• September 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 29th, 2026

Malabon LGU, naglaan ng 5 “Libreng Sakay vehicles para sa 3 araw na transport strike

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng pitong sasakyan at response assets, kabilang ang limang sasakyang nakalaan para sa “Libreng Sakay” upang tulungan ang mga commuter at tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa nakatakdang tatlong-araw na nationwide transport strike mula Setyembre 28 hanggang 30.

Bahagi ito ng pinag-ugnay na mga hakbang pang-emerhensiya ng Lungsod sa pangunguna ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO), katuwang ang mga kinauukulang departamento ng lungsod, mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga barangay, at local transport groups.

“Ngayong mayroon na naman pong isinasagawang tigil-pasada, prayoridad natin ang kapakanan ng ating mga kapwa Malabueño upang masiguro na makakarating sila sa kanilang mga paroroonan nang maayos at ligtas. Patuloy ang koordinasyon at pakikipagtulungan natin sa mga transport groups sa lungsod, kasabay ng paghahanda natin ng Libreng Sakay para sa ating mga kababayan. Mag-iingat po ang lahat,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

Ang nasabing mga sasakyan ay i-deployed sa mga lugar kung saan may napaulat na stranded na mga pasahero na mahigpit na babantayan ng PSTMO, partikular sa mga kalsadang malapit sa Malabon City Hall, Hulong Duhat, Concepcion, Acacia-Palengke, Panghulo-Tatawid, Catmon-Francis, Potrero-Del Monte, at C-4 Road/Letre.

“Nakahanda ang ating mga tanggapan at katuwang na ahensya upang agad na makapagbigay ng tulong sa ating mga Malabueño na maaaring ma-stranded dahil sa transport strike. Nakaposisyon na ang mga sasakyan at response teams, habang patuloy ang monitoring sa mga lugar na maaaring magkaroon ng crowd build-up. Mahalaga ang mabilis na koordinasyon ng bawat tanggapan upang masiguro ang maayos at ligtas na pagbiyahe ng ating mga kababayan,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander T. Rosete.

Nakipag-ugnayan din ang Pamahalaang Lungsod sa PNP, BFP, MMDA, at mga barangay upang palakasin ang monitoring, security, emergency response, at pagpapalaganap ng impormasyon sa loob ng tatlong-araw. (Richard Mesa)

Biyuda, isinelda sa drug paraphernalias sa Valenzuela 

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DINAKIP ng pulisya ang 40-anyos na biyuda nang makuhanan ng mga drug paraphernalia sa loob ng bahay kung saan iniulat ang pagkamatay ng 69-anyos na lolo sa Valenzuela City, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili, alas-5:30 ng hapon nang humingi ng tulong sa Police Sub-Station 8 ang 60-anyos na si alyas “Romy” matapos madatnan niya ang bangkay ng kanyang nakatatandang kapatid sa bahay nito sa Villa San Jose St. Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa.

Nang magtungo sa lugar sina P/MSg Nordan Damiar at P/SSg Rafaelito Santos, nadatnan nila ang nakahandusay na bangkay ng biktimang si alyas “Jordan” habang namataan nila ang biyudang si alyas “Jonalyn” na nakaupo sa sofa at sa harap nito ang mga drug paraphernalia na nakapatong sa mesa na dahilan para siya arestuhin.

Bago nadiskubre ang bangkay ay narinig pa ng kanilang kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng biktima at ni alyas Jonalyn bagama’t wala namang nakitang senyales na may nangyaring karahasan at wala ring anumang sugat sa katawan na nakita ang pulisya sa bangkay 

May rekord naman ang puilsya na nagpapatunay na inaresto na nila noon ang nasawi sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at sumasailalim din ito sa pagpapagamot sa Mental Hospital sanhi ng sakit sa pag-iisip.

Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay habang gagamitin namang ebidensiya ng pulisya ang nakumpiskang iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia para sa pagsasampa ng kaso laban kay alyas Jonalyn. (Richard Mesa)

Habang tumatakas, riding-in-tandem na snatcher sumalpok sa pick-up truck sa Malabon

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUGATAN ang dalawang kabataang snatcher nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pick-up truck habang mabilis na tumatakas sa Malabon City, Linggo ng umaga.

Sa inilabas na ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director P/BGen. Christopher Abrahano, magka-angkas sa motorsiklo ang mga suspek na may edad 22 at 19, nang tangayin nila ang bag sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa M.H. Del Pilar St., Brgy., Santulan, pasado alas-9:00 ng umaga bago mabilis na humarurot patakas.

Hinabol ng 40-anyos na biktima ang mga suspek na mabilis na lumiko sa Rodriguez Street hanggang mawalan ng kontrol sa tapat ng isang gasolinahan malapit sa kanto ng M. Santos Street at tuluyang sumalpok sa isang pick-up truck.

