolution 1562, hinikayat pa ng mga mambabatas ang presidente na ipa-recall ang opisyal ng gobyerno ng China.

Kabilang sa mga awtor ng resolution ay sina Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong, Lanao del Sur 1st District, Rep. Adrian Michael A. Amatong, Zamboanga del Norte 3rd District. Rep. Kaka Bag-ao, Dinagat Islands, Rep. Percival V. Cendaña, Akbayan Partylist, Rep. Leila M. De Lima, ML Partylist

Rep. Jose Manuel Tadeo “Chel” I. Diokno, Akbayan Partylist, Rep. Dadah Kiram Ismula, Akbayan Partylist. Rep. Cielo Krisel Lagman, Albay 1st District. Rep. Karl Fernandez Legazpi, PINOY WORKERS Partylist at Rep. Mark Anthony G. Santos, Las Piñas.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa, ngunit iginiit na hindi ito gagawin ng Beijing dahil nais nitong mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

(VINA de GUZMAN)