Kapwa duguan ang dalawang kawatan nang isugod ng nagrespondeng medical team ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Tondo Medical Center kung saan nananatiling nakaratay ang isa habang dinala na sa Malabon police station ang isa pa.

Sa pahayag ng biktima sa mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, laman ng kanyang bag na tinangay ng mga suspek ang isang bundle na salapi na nakabalot sa plastic na aabot sa P100,000.00, mobile phone, wallet na naglalaman ng P1,500 cash at assorted na ID, na hindi na nabawi ng pulisya sa mga suspek. (Richard Mesa)

GUN SAFETY ADVOCACY CAMPAIGN, INILUNSAD NG PNP CSG

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD ng PNP Civil Security Group (CSG) ang isang Gun Safety Advocacy Campaign upang isulong ang responsible firearm ownership, safe handling, proper storage, at prevention of unauthorized access to firearms.

Ang kampanya ay inilunsad sa gitna ng mga kamakailang insidente na may kaugnayan sa baril na kinasasangkutan ng mga menor de edad sa mga paaralan, na nagbigay ng panibagong atensyon sa kahalagahan ng pagpigil sa hindi awtorisadong pag-access sa mga baril at pagtiyak na ang mga baril na legal na pagmamay-ari ay maayos na nasusubaybayan.

Taglay ang opisyal na tagline na “OWN A GUN RESPONSIBLY. GUN SAFETY IS A CONTINUING DUTY,” binibigyang-diin ng kampanya na ang kaligtasan ng baril ay higit pa sa legal na pagmamay-ari. Hinihikayat nito ang mga may-ari ng baril na patuloy na magsagawa ng safe handling, secure storage, at accountability, lalo na sa pagtiyak na ang mga baril ay hindi maaaring ma-access ng mga hindi awtorisadong tao.

Taglay din ng kampanya ang mga hashtag na #GunSafetyStartsWithMe, #ResponsibleGunOwnershipProtectsFamily, at #SecuredGunProtectsEveryone, na humihikayat sa mga may-ari ng baril, mga pamilya, mga shooting club, mga kasosyong organisasyon, at mga komunidad na tumulong sa pagpapalakas ng mga praktikal na paalala tungkol sa kaligtasan gamit ang baril sa pamamagitan ng kani-kanilang mga aktibidad at plataporma.

“Kapag may baril, may kaakibat na responsibilidad. Hindi lang ito tungkol sa pagmamay-ari; kasama rito ang araw-araw na pag-iingat. Kung ligtas ang pagkakahawak at pagkakatago ng baril, mas napoprotektahan natin ang ating pamilya at komunidad,” sabi ni PGen Nartatez.

“Hindi natin kailangang hintayin na may mangyaring insidente bago natin seryosohin ang gun safety. Nasa simpleng pag-iingat ang malaking bahagi ng prevention—sa tamang paghawak, tamang safe keeping, at pagtiyak na hindi ito maaabot ng taong hindi dapat magkaroon nito. Sa ganitong paraan, lahat tayo may kontribusyon sa kaligtasan ng ating pamilya at komunidad,” dagdag pa ni PGen Nartatez.

Hinihikayat ng PNP ang mga may-ari ng baril, mga stakeholder, at ang publiko na tumulong sa pagpapalaganap ng mga mensahe sa kaligtasan ng kampanya sa pamamagitan ng mga angkop na aktibidad sa komunidad, at mga platform ng social media, hangad ng PNP na isulong ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” habang pinagbubuti ang isang kultura kung saan ang kaligtasan ng baril ay nananatiling isang patuloy na tungkulin. (PAUL JOHN REYES)

Pagpapaliban sa BSKE hahamunin sa SC

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUKUWESTIYUNIN ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Korte Suprema ang muling pagpapaliban sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na anila ay ‘unconstitutional’ o labag sa Saligang Batas.

Sinabi ni Namfrel Secretary General Eric Alvia na hinihintay na lamang nila ang clearance ng council upang makapaghain ng petition for certiorari sa Supreme Court (SC).

“Humihingi lang ako ng clearance sa council namin kung maghahain kami ng Petition for Certiorari sa Supreme Court, pero sigurado na may hakbang kaming gagawin para tutulan ito dahil alam namin na ang batas na ito ay unconstitutional,” pahayag ni Alvia.

Ipinaliwanag pa niya na mahigpit ang pagtutol nila sa pagpapaliban ng naturang halalan dahil humahadlang ito sa karapatan ng mga mamamayan na bumoto at mamili ng pinuno.

Tinukoy rin niya na ito na ang pang-siyam na beses na ipinagpaliban ang naturang halalan.

Una na ring nagpahayag ng pagkadismaya ang Namfrel sa pagpapalibang muli sa BSKE.

Ads September 29, 2026

Posted on: September 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments